Chapter 8
JASMINE…
ANG SAKIT ng buo niyang katawan. As in sobrang sakit, na para siyang lalagnatin sa sobrang sakit. Pero Hindi niya iyon pinahalata sa pamilya kahit na anong mangyari.
Tulad ngayon kahit na hirap na hirap siya dahil sa nanakit niyang balakang at p********e, nananahi pa rin siya.
“Jasmine, saan ka natulog kagabi?” tanong ng mama niya.
Itinigil niya ang pananahi at tinignan ang nanay niya, anong sasabihin niya. Ang paalam lang niya ay makikipagkita sa mga High Scool friends nya. At alam ng Nanay niya na may mga pamilya na ang mga kaibigan niya at malabong makitulog pa siya sa edad niyang ito.
“Hmm, kila Shane Mama. Nagkayayaan na mag-inuman, alam niyo naman ang anak ninyo hindi umiinom. Kaya ayon po, isang o dalawang bote lang nang beer plakda na. Doon na po ako pinatulog ni Shane,” pagsisinungaling niya.
Kinakabahan siya na baka mahuli siya ng nanay niya, halos tumulo na ang pawis niya sa noo sa sobrang antipasyon na maniwala ang Nanay niya sa kanya.
“Buti naman at do’n ka na natulog, baka kung ano pa ang nangyari sa ‘yong bata ka. Kaya dapat talaga bumili ka na nang sasakyan mo, para alam mong magmamaneho ka kaya hindi ka iinom sa kung saan-saan,” ani ng Nanay niya na ikinahinga niya ng maluwag.
Kulang na lang exaggerated siyang makabuga ng hangin at sabihin niya pa ang ‘Hoo’ na salita sa pag-exhale nya ng hangin. Iniwanan din siya ng Nanay niya makalipas lang ang ilang paalala nito. Ngayon na lang kasi siya hindi umuwi ng bahay nila, tapos hindi pa talaga siya nakapagpaalam ng mabuti ‘di tulad noon na nagsasabi siya kung uuwi ba siya o hindi.
“Para ito sa magiging baby ko,” aniya sa sarili niya.
Napahawak na naman siya sa may puson niya, panay ang dasal niya na sana mabuo ang inaasam niyang anak. Napapangiti siya habang iniisip ang magiging itsura ng anak niya, sigurado siya na mas gwapo ang magiging anak niya o ‘di kaya nama’y maganda. Aba ang Tatay ba naman ay nakakalusaw ng ulirat hindi pa ba siya aasang magandang lahi ang magiging anak niya.
Maganda naman siya kahit na simple lang siyang tao, alam niya sa sarili niya na maganda siya hindi siya pahuhuli sa mga magaganda d’yan sa paligid. Wala lang siyang sense of fashion at wala siyang kahilig-hilig sa pag-aayos sa sarili niya.
“Excited na ako para sa susunod na buwan,” bulong niya.
Huminga siya ng malalim bago muling hinarap ang kaniyang tinatahi, pero agad din siyang napahinto ng maramdaman ang sakit na naman sa kanyang p********e.
“Letse, sana pala sinilip ko man lang ang natatagong yaman ng Aston Martin na iyon. E ‘di sana may basehan ako bakit ganito kasakit ang Perlas ng sinilangan ko,” bulong na naman niya na naiinis ng kaunti.
Sa sakit na nararamdaman niya alam niya hindi talaga siya makakatapos nito, ang maganda pa pupunta na lang siya sa shop para doon kumuha ng mga natapos na mga damit para dalhin kila Dylan dahil nagtext ang lokong Dylan na kailangan niyang magdala ng damit ngayon sa bahay nito.
Bigla nawalan siya ng amor kay Dylan, siguro kasi mas gwapo naman ang tinamaan ng lintik na nakauna sa kanya kagabi. Pero kailangan niyang pa rin na magsipag dahil alam niya para naman na sa anak niya ang ginagawa niya.
………………………………..
PRESTON…
WAKING up the next morning is so disappointing with him. Wala na si Amphitrite sa tabi niya ng magising siya.
“Kainis,” pauli-ulit niyang binubulong iyon hanggang sa makarating siya sa bahay nila.
Balak niyang itulog na lang ang natitirang oras ng bakasyon niya, na ang unang balak niya sana ay maghapon pa niyang kasama si Amphitrit. Natawa na naman siya, hindi mawala sa isipan niya ang nangyari kagabi. At alam niya sa sarili niya na hindi niya makakalimutan ang gabing iyon na kasama ang dalaga.
“Ang ganda ng mood,” ani ng Daddy niya.
As usual, ang Daddy niya lang ang aabutan niya sa bahay kahit na linggo ngayon na sana ay nasa bahay lang din ang Mommy niya. But because she’s a public servant walang pinipiling oras o araw ang trabaho nito.
“Not really Dad,” aniya.
Lumapit siya dito para magmano, iyon ang isang bagay na hindi nawawala sa bahay nila kung ang Daddy niya ang makakasalubong niya.
“Saan ka na naman galing?” tanong ng kaniyang ama.
Sasabihin ba niya? But he thinks that its too personal. “Sa Bar, and then ended up in a hotel,” aniya but not in detailed.
“Did you used a condom?” nakakabiglang tanong ng tatay niya.
Napapantastikuhan siyang napatingin sa mukha ng tatay niya na seryosong nakatitig sa kanya at naghihintay ng sagot niya.
“Of course Daddy, iyong ang hinding-hindi ko makakalimutan na gawin.” Aniya na hanggang ngayon hindi pa rin makapaniwala na tinatanong siya ng gano’n ng daddy niya.
“Sana hindi na lang, kung ayaw mong mag-asawa at least give us a grandchild. Hindi kita minamadali noon dahil alam kong bata ka pa. Pero ngayon…” tinignan siya nito mula ulo hanggang paa.“Matanda ka na,” dagdag pa nito.
Nagulat siya na hindi niya alam kung paano siya mag-re-react sa sinabi ng tatay niya pero bigla rin siyang natawa nang malakas.
“I will Dad, mag-uuwi rin ako ng babae dito na magiging Ina ng mga magiging apo ninyo ni Mommy,” aniya.
At habang nagsasalita siya ang nasa isip niya ay si Amphitrite sa hindi niya malaman na dahilan. Hindi naman siya inlove doon, malabong sa unang beses lang na nagkita sila inlove na agad siya dito. Hindi siya naniniwala sa love at first sight, malabong mangyari iyon sa kanila.
“May babae ka nang napupusuan?” tanong ng daddy niya na para bang nabuhayan ito ng loob sa narinig.
Doon naman para siyang natauhan sa sinabi niya sa daddy niya. Pero huli na para bawiin iyon dahil sa nakikita niyang saya sa mukha ng daddy niya. Kaya ngumiti na lang siya bilang sagot dito.
“I’ll go ahead Dad, gusto kong matulog ngayon buong maghapon,” paalam niya.
Nasa hagdan na siya ng tawagin na naman siya ng kaniyang ama.
“I think it’s about time na magsimula ka na rin sa pagtake-over sa company, Preston.” Ani ng daddy niya na hindi naman niya ikinabigla.
Pero sa nature ng trabaho niya baka hindi niya pa kayang mapanindigan ang company ng Tatay niya.
“I will Daddy, pero sa ngayon hayaan mo muna akong sa race track. Uunti-untiin ko po ang pagpapaalam,” sagot niya na hindi na rin niya hinintay pa ang tugon ng ama niya.
Hindi pa rin kasi siya handa sa kaalaman na ipipilit na sa kanya ng ama ang kanilang company. Na alam naman niyang hindi na malayong mangyari, matanda na ang tatay niya kaya alam niya na naghahangad na itong magretiro.
“Pero hindi pa pwede ngayon Daddy, i still have a lot of things to settle. Lalo na sa SIS,” bulong niya ng makapasok na siya sa loob ng kwarto niya.
Agad siyang nahiga sa kama niya, nakapikit at balak talagang matulog lang nang bigla na lang nagpakita sa balintataw niya si Amphitrite. Iyong simple nitong mukha, na walang kahit na anong kolorete. Pero nang nasa kama na silang dalawa, gone with the innocent pure face. Isang wild, and seductress na ang nakita niya.
“F*CK!” malutong niyang mura.
Napatingin siya sa ibabang bahagi ng katawan niya, it’s hard as rock and he knows why. Pero hindi niya alam kung bakit ganito ang nagiging reaction ng katawan niya sa pag-iisip lang sa babaeng iyon.
Then the scene where Amphitrite is kneeling in front of him and senselessly sucking him…
“T*ngina, malala ka na!” sermon niya sa sarili niya.
Pero ang matindi sa lahat, palabas na siya sa kwarto niya. And his heading out for one reason, and that is to look for that woman, Amphitrite or who ever she is.
Pero nasa pintuan pa lang siya ng kwarto niya natigilan na siya ng tumunog ang cellphone niya. He had two phone always in his pocket. Ang isa ay para sa personal na gamit, at ang isa ay para lang sa SIS. At ang cellphone para sa SIS ang tumunog. At isa lang ang ibig sabihin noon, tapos na ang kaniyang bakasyon at may bago na naman siyang trabaho.
Huminga siya ng malalim bago napipilitan na kunin ang cellphone niya.
“Yes, Aplha? Poseidon is now reporting for duty,” aniya ng sagutin niya ang tawag nito.
Papaano nga naman siya magkakaroon ng matinong makakasama nito? Sa SIS pa lang kulang na ang oras niya. Hindi na niya pwedeng hanapin pa si Amphitrite ngayon, pero hindi ibig sabihin na hindi niya ito hahanapin. Hindi nga lang pwede ngayon dahil sa trabaho niya.
…………………………………..
ONE MONTH LATER…
JASMINE…
NANGHAHABA ang nguso niya habang itinataas ang panty niya. She have her period right now, kaya sira ang araw niya. Kaninang maaga nagising siya sa sakit ng puson niya, so she hurry go to the bathroom only to find out that she have menstrations. Naiinis siya pero wala naman siyang magagawa dahil hindi niya hawak ang mga pangyayaring tulad nito.
“Ginalingan ko naman pero bakit walang nangyari?” naiinis na naghuhugas siya ng kamay.
Napatingin siya sa mukha niya, “ginalingan ko ba talaga? Baka naman bumukaka lang ako? Bakit naman kasi wala akong maalala?”
Kahit na anong isip niya sa mga nangyari nang gabing iyon wala talaga siyang maalala na kahit na ano. Pero naisip niya rin naman na kung hindi siya nag-inom noon wala siyang lakas ng loob na gawin ang bagay na iyon. Sigurado siya doon, kahit pa kasado na ang lahat sa plano niya hindi niya iyon magagawa kung hindi siya nakainom.
“My epic one night stand,” bulong niya na naman sa sarili niya nang maalala ang Aston Martin na iyon.
Naalala niya ang mga nangyari noong nagising siya at ang ilang araw na ininda niya ang sakit sa p********e niya na hindi niya na natiis pinatingin na niya sa OB-GYN. She had a laceration, nilagnat talaga siya ng bongga ng mga sumunod na araw na halos isumpa niya ang Aston Martin na iyon. Kahit sa pag-ihi niya sinusumpa niya ang lalaking iyon ng paulit-ulit dahil sa sakit na nararamdaman niya.
Pero nakaya naman niya, gumaling siya at naka-recover naman siya. Siguro dahil doon kaya walang nabuo, kasi ang dami niya ring ininom na mga gamot gumaling lang siya sa punyemas na laceration na iyon.
Bumaba siya sa sala nila, napailing siya ng marinig ang malakas na sounds ng TV nila. Nanonood na naman ng drama ang mga oldies, katanghaliang tapat pa lang.
“Morning Mama, Morning mga Tiya,” bati niya sa mga ito.
“Morning Jasmine,” bati sa kanya ng mga ito ng sabay-sabay.
Hindi na siya tinanong ng Mama niya kung bakit tanghali na siya bumangon. Kabisado ng Nanay niya ang cycle niya kaya alam niyang alam ng nanay niya na may regla siya ngayong araw at kapag ganitong may regla siya tanghali talaga siyang nagigising.
“Breaking news na naman,” reklamo ng Nanay niiya.
Napatigil siya sa paglalakad ng mapansin niya ang litrato sa TV na pinapakita ng reporter.
“Naku, kawawa namang bata ito.” Sabi ng Tiya Salud niya.
Wala sa loob na napabaling siya sa sala nila at nakiupo na sa mga Tiya at Mama niya. Nasa balita ang naging aksidente ng isang kilalang race car driver na si Preston Martin.
“Preston Martin,” bulong niya habang nakatitig sa litrato sa TV nila.
“Oo anak, si Preston Martin iyong nag-iisang anak ni Senator Hilda Martin.” Ani ng Mama niya na narinig pala ang bulong niya.
Huminga siya ng malalim, Preston pala ang pangalan niya. Aston ako ng Aston.
Ayon sa report nagkaroon ng major car accident ang binata habang nasa gitna ng karera nito. Buti na lang hindi ito masyadong napuruhan at kailangan lang isemento ang paa nito at magpahinga. Ngayon Lang ibinalita pero halos isang linggo na ang nakalipas mula ng maaksidente ito.
“Ka-gwapong bata, kung ako ay bata-bata lang papatusin ko ang isang iyan. Aba hanggang ngayon wala pang asawa, tren’y dos anyos na. Naku hindi lang kami pinanganak sa parehas na panahon,” ani ng Tiya Salud niya.
“Hindi ka papatulan ng batang iyan, mangarap ka naman ng ka-level mo lang ate,” ani Tiya Cresencia niya sa Tiya Salud niya.
“Oo nga naman, mabuti pa itong anak ko. Pwede at may pag-asa sa isang Preston Martin kasi maganda ang anak ko,” pagyayabang ng Mama niya.
Wala naman siyang iniinom pero kanda samid-samid siya sa sinabi ng Mama niya. Tinakbo pa ng Tiya Trining niya ang kusina para lang maikuha siya ng tubig.
“Kakain na po ako,” paalam niya ng mahimas-masan sa pagkakasamid.
Iniwasan niya ang mapanuring tingin ng mga tiyahin niya at ng Nanay niya. Kung alam lang ng mga ito, na ang tinutukoy nilang Preston Martin na iyan ang unang lalaking nakabasag sa kainosentehan niya. Baka biglang magsi-suguran ang mga ito para kausapin ang binata.
Hindi naman niya iyon gagawin, siya ang may mali nang gabing iyon. Lasing siya at maling tao lang ang nahatak niya. Kaya walang ibang makakaalam nang namagitan sa kanila ni Preston, at babaunin niya iyon hanggang sa hukay niya.
“Jasmine, kanina pala nagpunta dito ang tauhan ni Dylan. Tinatanong kung may natapos na daw ba kayo? Kahit mga dalawa o tatlong pares lang daw na damit.” Ani ng Mama niya nang nasa kusina na sila.
Napapansin niya naaagad na talaga sila ngayon ni Dylan, halos wala na siyang nagawa o natatanggap na ibang mga gawang damit dahil sa order ni Dylan na hindi na natapos-tapos. Hanggang ngayon kasi padagdag ito ng padagdag ng order. Dati isang libong pares ng uniform para sa babae at isang libong pares naman sa lalaki ang order nito. Pero ngayon sa tantya niya naibigay na nila ang dalawang libong pares na iyon. Pero iyon nga padagdag ng padagdag si Dylan.
“Tatanungin ko pa sa shop Mama, hindi ako nanahi kahapon at tinatamad ako,” sagot niya.
“Malaki na ang kinita mo sa mga order ni Dylan, ano anak?”
“Opo Mama, kaso wala na akong ibang natatanggap na pagawa dahil sa order niya. Hindi nga siya mabusisi pero dahil sa inaagad niya kami hindi kami makadiskarte ng mabilisan na pananahi kasi kailangn na makatapos kami agad ng isang pares. Alam niyo naman ang mga mananahi ko mama, may mga edad na ang mga iyon, tapos dalawa lang silang nananahi talaga at isang master cutter at isang taga-tatak lang ang tao ko sa shop kaya kulang talaga ako ng tao para sa order ni Dylan. Wala naman akong mahanap na ibang mananahi,” aniya na talagang namomroblema talaga.
Sa shop niya nakakatapos ang isang mananahi niya ng apat o limang pares lang ng damit sa isang araw. Lahat-lahat na iyon pati iyong pagtatatak ng logo nila Dylan. Samantalang siya naman dahil lahat ay gawa niya, sukat, tabas, tahi, pati tatak na rin siya na rin ang gumagawa nakakatatlo o apat naman siya sa maghapon.
Mabagal ang production nila pero sa loob ba naman ng dalawang buwan ay alam niyang naibigay na niya ang lahat ng order ni Dylan. Buti na lang at hindi maselan si Dylan na matagal silang gumawa.
“Tapos hindi ka pa nakapagtahi ngayon, gusto mo ba igawa kita ng tsaa?” tanong ng Mama niya na tinanguan niya lang.
Nawala na sa isip niya si Preston sa buong maghapon na iyon, nagkaproblema kasi sa shop niya. Hindi nasabi sa kanya ng cutter niya na wala na pala silang tela at sinulid na kailangan sa tinatahi nila. Kaya kinailangan pa niyang magpunta ng divisoria para lang kunin ang mga kailangan nilang materyales. Wala tuloy silang naibigay kay Dylan.
“Dylan!” gulat na napagbuksan niya ito ng pintuan nang bahay nila ng gabi.
“Jasmine,” anito na napakaseryoso.
“Pasok ka,” aya niya sa binata kahit na hindi niya alam kung papasok ba ito sa loob.
“Hindi na hindi naman ako magtatagal. Gusto ko lang sabihin sa ‘yo na sana bukas makapagbigay ka ng uniform, kailangan kasi iyon sa negosyo namin. Mag-ooder pa ako ng panibagong set ng unifrom sa ‘yo, ibang design naman ngayon five thousand pieces,” ani Dylan na ikinagulat niya talaga.
“Dylan pasensya ka na talaga, hindi namin kasi nagawang manahi ngayon kasi hindi nasabi ng cutter ko na wala na pala kaming tela. Bukas oo magbibigay ako, kahit siguro mga anim lang idadala ko na agad sa bahay ninyo.”
Doon lang ngumiti si Dylan matapos niyang sabihin iyon. Naglabas ito ng cheque book at pumilas ng isa, nakasulat na doon ang paunang bayad nito sa kanya.
“Maghire ka na ng mga tao mo at mag-stock ka na rin ng mga tela para wala na tayong aberya sa mga susunod na transaction natin,” anito bago siya talikuran at tuluyan ng umalis.
Nagtataka na napatingin siya sa binata at sa cheque na hawak niya ngayon, mas malaking halaga ang ibinigay sa kanya ni Dylan ngayon. Isang milyong piso na para sa order nitong mga uniform.
“Pinapayaman mo talaga ako Dylan,” kausap niya sa tseke na hawak niya.
Biglang sumigid ang sakit niya sa puson, kaya napasimangot na naman siya. “Mayaman nga ako pero wala naman akong anak, kaasar.” Aniya at isinarado na ang pintuan.
Nang nasa kwarto na siya, naisip niya na naman ang epic one night stand niya. “Uulit pa ba ako?” tanong niya sa sarili niya.
Napahawak siya sa puson niya, tapos naalala niya ang mga pinagdaanan niyang hirap after niyang magpakasarap sa unang gabi na nawala ang pagkaberhen niya.
“Parang ayoko na kung ganon na naman ang sakit na mararanasan ko.”
Saka parang hindi niya kayang may ibang lalaking makasama sa iisang kama.
“Hay matulog ka na Jasmine marami ka pang gagawin bukas.” Aniya at natulog na nga talaga.
………………..