Chapter 3

577 Words
Chapter 3 *John Kelly’s P.O.V.   Hindi! Hindi ito maaari! Napatingin ako sa lalaking umaaray ngayon sa sakit ng pagbato ko ng sapatos na nadampot ko sa gilid ko. Tang ina! Ang galing ko palang babato. Tsk, ano ba tong naiisip ko, dapat intindihin ko sarili ko. Bakit nga ba ako nandito? Bakit kami nakahubad? At bakit masakit likuran ko, the heck! Ano ba namang buhay to! Sa dinami rami ng mangyayari sakin ganito pa. Gusto kong kumbinsihin sarili ko na walang nangyari sa aming dalawa, pero epal yung sakit ng pwetan ko. The f**k! Hindi ako makapaniwalang mangyayari sa akin ito lalo na sa mura ko pang edad. Kaka eighteen ko lang kahapon :( Ito na ba yung sinasabi nilang mabinyagan? Kainis naman! Bakit ba kasi napasama ako sa pagparty sa bar. Pesteng mga pinsan ko yan, dahil sa kanila kaya ako nandito. Hay nako Kelly, tama na pag iyak. Kailangan mong gumawa ng paraan para makaalis sa lugar na ito. Tama! Kailangan kong makaalis agad dito baka may iba pa syang balak gawin sa akin! Habang iniinda pa nya sakit ng pagbato ko sa manoy nya, kailangan kong umalis sa lugar na ito. Damn! Nasaan na ba damit ko? Bakit di ko makita sa sahig? San na ba yun napunta? Isip dali, Kelly, umisip ka ng paraan! Nagpalinga linga ako sa paligid, ayos! Nakita ko mga damit ko na nakasampay sa isang gilid malapit sa aircon. Wait, bakit nga ba nakasampay? Anyway, bakit ko nga ba poproblemahin yon? Kailangan kong makaalis na dito! Mabilis ang pagkilos ko, kahit nahihirapang tumayo, agad kong kinuha ang nakasampay na pantalon sa bakal na sampayan. Wala akong brief pero di bale na lang! Mahalaga may maisuot! Hindi ko malaman kung dahil ba sa kaba at pagmamadali eh ibang pantalon ang nahablot ko, pero di ko na magawang palitan pa ito kasi napansing kong nakakarecover na yung r****t. Apura mura na kasi nito. Kahit maluwag ang pantalon, isinuot ko agad ito, nahablot ko naman yung damit kong suot kahapon at agad na dinampot sapatos ko. Ni pagdampot sa medyas di ko na naisip. Nagmadali agad akong maisuot ang mga ito sa abot ng aking makakaya habang nagdudumaling makalayas sa lugar na ito. Nakalabas ako kahit papano sa kwarto nito, at ngayo’y namomoroblema paano makakalabas sa malawak na pamamahay nito. Muntikan pa kong matalisod dahil di nakasintas sapatos ko. At muntikan akong mabuang dahil sa hightech sliding door nito! Pasalamat din ako at matiwasay akong nakalabas sa high tech gate nito na hindi ko malaman kung paano gumagana! Pinagsumikapan kong talunin iyon! Nasang lugar ba ko at di ako pamilyar samga technologies na meron sya? Biruin mo yon? Dahil di ko alam pano paganahin para mabuksan ang gate eh tinalon ko! Medyo mataas din kaya! Nakakaasiwa pa na maluwag supt kong pantalon. Takte! Wala akong belt! Syet naman! Para tuloy akong timang na baliw na naglalakad sa napakalawak na village na ito. Tila ba isa akong sabog na maluwag ang pantalong suot at magulo ang buhok. Tangina, pinagtitinginan ako ng mga maids na nagchichismisan sa isang gilid, maging ang mga family drivers at gardeners eh nakamasid sa akin. Siguro inaakala nilang magnanakaw ako. f**k this life. Pinagtitinginan ako na akala mo masama akong tao! The heck! Pasalamat ako at malapit na labasan sa village na ito. Akala ko kukwestyunin ako ng bantay sa gate. Buti nalang hindi ako hinarang ng gwardya na may kakaibang tingin sa akin habang naglalakad palabas. Sa isip isip siguro nito eh may baliw na pulubi ang nakalabas ng village. Tsk. Napakamalas ko namang tao!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD