Chapter 4

1105 Words
Chapter 4 *Tyler’s P.O.V.   Napaluhod ako sa sobrang sakit ng pagkakabato sa manoy ko. Daig ko pa ang nasapak sa sobrang panghihina. Kupo, baka mabaog ako neto! Tang inang bata yan! Lakas ng loob. Ang tanga ko naman kasi, bakit di ako nakaiwas agad! Nautakan ako ng isang bata! Tang ina naman oh! Ilang minuto din akong nagpapahilom ng sakit sa sahig. Nakaalis ang binata ng walang kahirap hirap. Leche naman! Sumasakit ulo ko dahil sa nangyayari. Pano nga bang napadpad sa bahay ko yung batang yon? Bakit nga ba kami nakahubad na dalawa? Napakadaming tanong sa isip ko ang hirap akong hanapan ng sagot. Magkagayon man, 100% akong sure na walang nangyari sa aming dalawa, kaya hindi ako makakapayag na tawagin nya akong r****t. Kailangan ko syang makausap at matanong kung pano sya napadpad sa pamamahay ko. Balak ko syang sundan pero mas kailangan kong magpahilomng kirot sa bayag. Takte naman. Mamaya, mag iimbestiga ako upang mas malinawan ako sa nangyayari. Ang mahalaga sa ngayon ay makapagpagaling sa kirot, makapaligo, at makakain. Hindi ko na muna poproblemahin yung bata kasi alam kong hindi naman agad agad makakalabas ng village yon. Sigurado akong naharang yon ng gwardya sa gate ng village nato. Napakasungit non at sobrang istrikto. Sigurado akong di nya palalampasin na may isang batang ligaw ang nakapasok sa exclusive village na ito.   “Ring ring ring…” rining kong tunog ng cellphone ko. Agad akong napaiktad at hinagilap ito. Wushu.. si Jome pala ang tumatawag. “Oh hello brad, napatawag ka ulit?” tanong ko na medyo di pa rin komportable ang alaga. “Ugok! Panong di tatawag, pinutol mo agad yung linya! Ano ba nangyari dyan? Narinig kitang sumigaw, may nangyari ba?” kita mo to, napaka O.A. “Wala naman pre, may naligaw na pusa lang. Wag kang mag alala, kaya ko namang hulihin yon. Anyway, tanong ko lang, may alam ba kayo kung paano ako nakauwi?” “Aba, ako pa tinanong mo nyan ha Tyler? Kami tong iniwanan mo. Sakit kaya sa likod na matulog sa kotse. Kaming tatlo eh apura nagsasakitan mga buto, di kami makaunat ng maayos! Tapos ikaw nasa bahay hayahay buhay. Aba, kami itong tropa mong kasangga mo sa pag dadrama mo kasi broken hearted ka, pakyu ka!” Natawa ako sa sinabi nito. “Wag kang mag alala pre, last na inom ko na yon. Kakalimutan ko na si Veron. Hinding hindi na ako magpapakatanga sa pag ibig. Biruin mo, walong taon ang naging bula ng ganong kabilis. Tssk, nasayang lang effort at pera ko sa walang kwentang tao” sabi ko na may halong gigil. Napakatanga ko kasi eh “Buti naman at natauhan ka, sabi naman namin sayo, wala sa tagal ng relasyon nasusukat ang pagmamahal. Tama na yung pag inom inom at iyak mo sa amin. Nagsasawa na kami sa panget mong pagmumukha!” asar nito “Ulol! Ako pa sinabihan mong panget? Kapal mo naman brad, manalamin ka din minsan hahaha” “Ayun oh, sa wakas narinig din kitang nagbiro at tumawa, ganyan lang dapat pre. Dapat happy lang. Huwag kang mag alala, nandito lang kaming tropa mo. Kapag may problema ka, tawag ka lang, punta agad kami sayo.” “Salamat sa inyo. Medyo okay na ko dahil nandyan kayo parati sa akin. Alam mo namang mahirap mamuhay mag isa. Akala ko magkakaroon na ako ng masayang pamilya. Hindi rin pala” “Ay nako, magdadrama ka na naman, akala ko pa naman okay ka na?” “Gago!” “Gago mo rin! Hahah, oh ano na plano mo nyan pre? I’m sure nalaman na rin nila tito at tita nangyari sa inyo ni Veron, ano na gagawin mo?” tanong nito na ikinalungkot ko “Ganon pa rin pre, walang magbabago. Wala akong planong bumalik sa amin. Alam mo namang itinakwil nila ko kasi mas pinili kong mahalin si Veron kaysa sa kanila. At ngayong hiwalay na kami ni Veron, walang nagbago sa desisyon ko, ayokong lagi akong kinokontrol. Mas gusto kong mamuhay mag isa. Malaya at walang pinoproblema.” “Kung iyan ang desisyon mo, susuportahan ka namin. Ganon naman di ba magtotropa? Magkakapatid na turingan nating apat simula pa noon.” “Oo, salamat sa inyo Jome. Pasabi na lang din sa dalawang kumag na bawi ako sa susunod, sabihin nyo lang kung ano gusto nyo, nakaipon ipon naman ako, libre ko kayo.” “Nako, wala yon, wag ka ng mag abala, Yung ipon mo eh itabi mo nalang.” “Hindi pre, okay lang. Balak kong ibenta yung engagement ring namin sana ni Veron. Mukhang di ko rin naman pakikinabangan. Tingnan mo naman, trenta na ko. Baka wala na kong planong mag asawa.” “Gago, wag ka ngang magsalita ng ganyan. Ikaw nalang walang asawa sa ating magtotropa tapos gusto mo pang maging single forever? Walang ganon pre, yung future anak mo na nga lang inaasahan kong magiging lovelife ng dalawa kong anak eh. Alam mo namang may saltik sila Oliver at Rogel. Hahaha ayoko sa mga anak nila. Mga pasaway!” “Ulol, mga future anak ko agad pinuntirya mo, eh wala nga akong gf, o asawa” “Kaya nga humanap ka na agad ng kapalit, sa gwapo mong yan. Malabong walang magkagusto sayo” “Pag iisipan ko pre, nagmumove on palang ako, pero sa ngayon, magseset na lang ako ng araw kung kelan ako manlilibre.” “Oh sige, ikaw bahala. Pero kung ako sayo, wag mo munang ibenta yung singsing, baka mapakinabangan mo din agad yan.” “Malabo yon, oh sya, ligo lang ako. Sa chat na lang tayo mag usap usap na mga bugok. Bye”  paalam ko kay Jome   Hays…. napasalampak ako sa kama. Hindi ko alam kung ano na mangyayari sa akin. Trenta anyos na ko pero heto, mag isa na naman ako sa malaking bahay nato. Anyway, maliligo na muna ako at may aasikasuhin pa ako maya maya. Manghuhuli ako ng bwisit na pusa. Tumayo ako at kinuha ang twalyang nakasampay. Didiretso na sana akong magtungo ng banyo ng mapansin ko ang isang pendant na nakasabit sa isang hanger na katabi ng isang ripped jeans. Sinuri kong mabuti yung pendant. Maganda ito. Lalo na yung gem nito. May nakaukit ding JK sa likod nito. Hango siguro ito sa pangalan nung bata. Nakucurious talaga ako kung pano napadpad yung batang yun sa bahay ko. Anyway, pumasok nako sa banyo at naligo.   Habang nakatutok sa akin ang shower, patuloy ang pag iisip ko pano ko aalamin ang nangyari sa akin kagabi at kung paano ako nakauwi. Sa aking pag iisip, sumagi sa balitataw ko ang ripped jeans na nakasampay. Hindi sa akin iyon. Napabalikwas agad ako, napatingin ulit ako sa sampayan. At laking gulat ko na totoo ngang hindi sa akin yon. Sa binatang lalaki iyon! Kung ganon, pantalon ko ang natangay nya. Matutuwa na sana ako sa katangahan nya kaso nanlata ako bigla ng maalalang…… nasa bulsa non ang box ng engagement ring namin. Bitbit ko yon kagabi at isinuksok ko yon sa bulsa. Maging ang wallet ko natangay nya. The f**k! Naisahan ako ng batang yon! Magnanakaw ang tang ina! Bakit ba napakamalas ko?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD