Chapter 2

1293 Words
Chapter 2 *Tyler’s P.O.V. Dalawang linggo. Dalawang linggo ang lumipas na sobrang f****d up ang buhay ko. I’m so wasted! Sinubukan ko siyang suyuin na makipagbalikan at kaya ko pang maghintay ng tamang panahon kung saan ready na siyang pakasalan ako. Oo, napakatanga ko, napakamartyr ko. At napakawalang kwenta kong tao. Na kahit harap harapan niya akong saktan, nagagawa ko pa siyang lapitan, pagsumamuhan, pagmakaawaang mahalin nya ulit ako at makipagbalikan sakin. Dalawang linggo akong nagpapabalik balik sa kanila, sa trabaho niya para suyuin siya. Mukha nakong tanga! Nag aala zombie na din mukha ko kakaiyak. Pero sino nga bang mas kaawa awa sa aming dalawa? Ako di ba? Umaasa ako sa taong wala naman palang pagmamahal sa akin, kung sabagay, nalaman ko rin ang tunay na dahilan kung bakit ayaw nya akong pakasalan at ganon ganon nalang nya ko ibreak. Nalaman kong, mahal niya ko dahil mayaman ako. Mahal niya ako dahil sa gwapo ako. Mahal niya ako dahil nagagawa kong magpakatanga, magpakabulag, magpauto uto, at maging sunud sunuran sa lahat ng gusto niya. Kailan nga ba ko nagising sa katotohanan? Kung kailan nasaktan nako ng lubusan, at sinaktan pang muli ng walang habas. Nalaman kong may bago na agad siyang boyfriend. As in, wow, galing lang. 2 weeks akong nagpapabalik balik sa kanya para balikan ako at isalba ang walong taong relasyon naming, tapos ganon lang gagawin nya? Galing naman talaga oo! Wala na kong masabi! Kung sabagay, mas di hamak na mas mayaman, gwapo din namang nilalang ipinalit nya sa akin. Isang mayamang foreigner. Malamang sa malamang, kaya niya ako ganon lang kadaling itapon dahil may bago siyang taong lolokohin. Gagatasan ng pera, at uuto-utuin. Ang sakit. Sobrang sakit. Isang nakakahiyang pangyayari ito sa buhay ko. Napakamalas ko sa pag ibig. For 8 years, nagawa kong magpakatanga sa kanya. Nagawa niya akong paglaruan. Itinuring ko pa man din siyang true love, fake lang pala siya. Manggagamit! Napakawalang utang na loob! Kaya ipinapangako ko sa sarili ko na hindi na ako muling magmamahal. Ayoko ng masaktan pa. Ayoko ng maloko pa. Hays. I am the unluckiest person alive! f****d this world! Tagay! Mas mabuti pang enjoyin ko tong pag inom ko. Magpapakalasing ako hanggat gusto ko. Matutulungan ako nitong ilabas lahat ng mga saloobin ko. Aaliwin ko sarili ko. Hindi ko hahayaang magpakalunod sa sakit nato. At kinabukasan, sisiguraduhin kong walang kahit sino man ang makakasakit sa akin. NEVER AGAIN!   KINABUKASAN………………..  “Ring, Ring, Ring!” Tunog ng cellphone ko. May tumatawag. Kinapa ko ang katabing mesa para kunin ang cellphone ko. Arghh! Pagmulat ko ng mata, tangina! Ang sakit ng ulo ko. Parang binabarena. Tangina! Laklak pa more. Grabeng pag inom ginawa ko kagabi. Sino ba tong istorbong tumatawag? Chineck ko kung sinong lapastangang istorbo ang tumatawag. Ah, si Jome pala, kaibigan ko. “Oh hello par, napatawag ka?” tanong ko dito na walang kagana gana, medyo pupungas pungas pa mata ko. “Tang ina mo pare, bakit mo kami iniwanan kagabi! Ikaw na nga itong dinamayan sa pag inom kami pa iniwanan mo!” Ano ba yan, ang aga aga mura agad sinalubong sakin ng barkada ko. “Gago, di ko din alam pano ko nakauwi, kagigising ko nga lang eh.” sagot ko na walang kagatoy gatoy “Loko ka ba? Ganunan talaga? Ikaw prenteng prenteng nakatulog sa malambot na kama, tapos kami sa masikip at maiksing upuan ng kotse? Nasan ang hustisya?” reklamo nito. “Hahahaha gago, kasalanan ko bang dyan kayo abutan ng pagtulog? Ako nga maswerteng nakauwi, malay ko nga di ba kung pano ako nakabalik dito sa ba----fuvk!@!!#!#!“ Ganon ganon lang ang gulat ko ng may braso ang umakap sa bewang ko. Takte! Kinilibutan ako ng di oras! Akala ko kung ano na, braso lang pala. We-wait?.... braso? Di nga? Naguguluhan ako, panong nagkabraso dito? Dahan dahan tuloy akong napalingon sa may ari ng brasong iyon ng… “ARGHHHHHH!!!!!!! WHAT THE f**k ARE YOU DOING HERE!!!!!” sigaw ko na talagang napabangon ako sa gulat! Nasipa ko pa yung katabi ko na siyang ikinalaglag niya sa kama. Tang ina ba naman! May tao! “ARAY KUPO!” sigaw din nito malamang sa sakit ng pagkakabagsak nya. “Hoy ikaw! Sino ka? Ano ginagawa mo dito sa kwarto ko?!” bulyaw ko sa nagpupungas pang lalaki. Kayumanggi ito at may kapayatang taglay. Ayos naman ang pangngatawan nya. Halatang totoy pa lang at nag a undergo ng physical development. Pero bakit nga yon inalala ko? Di ko sya kilala! Nakakapagtaka kung paano sya napunta dito sa kwarto ko. Para makausap ng matino, lumapit ako panandali at sinipa sipa ng kaunti para magising. “Aray ko naman! Bakit mo ko sinisipa bunso? Kitang natutulog pa si kuya eh” sagot nito na di maipaliwanag ang gustong ipahiwatig. Iritado dahil sa ginigising o nararamdaman nya ngayon ang sakit ng pagkakalaglag sa kama? “Anong bunso ka dyan?! Sagutin mo tanong ko! Magnanakaw ka ba?” tanong ko ulit dito. Aba, bagal magresponse eh! “Ano ba problema mo bunso at ang ingay mo talaga! Kitang inaantok pa ak ---- AHHHHHHH!!!!!” sigaw nito na ikinatulig ng tenga ko. “Si-sino ka?!!!” sigaw nito sakin na syang ikinitaas ng dugo ko. Wow lang ha. Tang ina na, ngayong mulat na mata nya eh sisigawan nya ko? Lakas ng loob ah! “Hoy anong sino ka? Wag mo kong masino sino ka, baka nakakalimutan mo nandito ka sa pamamahay ko.” bulyaw ko dito. “Ha?” ani nito na napahinto sa pagsigaw. “N-nasa bahay mo? Te-teka nasan nga ba k---Ahhhhh!!!!!” Tang ina naman oh, kanina pa ko naririndi sa sigaw ng lalaking to. “Ano ba problema mo at apura sigaw mo ha!” sigaw ko din dito. “A-ano ginagawa ko rito? Hala! Oo nga, ano ba ginagawa ko rito, we-wait.. medyo nakalimutan ko na, ano ba yan! Teka, bakit ako nakahubad, at bakit parang masakit likuran ko? Hala sya! Arghh! Ang kirot! Takte naman! Bakit ang sakit… hala…. wag mong sabihing….. Hindi—hindi to maaari. Hindeee!!!!” sigaw ulit nito na sinundan ng iyak. Nagtaka ako sa biglaan nyang pag iyak, akma ko siyang dadamputin patayo ng….. “WAG MO KONG LALAPITAN!!! r****t KA! LAYUAN MO KO!!!!” sigaw nito na akala mong narape. Teka r**e? Anong r**e? Ano ba pinagsasabi ng batang to? Masasapak ko sya ng matauhan sa kalokohan nyang bintang! Lalapit na ko ng…. “Kuya wag po please!” sigaw nito. Napahinto ako at… WHAT THE f**k!!!! Ako naman ang napasigaw sa gulat! Ngayon lang rumehistro sa akin ang sitwasyon namin! Kapwa pa kami nakahubad! f*****g s**t naman oh! Naestatwa ko ng di oras, di ako makapaniwala sa sitwasyon namin. Pinagmasdan ko yung binatang umiiyak. Hindi to tama. Hindi maaaring may nangyari nga sa aming dalawa! Kapwa kami lalaki eh! Saka ang bata nya pang tingnan! Totoy na totoy pa! Napalingon tuloy ako ng di oras sa may kama upang siguraduhin kung tama ang haka haka ko. Hmmmmm mataman kong inobserbahan bawat anggulo ng kama at kwarto ko… wala namang nabago, sadyang lukot lukot lang kobre kama. Tapos yung mga damit kong sinuot kagabi at yung blue tshirt at black ripped jeans na hindi ko mawari kung sa akin nga, maski ang XL kong brief at di ko alam na size na boxer brief ay nakahanger….. teka teka, bakit nakasampay? Okay, okay, kalma lang Tyler. Sigurado akong wala namang nagyari sa inyo. Ikaw pa ba? Hinid ka pumapatol sa mga p****k at higit sa lahat, sa isang lalaki. Kahit lango ka sa alak, alam mong hindi mo kayang gumawa ng ganong kahindik hindik na bagay. “Anong tinutunganga mo dyan?! Hoy mamang nakahubad! Pwede bang magbihis ka! Nakakaasiwa ka alam mo ba yon?! Bakit galit yang t**i mo gago ka! r****t ka!” The f**k? Nabalik ang isipan ko sa sitwasyon namin dahil sa bunganga ng lalaking ito. Anong inaarte arte ng loko nato? Ako r****t? Wow lang ha! Hiyang hiya naman ako sa binibintang nya! “Hoy bata, hindi ako r****t, at mas lalong hindi kita pinagsamantalahan! Huwag kang assuming!” sagot ko dito. Naalibadbaran ako sa kanya. Lalapitan ko sana sya para makausap ng maayos ng ganon ganon na lang ang sakit na naramdaman ko. Tangina! Binato ba naman ako ng sapatos. Sapul pa manoy ko! THE f****d! I AM THE UNLUCKIEST MAN ALIVE!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD