Chapter 1

1455 Words
Chapter 1 Tyler’s P.O.V.   “Tyler my brother, good luck sayo! Fighting!” “Cheer ka namin bro, wish you good luck!” “Good luck bestfriend! Dito lang kami para sayo! Wag mo kong kalilimutang gawing best man ha!”   Tsk. Kita mo tong mga repapips ko, very supportive! Kinabahan tuloy ako hehehe. Hayysss, this is it guys! Ito na ang araw na pinakaaabangan ko. I’m really nervous yet excited kasi ba naman, after 8 long years of relationship with Veron, I am now ready to be with her forever. Sana maging successful itong proposal ko. Time check, 4:58 pm. 2 minutes na lang bago ang pagdating ng mahal ko mula sa meeting nito. Pano ko nasabi? Syempre, isang bagay lang ang sagot, kalkulado ko lahat ng oras. Sobrang pinaghandaan ko ang araw na to. Mula sa preparation, paghahatak ng kasabwat, at pati pasabog sa pagdating nya. Lahat nakaayon sa schedule. Hayssss. Sa ganda ng plano naming ito, I’m sure magiging successsful ito. Kahit kinakabahan ako sa mangyayari at masyadong lumalakas ang pagkabog ng aking dibdib, tuloy ang plano. Hindi nako nakapaghintay! Arggh! Nako Tyler, wag ka naman sanang pumalpak at mautal! Matagal mo na tong pinangarap di ba? Inhale……. Exhale…… Nakakailang inhale exhale nako. Arghh! Dinadaga ang dibdib ko ngayon kainis! Time check, 30 seconds nalang natitira! Luminga linga ako sa paligid, tanaw ko ang mga kinakabahan ding partners in crime ko. Maski ang boss nya na kakuntyaba ko para maging maganda tong surprise proposal ko eh todo ang pag aabang. “Psst!” baswit sa akin ni Jome, isa sa mga tropa ko. Pilit nitong nginunguso yung pintuan ng office ni Veron. The F*ck! Kita ko kung pano unti unting umiikot ang seradula nito. Kupo! Nandito na siya! Three…. Two…. One….. SURPRISE!!! Sabay sabay na sigaw namin ng pumasok si Veron. Kita ko ang pagkagulat niya sa surprise namin. May pa-lobo, banderitas, confetti at red rose petals na nakasabog sa paligid, sabay pagflash ng video presentation ng mga happy and sweet moments naming dalawa. Sinaliwan pa ito ng very romantic love song naming dalawa.. “A-anong ibig sabihin nito?” ang di makapaniwalang wika nito na hindi mo maikakailang sobra siyang nasorpresa. “Hehehehe, it is a surprise for you babe. Happy 8th anniversary to you babe, I love you!” nakangiti kong sabi sabay abot sa kanya ng napakagandang boquet syempre with pahabol na kiss! Yun oh naka-score ako hahaha!. “Ha? Anniversary ba natin ngayon? Sorry babe! Nakalimutan ko! You know me naman, napakabusy kong tao.” sabi nito na halatang hindi alam ang idadahilan sa akin. At first nagtampo ako dahil sa nakalimutan na naman nya yung ganitong mahalagang okasyon, but still, hindi yun dahilan para di ko makalimutan pinaka main agenda ko. “Hehehe okay lang yun babe, naiintindihan ko, madaming Gawain sa work, pero may sasabihin sana ko sayong importante” sabi ko na pinipilit gawing sinsero ang lahat. “A-ano yun?” tanong nito na halatang curious sa nais kong sabihin. Heto na, inhale, exhale, “Go Tyler, kaya mo to. Para sa future!” pagbibigay lakas loob ko sa sarili ko. “Hmmm, Babe, you know how I really love you. Ang dami na nating pinagdaanan na magkasama. Lagi kang nasa tabi ko sa lahat ng oras. Napapasaya mo ko sa tuwing malungkot ako. At higit sa lahat, minahal mo ko ng walang alinlangan. Sabihin man nilang cheesy, pero sa totoo lang, sobra sobra kitang mahal. Alam mo yan. Sinalungat ko ang kagustahan ng sarili kong pamilya para lamang makasama ka. Ipinaglaban ko ang pagmamahalan natin kahit na itakwil ako ng sarili kong ama. At ngayong handa na ako para bumuo ng isang masayang pamilya, Veron, mahal ko, Will you marry me?” Lumuhod ako at inialok sa kanya ang engagement ring na pinacustomized ko pa. 24 carat gold ito na may nakaukit na “Mi Amore” at may tatlong dyamante. Hindi ko alam kung ano tong nerbyos na nararamdaman ko, pero salamat at naitawid ko ng matiwasay ang madamdamin kong pagpapahayag ng saloobin na siyang daan para sa pinapangarap kong paglevel-up ng relasyon naming dalawa.. Inaantabayanan ko ang magiging sagot at reaksyon nya.  Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Mataman akong nag aabang sa magiging sagot niya, ganun din ang mga nakapaligid sa amin. Wala ni isa man sa amin ang nais gumawa ng ingay, maski paghinga ay pigil na pigil. Inhale… Exhale…. Kabado akong nakatitig sa bawat kilos niya, sa reaksyon niya na para bang gulat na gulat sa pagpo-propose ko. Maya maya pa, nagsalita na din sa wakas ang aking mahal. “Saglit lang babe ah, hmmm wait…” sabi nya habang abala sa pagkalikot ng bag niya. Hays bakit kaya? Medyo curious kong sabi sa aking isipan. “Oh there it is! Thanks God! Hmmm wait lang babe ah, pili ka, head or tail?” ani nito na ipinagtatakahan ko. “What do you mean babe?” naguguluhan kong pagka-clarify ng sinabi nito. “I said choose between head or tail.” seryoso nitong usal. “H-Head?” sagot ko na sa totoo lang naguguluhan ako. “Owkey…” sagot nito. Pinagmasdan ko lang ang mga kilos nya. Laking gulat ko na lang na maya maya ay may inihagis ito. Taragis yan! Nalaglag mga panga namin dahil sa ginawa nya! Nagtoss coin ba naman ng di oras?! For what?!! “Oh my gosh!, sorry babe, tail ang lumabas. So, my answer for your question is NO.” “Huh? A-anong No?” “Tyler my babe, I said my answer is No, it means, I will not goin to marry you. Oh sya ba-bye na nga, may lakad pa ko. Better luck next time na lang.” THE F*CK!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Ganun ganun lang yon?!!!! Iniwanan nya kong nakanganga sa hangin? Na di man lang siya natuwa sa ginawa ko? Na mas inuna pa niya lakad niya? Anong klaseng sagot naman yon?! Hinabol ko siya, di alintana ang bulong bulungan sa aking paligid. “Veron!” tawag ko sa kaniya. Nabutan ko siyang papasok sa elevator. “sandali!” pigil ko dito “Oh babe, bakit? “ tanong nito na parang walang nangyari “Mag usap tayo” sagot ko “Nako babe, di ba pwedeng mamaya na lang? I will call you mga bandang 10pm?” “Veron naman, di mo ba napapansin na sobra akong nasasaktan sa ginawa mo? Ang tagal kong pinlano pagpo-propose ko sayo. I really love you, at sa tagal na nating magkarelasyon, di ba espesyal na gusto ko ng lumagay na tayo sa tahimik?” madamdamin kong pahayag “Tyler, pwede bang wag na muna natin yang pag usapan? As you can see, nagmamadali ako. I really need to go na, baka matraffic pa ko” “Veron! Di mo ba ko seseryosohin ngayon? Napakahalaga ng ginagawa kong ito para sa relasyon natin tapos uunahin mo pa yang lakad mo na hindi ko alam?’ “Anong hindi alam, Tyler, you know naman na sales today sa mall, ilang beses ko ng ipinapaalam sayo na mag sa-shopping ako di ba. So masama na ba yon?” “Veron naman! Uunahin mo pa yang shopping mo? Nasasaktan ako alam mo ba yon? Kay tagal kong pinaghandaan na alukin kita ng kasal tapos gnaon ganon lang ginawa mo sakin? Toss coin tapos uunahin shopping? Mahal mo ba talaga ako?!” nagpupuyos kong tanong. Di ko na mapigilang di mapaluha sa sobrang pagkaawa ko sa sarili ko. “Tyler, ilang beses ko din bang sinabi sayo na di pa ko ready sa kasal na sinsasabi mo. Masyado pa tayong bata. Di ba pwedeng enjoyin muna natin edad natin?” “Veron! 30 na tayo pareho! Di pa ba sapat na edad yon para mag pamilya? Kaya naman na nating bumuo ng isang masayang pamilya! Kaya na kitang buhayin at ang mga magiging anak natin!” “I’m sorry Tyler, pero hindi pa talaga ako ready magpakasal.” “Veron!” “Ano ba Tyler! Kay kulit mo rin ano? Sinabing di pa ako ready magpakasal! Now, kung di mo gagalangin desisyon ko, mas mabuti pang maghiwalay na tayo” “What?!!!” “Wag mo kong ma-what-what diyan. Sabi ko break na tayo!” “Veron naman, walong taon na tayong magkarelasyon, tapos tatapusin mo nalang ng ganon ganon? Di ba mahalaga sayo yung pagsasamahan natin?” “I’m sorry Tyler, sa lahat ng ayoko ay yung pinangungunahan ako sa buhay ko. Sinabi ko sayong di pa ako ready magpakasal sayo. Kung hindi mo rerespetuhin desisyon ko, break up lang ang alam kong solusyon. Now, I need to go na, masyado ng maraming oras ang nasasayang sakin, baka di pa ko makaabot sa mga magagandang items na sale today. Bye” sabi nito na dire diretso ng iniwanan akong nakatulala   Naninikip ata dibdib ko dahil pinaramdam niya sa akin na para akong basura na ganon lang kadaling itapon. Di man lang niya kinonsider ang efforts ko para sa kanya. Di man lang ba niya naramdaman kung gano ako kaseryoso sa kanya? Na sobra sobrang pagmamahal ang kaya kong ibigay. Inuna pa niya sarili niyang kaligayahan na mag shopping! Tanginang buhay to! Napasalampak ako sa sahig, nanghihina ang tuhod ko sa dami ng nangyari. Di ako makapaniwala na ang taong minahal ko ng lubusan ay labis akong sinaktan. Ano ba ko para sa kanya? Di ba niya ko kayang tanggapin bilang asawa niya? Napaiyak ako sa sakit na nadarama ko. Sunod sunod naman akong dinamayan ng mga malalapit kong kaibigan, na habag na habag sa dinanas kong rejection sa buhay. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD