Chapter 7

670 Words
Chapter 7 Tyler’s P.O.V   Napabihis agad ako ng di oras dahil sa nalaman ko. Hindi ako maaaring magkamali. Nanakawan ako! Natangay ng batang yon ang engagement ring namin sana ni Veron at maski ang wallet ko. Tarantado sya, bagong modus operandi siguro ito ng mga kawatan. Inantabayanan nya siguro ako saka tinarget. Tangina sya, don sya nagkamali! Ako pa binangga nya! Matapos magbihis, lumabas ako ng bahay at magtutungo ako sa office ng mga gwardya. Sa malamang, nasa kustodiya nito yung magnanakaw na yon. Ngunit, sa aking pagtataka, apura bulungan ang aking napansin. May kung anong chismis na naman atang umiikot sa village na ito. Anyway, wala akong pakielam, di ko sila kailangan sa buhay ko. “Nako mare, alam mo ba ang nakita namin kanina? May isang binata ang tumalon sa gate na nanggaling sa bahay ni Mr. Snobber” rinig kong bulong ng isang kasambahay “Hala, nakakapagtaka naman, simula ng lumipat yan dito sa village natin, wala naman tayong nakikitang bisita yan. Mag isa lang sa buhay yan. Di nga natin alam kung may syota yan kasi laging snob. So, sino kaya yung binatang lumabas sa bahay nya?” tanong ng kausap nito “Di ko nga alam mare eh, kawawa nga yung binatang yon, takot na takot na tumalon sa gate nya. Kalunos lunos ang sinapit, akala mong narape. Di ako makapaniwalang may masamang pag uugali yang gwapong snobber nayan” ulinig kong bulong pa nito. The f**k? Komot ba mag isa lang akong naninirahan eh may masama ng intension sa buhay? saka hello? Bakit mukhang ako pa ang lumalabas na masama? Ako kaya itong nanakawan! “Ay grabe naman pala kung ganon nga ang sinapit nung lalaki…., heto lang ha… nabalitaan ko lang kay Pekto na nung rumoronda sya kagabi, lasing na lasing yang Tyler na yan. Pero nagulat sya kasi may isang binata ang naghatid sa kanya sa bahay.” “Hala, kung yung binata nga na nakita natin ang naghatid, kaano ano sya ni Tyler? Bakit para namang narape nung umalis ng bahay ni Tyler? Saka kilala nyo naman si Mang Iking, napakasungit at napakaistrikto. Hindi nagpapapasok yon ng ganon ganon lang. Malabo naman ata yang nakita ni Pekto” “Mare, totoo tong kinukwento ko, base rin sa kwento ni Mang Iking, yung binatang naghatid eh syota ni Tyler! Alam nyo bang 18 years old lang yung binata, tapos heto pa, 8 years na silang magkarelasyon! Biruin nyo yun? 10 years old pa lang yung lalaki shinota na!” “Aya! Pedophile si Tyler?! Di ba trenta na sya? Bakit naman pinatulan sya nung bata? So, kung totoo ngang magsyota sila, Bakit naman nirape sya ni tyler? Grabe, nakakatakot naman yang gwapong snobber na yan.” “Eh balita ko pa, nakipagbreak yung binatang yon, nag iiyak at makaawa daw si Tyler. Kaya siguro naglasing. Naaawa lang yung binata kaya hinatid napauwi. Nakakaawa naman, kaya siguro nakipagbreak kasi sadista yang pedophile na yan! r****t yang gwapo na yan. Dapat dyan binibitay!” Hay nako, di ko malaman kung lalamunin ako ng lupa o hindi. Ako tong nahihiya at nasisiraan ng bait sa mga kwentong kalye nila. Ako pedophile? r****t? The f**k! Ako tong nanakawan! Ako pa masama ngayon? Tsk, dapat sa mga chismosang yan eh dinidisinfect bunganga. Kung ano anong kwentong basura lumalabas sa bibig! Kaya nagmadali akong magtungo kay Mang Iking para malaman ang totoo. Na sana nasa kustodiya nya yung binatang magnanakaw. Pagdating ko sa office nito, walang binatang nakakulong. Nagtanong ako kung nasan ito. Ang sabi nito ay nakalabas na ng village. Nagtaka ako bakit nya hinayaang makalabas ang isang hindi otorisadong nilalang sa exclusive village na ito? Pero ang sagot lang nito…. ay pareho ng mga narinig ko. Bakit daw pinahihirapan ko yung isang disiotso anyos na binata. Maganda pa daw tatahakin nitong buhay, bakit kay aga aga ko daw inagaw ang kalayaan nito. The heck! Hayaan ko na daw maging Malaya. Matanda nako, maghanap na lang daw ako ng kasing edaran kong mamahalin ako. Tigilan ko na daw pagiging pedophile ko. Like the f**k?! Namula ako sa inis dahil parang may mali sa nangyayari! Bakit ako tong naging masama? Ako tong nanakawan di ba?! Bakit ganon?! Napakamalas ko namang nilalang! Masisiraan na ata ako ng wisyo sa nangyayari!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD