Chapter 8

1566 Words
Chapter 8   John Kelly’s P.O.V.   Naiiyak ako ng magbalik tanaw ako sa nangyari. Ano ba tong kinakasadlakan ko. Nakakapanghina ng loob. Tulala akong nakatanaw sa mga nagdadaang sasakyan. Ilang oras din akong nasa ganitong sitwasyon. Para akong tanga na nakatulala sa ilalim ng init ng araw. Nagising lang ako sa reyalidad ng biglang umangil ang tiyan ko. Shit, nagugutom nako. Siguro dahil sa human instinct, normal lang na mapahawak ako sa bulsa para kumuha ng pera. Ganon nalang pagkabigla ko ng may makapa ako. Tangina, naalala ko nga palang nagkamali ako ng dampot ng pantalon! Chinek ko laman ng bulsa ko at laking pagkamangha ko na may isang box sa kanang bulsa nito. Agad kong tiningnan laman nito at isang makinang na singsing ang aking nabungaran.  Hala sya! Kelly! Ano tong pagkakamaling nagawa mo. Mamahalin tong singsing, mukhang tunay na gold at diamonds ang nakikita ko. Nagpalinga linga agad ako, at buti walang ibang tao. Agad kong isinara yung box at itinago sa bulsa. Kinabahan ako don. Hays,…. Natatakot ako kasi baka akalain ng lasinggerong manyak na yon na magnanakaw ako. Ayssst!!!!! Ayokong mangyari yon! Napakapa ulit ako sa bulsa sakaling may laman man lang kahit bente na pantawid gutom. Sa patuloy kong pagkapa sa mga bulsa nito, isang makapal na wallet ang nahawakan ko sa likurang bulsa. Agad kong sinilip ang laman at puro lilibuhin ang laman! Takte! Mayaman nga sya! May mga resibo, atm cards na laman ito. May pictures nya rin. Parang 15 years old sya dun sa isang picture nya. May isang picture din na may kasama syang babaeng maganda. Hmmm I think ito yung Veron….. na hiniwalayan sya. Kung ako sa lalaking to, hindi ako papaapekto sa break up nila. Napaka average lang kasing tingnan nung Veron, di kagandahan. Mukhang maatitude at mukhang pera. Sorry ha, opinion ko lang yon. Yun  kasi impression ko sa picture nung babae. Siniyasat ko pang mabuti ang wallet, at ayun, may personal info naman pala. Salamat sa isang ID na nandoon. Gwapo naman sya infairness. Kaso sa edad nya, talagang mukha syang mature. Pang artistahin, pwedeng cover ng magazine. Oops, bakit ko ba naisip yon? Eh maniac na r****t nga pala sya. So….. Tyler Brown ang name nya. Hmmmm. Nice, bagay sa kanya. Kaso r****t sya. Anyway, sorry Mr Tyler Brown, uutang muna ako sayo ng pera pamasahe at pambili ng pagkain. Total, kasalanan mo din naman to eh. Hahahaha. Agad akong kumupit ng 1k, nangharang ako ng taxi at nagpahatid sa isang malapit na fastfood chain. Buti na lang may nagtitinda ng belt sa may labasan kaya hindi ako nahihirapang pilit inaangat ang maluwag na pantalon nito. Yun nga lang, ang awkward tingnan na fit na shirt ang suot ko tapos sobrang luwag naman ng pantalon na mukhang pangmatanda sakin hays… bakit ko ba pinoproblema yon? Gutom ako ngayon kaya lalamon muna ko. Makalipas ang ilang oras na pagkain, nagdesisyon na akong umuwi. Sa aking pagbaba sa labas ng subdivision, agad akong sinalubong ng yakap ng mommy at daddy ko. Kapwa sila nag iiyakan. The f**k! Ano idadahilan ko? Ayokong malaman nila na na-r**e ako! “Anak naman! San ka ba nanggaling?! Alalang alala kami sayo! Di kami nakatulog ng daddy mo kakahanap sayo. Di ka daw kasi mahagilap ng mga pinsan mo sa bar na pinuntahan nyo!” ang naiiyak na salubong nito na may kasamang yakap. “Okay lang po ako mommy, wag na kayong mag alala, nandito na ‘ko oh” sagot ko para di na siya mag alala pa “San ka ba kasi nanggaling? Bakit di ka nagpaalam?” “Mommy naman, alam nyo naman po kasing ayokong nagtutungo sa bar, ayoko ng amoy ng alak at sigarilyo tapos pinayagan nyo mga siraulo kong pinsan na isama ako sa bar. Birthday na birthday ko, tapos kung ano ang ayaw ko yun pa pinayagan nyong gawin nila” ang pagrereklamo ko. “Sorry anak, kasalanan yan ng daddy mo eh. 18 ka na daw kasi kaya pinilit nya kong payagan ka.” sagot ni mommy na nakairap kay daddy. Kita kong naguilt si daddy. “Wag mo ng uulitin yon dad!” kunwari galit ako “O-oo, promise anak, di na mauulit. Sorry na ha?” sabi nito na napapakamot ng ulo “Okay, oh sya gusto ko ng maligo, uwi na tayo mom, dad” “Sige” Sumakay kami ng kotse namin, si daddy ang magdadrive. Pero pagpasok ko, isang nagtatanong na tingin ang ipinukol sa akin ng bunso naming si Kiel. Nandito pala ang bansot nato. Magkatabi kami sa passenger seat samantalang magtabi sa harap sila mommy at daddy “Bakit ganyan suot mo? Ano ba nangyari sayo?” ang nanunuri nitong tanong “Ah ito ba? Nagsuka kasi ako, kaya pinahiram ako ng kakilala ko” pagsisinungaling ko “Kailan ka pa nagkaroon ng kakilalang baduy? Saka ang luwag luwag nyan, pang matanda yang suot mo. Siguro nakipag s*x ka sa matandang lalaki noh?” bulong nito na ikinagulat ko. “So, based on your reaction, totoo nga” dagdag pa nito na pabulong din “A-ano ba yang pinagsasasabi mo? Hibang ka ba? Nag aadik ka ba Kiel?” kundena ko, pero mahina lang “Kilala kita kuya, wag mo kong pagsinungalingan. Wag kang mag alala, di ko sasabihin kila mommy at daddy.” sabi nito na talagang inakbayan ako at nakangiting nang aasar “Wag ka ngang baliw, mapaggawa ka ng kwento” “Tsk tsk tsk. Huwag ako kuya, hindi mo kayang magsinungaling. Halata ka na, don’t worry, may isang salita ako, lihim lang natin to. Unless, kung hindi mo ko pahihiramin ng kotse mo…. baka dumaldal tong bibig ko” Aysst! Nakakairita tong bunso namin! Kinse anyos lang yan pero utak manggagantso na! napaka tigas ng ulo! “Wag nga ako Kiel, sabi ni daddy, kapag 16 years old ka na saka ka hahayaang mag aral magmaneho ng kotse, saka bibilhan ka din nila ng sarili mong kotse. Pitong buwan na lang naman eh mag si-sixteen ka na.” pagtanggi ko sa nais nya “Sige na, pahiramin mo na ko kuya. Kailangan kong maimpress gf ko eh” bulong nito “Kiel! Di ba sabi nila mommy at daddy, kapag 18 years old lang pwedeng magsimulang magkaroon ng gf!” bulong ko “Bakit ba? Inggit ka lang kasi may gf nako bleh” asar nito “Susumbong kita kay daddy, sinuway mo utos nila satin! Bawal mag gf before mag 18 years old!” nangigigil kong bulong “Edi isumbong mo, susumbong din kitang  nakipagsex ka na. Alam mo namang bawal makipag s*x unless 21 years old na tayo. Utos yon ni mommy“ “Hindi nga ako nakipag s*x kulit mo!” bulong ko na pilit ipinapaunawa sa kanya “Wag ako kuya, halatang halata sa leeg mo na may hickey ka!” sabi nito na syang ikinaputla ko! Agad akong nagpasimpleng tingin sa salamin at ganon nalang pagkadismaya ko na meron nga. Buti medyo tago pero nakita parin to ng gungong kong bunsong kapatid! “So, payag ka na ba sa deal natin?” tanong nito na tinataas taas pa kilay “No! mali yang iniisip mo, walang ganong nangyari sa akin. Ikaw tong may nilabag na rule, nag gf ka tapos gusto mong magmaneho ng kotse. Mananagot ka kila mommy at daddy!” bulong ko sakaling matakot sa babala ko. “Edi sumbong mo” sabi nito. Ahhh ganon ha--- “Mommy, daddy, tanong ko lang, ano nga po pala yung isang rule nyo sa amin kapag nag 18 na kami?” ang biglang tanong ni Kiel. The heck! Pinandilatan ko sya ng mata na ikinangisi lang nya. “Di ba mommy and daddy, pwede na kaming mag gf non, pero bawal makipag s*x unless tumuntong ng 21 years old right?” sabi nito. “Oo, bakit mo natanong Kiel?” tanong ni mommy “Eh pano po kung halimbawa 18 na tong si kuya JK tapos nakipagsex sya? Ano po magiging reaksyon nyo?” tanong nito na ikinakaba ko ng todo. Kinurot kurot ko ng palihim tong tampalasan kong kapatid! “Ano ba Kiel, wag kang ganyan sakin!” mahina kong babala na sinagot lang naman nya na, “Deal or no deal? Di mo ko mapagsisinungalingan kuya JK, alam kong nakipagsex ka. Amoy ko pa sabon na gamit mo, ibang iba sa paborito mong sabon. Manly masyado yang gamit mo ngayon. Kaya wag ka ng magkaila” simpleng bulong nito na nandidilat ang mata. Arghh! Kainis! Di ko matatakasan tong pang ba-blackmail nya! “Kiel, hindi ako natutuwa sa tanong mo na yan ha. Bata pa kayo, sinabi na namin sa inyo na age of 18, pwedeng mag gf, pero bawal ang s*x, dapat sa edad na bente uno lang. Para stable na buhay nyo at mature na kayo para alam nyo magiging responsibilities nyo if ever na gawin nyo na yon. Maliwanag?” sabi naman ni mommy. Nakamasid sa akin si Kiel at nag aabang ng sagot sa gusto nyang mangyari. Gusto kong humindi pero--- “Eh paano mommy kung sa matandang la---“ pinutol ko na sasabihin nya. Okay, ako na talo. “Deal, pumapayag na ko sa gusto mo, basta secret lang natin to.” ang naiiyak kong bulong Napahagalpak sa saya si Kiel dahil don “Ano ulit sinasabi mo Kiel?” tanong ni mommy “Ahh wala po mommy, sabi ko po kapag matanda na kami at mature na mag isip saka namin gagawin yon. Ayaw namin kayong bigyan ng problema. Ayaw po namin kayong maging panget na lolo at lola agad hehehe Di ba KUYA JK? HAHAHHA” sabi nito na may waging ngiti “Bwisit kang bata ka, kung ano ano pinagsasasabi mo dyan! Dito na tayo sa bahay, ikaw maghugas ng pinggan mamaya! Loko ka, panget na lolo at lola? Ang ganda ganda ko kaya. Grabe ka.” ang sentimyento ni mommy Hays…. nakahinga agad ako ng maluwag. Pumasok na ko ng bahay na parang walang lakas. Aakyat na ko papuntang kwarto ko ng bigla nalang ako inakbayan ng kupal kong kapatid at nagsabing… “Magkukwento ka pa rin sakin kung ano ginawa nyo ng matandang nakasex mo ha kuya!” sabi nito na ikinapula ko sa galit Tang ina! Napakamalas ko!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD