Chapter 6

1816 Words
Chapter 6 *John Kelly’s P.O.V.   Napatayo ako ng di oras ng medyo naalala ko na ang nangyari sa akin! Pesteng mga pinsan kong yan! Sila ang salarin kung paano ako napunta ng Bar. Tama, sila ang salarin. Sila ang dahilan kung bakit sa sobrang desperado kong makauwi, nakilala ko yung lalaking siraulong nagtatawag ng uwak na syang nanamantala sa akin.   >>>Flashback Yung tipong aligaga ka sa pag iisip ng paraan pano makakauwi ng biglang may sumuka sa likuran mo. Isang lalaking lasing ang hirap sa pagbukas ng kotse nito. Sa pagbabakasakali lang naman, sinubukan kong magpresentang ihahatid ko siya pauwi sa bahay nito kapalit ng bayad bilang pamasahe pauwi hahaha ayos di ba. Kay galing naman ng pagkakataon. Kung kailan kailangan, saka dumating. Thankful ako kasi pwede ko syang gawing way para makalayas sa nakakasulasok na lugar na ito. Sobra na akong desperadong makauwi! Ayokong makasama mga pinsan ko! Napalingon ako sa lalaking nagtatawag ng uwak. Di naman ako natatakot sa estrangherong ito. Feeling ko sa sobrang kalasingan eh wala namang gagawing masama. Saka desperado na talaga ko makauwi. Pasalamat siya mabait ako na tulungan siya kaya marapat lang na suklian nya naman ito ng pamasahe pauwi. Hahaha Okay di ba? Sobrang ayos non, kahit medyo nakainom ako (half glass of beer to be exact), eh di naman ako ganon kalasing, mas maayos ayos pa naman pag iisip ko kumpara sa lalaking hirap na hirap sa pagsususi,  naisuka ko naman kanina kaya pwedeng pwede na ako na magda-drive. Nilingon ko ang unconscious na lalaking ito. Tinanong ko address nito na malugod naman nyang binigay. Grabe naman tong lasing na to. Kung masama lang akong tao, baka pinagnakawan ko na siya, kasi ganon lang nya kadali ibigay address nya. Siraulo ata ito eh. Anyway, pakielam ko ba sa yaman niya, fault nya kapag masamang tao nakatyamba sa kanya, for me lang ha, mas mahalaga sa akin na makauwi, kaya hinatid ko na sya. At first, ang sarap sa feeling na yung pangarap kong kotse eh ngayon gamit gamit ko na kahit di naman sa akin. Hahaha, edi siya na pinagpala. Anyway, nabigla naman ako sa yaman ng taong to, sa exclusive village ang location ng bahay, muntik na kong di papasukin ng gwardiya, hinanapan pa ko ng driver’s license na buti meron ako kasi may kotse din ako. Kukunin ko sana sa bulsa ko yung wallet ko ng maalala kong………... wala akong dalang wallet huhuhu. Tinangay pala ako ng mga peste kong pinsan. Kaya heto, kinakabahan akong bumaba ng kotse. Pinababa ako ng isang matandang mukhang masungit na gwardya. May interogasyon pa kung kaano ano ko tong lasinggerong mama nato, at bakit daw ako naghatid? Kay lakas daw ng loob ko na magmaneho ng sasakyan ng walang lisenysa! Takte, para akong ginigisa sa sermon nito! Syempre sinagot ko naman ng maayos pero hindi parin ako pinaniwalaan, baka daw may masama akong intensyon. Sumagot naman ako, sabi ko, kay bata bata ko naman para gumawa ng hindi maganda, now kung ayaw nya kong papasukin, edi sya na kako maghatid sa lasinggerong lalaki. Talagang naglakas loob akong sabihin iyon, aba hinahamak ako eh! Sa kanya ko iiwan responsibilidad sa lasinggerong sakay ng kotse! Bigyan nya lang ako ng 500 pamasahe, aalis agad ako. Sumama tingin nito sakin na akala mo mangangain ng tao. Sasagot pa sana ako ng bigla nalang magsisisigaw yung lasinggerong lalaki sa loob ng kotse. “Babe! Sorry na! Wag mo kong iwanan ng ganito, 8 years na tayo magkarelasyon tapos hihiwalayan mo lang ako ng ganon ganon lang, please,.. wag mo kong iwanan please… mahal na mahal kita” ang rinig naming sigaw nito na may halong pag iyak. Tsk, broken hearted nga sya kaya pala lasing na lasing. Tsk. Napatapik ako ng noo dahil don. Si manong guard naman, napatitig sa akin na animo gulat na gulat. Ano ba problema nito? Kanina kay sama sama ng tingin sa akin ngayon naman nagtataka. “I-ilang taon ka na boy?” tanong nito na hindi mo mawari ang tono “18 po, bakit po?” sagot ko na naguguluhan “Ha?! Ang bata bata mo pa!” sabi nito na napapailing pa. Wala na itong sinabi pa matapos iyon at payapa akong pinapasok. Pinagtatakahan ko ang pagbabago nito ng mood, anyway. Siguro nakita nya na mukha talaga akong mabait kaya hindi paghihinalaang may masamang intension. Hahahaha   Ilang minuto pa, nakarating na din kami sa sinabi nitong address. And wow, as in WOW! Na-amaze ako sa bahay nito. Napakadilim. Parang walang nakatira. Tsk. Amazing right? Tsk, ewan ko sa kanya. Ang nakakapagtaka, ang mamahalin ng sasakyan pero ang bahay, napakasimple lang nito, bungalow type pero modern ang design, medyo kasing laki rin naman ito ng bahay namin. 2 storey nga lang ang sa amin. Anyway, pagdating sa may gate, apura pi-peep ko, busina dito, busina don, baka sakaling may kasambahay ito na tutulong sa akin na ipasok sa bahay ang amo. Kaso ilang minuto na lumilipas, walang response, kaya nag doorbell ako sa may gate, kaso wala pa ding sumasagot, naiinip na ko kasi medyo gabi na din kaya tinapik ko tong lalaki kung pano kami makakapasok, somehow, medyo maayos na isipan nito, pinaliwanag niyang siya lang mag isa nainirahan sa bahay nato. As in really?! Di ba siya natatakot mag isa? Tsk, kawawa naman siya, di ko alam kwento ng buhay niya pero pansin ko lang, masyado naman atang mapagtiwala itong lasinggero nato. Sinabi ba naman passcode ng gate, pati password ng pintuang high-tech. tsk, Lord, bless this man please, sobrang bait niya, kung magnanakaw ako, ang yaman ko na, kasi nalimas ko na mga posibleng yaman nito sa loob. Tsk, pilit ko siyang ipasok sa kwarto niya, hirap man akong akayin ito, kinaladkad ko nalang. Aba, maawa siya sa buto buto ko. Nang sa wakas ay naihiga ko na siya sa kama nito, nagdalawang isip naman ako kung iiwanan ko na lang siya ng gano ganon na lang.  Amoy pinaghalong suka at alak pa rin siya. Ayoko mang palitan ito ng damit, wala akong choice, likas sa akin ang tumulong kaya nilinisan at binihisan ko ito, total wala namang malisya, pareho kaming lalaki, sisingilin ko nalang siya sa talent fee ko. Damulag ang mokong. Ginawa akong yaya. Saklap naman. Nahubad ko na lahat ng suot nito maliban syempre sa branded niyang underwear. Akmang tatayo sana ito ng buti na lamang naagapan ko kasi tumumba agad. Iihi lang pala, edi inakay ko naman sa CR. Kahit gegewang gewang, hirap syang itutok pag ihi nya. Wala namang akong magawa kungdi tulungan sya. The f**k, edi sya na gifted! Anyway, matapos umihi, napayakap ito sa akin na syang ikinaalarma ko, hinahalik halikan nya ang leeg ko. Nanayo balahibo ko dahil don “S-Sir..” pagtapik tapik ko. Hahalikan pa sana nya ko ng biglang GWARHGKKK---- Tang ina! Sinukahan ako! Kadiri! Amoy alak at amoy maasim asim! Napakamalas ko naman! Wala akong choice kung hindi hubarin ang suot ko. Kainis, pati brief ko basa! Dodoblehin ko singil sa kanya! Pinapahirapan nya buhay ko! Siya na nga lang itong tinutulungan eh! Nilinisan ko sya sa loob ng banyo, maging ako rin ay naglinis. Nilabhan ko na rin mga suot ko, nakakita ako ng hanger sa sampayan nito sa loob ng kwarto. Doon ko sinampay mga damit namin. Buti pa sya, damit lang ang nalabhan. Kaya yung pantalon nya, hinanger ko nalang din. Since malapit sa aircon sampayan nya, I’m sure bukas matutuyo agad mga damit namin. Tsk. Kainis, nasukahan din pala pendant ko. Hinubad ko ito at nilinisan. Sinampay ko na rin sa may hanger. May isang lasinggero akong dapat linisan na nakahilata sa malamig na sahig ng banyo. Wala namang malisya kung kapwa kami hubad. Lalaki naman kaming pareho kaya nilinisan ko na sya. Matapos mapunasan ng twalya, maingat ko syang inakay pabalik sa kama nito. Inihiga ko siya at balak bihisan. Kumuha ako ng damit at underwear nito sa cabinet, kasalukuyan ko siyang ginigiya para isuot brief nya ng bigla na lamang niya akong hawakan ng mahigpit sa braso, nagitla ako sa gulat. Nakatitig ito sa akin ng masama. Grabe! Ang sama talaga! Ano akala niya sakin pagsasamantalahan ko siya? Assuming naman ata masyado “Ahm sir, bibihi-“ shet! Hinitak niya ako palapit sa kanya at hinalikan! What the heck?!!!! First kiss ko yung ninakaw niya! Nakakarami na sya! Tinulak ko siya at nanggagalaiti ako sa galit dahil sa ginawa niya. Sinamaan ko siya ng tingin, gusto ko siyang saktan dahil sa ginawa niya. Mukhang nasa wisyo na siya, kaya pinakalma ko sarili ko para mapaliwanagan siya at makahinig ng pamasahe. “Ahm, sir, first of all, wala akong ibang inte----“ THE HECK! Bigla itong tumayo at hiniltak ako palapit sa kanya. Napayakap ako sa katawan nitong ang init dahil narin sa nakahubad ito. “Ah sir, baka pwedeng bitawan nyo ko? Wala akong ibang balak sa inyo, hinatid lang kita dito. Nilinis nadin kasi nagsuka kayo kani----“ walang anu ano ay hinalikan na naman nya ako. Mother*cker! Ano ba problema nito. Itinulak ko siya. Masyado na syang mapang abuso! Ni sa panaginip di ko naisip na mahalikan ako ng kapwa ko lalaki! Akmang lalayo na ko sa kanya ng hitakin na naman ako nito pahiga sa kama niya. Pilit ko siyang tinutulak palayo sa akin pero malakas ito. Nagawa pa ako nitong daganan. Ang dalawang bisig nito’y humaharang sa akin. Titig na titig ito sa aking mukha, alam kong lango pa rin ito sa alak. Pero natakot ako sa pagngisi nito na tila may masamang binabalak. Makailang beses niya kong hinalikhalikan, pati sa leeg. Oh Lord, ano ba tong nangyayari, help me please. Apura ilag ko sa ginagawa niya pero wala akong laban sa lakas nito. Nagsusumamo ako kakasigaw para tigilan niya panghahalik sa akin. “Veron, I really love you, di ako papayag na iwanan mo lang ako ng ganon ganon. Pinagpalit mo ko sa mas mayaman. Niloko mo ko. Sinaktan mo ko kaya sasaktan kita sa paraang alam ko” anas nito na nakakatakot. Tumindig balahibo ko dahil doon. Takte naman, napagkamalan pa niya kong si Veron, kung sino man yon baka naman maaaring ikaw na lang sa pwesto ko, ayokong masaktan okay?! Away nyo to, bakit ba nadamay ako! “Kuya wala namang gantuhan!” pagsusumamo ko sa kanya. “Hindi ako si Veron na inaakala mo, lalaki ako okay” patuloy kong awat sa kanya pero patuloy lang ito sa paghalik halik sa leeg ko. Kinikilabutan na ko. Sobrang bigat pa ng katawan nya kaya hirap akong makakilos. Pilit akong nanlaban pero malakas siya hanggang sa tanging iyak na lang ang nagawa ko dahil sa feeling ko wala man lang akong magawa para protektahan sarili ko. Ito na ba ang sinasabi nilang binyag? Bakit naman sa ganitong paraan at sa isang lalaki ko pa mararanasan? Natatakot ako sa maaaring mangyari sa amin, at ng makita kong sasampalin nya ko, napapikit ako, hinihintay ko ang pagtama ng pagsampal nya pero natigil sya. Umiiyak siya at ito ang gagamiting pagkakataon para makaalis. Sinubukan kong tumayo pero nahitak ako nito at isang suntok sa sikmura ang inabot ko. Dama ko ang sakit ng pagsuntok nya sa sikmura ko, namilipit ako sa sakit. Dito, hindi ko inaasahang bigla akong mawalan ng malay tao. Napakamalas ko namang totoo haysss >>end of flashback
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD