Chapter 5

1523 Words
Chapter 5 *John Kelly’s P.O.V.   Wushu…... Ilang oras akong nagpatuloy sa paglalakad. Walang direksyong patutunguhan. Ang tanging nais ko lang ay makalayo, baka kasi sundan ako nung lalaki. Ilang saglit pa ang nakalipas, tulala akong napasalampak sa tabi ng kalsada. Walang pakielam sa mga nagtitinginang tao at sasakyan sa akin. Kulang na lang eh mamalimos ako. Hay buhay…. nakakalungkot na pangyayari. Hindi parin ako makapaniwala na nangyayari ito sa akin. At sa mga ganitong pagkakataon, kailangan kong hawakan ang lucky charm ko, walang iba kung hindi ang lucky pendant ko. Bigay sa akin ito ng namayapa kong kaibigan. Sapphire blue ang gem na nakalagay sa gitna ng pendant ko at may nakaukit na J.K. sa likuran nito. Kinapa ko ang pendant sa leeg ko, ngunit ganon na lamang pagkadismaya ko dahil wala akong mahawakan. Pagtingin ko, hindi ko pala ito suot. Hindi ko alam pano nawala iyon. Hindi ko iyon kailan man hinuhubad. Napakahalaga non sa akin. Nakakalungkot! Ang dami kong pinoproblema sa araw na ito…. Paano na ko neto? Hindi ko alam kung nasaan ako. Naliligaw na ata ako. Wala akong kapera pera. Walang cellphone para magpasundo. Tang ina naman kasi eh.. kung hindi sana ako hinatak ng mga pinsan ko sa bar, hindi ito mangyayari sa akin…   Teka… bar? Pinsan? Tama! Medyo naaalala ko na ang nangyari... Pilit kong inaalala ang nangyari… tama, kailangan kong alalahanin ang nangyari sa akin! Isip, isip, isip! Isipin mo Kelly ang nangyari! Hmmmm…. Ano nga ba ang nangyari.. hmmmmm.. paano ako napunta sa isang bar….. hmmm  may ano ba kahapon.. hmmmm ahh. Biyernes, December 10! Aha! Alam ko na!   >>>>Flashback December 10 kahapon…. tama, birthday ko. Kasalukuyan akong nakahiga sa kwarto ko. Medyo kakauwi uwi ko lang galing school. Tinakasan ko mga kaklase kong gustong magpalibre. Mas gusto ko pang matulog kesa mapagastos. Tok tok tok Tunog ng pinto, lol, sinong tampalasan ang nanggugulo? Binuksan ko ang pinto at ganon na lang ang pagkadismaya ko dahil mga ugok kong pinsan ang kumatok “Ano kailangan nyo?” tanong ko kila Brian, Reynald at Marlo. Mga kababata kong pinsan “Tinatanong pa ba yon? Birthday mo di ba?” nakangising sagot ni Reynald. Matangkad ito sa amin, siya din pinakamatanda sa amin. 20 years old. “So, ano naman ngayon kung birthday ko?” walang kagana gana kong sagot “Sira ka pala eh, espesyal na araw ang birthday” napapalatak na kuda ni Marlo. Kapatid siya ni Reynald, 18 years old si Marlo at apat na buwan lang tanda sakin “Walang espesyal na araw okay, ordinaryong araw lang ngayon” pagtutol ko “Napaka KJ mo talaga JK (Short of John Kelly) ” ang epal naman ni Brian, 18 years old din siya at isang buwan naman ang tanda niya sa akin. As you observe, ako bunso sa aming magpipinsan. At ako pinaka kawawa dahil laging nauutusan at binubully. Lalo na’t may kahinaan akong taglay kumpara sa kanila. Sila may matitikas na pangangatawan samantalang ako payat at sexy daw na parang babae. Namana ko sa mommy ko.  :( “Ganon talaga, now, kung wala na kayong sasabihin pang iba, you may go na, gusto ko pang matulog” “Napaka KJ mo talaga, so brad, ano pa ba magagawa natin, bitbitin na yan” ani ni kuya Reynald na sinunod naman ng dalawa. “Oy oy san nyo ko dadalhin? Ibaba nyo ko!” sumamo ko sa mga bwisita kong pinsan “Hahaha, mag eenjoy ka sa pupuntahan natin” “Susumbong ko kayo kay mommy at daddy, k********g ito” “Hahaha nako, assumero ka naman JK, ipinagpaalam ka na namin kahapon pa. So boys, let’s party tonight!” sigaw nito na tuwang tuwa na wala na naman akong magawa sa mga kalokohan nila. Asusual, wala namang iba pa don, ganon naman lagi, sila nasusunod. Kainis, nakakainis sobra!!! Sa lahat ng lugar, dito pa nila ko dinala sa isang bar, kupo, I hate bar, ayoko ng maingay, ayoko ng amoy ng sigarilyo at alak, kakainis! Gusto ko ng umalis kaso wala akong laban, di ako pwedeng tumakas dahil di ko dala wallet at phone ko. Wala akong masasakyan pauwi, wala akong pwedeng matawagan sa bahay dahil malamang wala pa sa bahay sila mommy at daddy, tapos yung bunso naman namin busy pa sa basketball practice nila. Argh! “Ano sinisimangot mo dyan, aba, birthday mo ngayon dapat happy ka” sabi ni Marlo “Di ako happy sa ganitong mga bagay. Pwede bang umuwi na tayo?” pamimilit ko “Ito naman oh, napaka KJ mo talaga kahit kelan, debut mo ngayon, dapat enjoyin mo tong araw na to. Legal age ka na at pwede ng gawin lahat ng gusto mo.” Sabi ni kuya Reynald “Kuya naman eh, lalaki po ako okay? Edad bente uno ang edad para sa debut ng lalaki, wag nyo nga akong ituring na babae. Saka kahit na nasa legal age ako, wag nyo naman akong igaya sa mga kalokohan nyo. Kay bata bata pa natin apura laklak nyo ng alak, pag kayo nagka-liver cancer, ewan ko na lang” “Napaka negative mo naman JK, tsk, ano man sabihin mo, di ka makakauwi hanggat di ka umiinom okay? Dapat matuto kang uminom, ke hina mo naman kasi eh.” “Ayaw!” sigaw ko na ikinakunot lang ng noo nila “JK, iinom ka o iinom? Wag mo kaming pwersahin ka, para din sayo to, ayaw mo bang mabinyagan? Legal age na tayo. Dapat matuto tayong enjoyin life natin at magpakawild minsan. Daming chikas dito oh” Grr, kinalibutan naman ako sa sinabi ni Brian. Tsk, bakit ba kasi mga naging pinsan ko mga tukmol nato. “Hindi, ayoko, pwede ba wag nyo kong idamay sa mga kalokohan nyo.” ani ko sabay tayo na agad ding napaupo dahil sa hinitak ako ng mga tukmol “Saan ka naman pupunta aber? Di pa nga nagsisimula kasiyahan eh. Oh heto, tikman mo, inumin mo yan. Minsan ka lang naman magparty kaya sulitin mo na. Kapag di mo ininom yan iisipin namin na bading ka talaga.” Pang aasar ni Marlo Tsk, ako na naman asar talo dito. Lagi nila akong tinutuksong bading. Bakit ba kasi ang hina kong lalaki? Nasan ang hustisya? Kawawa naman ako laging nabubully! Sinamaan ko siya ng tingin pero nginisihan lang ako nito. Hays, may magagawa pa ba ako, edi tinungga ko yung isang baso ng alak. Tsk. Ang pait! Di ko gusto amoy at lasa, mukha akong magsusuka dito! “Whoahh!!! Nice, iinom din pala eh, arte arte naman,” mga patutsada sakin ng mga bugok sabay cheer na isa pa. The heck! Di ko kaya. Pero sino nga ba ko para umarte, lagi naman akong walang choice. Inisang lagukan ko lang yung alak. Tsk grabe, di ko kaya to, nag excuse ako agad para tumungo sa CR, magsusuka na ata ako. Tinawanan naman nila ako at inasar na napaka-weak. Nag dirty finger na lang ako sa kanila dahil di ako natutuwa. “Gosh JK, walang ganyanan, di tayo talo, wag ako ifuck mo, dami daming available dito, ikaw ha baka gusto mong mabinyagan ng tuluyan nyan, sige hanap ka namin ng chikas” lakas trip na wika ni kuya Reynald. “Gago! Dirty finger yon para sa kaululan nyo! Bakit ako papatol sa kapwa ko lalaki? Sira ulo ba ko?” bulong ko sa isipan ko Argh nakakainis namang buhay to! Bakit ba ko nagkaroon ng mga hindi matitinong pinsan. Grrk. s**t! Napatakbo na ‘ko patungong CR at buti na lamang walang tao, dirediretso ako sa cubicle at doon sumuka. Makalipas ang ilang saglit, medyo gumaan na pakiramdam ko. Naghilamos agad ako at tiningan repleksyon ko sa salamin, hays, ano ba naman yan Kelly, kelan ka ba makakabawi sa mga ugok na pinsan mo. Hays para na akong tanga na kinakausap ang sarili. Napabuntong hininga ako, at nag isip isip ng maaaring paraan para makauwi ako. Makalipas pa ang ilang saglit, napalingon ako sa labas, inaantabayanan kung inaabangan nila ako, thanks God dahil di naman. Mabilis akong naglakad takbo palabas, sa fire exit nako dumaan patungong parking lot. Kahit na amoy sigarilyo at may mga kalaswaan ang naabutan ko palabas, dinedma ko nalang, mas gusto kong makaalis na sa lugar nato. Tsk, mga tao nga naman, kay lilibog! At last, nakalabas ako ng bar, pero ang problema ko, paano ako makakauwi nato. Tsk, may kakilala kaya ako dito? O kanino kaya ako pwedeng makisabay kahit malapit lang don sa subdivision namin. Kelly, isip dali. Isip, wag mong hintaying malaman nilang tatakasan mo sila, nako kawawa ako pagnagkataon. “Gwarkkk” naulinigan kong pagsuka sa aking likuran, nakita ko ang isang lalaking nagsusuka at wasted ang hitsura. Grabe naman, langong lango sa alak. Matapos magsuka, lulupasay itong naglalakad patungo sa kotse nitong, whoah, edi siya na may branded na kotse, pangarap ko lang dati na makapagmaneho non eh, edi siya nya. Pinagmasdan kong mabuti yung lasing at natatawa akong hirap itong isuksok ang susi sa susian ng pinto. Hays, alam ko na. Agad ko siyang nilapitan at tinulungan. Pagkabukas ng kotse, inakay ko ito para makaayos ng upo, pansin kong di na nito kayang magmaneho. Broken hearted siguro to, mugto pa mata. Oo may hitsura siya pero bakit naman siya nabroken hearted? Kay gwapo gwapo eh iniwanan siguro ng girlfriend. Hay, kawawa naman siya. “Hmm excuse me sir, would you like me to drive you home? Ako na magdadrive sayo pauwi, basta bigyan mo ko ng pamasahe ko pauwi?” lakas loob kong suhestiyon. “Do what you want, I don’t care, gusto ko na ding umuwi” ani nito na parang wala pa din sa wisyo. Na siya namang nagbigay pag asa sa akin para makaalis na din sa lugar na to. Alright. Makakauwi na ko neto >>>End of Flashback  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD