Chapter 11

1244 Words
Chapter 11 Tyler’s P.O.V.   “Ring, Ring, Ring” tunog ng landline ng office ko. “Hello?” sagot ko dito. “This is Tyler Brown, senior finance manager, what can I do for you?” dagdag ko. “Hi, Good morning sir Tyler, this is Ms. Ella, secretary of Ma’am Shaira, can you please submit ASAP the week plan budget for the upcoming Christmas party Celebration today? As per order of Ma’am Shaira, the bosses need to check it first for the approval. Are they prepared already?” “Ah yes Ms. Ella, the budget plan is already prepared and I will personally submit it to the office of Ma’am Shaira. Thank you” sagot ko bago ibaba ang tawag. Hays, sampong araw na lang mag papasko na. Heto ako ngayon at abala na sa pagtatrabaho. Dito ko ginugol mga oras ko kasi napakabusy ngayong panahon. Kailangang maging smooth sailing ang month of December. Madaming Christmas promos ang company namin kaya kailangang monitored ang flow ng pera maging ang pag gasta nito. Sa katunayan, bilang empleyado ng isang airline, masasabi mong napakaswerte mo kasi talagang bigatin ang sweldo at bonuses mo. Yun nga lang, bilang kabilang sa finance department, masusi ang bawat bagay lalo na at pera ang nakasalalay, at yon ang trabaho ko. Sa akin nakatoka ang pagpaplano ng budget para sa nalalapit na Christmas party ng company. Okay naman, plantsado naman lahat. Gamay ko naman tong trabaho ko dahil halos pitong taon na ko sa larangang ito. Hindi naman sa pagmamayabang eh malaki talaga naiipon ko mula sa sweldo ko. Sadyang hindi lang ako magastos, liban na lang talaga don sa paggastos ko sa pinambili ng flowers, chocolates, at engagement ring namin sana ni Veron na hanggang ngayon ay di ko na malaman kung naisanla na ba ng tarantadong binatang magnanakaw. Apat na araw na ang nakakalipas mula ng mangyari  ang insidenteng iyon at hanggang ngayon ay wala pa din akong idea kung sino ba sya at taga saan sya. Sa katunayan, gusto ko ng magpatulong sa pulis o kaya sa mga tropa ko, kaso pinangunahan ako ng hiya dahil na rin sa issue ng pagiging r****t at pedophile ko kuno. Tang ina naman kasi yan! Hanggang ngayon di ko alam dahilan kung paano sya napadpad sa bahay ko. Ang tanging alam ko lang eh sya ang naghatid sa akin galling bar. Ang ipinagtataka ko lang eh pano sya nakapasok ng bahay ko. Ako lang naman kasi may alam ng password ng gate at pintuan ko. Malabong ako ang nag encode ng password kasi sa pagkakaalam ko, lasing ako at tusok na. so paano pa ako makakapag encode di ba? Hays, iba na talaga mga kawatan, pabata ng pabata at pagaling ng pagaling na ang diskarte ng pagnanakaw. Magkaganon man, hindi ko naman inaalala yung singsing, mahalaga sa akin eh yung wallet ko, nandon kasi mahahalaga kong atm cards. If ever na di ko na mabawi yon, kailangan ko ng magreport sa mga banko, pero mukhang matatagalan pa ko para makakuha ng new atm cards kasi nga Christmas season na. hay nako naman, bakit ba napakamalas ko. Ang tanging pinanghahawakan kong ala ala mula sa magnanakaw na yon eh ang sapphire blue na pendant nya na napatunayan kong genuine. Tang ina talaga, big time ang magnanakaw na bata na yon, sa kanya ba talaga ko? J.K. ang initial ng pangalan nya? O baka naman nakaw lang din to mula sa sinerbisyuhan nya bilang isang bayaran? Who know, wala akong idea, basta sa ngayon, isa lang ang masasabi ko, pag nagkita ulit kami, hindi ko na sya hahayaang makatakas ng ganon ganon lang. ipapatikim ko sa kanya ang kakaibang pahirap na tanging sa akin lang nya mararanasan.     -------------------- 11:35 am   “Good morning ma’am Shaira, ito na po yung week plan for the upcoming Christmas party Celebration.” sabi ko sabay abot ng folder sa head ng finance department namin. Nandito ako ngayon sa office nya para ipasa yung week plan budget para sa Christmas party celebration ng company. “Nako, salamat Tyler at maaga mong nadala yan, iba talaga kapag masipag eh, in due time, mapopromote ka na nyan” sabi nito na nakangiti pa. Kahit na abala ito sa pagtatype ng report eh nagawa pa nya kong biruin. “Nga pala, okay lang ba na sayo ko ipasuyo na ikaw na mag ikot ikot para sa exchange gift?” habol nito. “Okay po ma’am, no worries, kayo pa ba?” sagot ko na nag okay sign pa sabay kindat hahaha. Hehehe, di naman iba sa akin si ma’am Shaira kasi sa katunayan, sobrang close kami nyan. Isa din sya sa mga taong pinagkakautangan ko ng  utang na loob. Isa sya sa mga taong gumabay sa akin nung nagsisimula ako sa trabaho ko, maging sa industriya ng aviation. Close kami ni ma’am Shaira dahil kwela ito at maharot. At kahit na 42 years old na sya, di mo maikakailang maganda pa rin ito at hindi mo babalaking awayin kasi sss yan. Hehehe` “Hmm, isa pa pala, Tyler boy, may idea ka ba kung ano magandang pangregalo ngayong pasko para sa mga teenager? Wala kasi akong maisip na mairegalo sa dalawa kong anak eh. Pasensya na Tyler ha, ikaw lang kasi mukhang binata sa office na to eh, gwapo mo kasi eh saka alam mo namang ayaw kong tanungin si Laurence, baduy na yung gurang na yon” ang natatawang komento nito. Natawa din naman ako sa sinabi ni ma'am kasi kilala si sir Laurence bilang baduy. Ewan ba namin kung ano trip sa buhay. “Nako ma’am Shaira, may edad na din ako eh, pero salamat sa pagsasabing gwapo ako, malakas ata ako sayo eh hahaha” biro ko. “Pero matanong ko lang ma’am, ilang taon na ba yang mga anak mo at bakit kailangan pang bigyan ng regalo?” “Eh 15 at 18 years old na. Nako, kung alam mo lang, yung mga bata na yon eh nagbibinata na, kailangang suyuin ko para maging masunurin pa rin sa amin ng daddy nila. Nung nakaraan nga eh nakikita ko ng pumoporma na, nako, ayaw ko pang maging lola ng maaga kaya kailangan kong amuhin” kwento nito na nangalumbaba pa. “Eh mga binata naman na pala eh, sa normal naman yon, strict guidance nyo lang ang kailangan para di maligaw ng landas, hmmm ano ba hilig nila sa buhay? Dapat bigain regalo mo para maging mabait.” “Hmm hilig… yung bunso naming si Kiel, basketball player at mahilig sa kotse, tapos yung panganay naming si Kelly mahilig sa pokemon at anime. Ano ba pwedeng iregalo na base sa panlasa nila?” lahad nito na ikinatawa ko pa kasi narinig ko ang pokemon. Sinong mag aakala na may pokemon fanatic pa sa panahon ngayon? Anyway, ganon talaga, maski naman ako ng kapanahunan ko eh mahilig sa mga pukemon este pokemon hahaha. “Nako ma’am Shaira, isa lang ideya ko na pwedeng ipang regalo sa kanila” panimula ko. Magsasalita pa sana ko ng bigla nya kong putulin. “Ayos yan, buti na lang talaga sayo ako nagtanong, at dahil dyan pwede bang ikaw na mamili? Total bibili ka din naman ng pang exchange gift sa mall, isabay mo na pangreregalo ko. Saka isa pa, single ka naman na,  wala ka ng ide-date ngayon sa mall, di naman ako masyadong abala sayo di ba? Hehehe akala mo di ako updated sa failed proposal mo, don’t worry, pag tinulungan mo ko, ako na bahala humanap ng future wife mo, Ano? Okay lang ba? Agree ka ba? Sige na Tyler boy” sumamo nito. Napanganga na lang ako sa narinig ko. Ibang klase talaga tong si ma’am. Wala na kong masabi. Nautusan na nga ako, ipinaalala pa failed proposal ko. Hays. What a nice day huh? Edi ako na single ngayong pasko! Tsk
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD