Chapter 12

1169 Words
  Chapter 12 John Kelly’s P.O.V.   “Kuya JK, yung pinapabili ko sayong game console wag mong kakalimutan ha, saka pasabay na din ng magandang earings para sa gf ko. Salamat kuya, bait mo talaga, labyu” utos sa akin ng magaling kong bunsong kapatid na ang laki ng pagkakangiti dahil sya lang naman nagdrive ng kotse ko papuntang mall. At ang masaklap nito, hinatid lang nya talaga ako, kaya ayun, kumaripas na ng takbo at may date pa daw sila ng gf nya sa star city. Ito na nga sinasabi ko eh, naging utusan ang kuya. Kapal ng mukha ng gunggong na yon! Lakas ng tama! Napag kasunduan namin na mamili ng pang regalo kila mommy at daddy ngayong darating na pasko, pero sa huli, ako lang mag isa ang lumakad. Sira ulo talaga sya! Gamit pa nya kotse ko kaya problemado din ako pano makakauwi nito mamaya. Takte sya, makakabawi din ako sa kanya, konting tiis lang JK makakaganti ka din sa balasubas at walang modo mong kapatid. Paalala ko sa sarili ko. Nahahigh blood ako sa batang yon. Grabe, disi otso anyos pa lang ako pero feeling ko matanda na ko dahil sa katigasan ng ulo ng bata na yon. Napakapasaway at napakabwisit! Ilang araw na nya kong di tinitigilan. Kay linaw linaw naman ng usapan namin 4 days ago na wala ng tanungan ng kung ano nangyari sa akin. Tapos pinagsabihan ko naman na sya na tigilan na nya pangbablack mail sa akin since pinahiram ko na sa kanya kotse ko. Pero ano pa nga ba aasahan ko eh matigas nga ulo eh. Bakit ba kasi wala akong convincing spirit? Napaka weak ko naman, di ko magawang paamuhin batang yon! Kuya pa man din nya ko. Nakakainis, naalala ko na naman mga asar sakin ng mga pasaway at bwisit ko ding mga pinsan. Na weakling ako. Hays, ano pa ba ineexpect ko sa sarili ko? Eh napaka hina kong nilalang. Liban sa pagiging loner, eh hindi nila ako gaya na energetic at makikitaan ng manly spirit. Palibhasa mommy’s boy ako. Mas malapit ako kay mommy kesa kay daddy. Ewan ko ba kung bakit pero mas komportable akong magkwento ng kung ano ano kay mommy kesa kay daddy. Tho close kami ni daddy, sadyang di ko lang kayang sumabay sa mga trip nila ni Kiel. Matatawag ko ang sarili kong introvert kasi hindi talaga ako palakaibigan. Di ako komportable na makihalubilo sa maraming tao. Ayokong makipagplastikan at yabangan. Sapat na sa akin na may dalawa akong close na kaibigan na naiintindihan ako. Di naman kasi ako palaimik na tao, dumadaldal din naman ako pero di ako boastful gaya ng iba. Marunong naman din ako makipag away at yun ay kapag naaagrabyado ako, Ganon lang, Kaya din siguro napag aakalaan tuloy ng mga pinsan ko na bading ako. Hindi daw kasi ako mahilig makipag party at makipaglaro gaya ng mga sports nilang more on physical endurance. More on mind games kasi alam ko. Hays, pakielam ko ba sa kanila, ini-stress ko lang sarili ko. “Nako JK, iwasan mong mahigh blood, may dapat kang gawin kaya iyon atupagin mo” pagkausap kong muli sa sarili ko na syang ikinahiya ko din dahil kanina pa pala ako pinagtitinginan ng mga tao sa paligid ko. Tsk, akala siguro nila naaaning nako. Tsk. Nakakahiya. Kaya nagmadali nakong pumasok sa mall, at nagshopping. Wala naman din akong choice kungdi gawin ito mag isa.   Napakadaming tao ngayon sa mall, palibhasa magpapasko na. Bugsuan ang dami ng mga taong nagtutungo ng mall para mag unwind. Nandyan ang mga estudyante na di magkamayaw sa pagkukwentuhan sa daan, tawanan dito, asaran dito, turuan dito. Di na nahiya sa pinag gagagawa nila. Pano ko nasabing estudyante? Mga naka uniporme pa eh, halatang after ng klase eh dito agad lipad nila para magpalamig. May mga magcouple ding naglalambingan sa daan, edi kayo na. Sana all may jowa, ako na tong miyembro ng SMP, samahan ng malalamig ang pasko. May mga magkakapamilya ding naglilibot at mukhang nagpaplanong manuod ng sine. Tapos meron namang ibang soloista ding gaya ko na nagwiwindow shopping at naiinggit sa mga nakakasalubong na may mga kasama. Hays. Na-i-stress tuloy ako sa pag o-over think nito, kaya namili na ‘ko. Ang unang plano namin ni Kiel na pangregalo kila mommy at daddy ay relo at make up kit. Madali namang mamili non, kaso may halong kaba ako nung nagtungo ako sa bilihan ng mga make up. Ano ba naman kasi alam ko sa make up? Sana pala sinama ko yung bruhilda kong kaibigan na si Ozea. Maalam yon sa make up kasi may kakirihang taglay. Anyway, nagpatulong na lang ako sa nag aassist sa store, I hope magustuhan ni mommy. After mamili ng mga pangregalo, napadpad ako sa Miniso, may nakaagaw kasi ng atensyon ko. May napaka cute na Piplup-look alike stuff toy akong nakita. Agad akong nagtungo sa stuff toy at di ko napigilan sarili kong pisil pisilin ito para malaman kung malambot talaga ito. Hahaha, oo ako na nakakahiyang disi otso anyos na lalaking mahilig sa pokemon stuff toys. Di na ako nagdalawang isip na bitbitin ito patungong cashier. Bibilhin ko sya malamang. Finally, para akong tanga sa mall na iikot ikot. Wala na kong maisip gawin. Nagpapalipas oras lang ako. Nakabili na ko ng pang exchange gift ko, regalo kay daddy at mommy, game console ni Kiel, pangregalo ni Kiel sa gf nito, plus, may stuff toy ako. Bandang alas nueve na ng makaramdam ako ng gutom. Kaya napagdesisyunan kong kumain muna sa Mang Inasal, takte, ang daming tao. Ang haba ng pila. Pero kaya ko pa namang maghintay, kaya nagtyaga akong pumila. At ng makaorder, naghanap na ako ng mauupuan. Sa kamas malasan, walang available seats. Kaya nag abang abang ako na maagang makatapos kumain mula sa mga napakatatakaw na kumakain sa loob. Ang tagal, halos 5 minutes na kong nakatayo, malapit na ding ma-i-serve order ko based sa bilugang timer na hawak ko. Almost time ko na para kunin order ko ng sa wakas, may dalawang tao ang tumayo sa isang table. Hay nako, bakit ba kasi kailangang magkwentuhan ng pagkatagal tagal pagkatapos kumain? Alam namang fast food chain to, kainis yung magsyota na yon. Binantayan ko talagang mabuti yung pwesto para di ako maunahan. Sa wakas, nakaalis na din sila, inokupa ko agad yung isang upuan. Inilapag ko sa baba ng mesa yung mga pinamili ko. At hinintay ko pa munang malinis ng isang crew yung mesa bago ko kunin order ko, nakisuyo pa ko kay kuyang crew na bantayan saglit gamit ko. Kinuha ko order ko at ng makabalik sa pwesto ko, ganon na lang pagkagulat ko na may mga shopping bag sa kabilang upuan. Napatigin ako kay kuyang nagbantay, sabi lang nya, may makikishare daw ng upuan. Okay, wala naman akong angal, nagulat lang. Anyway, wala akong pakielam kung sino yon kaya lumamon nako. Gutom na gutom na ko eh. Wala pa atang tatlong minuto eh naubos ko na yung napaka konting serving ng kanin. Sisimulan ko na sanang magtawag para sa extra rice ng dumating yung makikishare ng upuan. Pero kamalas malasan nga naman, sa dinami rami ng taong pwedeng makishare, bakit yung matandang r****t pa?! Kinakalimutan ko na nga siya eh, ano ba tong buhay to.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD