Chapter 10

775 Words
Chapter 10 John Kelly’s P.O.V. “Kiel naman, please tantanan mo ko? Sinabing wala nga akong nakasex! Bakit ba kay hirap mong makaintindi?” ang naiirita kong sermon sa bunso kong kapatid na si Kiel. Naaalibadbaran na ko sa kanya kanina pa. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang kasi kanina ng bahay eh inakbayan ako nito para interogahin. Buti na lamang at tinawag sya ni daddy kaya mabilis akong nagkulong ng kwarto ko. Kinakabahan ako at natatakot na malaman nya ang totoo. Ayokong magsinungaling pero para na din sa ikatatahimik ng kalooban ko. Nakakahiya kasi yun kung magkataon. Ayoko ding madismaya sila mommy at daddy in case na madulas ang madaldal nyang bibig at higit sa lahat, eh gamitin nyang pang ba-black mail sa akin. Argh! Naiinis ako sa nangyayari “Kuya, hindi kita tatantanan hanggat di mo sinasabi sa akin ang totoo” ani nito na nakapamewang pa. “Kiel, please wag mo muna kong tanungin ng mga kahibangan mong tanong. Saka pwede ba, lumabas ka ng kwarto ko.” utos ko habang abala sa pagpili ng damit Naligo ako dahil sobrang init na init ako kanina pa. Pero kita mo rin tong ugok na yon, nakapasok sa kwarto ko ng walang paalam at magtatanong na akala mo isang detective? Lakas lang. “Eh kuya, ako pa ba lolokohin mo? Sinabi ko na nga sayong kitang kita ko na may hickey ka, ayan oh, halatang halata, pulang pula pa dahil kinuskos mo ng kinuskos ng scrub no?” ani nito “Hindi yan hickey, wag kang mapaggawa ng kwento. Kagat lang yan ng langgam” bara ko dito. Kasalukuyan akong nagpupunas ng tuwalya sa buhok ko. “Saka pano ka nakapasok ng kwarto ko?” tanong ko dito. “Secret, di ko sasabihin.” sagot nito  “Anong secret secret ka dyan? Baka nakakalimutan mong sarili ko tong kwarto. At hindi ka allowed pumasok dito.” “Well, para paraan lang, kailangan kong usisiin ano nangyari sayo kagabi eh” “Please Kiel, tantanan mo ako. Kahit anong pangungulit mo, wala kang mapapalang sagot sa akin.” “Kung ganon, edi isisikreto kong malupit kung paano ako nakapasok sa kwarto mong napakadaming stuff toy na pokemon.” pagmamalaki nito. “Edi wow, ano naman ngayon kung maraming stuff toy na pokemon? Pakielam mo ba?” kundena ko “Wala naman talaga akong pakielam don kuya, ang may paki ako ay kung ano talaga nangyari sayo kagabi” sabi nito na humilata pa sa kama ko. “Kiel, di ka ba titigil sa kahibangan mo? Alam mo namang masunurin akong bata, hindi ako suwail gaya mo, kaya ngayon pa lang, sinasabi ko sayong walang nangyari sakin kagabi” pagdadahilan ko “Kuya JK, wag kang sinungaling, matanda ka sakin ng 3 taon, pero amoy kita. Alam ko kung nagsisinungaling ka. Kilalang kilala kita. Ikaw yung tipo ng tao na kapag may itinatago eh nagdadahilan.” “Nyek, nasisiraan ka na talaga ng bait. Ilang beses ko ng sinabi sayong wala akong nakasex na matanda. Maayos kong naipaliwanag kila mommy kung bakit ako di nakauwi kagabi” “Kuya, pwedeng wag kang sinungaling? Kilala ko mga kaibigan mo, dadalawa lang silang close mo. Ako ang tumawag sa kanila kagabi para itanong kung sa kanila ka tumuloy, sabi din nila, wala ka sa kanila, so, pano mo maipapaliwanag yon?” Takte, mukhang di ako makakalusot sa batang to ha. Napakadetalyado eh. Mapanuri eh. Kainis lang. “Kiel, di ba pwedeng may mga kaibigan ako na hindi mo kilala? Mga kakilala kong Grade 12 din?” “Kuya, kilala kang loner sa school, kaya wag ako okay. Isa pa, wag mong idahilan sa akin na nagrent ka ng hotel or motel dahil alam kong hindi mo dala cellphone at wallet mo. Kaya wag ka ng magpalusot, aminin mo na kasi, wag kang mag alala, mapagkakatiwalaan mo ko, basta pahihiramin mo ko ng kotse mo” Arghh! Naiinis na ko sa bunso kong kapatid! Wala talaga akong maikakaila L Ubos na alas ko para magdahilan. Ayokong umamin dahil nahihiya ako. Ako tong nakakatanda nyang kapatid at ayokong pag nalaman nya nangyari sa akin eh gamitin nya yon para utus utusan ako. Kilala ko ugali nitong batang to. Uutakan lang nya ako. Hays, napabuntong hininga na lang ako. “Oh heto na susi ng kotse ko, gamitin mo lang kapag di pansin nila mommy at daddy na ikaw ang driver. Wag mong gagasgasan, at wag mong kakalimutang pakargahan. Lumabas ka na sa kwarto ko at wag ng magtatanong ng mga walang kwentang bagay” sabi ko sabay abot ng duplicate key ko. “Yes!” ang sigaw nito sa tuwa na talagang napatayo sa kama. Agad nitong kinuha susi at tuwang tuwa na akala mong nanalo sa lotto. “Yung paalala ko ha, wag gagasgasan, wag ibabangga, at wag ng magtanong ng kung anong nonsense na tanong okay?” paalala ko. “Noted kuya! Walang makakaalam! Thanks!” sabi nito na kumaripas na ng takbo palabas ng kwarto ko. Hays, masisiraan na ata ako ng bait sa nangyayari. Ano ba tong buhay to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD