Chapter 9

1010 Words
Chapter 9 Tyler’s P.O.V.   Nakabalik ako ng bahay ko na sobrang lutang na lutang ang isip. Hindi ko lubos matanggap na biglaang masisira ang imahe ko sa buong village nato. f**k that asshole! Kailan pa ko naging pedophile at r****t? Sa edad kong trenta, ngayon ko lang naranasang mapahiya sa maraming tao. Chismis nga naman oo, mabilis kakalat. Napasalampak ako sa sofa ko, nakatulala parin ako. Sobrang naging miserable buhay ko ngayon. Lintik naman kasing toss coin yan! Bakit ba kasi naisipan ni Veron na gawin yon? Ayaw ba nya sa kasal kaya talagang gumawa sya ng paraan para makipaghiwalay sa akin? Nakakalungkot isipin na yung walong taon kong pagpupursige at pagmamahal sa kanya ay hahantong sa ganito. May bonus pang bwisit ng bata na naging tampulan ako ngayon ng issue. Napabuntong hininga ako ng pagkalalim lalim. Napatingin tuloy ako sa malawak na pamamahay ko. Puno ng kalungkutan paligid ko. Sobrang tahimik. Palibhasa, ako lang mag isa nakatira dito. Tama naman mga chismosa dito sa village, snobber ako at kahit kailan walang ni isang tao ang nakikita nilang kasama ko. Mas pinili ko ang mapag isa. Maski gustuhin kong dalhin dito noon si Veron, sya namang ayaw, mas gusto daw nya kasi condo kesa village. Yung mga barkada ko naman, di ko pwedeng dalhin kasi sigurado akong malalaman nila mommy at daddy location ko. Walong taon na rin akong sanay mag isa kaya wala namang problema. Haysss. Hindi ito ang pinangarap kong buhay. Wala namang problema kung mag girlfriend ako, natural lang naman yon sa isang lalaki. Yun nga lang, sadyang di lang nila tanggap ang kalagayan sa buhay ni Veron. Kahit na maganda, matalino at graduate ng kursong Business Administration sa isang pamantasan, hindi nila ito gusto para sa akin. Kasi nga mahirap lang pamilya ni Veron. Anak siya ng isang basurero. Sobra akong nagalit sa mga magulang ko dahil hinamak nila ang girlfriend ko. Hindi nila gusto ang pinagmulan ni Veron. Pinaghihiwalay nila kami pero ako itong naglakas loob na ipaglaban si Veron. Mahal na mahal ko kasi ito dahil kita mong kahit ganon ang kalagayan nila sa buhay, nagawa niyang makaahon at makatapos ng pag aaral na siyang ikinabilib ko. Di ba yon sapat na dahilan para hangaan si Veron at tanggapin? Kaso buo ang kanilang desisyon na hindi ito tanggapin, peperahan lang daw ako nito. Hindi daw ako mahal ni Veron, pera lang habol nito. Pano kung maghirap ako, dadamayan ba ko nito? Kaya nang lumala ang hidwaan namin ng mga magulang ko, pinapili nila ako, si Veron o silang pamilya ko? Pinili ko si Veron kaya ang ending, itinakwil ako. Pinalayas ako sa amin. Kaya heto, wala akong nagawa kungdi mamuhay mag isa. At since, fresh graduate, at itinakwil nga di ba, wala akong source of fund dahil naka freeze lahat ng accounts ko. Tanging iilang libo lang na cash mayroon ako at mga personal keeps. Yun ang ginamit ko upang makapagpatayo ng simpleng bungalow type na bahay. Pero hindi sapat lahat, kaya nagsimula ako sa simula. Nakitira muna ako sa mga katropa ko. Tig aapat na buwan akong nakituloy kila Jome, Oliver at Rogel habang ginagawa ang bahay ko. Ayoko namang magcondo o hotel, madali akong matutunton ng magulang ko. At magastos din. Pasalamat din ako na yung kotseng ginagamit ko sa ngayon ay regalo ng tatlong kumag kong kaibigan nong birthday ko. At para makabawas sa intindihin nilang problema ko, naghanap din ako ng trabaho. Natanggap ako sa ibat ibang kompanya. Eh bawal ako sa sarili naming kumpanya eh. Pero okay lang naman, natuto akong maging independent. Na ikinatuwa ko naman dahil naging responsable ako. Kahit na nasa mababang posisyon ako sa trabaho, masaya ako, at di naman ako nagsisisi. Bakit nga ba hindi ako kila Veron nakituloy? Oo, naaalala ko. Ayaw nya kasing naiistorbo sya dahil abala siya sa pagtatrabaho para sa pamilya nya. Nauunawaan ko naman na yon ang goal nya ng mga panahon na yon. Pangarap nyang tumira sa condo at magkaroon ng sariling kumpanya. Which is hindi ko naman kayang iprovide ng mga panahon iyon. Nagtyaga ako. Kaya after a year, matapos na matapos ang bahay nato, hiningi ko ang kamay nya sa mga magulang nya, at don nagsimula ang tila di namin pagkakaunawaan. Hindi pa daw sya ready sa mga ganong bagay. Madami pa daw syang pangarap sa buhay. Inunawa ko naman sya at sinuportahan kahit na feeling ko na left behind na naman ako sa kabila ng pinagdadaanan kong pag iisa sa buhay. Umabot ng walong taon relasyon namin, at gaya ng nangyari dalawang linggo na ang nakakalipas, mukhang tama nga sila mommy at daddy. Madami ang nagbago. Hindi ko talaga tunay na maaasahan si Veron, niloloko niya lang ako. Mahal niya ako dahil sa mayaman ako noon ngunit nitong naghirap ako, nagsasawa na siya sa akin at isinusumbat lahat ng hirap nya sa pag alalay sa akin sa panahong walang wala ako. Kaya nga ganon lang kadali sa kanya na iwanan ako dahil nakahanap na siya ng mas mayaman kaysa sa akin. Nakakagalit, nagbago na nga ang lahat. Mukhang ngayon nag e-echo ang sinabi sa akin ng mga magulang ko. Hahaha, natatawa tuloy ako sa sarili ko. Mukha akong bangag sa hitsura ko. Tangina, di ko namalayang naluluha ako. Madaming pagsubok akong kinaharap, kaya ganon na lang inis ko sa mga pinagbababatong chismis tungkol sa akin. Wala silang alam tungkol sa akin kaya wala silang karapatang pagsalitaan ako ng masama. Natawa tuloy ako sa katangahan ko, ako na nga itong nanakawan, ako pa naging pedophile at r****t. Ang masama pa nito, nakuha ng binatang magnanakaw ang loob ng mga tao sa buong village maski ang istriktong gwardya. Napagkamalan pa nilang syota ko yong bata. Tangina naman oh! May cctv footage pa kong napanuod na totoo ngang hinatid ako nung bata tapos pansin din ang tila pag iiyak ko sa loob ng kotse na syang sabi nila na don ko inamin na may relasyon kami nung bata at halos walong taon na daw. Tangina, natorete ako don, dahil siguro sa kalasingan, naghihimutok ako tungkol sa break up namin ni Veron at nagkataong kasama ko yung binata kaya napagkamalan nilang siya ang tinutukoy ko. The f**k!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD