Chapter 16

1358 Words
Chapter 16 Tyler’s P.O.V.   Ang sarap sa pakiramdam ng tubig na bumubuhos sa aking kahubaran. Napaka presko sa pakiramdam. Grabe kasi init kanina, pinagpawisan ako at nausukan na din, kaya nanlalagkit ako. Hindi ko rin naman intensyong maligo sa motel, pero kailangan. Di ako komportable eh. Sa katunayan, ako yung tipo ng tao na pala ligo dahil sa madali akong mairita sa dumi at pawis. Sabi nga ng mga tropa ko, ako daw pinaka maarteng taong nakilala nila. Natawa na lang ako sa kanila dahil don. Di nila alam na pinalaki ako ng mommy at daddy ko na iwas na iwas sa dumi. Na ayaw na ayaw nilang lagi akong namamawis nung bata pa ko. Kaya nga hanggang pagtanda, nakasanayan ko na. Anyway, bakit ko nga ba iniisip sila mommy at daddy? Eh tinakwil na nga pala nila ko. Wala na silang pakielam sa akin. “Sir, ano nga pala pangalan mo” rinig kong tanong ng batang kasama ko. Oo nga pala, naalala ko na kasama ko sya pero hanggang ngayon di ko pa rin alam pangalan nya. “Tyler, ikaw ano pangalan mo bata?” balik tanong ko sa kanya habang nagkukuskos ng sabon sa ari ko Lumipas ang sandali, wala akong narinig na sagot. “Hoy bata, ano din kako pangalan mo?” pag uulit ko. Tingnan mo re, sya tong di sumagot ngayon. Prolema ba nya? May aning ba tong kasama ko? Sa totoo lang, nanghihinayang ako sa kanya. Kay bata bata pa nya eh, 18 years old? Pero pumapasok na sa masamang gawain? Mukha syang loner, pero arogante. May hitsura din naman, malayo layo din lalakbayin nya kapag nag artista sya. Yun nga lang nakakapanghinayang na naging magnanakaw sya. Ilang beses din naman nyang itinanggi iyon. Ewan ko lang ha, medyo naniniwala naman ako sa paliwanag nya kung pano sya nakapasok sa bahay ko pero di ako pwedeng magpakampante. Ilang saglit pa, nakatapos na din ako maligo, nakaboxer lang ako nung lumabas sa banyo at kasalukuyang nagpupunas ng tuwalya sa buhok ko na mapansin kong tulala yung bata. “Hoy, ano tinutunganga mo dyan? Nagagandahan ka ba sa katawan ko?” asar ko dito. “Ha?” sabi nito na parang timang “Sabi ko nagagandahan ka ba sa katawan ko at nakatulala ka dyan” pag uulit ko “Siraulo! Hindi ah!” sigaw nito Hala sya, nang aasar lang ako kung maka react kala mong baboy “Oh ikaw na maligo, mukha ka ng mabaho” sabi ko dito na di na sya pinansin. Abala ako sa pagcheck ng gamit ko, baka kasi alam nyo na, may nawala gaya ng phone. Thanks God at wala naman. Akala ko kasi pagnanakawan nya ko ulit at iiwanang tangay tangay gamit ko “Oh, di ka maglilinis?” segunda ko ng mapansing nag aalangan ito. “A-ano kasi..” tila ba naipit dila nitong anas “Ano ba problema mo? Sayang oras oh, maliligo ka ba o hindi? Wala namang kaso sakin kung mag usap na tayo ngayon, kaso ayoko lang sa mababaho. Amoy usok ka na ng Mang Inasal” sabi ko na syang ikinakunot ng noo nya, agad nyang inamoy amoy sarili nya. “Hindi naman eh!” ani nito “Okay, ikaw bahala” sabi ko na umupo sa tabi nya “Oh, ano ginagawa mo?” tanong nito na tense na tense. “Malamang sumandal sa pader. Ano ba problema mo? Sabihin mo lang kung di ka naliligo” “Siraulo ka talaga! Naliligo ako!” inis na inis na pagsinghal nito. Kinunutan ko sya ng noo na syang ikinainis nya lalo at nagdudumaling nagtungo ng banyo. Natawa na lang ako sa ginawa nya. Mga kabataan nga naman ngayon oo. Di ko maintindihan mga pinaggagawa nila sa buhay. Napakamoody. Daig pa babaeng may regla Sinundan ko ng tanaw ang kilos nito papasok ng banyo. Maya maya pa, bigla na lang itong sumigaw. “Hoy! Bawal manilip ha!” sabi nito na ikinalito ko. Ako maninilip? As if naman. “Hoy bata, hindi ka babae para silipan. Wag masyadong assuming” sabi ko na inismiran naman nya “Mabuti kung ganon. Basta wag kang titingin dito!” dagdag nito na ipinagtataka ko, ano ba nasa utak nito para sabihin yon. Magsasalita pa sana ako ng mapanganga ako. Okay, alam ko na pinupunto nya. Ngayon ko lang napansin na see through pala yung pinto. Kitang kita ko pano sya maghubad. Maging ang pagsasabon nito sa katawan nito. Napalunok ako ng di oras. Nakita ko na nakaraan katawan nito pero ngayon ko lang napagmasdang mabuti. The f**k! Ano ba tong pumapasok sa utak ko! Di pwedeng ma arouse ako sa panunuod sa kanya habang naliligo. Namula ako ng di oras. Napatampal ako ng noo ng may realization akong natanggap. Ibig sabihin, pinapanuod din nya ako kanina habang naliligo? Tang ina! Kinilabutan ako ng di oras!   Lumipas ang oras,nakatapos na rin syang maligo. “S-sinilipan mo ba ko?” tanong nito “Hindi. Hindi kita sinilipan gaya ng paninilip mo” ani ko na ikinapula naming dalawa. “Di ko naman intension yon! Kasalanan ng motel yan! Naglagay pa ng pintuan kung kita din naman loob ng banyo!” paghihimutok nito na ikinatuwa ko na lang. Napaka inosente naman nya, ewan ko na lang kung totoo, pero feeling ko nagsasabi naman sya ng totoo. Pero sa ngayon, kailangan kong kumpirmahin yon. Kailangang maging malinaw sa amin ang nangyari last time. Hindi kasi pupwedeng pagbintangan nya ko na r****t at higit sa lahat, kailangan kong mabawi sa kanya wallet at engagement ring ko. “So, to formally clarify the issue, baka pwedeng magsimula tayong magpakilala? Hindi ko alam pangalan mo.” panimula ko. “My name is Tyler. How about you bata?” “I’m John Kelly, but you can call me JK” sagot nito na abala sa pagpupunas ng buhok. Nakaboxer short lang din ito na wait, snorlax design? Hahaha, ano ba namang bata to. Binata na pero isip bata pa rin? Anyway, di naman mahalaga yon sa pag uusapan namin kaya itinuon ko na lang ang pansin ko sa mahalagang bagay. “So, is that your real name or gawa gawa lang?” paniniguro ko. Nanlaki mata nito at medyo bubuga ata ng apoy bibig nito, maski ilong eh tila ba may lalabas ng usok. “Ano bang klaseng tanong yan ha mister? Tinanong mo pangalan ko tapos nung sinagot ko ng maayos, tatanungin mo ngayon kung totoo ba o hindi? Siraulo ka ba talaga?” himutok nito “Naniniguro lang, kasi may nakita akong pendant sa sampayan ko, and may nakaukit na JK don.” sagot ko naman “Wait, nasa iyo yung pendant ko?!” nanlalaking mata nitong tanong “Oo nasa akin, pero syempre, kailangang maniguro ako na sayo nga muna iyon” “Gago ba kayo?! Malamang sa akin yon! Nakita mo naman sigurong may naka engrave na initials ng pangalan ko. Akin yon! Thanks God at naiwanan ko pala sa inyo. Akala ko nalaglag ko habang naglalakad” sabi nito na talagang masayang masaya sa nalaman “Talaga bang sayo yon?” tanong ko pa. “Malamang sa akin yon! So, nasan na pendant ko? Napakahalaga sa akin non, bigay ng bestfriend ko yon eh” “Nasa bahay nakatabi. Di ko naman alam na magkikita ulit tayo. Anyway, yung wallet at ring ko? Nasayo pa naman siguro ano? Di mo naman binalak ibenta?” tanong ko. “Oo, nasa akin pa.” sagot nito. Tumabi ito sa akin sa pagkakaupo. “Saka gaya ng sabi ko sayo makailang beses na, hindi ko intensyong matangay iyon, sadyang nagmamadali lang akong makaalis non kaya yun nadampot ko. Wag kang mag alala, hindi ko pinagkainteresan wallet mo at singsing. Alam kong mamahalin yon pero hindi ako gaya ng iniisip mo. Hindi ako magnanakaw” seryosong sabi nito “Dala mo ba ngayon?” tanong ko sa kanya. Umiling ito “Hindi ko dala, syempre, ayokong mawala yon, alam kong pagnawala yon eh ako sisisihin mo. Hindi ako pinalaki ng mga magulang ko para gumawa ng masama. Hindi ko kayang magnakaw. Aanhin ko ba yung bagay na pinaghirapan ng ibang tao? Mas gusto kong pinaghihirapan ko mga bagay na gusto ko kesa magnakaw at manlamang ng kapwa ko” sabi nito na kita mong seryoso at totoo ang bawat pahayag Napatango na lang din ako. Tama naman sya, may point sya don. Di naman sa pagiging judgmental, pero sya lang naman talaga sisisihin ko at pagbibintangan. Pero ngayong narinig ko paliwanag nya, medyo naliwanagan ako kahit papano. Katahimikan ang namayani sa amin pagkaraan. Hindi namin alam ano susunod naming sasabihin. Napabuntong hininga kaming pareho. Maya maya pa, humarap ako sa kanya. Inayos ko upo ko para magkausap kami ng mas maayos. “So, okay, maliwanag na hindi ka magnanakaw. Sorry if napagbintangan kita, pero gusto ko lang mas malinawan. Kung hindi ka nga magnanakaw, pano ka nakapasok sa bahay ko?” Napakamot batok ito at natawa. Ano nakakatawa? Siraulo ba sya?    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD