Chapter 15

1260 Words
Chapter 15 John Kelly’s P.O.V.   Di ko malaman tong nararamdaman ko. Medyo nanginginig mga tuhod ko. Kinakabahan ako sa nangyayari. Nasa byahe kami ngayon papunta sa isang malapit na motel. Sakay sakay ako sa kotse ng mamang r****t. Argh, di ko mapigil sarili ko na kabahan. First time ko lang pupuntang motel. “Dito na tayo” sabi nito na nagmaniobra papasok sa parking space ng motel. Pinagpapawisan na ko ng malagkit. Ngayon pa lang ako makakapasok sa isang motel. Di ako mapakali. Palinga linga ako sa paligid ko. “Wag kang matense, baka isipin ng iba sapilitan kitang isinama dito” sabi ng mamang r****t na pinatay na ang engine ng kotse “Let’s go” sabi pa nito na bumaba na. Bumaba na rin ako sa kotse at sumunod sa kanya. Medyo nakaka kaba pala talaga pagfirst time mong magpunta sa isang motel. Although, ang motel ay pahingahan lang talaga, pero di ko maiwasang mag isip ng masama, dahil aminin ko man o hindi, naka associate na sa pangalan ng motel na lugar ito para sa mga taong gustong maglabas ng init ng katawan. Ilang babasahin at confessions na rin ang nabasa ko na sa mga motel ang s*x place ng mga mahihilig. Grr. Tumaas balahibo ko don. “Okay, JK wag kang matense, mag uusap lang kayo okay?” pagpapakalma ko sa sarili ko Ilang saglita lang, nakapasok na din kami sa lobby. Ganito pala ang hitsura ng lobby ng motel? Medyo blurred ang glasswall? Siguro para na rin sa privacy matters ng mga clients? Malawak ang lobby at may information desk sa gitna. May mga couches sa gilid na nagsisilbing waiting and receiving area. Konti pa lang ang mga taong pumapasok, karamihan, mga magpapartner. Mga magkahawak kamay pang nagtanong sa nag aassist kung may vacant room pa. Karamihan, may edad na. Iba sa kanila, mga bata ang karay karay. Mga babaeng tingin ko ay mga edad bente hanggang bente syete na sobrang iiksi ng mga suot na shorts and masyadong revealing ang damit. May iba namang napaka PDA, di na nahiya, naghahalikan akala mong di aabot sa mga rooms nila. Iba naman napaka touchy, mga di makapagpigil? Ganito ba talaga dito? “Ilang tao na kayo sir?” dinig kong tanong sa akin ng isang lalaking nasa desk. “Ahm 18 po” sagot ko na kinakabahan “May ID po ba kayo sir?” tanong pa nito. “K-kailangan pa po bang ipakita ID ko?” paninigurado ko. Kinakabahan kasi ako, baka makilala ako nito. Malay ko ba na baka schoolmate ko pala ito. O kaya kilala nya ko tapos ipamalita sa iba na si JK na loner sa school ay nagtungo ng motel na may kasamang matandang lalaki. “For verification lang sir, ang bata nyo pa po kasing tingnan” sabi nito na nauunawaan ko naman. Ipinakita ko dito driver’s license ko. Napatingin ako sa kasama ko at ngiti lang ang sinagot nito. “Okay sir, thank you po.” sabi nito sabay abot ng ID ko. “This way po sir, room 43 po.” ang pagsingit ng isang lalaki, na sa tungin ko ay bell boy base na rin sa suot nitong pulang uniform, na may yellow lining. “Tara na?” dinig kong tawag sa akin ng kasama ko. Nagitla ako sa biglaan nyang pag akbay sa akin. Sinamaan ko sya ng tingin pero nginitian lang nya ko. Bumulong ito kapagdaka. “Relax lang, mukha kang tense na tense. Baka kung ano isipin ng iba kung bakit nandito ka” “O-okay” pagsang ayon ko. Wala naman akong choice, kungdi makisakay na lang. Kahit na sa totoo lang, para bang may paru paro akong nararamdaman sa tyan ko. Ang lakas din ng pagkabog ng dibdib ko. Habang naglalakad patungo sa nasabing room, may mga nakakasalubong kaming kakalabas lang ng kwarto at alam mong ang sasaya ng aura kahit na halatang napasabak sa isang nakakapagod na laro. Grrr. Kinikilabutan ako. “This is your room sir, enjoy po” ani nung bell boy na naghatid sa amin sa room na nirent ng kasamahan ko. “Mauna ka ng pumasok” utos naman nito “Okay.” Kinakabahan ako pero wala naman na kong magagawa para magback out, nandito na ko kaya wala ng atrasan. Pumasok ako sa kwarto at agad na bumungad sa akin ang maaliwalas na silid. Puti ang kobre kamang napaka linis tingnan. Ang ayos nito ay napakametikuloso. Halatang iniwasang magkalukot para mukhang presentableng tingnan. May mga malilit na halaman sa gilid. Maaliwalas sya infairness. Minimal lang ang design. May isang flat screen TV sa gitna. Tapos may wait… may condom sa isang night table. What the heck? Talagang merong offer na ganito? Ano ba akala nila samin? Magsesex? Hello? Mag uusap lang kami! Lilinawin lang naming dalawa ang issue nung nakaraang apat na araw. Since pinagpipilitan nyang walang nangyari sa amin, at hindi ko sinasadyang magkamali ng dampot ng pantalon at di ako magnanakaw. Iyon lang agenda namin! Sinamaan ko ng tingin kasama ko. Hindi ako ready sa gantong bagay! “Wag mo nalang pansinin, kasama sa package offer ng motel yan. Don’t worry, hindi ako pumapatol sa kapwa ko lalaki. Mag uusap lang tayo” paninigurado nito. Tumango lang ako sa sinabi nito. Gumaan pakiramdam ko sa narining ko. Salamat kung ganon. Hays. Pinagpatuloy ko pagmamasid sa loob ng wartong ito. Airconditioned naman ito. May banyo sa bandang kaliwa pero ang mas nakaagaw atensyon ko ay ang salamin na nakapwesto sa may ceiling. Talagang may nakakabit na salamin sa kisame? What the hell?! May ganon talaga? Kinilabutan ako ng may maisip akong bagay gaya ng kung ano ang dahilan bakit meron non. “So, tutunganga ka na lang dyan?” sabi ng kasama ko. “Tara dito” “Okay” sagot ko na tumabi sa kanya sa pag upo sa kama. Malambot ito at mabango. “Gusto mo ba munang maglinis? Pwedeng gamitin mo muna yung banyo. Mauna ka ng maglinis” sabi nito na ikinalito ko “Excuse me sir, kailangan pa ba yon? Mag uusap lang naman tayo ah!” medyo histerikal kong sagot sa kanya “Oh bakit? Ano ba iniisip mo dyan? Mag uusap lang naman talaga tayo pero nanghuhulas na kasi ako kaya maglilinis ako, kaso inalala kita kaya itinanong kita kung gusto mong maligo. You know, nanlalagkit sa pawis at usok? Wala ka bang sense of hygienic awareness?” sabi nito na ikinataas ko ng kilay “Meron naman syempre! Pero kailangan ba yon? Saglit lang naman tayo mag uusap ah!” “Oo nga, pero mahaba haba pa oras natin dito. Madami tayong oras para mag usap. At para di masayang binayad ko, dapat lang sulitin natin yon, now, kung ayaw mo maligo, ako na lang muna maliligo. Hintayin mo kong matapos. At madami dami tayong pag uusapan.” “Pero sir…” pagtutol ko “Wag kang OA, wala akong planong patulan ka. Wag kang assuming okay.” sabi nito na tumayo na at nagtungo na nga ng banyo The heck! Sino ba may gustong patulan ka din?! Hibang talaga sya! Kainis. Humiga na lang ako sa kama at sumandal kapagdaka sa pader. Habang hinihintay na matapos sya sa pagligo, chineck ko cellphone ko. Nakalimutan kong kamustahin bunso kong kapatid kung nasa date pa nya ito. Kailangan ko syang masabihan na baka gabihin na ko sa pag uwi. Kailangang wag na wag syang uuwi ng wala pa ko. Kasi pag nauna syang umuwi, yung kotse ko baka makita nila mommy at daddy sa bahay eh akalain nakauwi na ko. Eh wala pa ko sa bahay. Mahirap na. Tinext ko din sila mommy at daddy na medyo gagabihin ako ng pag uwi dahil nasa mall pa ako. Hays, ayokong magsinungaling sa kanila pero para na rin sa ikakapanatag ng loob ko. Saka, saglit lang naman kami dito di ba? Yung mamang kasama ko na rin nagsabi na mag uusap lang kami. Teka, di ko pa nga pala alam pangalan nya. Oo nga, di ko pa nalalaman pangalan nya. “Sir, ano nga pala pangalan mo?” tanong ko na lumingon sa pinto ng banyo. Pero sa kahabag habagang langit, nanlaki mata ko dahil….. dahil….. Bakit glass door ang pinto sa banyo?!!!! What the heck! Kitang kita ko buong katawan nya habang naliligo! Ano ba namang motel to?! Naglagay pa ng pinto!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD