Chapter 17

1539 Words
Chapter 17 Tyler’s P.O.V. Hindi ko malaman kung ano problema ng batang to. Kay ayos ayos ng tanong ko kung pano sya nakapasok ng bahay ko pero ano ginawa? Tinawanan ako? Siraulo ba sya? “Sa susunod nga mister tyler, na kapag maglalasing ka, sisiguraduhin mong makakauwi ka ng maayos at may maayos pang pag iisip. Sinabi ko na sayo na nakita kita sa bar, lasing na lasing. Sobrang wasted, at apura suka. Hindi mo nga maayos na masuksok susi mo sa kotse eh. Kaya tinulungan kita, tinanong kita kung okay lang sayo na ihatid kita pauwi, basta bigyan mo ko ng pamasahe pauwi.” Salaysay nito na medyo nauunawaan ko naman kahit papano. “Tapos, pumayag ka, hinatid kita. Ako nagmaneho ng sasakyan mo. Ikaw nagturo ng address mo, maski password mo sa gate.” Pagpapatuloy nito. “Sa totoo lang, maski ako nagulat sayo kasi sa sobrang kalasingan mo, napaka vulnerable mo. Napakadali mong magtiwala sa ibang tao. Mabuti na lang kamo at hindi ako masamang tao na magte take advantage sa kalagayan mo. Hindi ako magnanakaw okay?” saad nito. Ahh so ganon nga, so tama nga ang sabi ni Mang Iking. Hinatid nga ako ng batang to dahil sa lasing na lasing ako. “Wait, naiintindihan ko na ikaw naghatid sa akin at sabi mo nga mabuti kang tao kasi  di ka nagtake advantage sa situation ko. Salamat sayo kung ganon nga, pero medyo curious lang ako. Wag mong mamasamain itong itatanog ko ah, paano ka nga ba nakapuntang bar? Di ba nakakapagtaka na coincidentally eh nandon ka at to the rescue sa akin? Sa edad mong 18, hindi ba kaduda duda yon? Na mag alok ka ng offer na ihatid ang isang gaya kong lasing na lasing sa bahay nito. Hindi ba nakakapagtaka yon? Parang modus operandi lang?” Tama naman ako di ba? Walang duda na may something sa naging actions nya. Bakit sya nandon? Di ba parang planado na inabangan ako sa labas? “Okay mister---“ “Tyler. Tyler pangalan ko” singit ko “Okay, Mister Tyler, I know naguguluhan ka at I’m sure pinagdududahan mo ko. Pero nagsasabi ako ng totoo. Wala akong intension na masama sayo. Ni hindi ko nga ikaw kilala. Sadyang nagkataon lang na that night eh tinangay ako ng mga walang hiya kong mga pinsan, birthday ko yon, binitbit nila ako don na labag sa loob ko. Pinaiinom nila ako at gustong gayahin sila na magparty. Hindi ako ganong klaseng tao kaya tumakas  ako. At gaya ng di inaasahan, nakita kita sa parking lot. Walang wala na akong choice, wala akong dalang cellphone, wallet o kotse man lang. kaya naglakas loob na akong manghingi ng tulong sayo, kaso lasing na lasing ka kaya napag isipan kong alukin ka na ihatid ka pauwi. Syempre di ka maniniwala sa dahilan ko na ginawa ko yon para makahingi ng bayad pamasahe pauwi ko. Pero ano ginawa mo matapos kitang ihatid? Sinukahan mo ko, tapos ginawa mo kong yaya para linisan ka tapos..tapos…pinagsamantalahan mo ko” salaysay nito na naiiyak na. Napasabunot naman ako ng ulo kasi napagbintangan na naman ako nitong pinagsamantalahan siya. Sa totoo lang, gets ko na yung point nya. Na oo, hinatid nya ko, at sobrang lasing na lasing ako. Kasalanan ko din naman kung bakit ako nagpakalasing ng sobra sobra. Dahil yon sa broken hearted ako. “Okay wait lang… hinay hinay lang okay? So, tumakas ka sa mga pinsan mong tinangay ka sa bar na labag sa loob mo, ngayon, ako nakita mo para makaalis ka don. Tama ba?” paninigurado ko “Oo nga kulit mo din noh? Ikaw na nga tinulungan ko, ako pa ginawan mo ng masama!” sigaw nito na ikinagulat ko “Whoah whoah, bata hinay lang, kalma lang okay. Kaya nga nag uusap tayo para malinaw di ba? Nagsorry na ko na napagbintangan kitang magnanakaw, wag ka namang ganyan” pagpapakalma ko dito “Eh  panong kakalma, ako na tong nagmagandang loob sayo pero nagawa mo pa kong pagsamantalahan! Tapos pinagbintangan pa kong magnanakaw. Panong di sasama loob ko non? Sa edad kong to eh napagbintangan?” medyo naiiyak nitong anas. Gigil na gigil mga kamay nito. “Kalma lang okay? Magpapaliwanag pa ko okay?” pigil ko dito. Sinamaan lang ako ng tingin. “Kalma ka muna pwede” dagdag ko. Bakit ba napaka moody ng taong to? Sensitive naman din masyado? Kaya nga nag uusap para magkalinawan di ba? Saka gusto kong malinis pangalan ko. “Eh paano mo maipapaliwanag sa akin yung ginawa mo?” ang nahihiya nitong wika “Ano nga ba muna ginawa ko sayo? At galit na galit ka ng ganyan? Sa pagkakaalam ko, wala naman talagang nangyari sa atin dahil hindi ako pumapatol sa kapwa ko lalaki” pagpapaliwanag ko. “Hinalikan mo lang naman ako ng makailang beses, pinipilit kong makawala sayo pero sinikmuraan mo ko, nawalan ako ng malay tapos nagising na lang ako, nasa lapag na ako ng kwarto mo at masakit pwitan ko!” sigaw nito na labas na labas ang ugat. Grabe naman to. Isa lang namang misunderstanding ang lahat. “Wait lang okay. Ikaw bata ha, kanina ko pa napapansin na hindi mo ko ginagalang, baka nakakalimutan mo, matanda ako sayo. At mahinahon kitang kinakausap. Baka gusto mong huminahon at linawin natin to ng maayos?” sabi ko dito na may otoridad. Medyo naiirita na ko sa pagsigaw sigaw nito eh. Nauunawaan ko naman na gusto lang nyang bigyang kasagutan ang mga tanong nya sa isipan. Gusto din nyang mabigyan ng hustisya ang inaakala nyang pananamantala ko. “Now, pwede bang mahinahon mo lang ako kausapin? I know medyo may galit ka sa puso mo, pero gaya ng paglilinis ng panglan mo, hayaan mong linisin ko din pangalan ko? Pwede ba?” tanong ko na hindi naman nya sinagot Tang ina lang. “Ano?” sighal ko pero mahinahon lang. Ayokong maging agresibo, kasi di namin malilinaw ang lahat kapag pinangunahan ko ng hindi magandang kilos. “O-okay.. sorry” sagot nya makalipas ang ilang segundong katahimikan “Good, kasi bata, I mean JK, hindi kasi natin maaayos tong issue nating dalawa kapag pareho tayong galit. Kailangang mahinahon, dahan dahan lang. Kaya sana wag mong masamain ito. Sabagay, napakabata mo pa kasi kaya di ka pa sanay sa way ng mga matatanda na ayusin ang mga problema. Pero I’m sure matututunan mo ding magmature. Naniniwala ako ayo don.” pagpapaliwanag ko na sinang ayunan naman nya. Alam ko namang mahusay ito at madaling makaintindi. Masyado pa syang bata at nagsisimula pa lang magmature “Gaya nga ng sabi ko, gusto kong malinaw natin ang issue, yung maling akala ko sayo na isa kang magnanakaw, again, humihingi ako ng dispensa. Naliwanagan na ako sa nangyari. Nagsorry na ako sayo, kaya this time, side ko naman ang lilinawin natin. Una sa lahat, hindi ko maipagtatanggol sarili ko sayo kung talagang hinalikan kita ng gabing iyon. Lasing na lasing ako at di ko maalala kung anong katarantaduhan ginawa ko. Kung nasaktan kita at nabastos, patawad, pero yung r**e thingy, lilinawin ko sayong wala talagang nangyari sa atin. 100% akong walang nangyari sa atin” pagpapatuloy ko “Pero masakit puwitan ko pagkagising ko! May ginawa ka sa akin! Pinagsamantalahan mo ko!” sigaw nito. Napailing na naman ako. Kita kong galit na galit ito. Nauunawaan ko sya, kasi ba naman, kay bata bata pa nya, at lalaki pa sya at ang makipagsex sa lalaki, I know na di nya gusto yon  “JK, believe me, walang nangyari sa atin” sagot ko sa kanya. Mataman ko syang tiningnan sa mga mata nya. Nakikita kong nais na nyang maiyak, taliwas kasi sa inaakala nya ang mga paliwanag ko. Napapailing ito. “Pero… pero…” hindi na nito natuloy sasabihin nya dahil hinalikan ko sya. Nanlaki mata nito dahil sa ginawa ko. Agad din naman akong humiwalay sa kanya. “Kalma lang okay.” Sabi ko “Kakalma? Pano ako kakalma eh hinalikan mo ko! Siraulo ka ba?!” singhal nito “Isang tanong isang sagot, ano naramdaman mo sa ginawa ko ngayon?” seryoso kong kwestyon sa kanya. Nagitla naman ito panandali “Syempre nandiri! Sino ba may gustong halikan ng kapwa mo lalaki? Atsapa, ano sa tingin mo mararamdaman ko? Syempre galit ako!” galit na galit na paliwanag nito Nangiti ako sa reaksyon nya. “Ano nginingiti mo dyang siraulo ka? Yan ba sinasabi mong walang ginagawang masama?! Manyak kang matanda ka! r****t ka!” “Kalma lang JK” saad ko na pinitik ang noo nito na agad nyang hinimas dahil malamang nasaktan ito. Natahimik naman sya don kahit papano “Nung hinalikan kita, nagalit ka agad at nandiri. Pareho lang tayo ng naramdaman. Ganon din naramdaman ko ng malaman kong nakahubad tayong dalawa at pinagbintangan mo kong r****t. Pero kesa magalit at magwawala ako gaya ng ginawa mo, ang una kong ginawa ay mag observe at analisahin sa sarili ko kung totoo nga bang may nangyari sa atin. At nalaman kong wala nga. Alam mo kung pano?” “Pano?” curious nitong tanong “Simple lang, lukot lukot kobre kama ko, pero walang bahid ng dugo, o mantsa man lang. Alam mo naman sa sarili mo na walang bakas ng dugo sa kama maski sa pang ibabang katawan mo. So, isang tanong isang sagot, Ano sa tingin mo ang dahilan? May nangyari ba sa atin o wala?” Tanong ko sa kanya na ikinatahimik nya. Alam ko naman ang sagot. Wala talagang nangyari sa amin, nag over react lang sya sa nasaksihan nya sa sitwasyon namin. Hahahaha, natatawa ako sa sumunod nyang reaksyon. Well, napagtanto nyang may point ang sinabi ko. Napatingin sya sa akin ng di oras at may gustong sabihin pero di nya magawang makapagsalita. So sino kaya sa amin ang napahiya? Hahahah, mukhang hindi ako minamalas ngayon ah. Umaayon sa akin ang pagkakataon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD