Chapter 14

1773 Words
Chapter 14 John Kelly’s P.O.V   Arghh!!!! Gusto kong balibagin ng silya yung matandang yon! Nakakainis! Bakit ba sa dinami rami ng makaka-share ko ng mesa eh sya pa?! Napakakapal ng apog! So akala nya talaga bayaran ako? Siraulo sya! Gigil na gigil akong sumandok ng kanin at galaiting galaiting ngumuya. Nakakainis! Nawalan na ko ng gang kumain! Malaman ko lang na nandyan presensya nya, bigla bigla na lang akong kinilabutan! Natatakot ako sa kanya kasi ba naman di pa rin ako maka get over sa nangyari sa amin. Sya tong tinulungan ko nat lahat lahat tapos gagawan nya ko ng masama! Tapos sa lagay ngayon eh sinadya ko yon? Siraulo ba sya? Kay bata bata ko pa! Magtatangka na sana akong tumayo at di tapusin ang pagkain ko ng magitla ako sa brasong umakbay sa akin. “Going out soon? Di ka ba nanghihinayang sa pagkain? Madaming tao nagugutom sa mundo, wag kang mag aksaya ng pera. Ikaw na nga itong masarap ang kinakain tapos di mo uubusin?” sabi nito na halatang nang iinis, pero may point naman sya. So, humanitarian pala sya? Wow, may compassion naman pala sya. Pero bakit ba iniintindi ko yon, kailangan ko syang iwasan! Tama! “Busog na ko, saka gabi na, kailangan ko ng umuwi” dahilan ko. Tinitigan naman ako nito ng seryoso. “Upo” utos nito na ikinagulat ko lalo, bossy kasi. May sense of authority. kainis. “Salamat pero kailangan ko ng umuwi” paalam ko dito. “Uubusin mo yan o uubusin? Wag kang aksayado sa pagkain. Mahiya ka naman sa pagkain.” Sabi nito na binigatan ang pagkakaakbay nito sa akin na syang dahilan para magiya nya ko paupo ulit. “Tapusin mo pagkain mo at may pag uusapan tayo. May nangyari sa atin 4 days ago na kailangang linawin” ani nito na umupo na din sa pwesto nya. Tinitigan ko sya, gusto ko syang sagutin pero inismiran lang nya ko at nagsimula ng kumain. Tatayo ulit ako para maiwasan sya ng bigla na lang itong humampas sa mesa na ikinagulat ko at maging ng mga nasa paligid ko. “Ah, ang sarap talaga sa Mang Inasal, miss beautiful, extra rice pa nga” sabi nito na tila ba ng hahamon ng away. “Kakain ka o kakainin kita? Mamili ka.” mahinang sabi nito sa akin. May something sa tingin nya sa akin na ikinatayo ng mga balahibo ko. “Tsk, gusto mo atang kainin kita” dagdag pa nito na ikinalunok laway ko. Takte, i-e-erase ko na yung sinabi kong mabait sya at mukhang compassionate. Wala naman akong ibang choice kungdi ipagpatuloy ang naudlot kong pagkain. Alam kong pulang pula na ko sa inis nito. At para malihis ko ang namumuong sama ng loob ko, kumain na lang ako ng kumain. Nahihiya man sa kumag na kaharap ko, nagtawag ulit ako ng crew para sa extra rice. Tinuon ko nalang muna sarili ko sa pagkain. At sa di inaasahang pagkakataon, nakakengganyo palang kumain lalo na yung kaharap ko eh malakas din kumain. Di ko alam kung may hidden competition ba kami sa pagkain kasi apura tawag naming dalawa para sa extra rice. Nakailang servings din kami. At ng sa huli, nadama kong nabusog na ko, napahawak ako sa tiyan kong medyo lumobo sa busog. Uminom ako ng ice tea ng may isang basong masarap na halo halo naman ang bumungad sa akin. Inilapag ito sa harap ko na tila naghahamon na kainin ang masarap na palamig. Napatingin ako sa kaharap ko. Magsasalita sana ako ng pangunahan nya ko. “Dessert?” alok nito. Nahihiya mang tumanggi, tinanggap ko na lang, alam ko namang bukal sa loob nyang binigay ito sa akin kasi may hawak din naman syang sarili nya. “Salamat” pasasalamat ko “Okay” ani nito na tuloy lang sa pagkain ng halo halo. Namesmerized naman ako sa ginagawa nyang pagkain. Napalunok ako sa bawat pagsubo nya. Napakacool nyang tingnan. Sabagay, medyo matured na rin kasi sya. Magkagayon man, may hitsura din talaga sya. Hmm napakapreskong tingnan  ang walang humpay nyang pagsubo sa malamig na halo halo. Maputi ito, may awra syang kagalang galang na para bang bossy sa totoo lang. pero kahit ganon ang nakikita kong presensya nya, di ko maikakailang nakakagaan ng puso na pagmasdan sya ng matagal. Di nakaksawang tingnan mukha nya. Yung tipong gusto mo syang makasama lagi?  Yung labi nya nakaka engganyong pagmasdan. Tapos yung bigote nyang medyo manipis, nakakdagdag sa lakas ng s*x appeal nya, pero ang nakakaagaw atensyon eh yung ilong nyang may katangusan at mata nyang hazel brown. Bagay sa hulma ng mukha nya. May halo ba syang lahi mula sa European country? Perhaps may dugo ba syang German? Argh, biglang nanuyot lalamunan ko. Hays, kesa kung saan pa mapunta tong isipan ko, napailing na lang ako at sinimulang kainin tong libreng halo halo. Lumipas ang mga sandali, kapwa kami busolve sa pagkain. Kapwa hawak hawak namin ang mga tyan namin. “Burp” dighay ko. “Excuse me” sabi ko agad, syempre nakakahiya “So yan pala ang busog na at need umuwi? Dami mo ding nakain, sa susunod, kapag alam mong gutom ka, wag kang mahihiyang kumain. Saka uubusin mo yung pagkain dahil maraming taong nagugutom, magpasalamat ka at may nakakain ka compare sa iba na walang wala.” sermon nito na may halong pag aasar “Okay, noted” sagot ko na di na lang pinatulan ang panimula nyang pamumwisit sa akin. Wala ako sa ganang makipag away. “So, maiba naman tayo, ilang taon ka na ba? Kay bata bata mo pa eh natuto ka ng magbenta ng katawan at magnakaw?” sabi nito na ikinainis at taas ng kilay ko. Talagang nagpantig tenga ko don! Wala akong balak patulan sya pero nung sinabi nya yon, di ko sya sasantuhin! “Excuse me sir ha, hindi po ako ganong klaseng tao. Kung makapagbintang ka dyan, napaka judgmental nyo naman. Ako na nga tong nagmagandang loob na tinulungan kayo para makauwi tapos ano? Pagsasamantalahan nyo pa? di ba dapat kayo ang mahiya” bulalas ko dito. “Well, sa ating dalawa, ikaw ang napaghahalataang may masamang intension. Una sa lahat, lilinawin ko lang sayo, walang nangyari sa atin. I am innocent you know, atsaka alam ko sa sarili kong walang nangyari sa atin. Lasing ako that time at I know na wala akong lakas para gawin yang binibintang mo. Ikaw, paano mo naman kaya maipapaliwanag kung paano ka nakapasok sa pamamahay ko? Hindi ba gawain yon ng magnanakaw? Tinangay mo pa nga wallet ko di ba?” Wow, as in wow, hibang na ba sya? Walang nangyari? Kung walang nangyari, bakit masakit pang ibaba ko? Saka, ako magnanakaw? San ba nya nakuha ideyang yon? “For your information lang sir, ako tong nagmagandang loob na ihatid kayo pauwi from the bar. Sobrang wasted kayo okay. Regarding dyan sa binibintang nyo kung pano ako nakapasok, well kayo lang naman po ang nagbigay ng password ng gate at pinto nyo. I’m sure di nyo lang maalala dahil lasing na lasing kayo. Ano ba malay ko sa technology na meron ka don. Saka, hello? Ako magnanakaw?  Hindi ako pinalaki ng mommy at daddy ko para gumawa ng masamang bagay na binibintang nyo” paglilinaw ko dito “Pero nasayo ang wallet ko di ba? Pati engagement ring?” tanong nito na may panunudyong tingin. Napahinto ako panandali non. I cleared my throat bago ko sya sagutin. Mukhang mahaba habang paliwanagan ito eh. “Sir, di ko sinasadyang matangay pantalon nyo okay?” “So nasa iyo nga, meaning tinangay mo nga. Eh di ba act of stealing yon, so magnanakaw ka” “Sir, hindi po ako magnanakaw okay. Takot na takot ako sa inyo non. Remember, pinagsamantalahan nyo ko. Kayo tong r****t” kundena ko “Again, sinabi ko sayong walang nangyari sa atin, so stop accusing me of r****g you. Sa edad kong ito, kilala ko katawan ko, at alam kong hindi ko nagamit si manoy nung araw na yon” “Walang nangyari? Hello, sir, masakit po pwitan ko. Pano mo maipapaliwanag yon?” sigaw ko sa kanya. Medyo na high blood ako dahil sa kanya! May sasabihin pa sana ako pero papatigil ako sa pagsasalita ng mapansin kong medyo nakakaagaw na pala kami ng atensyon. “I think we need to talk somewhere” suhestyon nito na agad kong sinang ayunan. Nahiya ako bigla dahil sa padaskul daskol kong sagot. Kainis! Kita kong nagbubulungan mga tao. Arghh! Napayuko na lang ako sa kahihiyan. Tahimik kaming lumabas ng Mang Inasal. “San tayo pwedeng mag usap ng maayos?” tanong ko. Napahawak ito sa sentido at alam kong nag iisip din ito ng lugar. Tahimik ko lang syang pinagmasdan habang hinihintay ang sagot nya. “Do you mind if we rent some place?” biglang sabi nito na ikinalaki ng mata ko “What?! Hoy mamang r****t, may masama kang pinaplano ano?! Subukan mo lang ipapakulong kita!” histerikal kong sagot “Kelan ka ba titigil sa pagiging OA? Sinabi ko na sayong walang nangyari sa atin. Saka wag mong pag isipan ng masama ideya ko dahil wala akong ibang maisip na lugar na pwede nating pag usapan, as what you can see, sensitibo tong pag uusapan natin. We need to fully clarify nangyari sa atin that night.” ani nya “Panong di pag iisipan ng masama, ang bata ko pa para magpunta ng motel” sagot ko “So ilang taon ka na nga ba?” “18” “Oh, legal age naman pala ano ikinakatakot mo dyan? Mag uusap lang naman tayo. Unless, may binabalak kang iba gaya ng modus operandi mo na pinagpipilitang may nangyari sa atin kuno para mahuthutan mo ko ng pera dahil papalabasin mo na pinagsamantalahan kita.” “Siraulo ba kayo? Hindi ako ganong klaseng tao! Saka sa dinami rami ng lugar bakit motel pa?” “So, kung ayaw mong magmotel, may isa-suggest ka bang lugar? Hindi naman pwedeng sa bahay ko dahil baka pagnakawan mo ulit ako. “Hindi nga ako magnanakaw!” pagtatama ko. Naiinis na ko, bakit ba parang ako nang agrabyado sa kanya? Ako tong nagawan ng masama ah! “Kung totoo yang sinasabi mo, eh di patunayan mo. Linisin mo pangalan mo. Saka mag uusap lang tayo. May masama ba don?” “Pero---“ “Kung ayaw mo, ikaw magdecide kung saan. Since, ipinagpipilitan mo namang hindi ka magnanakaw at ayaw mo sa suhestyon ko. Bilis, ikaw na magdecide, san tayo mag uusap? May place ka ba?.” Natahimik ako. Sa totoo lang, wala din akong maisip na lugar dahil limitado lang alam kong lugar. Di pwede sa amin. Magtataka sila mommy at daddy. At mas lalong mag ngingiting aso si Kiel. Di naman pwedeng sa park, kasi madaming tao, nakakahiya kapag may makarinig na iba. Hays. Wala na talaga akong choice. “Okay, payag na ko sa lugar na sinasabi mo. Pero, ipangako mong mag uusap lang tayo, dahil pag may iba pang nangyari, ipapakulong kita.” banta ko dito na naninigurado lang ako “Tsk, ako pa pinagbantaan mo? Baka ikaw may balak gawin sa akin, may edad nga ako sayo pero mas mapangahas kabataan ngayon. Saka ako ipapakulong mo? Baka ikaw dyan ipakulong ko, remember nasa iyo wallet ko.” Aangal pa sana ako pero nauna na itong lumakad. Okay wala na kong masabi, masama loob kong sinundan sya tangan tangan ang mga pinamili ko. I hope malinaw na ang lahat sa amin  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD