Chapter 13

1498 Words
Chapter 13 Tyler’s P.O.V   “Hala si sir nangingiti oh, sino kaya nabunot nya?” rinig kong sabi ni Grace “Secret, bawal sabihin” sagot ko. “Hahaha, nako, wag naman sana ako” ani naman ni Kim Napailing na lang ako sa kanila. Pasado alas sais y media na ng matapos ako sa pagpapabunot. Hays, late na akong mag-a- out sa work nito dahil na rin sa trabahong pinagawa sa akin ni ma’am Shaira. Nilibot ko kasi ang buong finance department para sa bunutan ng pangalan for exchange gift. Instead na ipasa ko gawain sa juniors ko, mas minabuti kong personal na pabunutin mga katrabaho ko. Syempre, para mang asar sa kanila. Pamilya turingan namin dito kaya normal lang na magharutan kami. Syempre hindi naman  pwedeng laging seryoso, kailangang ibreak ang ice, at alam kong excited na silang malaman sino mabubunot nila at iyon ang gusto kong makitang reactions nila. Kita kong gustong gusto na nilang malaman ano pangalan ng reregaluhan nila ng something naughty na regalo nila. Hahaha Matapos ang duty ko, nag out na ako. Dumiretso akong parking lot ng sa di inaasahan eh mapansin ako ng gwardya. Si Mang Red pala “Oh sir, himala at late na kayong nag out ngayon? Wala ba kayong date ngayon? Last year eh lagi kayong nagmamadaling umalis dahil sa naghihintay kamo girlfriend nyo. Naiba na po ba schedule ng Christmas Sale ngayon sa mall?” sabi nito. Napahinto ako dahil don. Tsk. Oo nga no, ngayon ko lang napansin na hindi ako nagmamadali sa pag uwi. Lalo na’t may Christmas Sale. Natawa tuloy ako ng mapakla. Nakalimutan kong ito ang kauna unahang Christmas season na hindi ako nagkukumahog at nag aalala na may nagagalit na Veron kapag late akong sunduin sya dahil mag-mo-mall siya. Mahilig kasi yon sa mga Sale seasons. Nakakapanibago pala maging single lalo na at 8 years din akong may karelasyon “Nako mang Red, nahuli po ata kayo sa balita, break na kami ng girlfriend ko eh” sagot ko na ikinagulat nya “Ano? Break na kayo? Eh di ba matagal na kayo nun? Parang nakaraan lang eh maaga kang nag out sa work at sabi mo may aalukin ka kamo ng kasal. Anong nagyari? Bakit naman break na kayo?” tanong nito na naguguluhan “Mahabang istorya Mang Red eh, inalok ko nga po sya ng kasal pero break up binigay sakin hahaha ayaw nya po atang magkaroon ng asawang gwapo” medyo bitter kong sagot “Nye, ano kaya yon, di ba matagal na kayo non? Sayang naman pagsasama nyo nyan? Excited pa naman ako sayo kasi sabi mo kukunin mo kong abay sa kasal mo, tapos di naman pala kayo nagkatuluyan.” “Ganon po talaga mang Red, kumupas na ata karisma at kagwapuhan ko eh” natatawa kong biro “Ito namang batang to, sa gwapo mong yan kukupasan ng karisma at kagwapuhan? Bakit ako? 50 na ko pero habulin pa rin ng mga chix. Tsk, tsk, kulang ka lang siguro ligo, hayaan mo, hanapan kita ng mapapangasawa. Ako bahala sayo, madami akong irereto sayong kakilala kong magte- trenta na eh mga dalaga  pa rin” “Nako, baka maabala ko pa kayo nyan Mang Red, wag po kayong mag alala, eenjoyin ko muna pag kabinata ko” “Eh baka tumanda ka na nyan ng wala pa ding asawa?” “Wag kayong mag alala Mang Red, idol ko kayo, kahit maging single ako sa edad na 50 o 60, alam kong madaming maghahabol sakin” biro ko na ikinatawa lang nito “Gago kang bata ka, oh sya, umuwi ka na, ako pa tong pamamarisan mo, oh sya, anong oras na roronda pa ko sa baba. Ingat sa pag uwi” paalam nito “Salamat Mang Red, Ingat din kayo baka may chix dyan na gustong asawahin ka” “Gago ka talaga!” Natawa na lang ako sa kalokohan namin.   Chineck ko oras sa cellphone ko, aabutan ako ng rush hour nito kapag di pa ko umalis. Nagmaneho na ko papuntang mall. Badtrip, ito na nga ba sinasabi ko eh, grabe traffic! Alas otso y media na ko nakadating sa mall. Ang dami namang tao ngayon, sabagay, Christmas season na. Anyway, tumuloy na muna ko na mamili ng something naughty na pangregalo, at isa sa naisip kong ibigay ay condom cake. I mean, derived from the idea of money cake, this time, instead of money ang nasa loob ng cake, eh condom gagamitin ko. Brilliant idea huh? Well, matalino ata to. Ang tanong, sino gagaw non? Well, sino pa, eh di ako. Marunong naman akong mag-bake, obviously, multitalented ako. Wala akong tagaluto sa bahay kaya lahat ng style sa pagluluto inaral ko, maging baking. Ofcourse, di lang condom cake ireregalo ko, something naughty ang theme kaya dapat level up ko regalo ko, Nag order ako online ng special underwear. Yung underwear na animated. Yung Elephant ang design, tapos yung ilong nito yung nakalaylay, pantakip sa ari. Tapos ang partner naman non eh shark designed underwear. Yung nakangangang shark ang hitsura, tapos open yung part mula sa puwitan hanggang sa v****a. Ayos di ba? Mamaya ko titingnan, masubukan din hahaha. Dumating na yon sa may amin kanina, nanotify ako ng nagdeliver na iniwanan nya to sa may guard house. Mag aalas nueve na nung makaramam ako ng gutom. Sabagay late nako lumabas, kaya di pa ko nagdi-dinner. Naisipan kong kumain na muna bago ipagpatuloy ang pamimili ng pang regalo sa mga anak ni Ma’am Shaira and at the same time, magliwaliw. Magsha-shopping din ako. Aba, ngayon ko lang ka-date sarili ko ngayong magpapasko. Hays, ano na kaya ginagawa ni Veron? Nagshopping na naman siguro yon kasama ang bagong boyfriend. Tsk. Bakit ba inaalala ko sya? Wala naman syang pakielam sa akin kaya dapat di ko na sya intindihin pa. Grrr, umaangil na tyan ko. Gusto ko ng kumain, masarap sana sa Bon Chon kaso di ako mabubusog don, sa Tokyo Tokyo kaya? Eh sa Kuya J’s kaya? Hmmm mahal rice don. Ah alam ko na, Mang Inasal na lang, may unli rice don kaya sigurado akong solve ako don. Dumiretso ako sa Mang Inasal, yun nga lang, puno, madaming tao. Aalis na sana ako ng mapansin ko na may bakanteng upuan. May crew doon na naglilinis, kaya sigurado akong may kakaalis lang doon. Agad akong pumunta para ireserve iyon. Iniwan ko yung pinamili ko para may makaalam na occupied na yung isang upuan. Wala namang problema kung makishare ako ng mesa, fast food chain naman ito, walang artehan. Gutom na ko. Kaya pumila nako. Mabuti naman at medyo umikli yung pila, siguro yung iba nagbago na isip kasi puno. Kaya mabilis akong naka order. Nagbayad na rin ako at nakuha ko na yung timer at resibo. Pabalik na ako sa pwesto ko nang makita ko na may kumakain na sa kabilang upuan. Ah yung kashare ko sa mesa. Nice, I hope he don’t mind me. Paupo na ako ng makilala ko yung kumakain na manghihingi pa sana ng extra rice. Nakilala nya ko at natuwa ako sa reaksyon nya. Para syang matatae sa gulat. Biruin mo nga naman ang tadhana, dito pa kami magkikitang muli. “Ahem, mind you if I share a seat with you?” tanong ko dito na syempre di ko na hinintay response, occupied ko na yung upuan eh, may magagawa pa  ba sya? Muntikan ng mabulunan yung binata, kita kong namawis agad noo nito. Gulat na gulat sa akin eh. May sasabihin sana ito sa akin ng… “Ahm sir, extra rice po ba?” singit ng isang crew. “Ah, o-oo, extra rice pa ate” nahihiya nitong banggit. Yung babaeng crew, nagserve naman ng rice. Habang yung bata, tinitigan nya ko ng masama, bakit? may ginawa ba kong masama sa kanya ngayon? Kakaupo ko lang ah.. hmm inoobserbahan ba nya ko kung bakit nakatingin ako sa kanya? Nahihiya ba sya? “Ahm miss beautiful, can you please add more 3 cups of rice, nahihiya ata yang batang yan na sabihin, alam kong gutom na gutom na sya, okay lang ba?” agaw pansin ko sa babaeng nagserve. Nagulat ito sa pagsingit ko, pero nginitian ko lang sya. I’m sure, nagwapuhan ito sa akin. “N-no problem sir” sagot nito na nagdagdag pa nga ng tatlong cups ng kanin “Thank you Miss Beautiful” pasasalamat ko dito. Nagblush naman ito at nagpacute pa bago umalis. Bumalik ang tingin ko sa binatang magnanakaw at tila ba naestatwa ito dahil di pa ginagalaw pagkain nito. “So tititigan mo na lang yang pagkain? Sayang naman, alam kong gutom na gutom ka na, wag ka ng mahiya, kumain ka na dyan, di kita pipigilang magpakabusog, halatang ngayon ka lang nakakain dito.” panimula ko. “So, kamusta ka na? May bago ka na bang nabiktima? Ohh wait, nakakatuwa naman, Mukhang madami kang napamili ah, tuwang tuwa ka sigurong gastusin pera ko?” dagdag ko. Sinamaan nya ko ng tingin. Aangil sana ito pero tumunog na yung timer na hawak ko. “Oops, let’s talk later, ready na yung order ko. Go on, kain ka lang ng kain dyan, kain ka na bilis, lalamig yung rice oh, wag ka ng mahiya. Pakabusog ka ha. Baka gusto mo pang extra rice? Oh sya, kunin ko lang order ko.” sabi ko bago umalis. Iniwanan ko syang nanggagalaiti sa di ko malamang dahilan. Hahaha nakakatuwa naman sya. “Mukhang ang swerte ko ngayong araw, mukhang may makakatikim sakin ngayon.” bulong ng aking isipan, natawa ako sa naiisip kong paraan para mapanagot sya sa ginawa nyang pagnanakaw sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD