Chapter 18

797 Words
Chapter 18 John Kelly’s P.O.V.   “Simple lang, lukot lukot kobre kama ko, pero walang bahid ng dugo, o mantsa man lang. Alam mo naman sa sarili mo na walang bakas ng dugo sa kama maski sa pang ibabang katawan mo. So, isang tanong isang sagot, Ano sa tingin mo ang dahilan? May nangyari ba sa atin o wala?” Natahimik ako ng di oras ng sabihin nya ang mga linyang iyon. As in nablangko ako. Mula sa diskusyon nya, alam kong may point sya. Tama sya. Nung magising ako sa sahig ng kwarto nya, nakita ko agad na hubad kaming dalawa. Pero ni bahid ng dugo o anumang mantsa sa kama nya, wala akong napansin. Maski sa katawan ko nung naligo ako pag uwi. As in wala nga talaga. Maliban lang sa masakit ang puwitan ko, walang ibang magpapatunay kung talagang may nangyari sa amin. Hindi ko sya pwedeng pagbintangan ng walang matibay na ebidensya na magdidiin sa kanya. Gusto kong magsalita pero walang boses na gustong lumabas sa akin. Napayuko na lang ako. Napagtanto kong may mali sa ipinaglalaban ko. “Alam kong alam mo ang sagot” sabi pa nya. “Alam mong wala talagang nangyari sa atin. Kasi una sa lahat, alam mong lasing na lasing ako at wala ng lakas para gawin pa yon. Kung hinalikan man kita at nagpakita ng motibo, malamang dulot lang yon ng subconscious mind ko na inakala kong ikaw ang ex –girlfriend ko na nakipag break sa akin after 8 years na pagsasama namin. At alam mong walang pamumuwersang naganap dahil hindi naman grabe ang sakit ng puwitan mo non. Kasi kung napwersa ka, hindi ka makakatakbo ng mabilis o talon sa gate kong napakataas. Tama ba?” Wala akong maisagot kasi totoo naman yon. May tama sa bawat sinabi nya. Kasi kung totoo ngang may nangyari sa amin, pano ko nagawang makatakbo o talon? Hindi naman pwedeng adrenaline rush lang yon. Kasi nung nakauwi ako sa amin, at nakatulog, pagkagising ko, wala na akong maramdamang sakit. As in parang walang nangyaring p*******t ng puwitan ko. Pero, saglit lang, di ko naman pwedeng kalimutan na may naramdaman pa rin ako kahit papano. Kailangang bigyan linaw yon. “Ano sa tingin mo?” dagdag pa nya. Napatingin ako sa kanya. Gusto kong malinawan pa. “T-tama naman kayo mister tyler, pwede ngang totoo yung sinabi nyo. Ang pinagtataka ko lang, kung walang pamumuwersang naganap, bakit sumakit puwit ko non? Alangan namang sumakit yon ng walang dahilan. Di ba posibleng napasok ako pero di natuloy, siguro hindi natuloy dahil nakatulog kayo sa kalasingan?” paliwanag ko. Possible naman di ba? “Yeah, pwede din yon” sagot nya na napahawak baba pa. “Oh di ba? Possible naman. So, hindi mo maikakaila sa akin na mag react ng ganon kasi nabigla din naman ako.” pagdadahilan ko “May point ka dyan JK, pero may mali ka din. Una, hindi ka muna nag imbestiga, hindi mo muna inalam ang buong pangyayari. Nambintang ka na lang agad. Pangalawa, nasira mo pangalan ko sa village namin” “Nasira? Panong nasira?” naguguluhan kong tanong “Well, naging agaw atensyon ginawa mong pagtalon sa gate ng bahay ko. Akala ng mga nakakita, pinagsamantalahan kita, at pedophile daw ako” “WHAT?!!!!!” Ako naman itong nagulat sa rebelasyong sinabi nya. “Well, ganon talaga mga tao. Napakabilis manghusga ng hindi man lang nag iimbestiga. Hindi natin mababago yon sa tao, kaya gusto kong matutunan mo yon. Alamin mo ang maaaring dahilan kung bakit mo naramdaman pagsakit ng puwit mo. Para hind ka magtanim ng galit sa akin at pagbintangan na r****t ako. Ayokong tumatak sa puso’t isipan mo na masama akong tao. Gaya mo, hindi ko inaasahang mabait ka, sadyang mapanghusga lang.” saad nito na ko malaman kung nagbibigay ng payo o nang aasar. “Sorry….” Tangi kong sagot. Napabuntong hininga ako. May realizations akong natutunan sa sinabi nya. Kung totoo mang walang nangyari sa amin, at napatunayang may ibang dahilan ang pagsakit ng puwit ko taliwas sa inaakala ko, isang kahiya hiyang kilos ang pagbibintang ko sa kanya. Sa totoo lang, isang malaking pagkakamali yon na nanghusga agad ako. Kailangang alalahanin ko pa mga nangyari. Kailangan yon para malinawan kaming pareho. Katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Walang gustong magsalita. Pinapakiramdaman namin bawat isa. Mataman kaming nag isip at nakiramdam. Hanggang sa kalahating oras na ang lumipas nang isang ideya ang pumasok sa aming isipan Tama, possible nga yon. “Sorry kung napagbintangan ko po kayo” panimula ko. Naliwanagan na ko. “May pagkakamali ako. Nakakahiya pero kailangan kong mag sorry sa inyo. Hindi ko intension na masabihan kayong r****t. Kasalanan ko na di man lang marealize na ang dahilan ng pagsakit ng puwit ko ay dahil sa nalaglag ako sa kama” paliwanag ko na seryoso pero nasundan ng tawa. “Okay lang, kasalanan ko din, ako sumipa sayo ng napakalakas. Pasensya na tao lang, nagulat lang talaga ako na may katabi akong tao” sabi nya na natawa din pagkaraan. Kapwa kami napabungisngis sa katangahan namin. Tama, isang misunderstanding lang ang lahat. Isang napakalaking misunderstanding na pinagsimulan ng kamalasan saming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD