ARYAN Matapos naming mag-usap ni daddy tungkol sa nangyaring ambushed at tangkang pagkidnap sa asawa ko ay umalis agad ang aking ama. He's firm with his advice, na kausapin ko na ngayon si Precy at ipaliwanag sa kanya ang side ko kung bakit nangyari ang aksidente noon. I'm frustrated and exhausted. Nakakapagod ang mag-isip ng paulit-ulit, tapos wala naman akong mahanap na solusyon sa problema ko, kaya kumuha ako ng alak at mabilis nagsalin sa ng whiskey sa baso. Kailangan ko ito, para magkaroon ng lakas ng loob na kausapin ang asawa ko. Pakiramdam ko kasi ay daig pa ng sitwasyon ko ngayon ang nasa bingit ako ng kamatayan. Hindi ko alam kung paano mag-uumpisang sabihin kay Precy ang lahat. Natatakot at nag-aalala rin ako para sa kalagayan niya. Malinaw na natatandaan ko ang sinabi n