ARYAN Sinundan ko ng tingin ang papalayong asawa ko habang naglalakad siya palabas sa garden. Nang masiguro ko na wala na siya at hindi na maririnig ni Precy ang pag-uusapan namin ng aking ama at ng father-in-law ko ay bumaling ako sa kanilang dalawa. “What's up, Dad?” tanong ko kay daddy. “I didn't expect to see you here today.” “I want to talk to you about the incident from another day, but not here,” seryoso ang tinig na sagot ni daddy. Umayos ng upo ang aking ama. Ngayon ko napansin ang matalim na mga mata ni Mr. Miguel na nakatingin sa kanya, habang hindi maipinta ang mukha ng aking father-in-law sa harap naming dalawa. Something is off between the two of them. I wonder kung ano ang nangyari kanina habang wala ako dahil ramdam ko ang mabigat na atmosphere sa pagitan nilang dalawa