PRECY Napatayo ako ng marinig ko ang malakas na ingay mula sa paparating na chopper. Sigurado akong si Aryan na ang sakay n'yan dahil katulad ito ng tunog ng helicopter na sinakyan niya kanina nang umalis siya para sunduin si daddy sa hospital. Tama nga ang hinala ko dahil habang tumatagal ay papalapit dito sa bahay ang direksyon ng parating na chopper. Mas malakas ang tunog nito ngayong lumapag ito sa rooftop, kung saan may sariling helipad pala si Aryan. “Ma'am, dumating na po si sir,” sabi ni Tinay na siyang kasama ko dito sa sala at malapit sa akin. Bago umalis kanina si Aryan ay mahigpit ang bilin niya kay Tinay, na huwag aalis sa tabi ko at ‘wag akong mawawala sa kaniyang paningin. Daig pa ni Aryan ang paranoid matapos ang nangyari sa akin ngayong araw, tapos mukhang umaasa na a