KABANATA 14- AMINAN NA!

1453 Words
#AMINAN Nakarating ang dalawa sa nakasanayan nilang spot, isang overlooking na lugar. Gustong-gusto ni Celestina ang lugar dahil nakaka-fresh sa utak. Hampas ng hangin at huni ng ibon lang ang maririnig mo wala ng iba. Umupo si Celestina sa gawa sa kahoy na silya, maingat niya ding itinabi ang bitbit na coffee. “Kumusta ang pakiramdam mo, Jovanni?” Marahan na tanong ng dalaga. Huminga naman ng malalim ang lalaki at tumingin sa malawak na lupain, “Ayos lang ako, ikaw ba ayos kana ba? Hindi ka naman nasaktan ng babaeng yon diba?” May pag-alala na tanong ni Jovanni sa dalaga. Umiling naman kaagad si Celestina, “Ikaw dapat ang tanungin ko niyan, hindi ka naman na puruhan ni Ramir diba? Sorry talaga sa nagawa niya.” Hinging paumanhin ng dalaga. “Pero nangyari ang mga bagay na yon because of me, kaya kailangan ko talagang humingi ng kapatawaran sayo.” Mahinang sabi ni Celestina. “Ayos lang talaga, wala kang kasalanan. Hindi ko lang kayang makita kang sinasaktan ng mga tao.” Mahinang sagot ng binata. Naging tahimik ang dalawa, sumipsip naman ng kape ang dalaga bago nagsalita. “Ano pala ang gusto mong sabihin, Jovanni?” Pagtatanong ng dalaga. Tumikhim muna ang lalaki bago nagsimulang magsalita, "Alam mo, Celestina," panimula ni Jovanni, ang kanyang mga mata ay nakatitig sa mga mata ni Celestina. "Matagal na kitang gusto, mali. Matagal na kitang mahal to be exact." Si Celestina naman ay nagulat. Hindi inaasahan na aamin si Jovanni sa kanya. "Jovanni..." ang tanging nasabi ng dalaga. Huminga ng malalim ang lalaki, "Alam kong hindi ako ang tipo mo," patuloy ni Jovanni, ang kanyang boses ay nanginginig nang bahagya. "Pero gusto kong malaman mo na matagal na kitang matagal. Simula pa noong una kitang nakita.” "Jovanni..." ulit ni Celestina. "Alam kong hindi ako karapat-dapat sa'yo," sabi ni Jovanni. "Pero sana ay mabigyan mo ako ng pagkakataon na patunayan sa'yo na kaya kong mahalin ka ng buong puso ko at alam ko din na alam mo ang kumakalat na chismis patungkol sa akin." "Jovanni," sabi ni Celestina, ang kanyang boses ay nanginginig. "Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko." "Naiintindihan ko, hindi kita minamadali," sabi ni Jovanni. "Kung ang inaalala mo naman ay si Mr. Karamazov, huwag kang mag-alala kaya kitang ipaglaban sa kanya.” Buong tapang na wika ni Jovanni. "Jovanni," sabi ni Celestina. "Mahal kita bilang isang kaibigan, pero hindi ko makita ang sarili kong nagmamahal sa'yo sa paraang gusto mo." Si Jovanni ay tahimik na nakatitig kay Celestina, ang kanyang mga mata ay puno ng sakit. "Naiintindihan ko," sabi niya, ang kanyang boses ay nanginginig. "Salamat sa pagiging matapat sa akin Celes." "Jovanni," sabi ni Celestina. "Sana ay hindi ka nagalit sa akin." "Hindi ako galit," sagot ni Ramir. "Masaya ako dahil sinabi mo sa akin ang totoo,” mahinang sagot ng binata. May munting ngiti naman si Celestina na tumango, naging tahimik ulit silang dalawa. Siguro kung hindi nagsalita ulit si Jovanni ay mapapanis na ang kanilang laway. “May itatanong sana ako, kung ayos lang.” Pagsasalita ni Jovanni. Tumango naman kaagad ang dalaga, “Ano yon?” Humugot muna ng hangin ang lalaki bago nagtanong, “Kaya ba hindi mo ako magustuhan dahil may gusto ka sa kanya?” Napatigil naman ang dalaga, doon palang nag sink-in sa kanya ang tungkol sa binata. May gusto na ba talaga ako sa kanya? Ano bang sign na nagustuhan muna ang isang tao? Pero kung gusto ko siya, gusto niya din kaya ako? Hayst Ngumiti naman ang dalaga, “Hindi lang simpleng gusto, Jovanni. Minahal ko na siya, simula noong nakita ko siya sa mansyon. Pero sa ngayon hindi ko alam kung gusto niya din ba ako, pakiramdam ko kasi ay galit siya sa akin nitong nakaraang araw.” Nangunot naman kaagad ang noo ni Jovanni, “Ha? May alitan ba sa inyong dalawa?” Umiling naman kaagad ang dalaga, “When Papa Ramon saved me, dinala niya ako sa mansyon ng Karamazov. And that time, wala si Ramir. Nasa ibang bansa para sa negosyo and something confidential work. Umuwi lang ito seven months ago, akala ko sa unang kita ay matatanggap niya ako tulad sa pagtanggap ng dalawa niyang kapatid but I'm wrong, instead galit siya sa akin sa hindi malamang dahilan.” “Pero bakit naging fiance mo siya?” Nalilito na tanong ni Jovanni. Huminga ulit ng malalim ang dalaga, “Yong kinopkop ako ni Papa ay inalok niya ako, ang magiging anak o magiging daughter in-law niya. Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam ang gusto ko. Last month ko lang nalaman na fiance ko na siya, and I already confirmed it to papa. He said, he want me to be his daughter in-law dahil baka may mangyari sa pamilya atleast hindi ako madamay.” “Delikado ang pamilya nila? May kaaway?” Umiling naman si Celestina, “Wala naman, pero ganyan nga siguro ang mga mayayaman. Tinatarget ang kapwa para umangat.” “Sa bagay, kung ganon dahil na tinanggap ni Ramir ba yon?” Tumango naman agad ang dalaga, “Kung tinanggap niya, meaning gusto niya din?” Hindi nakaimik ang dalaga, dahil kahit siya ay hindi alam kung ano ang naging dahilan ni Ramir upang tanggapin ang kasal. Ang alam niya ay ito ang mahirap kumbinsihin sa mga plano na hindi niya sinang-ayunan. Sumandal naman ang dalaga sa balikat ni Jovanni. “Hindi ko alam, pero inaamin ko natatakot akong malaman ang totoo niyang nararamdaman.” Pag-amin ni Celestina. Habang si Ramir ay tahimik na nagmamasid sa tagong parte. Naka-kuyom ang palad habang galit na nanlilisik ang kanyang mga mata. Hindi gusto ang nakikita, mas lalong nanlisik ang mata ng binata ng makitang nagyakapan ang dalawa. “Oh, f—ck! Pigilan niyo siya bilis.” Sabi ni Eross. Dahil alam ng mga ito kapag makalapit ang kanilang kaibigan sa dalawang yon ay mabugbog talaga ang lalaki. “Bud, relax. It's okay, baka naman kasi wala talagang nangyar—” “Oh shut up!” Nanlilisik na wika ni Ramir. Galit na galit na ito, hindi kayang pigilan. “Hayaan niyo siya, malaki na din naman yan.” Seryoso na saad ni Real. Hindi nga nila pinigilan ang kaibigan at hinayaan itong maglakad papalapit sa dalawa, “K-kuya, balaan kaya natin ang lalaking yan?” May kaba ba saad ni Chrys. Ito kasi ang natatakot para sa lalaki, kilala nila ang kaibigan mabangis ito pagdating sa away na usapan. Pagkalapit ni Ramir sa dalawa ay agad napatayo ang dalaga, “Ramir what are you doing here?” Nalilito na tanong ng dalaga. “I'm here to claimed what mine…” Buong sabi ng binata habang mariin na tinignan ang dalaga. “And you… How dare you to touch what's mine? Mmm?” Nanggagalaiti sa galit na tanong ni Ramir kay Jovanni. Mabilis naman na itinaas ni Jovanni ang dalawang kamay na parang sumusuko, “Relax dude, she's yours.” Natatawa na saad ni Jovanni, tumingin naman ito sa dalaga, “Mauuna na ako, hindi kita maihatid dahil dumating na ang sunod mo.” Kaagad naglakad paalis si Jovanni habang si Ramir ay galit parin na tumingin sa lalaki na papalayo. Ang mga panga ay gumagalaw dahil sa galit. Mahina namang lumapit si Celestina sa binata at marahan na hinaplos ang panga ng binata, “H-hey, it's okay. I'm here, huwag ka ng magalit please.” Napunta naman sa dalaga ang galit na tingin ng binata, kalaunan ay naging maamo na ito. “Are you okay? May masakit ba sayo? Sinaktan ka ba niya? Pinilit?” Sunod-sunod na tanong ni Ramir sa dalaga. Habang ang magkakapatid ay napapailing dahil sa mabilis mapagbago ng mood ng kaibigan nila. “Let's go,” sabi ni Real na agad naman sinunod ng magkakapatid. Kaagad na umiling ang dalaga, “I'm okay, Ram. Nga pala, anong ginagawa mo rito? Si Luna?” Saad ng dalaga at tumingin-tingin pa sa paligid at baka nandon lang ang babae. Huminga naman ng malalim binata, “About Luna, I'm just lying.” “What?!” Taranta naman kaagad ang binata, “I'm sorry, nagseselos lang talaga ako. Pagdating ko rito sa Rancho ay kung ano-ano na ang naririnig ko sa mga tao.” Ngumiti naman kaagad ang dalaga, “May gusto ka ba sa akin?” Naging malikot naman kaagad ang mata ni Ramir, “Uhm…” “Hindi mo ako gusto? Si Luna nga talaga ang gust—” “No, gusto kita Celestina.” Taranta na sabi ni Ramir at huli na ng marealize na umamin ito. Kaagad namula ang tainga ng binata na ikinatawa naman ng dalaga. “Kinikilig ka?” Nakangisi na tanong ni Celestina sa binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD