"Sige na, Hanna. Mauna ka na may date ka pa." tudyo ng manager n'ya ng lapitan s'ya nito. Ngumibit naman si Hanna na nilingon si Dwight na naka sandal sa pader habang nakahalukipkip na nakasandal sa pader. Ngumiti pa ito sabay kindat kaya lalo ng umasim ang mukha n'ya.
"Grabe gurl, wag kang choosy ang yummy na ng chinito na yan ang puti pa. Tandaan mo limited na ngayon ang ganyang kaguguwapong lalaking single. Karaniwan bakla na or taken pero ang isang yan single juicko ako kahit anakan lang n'ya okay na sa akin." bulong ng Manager n'ya. Hindi naman na s'ya ng komento wala kasi itong idea kung sino ba talaga sa buhay n'ya si Dwight, tiyak na sakit lang ito ng ulo. Sobrang stress na ang binibigay sa kanya ng Mommy hindi na n'ya kayang mag dagdag ng panibago. Hindi s'ya na niniwala na handa itong tumulong na walang kapalit, natitiyak n'yang may kapalit ang ibibigay nitong tulong. Iyon naman ang nature ng mga pilipino. Ilang indecent proposal na ba ang natanggap n'ya simula ng mawala s'ya sa showbiz, marami pa naman director ang gustong kumuha sa kanya pero tinatangihan n'ya dahil gusto ng mga ito na makipag one-night stand s'ya sa mga ito. Hindi pa s'ya baliw para ibaba sa ganun level ang sarili n'ya na hihirapan s'ya financial hindi dahil sa pangangailangan n'ya. Iyon ay dahil sa ina pero kung sarili lang naman n'ya ang iintindihin n'ya labis pa ang perang kinikita n'ya sa pagb wa-waiter pero dahil sa ina kinailangan pa n'yang mag double shift para lang malaki ang masweldo n'ya kada sweldo.
"Hoy! Bakla." kulbit naman ni Maru ang MC ng event na sa totoong buhay ay bestfriend n'ya at housemate n'ya.
"Ano pang ginagawa mo naka abang na si Mr. Atty."
"Hayaan mo s'ya may trabaho pa ako."
"Ano ka ba natural excuse ka na. Bilisan mo na malay mo yan na sagot sa lahat ng problema mo sa nanay mo." bulong pa nito nag paalam naman na muna sa kanila ang manager nila.
"S'ya yun lalaking sinabi ko sa'yo." ganting bulong n'ya. Nanlaki naman ang mata ni Maru sabay tuptop ang bibig.
"Ibig sabihin s'ya yung OMG! mukhang gumagalaw na si Mr. Cupido."
"Gaga!" irap n'ya rito.
"Aba, imagine 5 kayong babaeng pamilian pero ikaw ang napili n'ya baka ito ang way na ginawa ni cupi------."
"I met him once noong bata pa ako, yung bahay nila sa province ang ginamit para sa shooting. Iyon ang 1st time na na meet ko s'ya. Then as you know kinabitan ng nanay ko ang tatay n'ya."
"Iniisip mo bang baka he's scheming something." tumango si Hanna.
"Paano kung bet ka talaga n'ya dahil ka gusto-gusto ka naman talaga." umiling si Hanna.
"Yung ganyang mga hitsura hindi na ze-zero tingnan mo naman yung mga ngitian pa lang pupusta ako ilang kipay ang nasira ng ngiting yan."
"Alam mo ang judgemental mo gurl, akala ko ba ayaw mo sa judgemental." tumarak naman ang mata ni Hanna.
"Bakit hindi mo muna i try, date lang naman wala naman mawawala sa'yo hangga't hindi ka nag baba ng panty." bulong nito sabay hagikgik maging s'ya ay natawa din naman sabay iling na lang.
*******
"Anong gusto mong kainin?" tanong ni Dwight habang sakay na sila ng kotse nito.
"Ikaw." tamad na sagot ni Hanna na nakatingin sa labas ng bintana kaya hindi nito nakita ang malisyosong ngiti ni Dwight.
"Saan mo gusto?"
"Sana sa hotel na lang."
"Pwede naman tayo mag check-in ulit sa ibang hotel kung talagang ako ang gusto mong kainin." kunot ang noo at salubong ang kilay ni Hanna na napalingon sa kanya. Napangiti naman si Dwight.
"Ikaw ang bahala kung anong kakainin natin at sana sa hotel na lang din tayo kumain ng hindi ka na nag dadrive ngayon at nag tatanong sa akin." pag lilinaw ni Hanna na halos hindi na nag hiwalay ang pag kakadikit ng magaganda nitong ngipin.
"Ahhh! yun pala ang ibig mong sabihin kala ko kasi iba ang tinutukoy mo." ngisi pa ni Dwight na nilingon s'ya sandali sabay kindat.
"May deperensya ba ang isang mata mo kanina ko pa napapansin e panay ang kisap." natawa naman si Dwight.
"Ang suplada mo naman ang bata-bata mo pa daig mo na ang senior citizen na mag memenopause."
"Wag ka kasing feeling."
"Feeling what?"
"Close."
"Hahaha! ano kayang pakiramdam kapag na in love ang isang tulad mo sa isang tulad ko?"
"Mag dasal ka na dahil siguradong na lalapit na ang katapusan ng daigdig." irap na sagot ni Hanna.
"Wag kang mag alala darating din ang araw na luluhod din ang mga tala." sagot naman ni Dwight na ayaw man sana ni Hanna na mapangiti hindi n'ya napigilan.
"Wag mong masyadong gandahan ng ngiti nag kakaroon ako ng heart palpitation." wika pa nito. Napailing naman si Hanna.
"Dami mo na sigurong na-uto na mga babae, galing din ng tabas ng dila mo e kung mahina-hina ang depensa kikiligin na agad sa mga banat mo."
"Ibig sabihin pala kapag ikaw ang na in love sa akin sobrang galing ko na pala." hindi umimik si Hanna.
*******
"Alam mo tatapatin na kita para malinaw na at tigilan mo na ang pag i-instalk sa akin." wika ni Hanna habang nasa isang korean restaurant sila at kumakain.
"Anak ako ng babaeng muntik ng sumira sa pamilya n'yo. Kaya bakit sa tingin mo kailangan kong tanggapin ang offer mo na tulungan akong makabalik sa pedestal na pinag galingan ko. Which is Mama mo ang dahilan kung bakit na lugmok ako sa kinatatayuan ko pero as you see naka tayo na ako at okay na ako sa ganitong buhay ko kaya bakit ko pa gugustuhin na bumalik sa lugar kung saan sinipa ako ng walang kalaban-laban."
"So, sinasabi mo ba na okay lang sa'yo na patago-tago habang iniiwasan ang mga inutangan ng Mommy mo, tingin mo habang buhay mo yung magagawa." pagak naman tumawa si Hanna pati pala yun alam nito.
"Kaya kong bayaran ang lahat ng utang ng Mommy mo just accepts my offer."
"No, thanks after this ayaw ko na ulit na lalapit ka sa akin. Yung nangyari sa event is plainly coincidence. Hindi na ulit yun mangyayari."
"'Di ka sure d'yan abogado ako at marami na akong kasong naipanalo. Who makes you think na basta na lang ako susuko. What I want is what I get kaya believe me makukuha din kita hindi man ngayon sure ako some other day."
"Totoo pala ang tsimis na makapal talaga ang mga mukha ng abogado maipilit lang ang gusto wala ng pinakikinggan na iba."
"Well, depende naman sa sitwasyon yan. hindi mo kasalanan ang kasalanan ng mama mo so don't make your life miserable kung hindi naman dapat. Binaril na sa Luneta ang martir wag mo ng pangarapin na mapasama sa mga martir ng lipunan." hindi naman nakasagot si Hanna marami naman na ang nakapag sabi sa kanya ng bagay na yun na hindi n'ya kasalanan ang kasalanan ng ina pero ang pagkiramdam kung Dwight nanggaling ang salitang iyon.
"Ano naguguwapuhan ka na ba sa akin?" nakangiting tanong nito na ikinangibit naman ni Hanna.
"Hindi no."
"E bakit titig na titig ka sa akin kanina, are you starting to like me."
"Alam mo ikaw na kaya umubos ng lahat ng ito mukhang gutom ka pa e." tumawa naman si Dwight.
"Tell me ano bang ayaw mo sa akin? Bakit pakiramdam ko wala ka talagang plano na bigyan ako ng chances kung gusto kitang ligawan."
"There are 10 things I hate about you."tumawa naman si Dwight.
"10 talaga para namang napaka walang kuwenta kong tao n'yan." ngumiti si Hanna.
"Gusto mo bang marinig?"
"Shoot."
"Una, ayoko sayo dahil anak ka ni Aleck Chua na inakala kong Daddy ko."
"2nd, galit sa akin ang Mama mo at buong angkan n'yo."
"3rd, na sira ang buhay ko dahil sa utos ng pamilya mo."
"4th, hindi ko kailangan ng simpatiya at awa galing sa'yo.
"5th, Hindi ikaw ang tamang lalaki para sa akin."
"6th____
"Tama na! Malinaw na sa akin wag mo ng tapusin mukhang 10 nga." iling ni Dwight na halata naman gusto lang talagang ipamukha sa kanya ni Hanna na kahit anong gawin n'ya hindi ito mag kakagusto sa kanya.
"So, ibig bang sabihin na okay na hindi mo na ako kukulitin?"
"Dalaga binata ako, walang masama kung gustuhin kitang tulungan diba." tumarak naman ang mata ni Hanna.
"Napaka kulit mo naman nakaka-umay sa totoo lang." napangiti naman si Dwight.
"HIndi pa ako natatalo sa kaso kung 'di mo maitatanong kaya wala din akong balak na matalo sa'yo kaya give up sa akin din ang bagsak mo maniwala ka."
"Hindi mo ako gusto maniwala ka, na aawa ka lang sa akin dahil sa pinag daanan ko." giit pa din ni Hanna.
"Well, point granted totoo naman ang sinabi mo pero at the same time kung mag-aasawa lang din naman ako gusto ko yung ako mismo ang pumili at ikaw ang napili ko."
"O my God! Bakit may kasal na? baliw ka na?" natawa naman si Dwight sa reaction ng dalaga na parang na eeskandalo na ito.
"Hi! excuse me, diba ikaw yung dating child actress Hanna Huston." bati ng isang grupo ng kababaihan ng lapitan sila sa table nila. Nguiti naman si Hanna na alanganin na ngumiti.
"Naku, lagi akong napapagkamalan sorry, hindi ako si Hanna."
"Ay! Ganun po ba. Ang laki po kasi ang pag kakamukha n'yo wala lang kayong make-up." wika pa ng babae na nag bulungan pa ang mga ito na parang nag dedebate na s'ya daw talaga si Hanna.
"Oo, lagi akong napapagkamalan. Sorry mga baggets likas lang sadya ang gandang babae ko kaya pati artista kamukha ko pero kung gusto n'yo ng autograph puwede ko naman kayong bigyan kunwari ako si Hanna." Ngumiti naman umiling ang mga ito na nag paalam.
"Bakit tumanggi ka?"
"Dahil hindi na ako si Hanna Huston ganun lang kasimple yun. Kung tapos ka ng kumain uuwi na ako may pasok pa ako mamaya." tumayo na si Hanna saka derederetso ng tumalikod kaya nag mamadali na lang binayaran ni Dwight ang kinain nila saka nag mamadaling sumunod sa dalaga.
********
Muntik pang matumba ni Hanna ng bumangga ang mukha n'ya sa dibdib ni Dwight na hindi n'ya alam na sumunod pala sa kanya, pauwi na sana siya sa apartement n'ya ng mga kita nanaman ang mga lalaki na ilang araw na n'yang iniiwasan dahil sa mga utang ng mama n'ya na s'ya ang sinisingil. 600 thousand ang utang rito ng Mama n'ya at hindi n'ya alam kung saan s'ya kukuha ng ganun kalaking pera dati barya lang sa kanya ang 600K pero ngayon 60k nga wala s'ya 600 pa kaya. Nangako s'ya na babayaran n'ya sa katapusan ng buwan pero ang totoo sinabi lang n'ya iyon para tigilan s'ya ng mga ito ngunit natapos na ang katapusan ng hindi s'ya nakakabayad.
"Wow! dami mo pa lang male fans club dito." ngisi ni Dwight.
"Gago! hindi sila mga fans mga maniningil sila." nag mamadaling hinila ni Hanna si Dwight palayo roon bago pa sila makita ng mga lalaki.
"Let me guess ang Mommy mo nanaman ang customer nila at ikaw ang pinag babayad ng nanay mo." wika ni Dwight.
"Iya! galing-galing mo naman mang hula." sarcastik na sagot ni Hanna na pumalakpak pa.
"Magkano utang ng Mommy mo sa kanila?" tanong ni dwight.
"600k bakit babayaran mo ba?"
"Puwede naman kung papayag ka." nilingon ni Hanna si Dwight.
"At ano kabayaran? pag pumayag ako?"
"Katawan mo." malakas naman tumawa si Hanna habang nag lalakad sila.
"Sinasabi ko na e kayo talagang mga lalaki wala kayo_____
"Katawan mo gamitin mo para makabayad, mag trabaho ka sa akin hindi sa kama masyado madumi yang isip mo." ngisi ni Dwight. Ngumiti naman si Hanna.
"Sige itawid mo yang alibi mo." natawa naman si Dwight.
"Maki pag date ka sa akin yun lang 1-month kapag hindi mo talaga ako na gustuhan sa loob ng 1-month hindi na kita kukulitin."
"Tas babayaran mo na yung utang ko."
"Oo at kapag nagustuhan mo ako lahat ng utang ng mama mo babayaran ko lahat."
"Puwede bang pa advance muna kahit 100k lang." wika ni Hanna na ikinatawa naman ni Dwight.
"Puwede naman kung puwede din maka advance ng kahit isang halik lang." tumikwas naman ang labi ni Hanna.
"Give and take tayo, wag kang gahaman. Pag nag bigay ako dapat may ibibigay ka rin. Isang halik kapalit ng 100k hindi ka na lugi nun ako pa ang lugi."
"Alam mo isa lang ang sure ko ngayon."
"Ano?"
"Kapag pinatulan kita mas mapapariwara ang buhay ko, lakas ng power trip mo e. Forget what I said." wika ni Hanna na tatalikod na sana ng hilahin s'ya pabalik ni Dwight. Napasinghap pa s'ya ng inakala n'yang hahalikan s'ya ni Dwight sa labi dahil halos gahibla na lang ang layo ng labi nila sa isa't-isa.
"Wag kang pipikit dahil hahalikan talaga kita." banta pa nito.