Sapo lang ni Hanna ang noo habang nag wawala ang Mama n'ya sa loob ng apartment n'ya at pinag babasag lahat ng gamit n'ya. Mag-isa lang ito pero daig pa na sampung tao ang nanggulo sa loob ng apartement n'ya dahil lang hindi s'ya sumipot sa usapan nila kanina. Nag yaya ito ng dinner date darating naman sana s'ya pero natanaw n'ya mula sa labas kung sino ang kasama ng mama n'ya sa restaurant. Isang movie director na kilang-kilala sa larangan ng pornographiya. Hindi pa man n'ya alam ang dahilan ng pakikipag kita ng Mommy n'ya sa director malakas na agad ang kutob n'ya.
Mag hihirap s'ya pero hindi s'ya mag huhubad sa harapan ng camera habang umaarte, hindi nga s'ya tumatanggap ng project na meron kissing scene meron man gagawan na lang ng camera trick. Hindi rin s'ya tinatanggap ng drama na may rape scene tapos ngayon ang ina n'ya ihaharap s'ya sa isang director na gumagawa ng mga sumikat na bold sa movie.
"Ang tanga-tanga mo hirap na hirap akong utuin ang direktor na yun para lang maikuha kita ng bagong contract at project para makabalik ka sa showbizz. Sinayang mo lang na babae ka! Haaaaaa!" sigaw pa nito na itinaob na ang dinning set n'ya.
"Bakit anong pinag mamalaki mo ha! tang*** hindi ka yayaman sa pagiging virgin mo kaya loosen up Hanna, malaking opportunity na ito inayawan mo pa, bob* mo." sigaw pa ng mama n'ya.
"Ayoko ng pasukin ang showbiz Mommy."
"Ayaw mo gaga ka ba! Paano ako ha? habang buhay na lang ba akong mag papatago-tago dahil sa katangahan mo."
"Bakit ako? Bakit sa aking n'yo isisi ang naging sitwasyon n'yo."
"At kanino ko isisi sa kapitbahay mong tanga ka! Ang ganda-ganda ng buhay natin noon. Hindi mo ba gustong bumalik sa dati natin buhay."
"Ayusin n'yo ang buhay n'yo Ma, wag n'yong paki-alaman ang buhay ko." inis ng wika ni Hanna.
"Anong sinabi mo?"Galit na wika ng ina na lumapit sa kanya at sinabunutan pa s'ya at pinisil ang pisngi n'ya. Gusto n'ya itong itulak pero nag timpi lang si Hanna.
"Tigilan n'yo ang pag susugal kaya ko naman kayong buhayin ng maayos basta titigilan n'yo lang ang pag susugal."
"Kung hindi ako mag babakasali sa pag susugal mamatay akong dilat kakahintay ng perang sustento mo." inis na itinulak s'ya ng ina na muntik pa n'yang ika out of balance at may dinukot sa bulsa na isang calling card at isang key card sa isang hotel.
"Puntahan mo s'ya ngayon gabi wag ka munang pumasok, last chance mo na ito, d'yan s'ya nag sstay for tonight. Kapag dumating ka daw bibigyan ka n'ya ng big break. Wag kang tang* Hanna pumunta ka d'yan kapag hindi ka pumunta at nalaman ko malilintikan ka sa akin babae ka. Na iintidihan mo." wika pa ng ina saka nag martsa na palabas ng apartment n'ya. Inis naman pinag sisipa ni Hanna ang lahat ng kalat sa sahig habang na papaiyak sa sobrang inis sa ina. Kung puwede lang n'yang itakwil ang sariling ina ginawa na n'ya. Sumosobra na ito kasalanan naman nito kung bakit nasira ang buhay nila, oo nag kamali s'ya ng sabihin n'yang ama n'ya si Aleck Chua pero isang malaking misunderstanding ang lahat ng yun pero naging mitsa ng pagkasira ng buhay nila. Pero kung naging mabuting ina lang sana ang mama n'ya hindi sila nag hirap kung maayos nitong na manage lahat ng pera nila.
Kung hindi pa s'ya bumagsak hindi pa n'ya malalaman na wala pala s'yang ipon sa tinagal tagal n'yang pag tatrabaho sa showbiz, inis na hinablot n'yang ang malaking bagpack at isa-isang nag silid ng mga importanteng gamit n'ya. Sakto naman labas n'ya ng apartment n'ya saktong isang kotseng asul ang huminto at sumungaw ang ulo ng isang babaeng maganda.
"Hi." bati pa nito saka lang n'ya na alala kung sino ito, ito yung bride ng kasal na kaibigan ni Dwight. Alanganin naman na pinahid n'ya ang pisngi na basa pa ng luha.
"May pupuntahan ka ba? Kailangan mo ng rides?" tanong pa ni Megan. Napatingin s'ya sa malaki nitong tiyan na hinawakan pa nito.
"6 months na ang mga baby ko kambal kasi kaya medyo malaki." wika pa nito.
"Hop in ."
"Wag na may pupuntahan kasi ako may kailangan ka ba?" nag aalangan na tanong n'ya.
"Meron sana kaso ang hirap mag-usap kung nandyan ka sa labas at nandito ako sa loob." Napilitan naman ng pumasok na lang si Hanna.
"Okay paki-kabit ng seatbelt." wika pa nito.
*******
Nakatingin si Hanna sa cheque na nakapatong sa ibabaw ng dining table saka napatingin sa condo na pansamantala n'yang titirahan ng libre. Ayon kay Megan pag-aari nito ang condo pero dahil may asawa na ito hindi na daw nito na uuwian ang condo. Libre daw s'yang titira dun kung gusto n'ya basta linisin lang daw n'ya sapat na daw yun. Mas maganda roon ang dati n'yang condo na napilitan s'yang ibenta dahil pang bayad sa mga contranta n'yang nasira. Pero kumpara naman sa apartment n'ya maganda ang condo ni Megan idagdag pa ang mahigpit na security sa baba, hindi s'ya basta-basta ma pupuntahan ng Mama n'ya.
Bibigyan pa s'ya nito ng trabaho kung gusto daw n'ya sa company ng pamilya nito pero ng malaman na high school graduate lang s'ya medyo nag alangan ito dahil mataas daw kasi ang standard ng mga company ng mga ito pero kung maipapasa daw naman n'ya ang interview mas mabuti, Hindi daw kasi uso sa pamilya ng mga ito ang palakasan. Kung hindi daw naman s'ya makakapasok sa company meron daw itong sariling wedding shop at puwede s'yang kunin na main model nito.
Pero dahil buntis daw ito hindi pa ito makapag focus sa business nito kaya pansamantala binayaran s'ya nito para maging companion nito sa bawat lakad nito at bawat event na pupuntahan nito dapat daw kasama s'ya, ganun lang ka simple tapos binayaran pa s'ya ng malaking halaga.
Ang gusto lang naman nitong mangyari galitin daw si Dwight at ang isa pang kaibigan ng asawa nito na wag na daw n'yang intindihin dahil meron na daw itong nakuha pang buwisit kay Sevy. Si Dwight lang daw ang kailangan n'yang buwisitin na medyo bet naman n'ya kaya pumayag na s'ya. Huminga muna s'ya ng malalim saka nag tungo sa harapan ng ref at binuksan iyon pero napangiwi s'ya ng makitang wala iyon laman at mabaho marahil matagal ng patay kaya mabaho. Napakamot s'ya ng ulo hindi pa s'ya nag hahapunan at wala naman makakain sa condo na yun kaya kinuha na muna n'ya ang wallet sa bag at isinilid ang cheque saka lumabas. May nakita s'yang convinient shop ilang metro lang ang layo sa condo, habang nag iintay ng pag bukas ng elevator nag text na s'ya sa resto bar kung saan s'ya nag tatrabaho at sinabi na masama ang pakiramdam n'ya kaya hindi makakapasok. Iiwas muna s'ya sa mama n'ya at pag tataguan ito. Sakto naman bukas ng elevator at papasok sana s'ya ng matigilan kung sino ang laman ng elevator na nagulat din ng makita s'ya.
Mabilis naman s'yang napaatras palabas akmang lalabas pa ito para lapitan s'ya pero bigla n'ya itong sinipa pabalik sa loob ng elevator at nag sarado iyon. Nag mamadali naman nag tatakbo s'ya pabalik sa condo unit ni Megan, bakit naman nandun si Dwight sa building na yun dun ba rin ito nakatira. Nakahinga lang s'ya ng maayos ng makapasok na s'ya sa loob ng unit saka nag mamadaling sumilip sa peehole. Sakto naman daan ni Dwight na halatang nag hahanap kung saan s'ya nag punta natanaw pa n'ya itong pumasok sa fire exit. Matagal pa bago muli n'ya itong natanaw habang nag papalinga-linga, alam na nito kung nasaan floor s'ya hindi naman siguro nito iisipin na sa unit ni Megan s'ya nakatira. Alam kaya nito ang unit ni Megan nakahinga na lang s'ya ng makitang pumasok na ito muli sa elevator. Napangiwi s'ya nakalaman na ang sikmura n'ya kailangan n'ya talagang lumabas para makapag grocery kahit konti.
Nag palipas muna s'ya ng isang oras pa bago muling lumabas at tiningnan muna ang itaas ng elevator kung meron bang nagamit ng elevator pero nag kukuli s'yang gumamit ng elevator kaya nag tyaga na lang s'ya sa fire exit dumaan kahit nasa 17th floor pa s'ya. Kaya naman pag dating sa ground floor hinihingal pa s'ya. Nag pasubok-subok pa muna s'ya sa pag silip baka nandun si Dwight so far wala naman kaya nag paalam na muna s'ya sa guard na lalabas at nanigurado muna na ito pa rin ang guard pag bumalik s'ya. Wala pa kasi s'yang RF Id kaya temporary key lang ang binigay sa kanya ng information kanina ng kasama n'ya si Megan. Bukas na lang daw s'ya bibigyan ng RF Id.
Sa convinient store na din s'ya kumain bago umuwi dahil na ubusan s'ya ng lakas dahil sa pag baba sa hagdan, puro noodles lang naman ang nabili n'ya at ilang coke in can at mga chichirya. Napatingin pa s'ya sa langit walang masyadong bituin sa langit, wag naman sanang uulan dahil medyo malayo-layo pa s'ya sa condo pero hindi dininig ng langit ang panalangin n'ya. Buti na lang malapit na s'ya sa waiting shed kaya iyon na ang tinakbo n'ya bago pa s'ya nabasa ng ulan. May 10 minutes na s'yang naka-upo roon at nag-iintay na huminto ang ulan pero parang imbis na huminto lalo pa yung lumalakas at medyo na babasa na rin s'ya dahil sa ampiyas. Nakakaisip na s'yang maligo na lang sa ulan para lang maka-uwi na ng biglang malakas na busina ang narinig n'ya ng tatakbo na sana s'ya sa ulanan.
"Hanna." gustong mapangiwi ni Hanna ng makita si Dwight. Nag mamadali pa itong bumaba ng kotse na may bitbit na payong.
"Saan ka pupunta? Ihahatid na kita."
"Hindi na. Pahiram na lang ng payong na to kung puwede."
"Naku, hindi akin to e, dun sa kasama kong nasa kotse." kulay pink ang payong so ibig sabihin babae ang kasama nito sa loob ng kotse. Hindi n'ya napunta kanina ng ibaba nito ang windshield kanina.
"Tara na,." hinawakan pa s'ya nito sa kamay at napilitan na s'yang sumama rito kesa mabasa ng ulan, tamad pa naman s'yang maligo. Sa backseat s'ya nito pinasakay pag pasok s'ya saka n'ya nakita ang isang babae na tinaasan pa s'ya ng kilay ng mapatingin sa kanya pero agad din ngumiti ng pumasok na din si Dwight. Natawa naman si Hanna sa ginawa ng babae kilala na n'ya ang mga ganun galawan.
"Ihahatid ko lang muna si Letty sa condo n'ya malapit lang naman dito then sabay na tayong umuwi. Sa iisang condo building naman ata tayo nakatira." wika naman ni Dwight habang na andar na sila.
"Hindi ba ikaw yung artistang nag commit ng suicide." wika pa ng babaeng Letty ang pangalan.
"Hey!" galit na wika ni Dwight.
"Sorry, bigla ko lang kasing na alala."
"Oo ako yun, napagod na kasi ako sa buhay ko kaya binalak ko ng tapusin kaso hindi ako tinanggap sa langit kaya sinipa n'ya ako pabalik sa earth pero naka-usap ko na ang tagabantay ng purgatoryo, hindi rin ako tatanggapin sa ibaba kung makakapag-alay daw ako ng maitim na kaluluwa. May kilala ka ba Miss." tanong n'ya kung patarayan lang din naman ang laban baka samabahin s'ya nito at tawaging pinuno. Puro lead role ang mga ganap n'ya sa mga drama n'ya mag maldita man s'ya, sya pa rin ang bida. Gusto-gusto n'ya ang role ng magiging kontrabida na kakaumay na kasi yung lagi na lang iiyak at na aapi.
"Antipatika." bulong pa nito.
"Gusto mong bumaba?" tanong naman bigla ni Dwight na ikinangiti naman ni Hanna ng mahintatakutan ang babae na agad na nag sorry.
"Sorry medyo na offend lang kasi ako sa kanya."
"Show some manners dahil maayos ka namin tinutulungan ng humingi ka ng tulong pero kung babastusin mo ang kaibigan ko. Tingin ko tama si Megan bakit ka ba namin tinulungan." supladong turan ni Dwight. Mapang-asar naman nainilawit ni Hanna ang dila ng mabilis ng lumingon sa kanya ang babae. Na akala pa naman n'ya special friend ni Dwight pero mukhang excess baggage lang pala. Pag dating sa tapat ng isang condo building agad na itong nag paalam hindi na masyadong malakas ang ulan.
"Hindi ka na ba sasama sa itaas kala ko kukunin mo yung jacket na naiwan ni Sevy."
"Hindi na some other time na lang." wika pa ni Dwight halata naman napilitan naman na lumabas ang babae. Kung hindi siguro s'ya nakita ni Dwight baka sumama na ito sa taas kasama nito at ano kayang gagawin ng dalawa kapag ganitong malamig at maulan.
"hindi ka ba lilipat dito sa unahan?"
"Kailangan pa ba? malapit lang naman ang condo dito."
"One-way yan kalsada hindi ako puwedeng mag u-turn kaya iikot pa tayo sa kabilang kanto."
"Ha, ang layo naman sana pala ibinaba mo na lang ako kanina ng madaanan natin."
"Kaya nga lumipat ka na dito sa unahan bilis."
"Ayoko lumabas malamig wala na tayong payong mababasa ako."
"Ayokong mag mukhang driver mo, abogado ako hindi taxi driver." tumarak naman ang mata ni Hanna.
"Ang OA mo ang lapit-lapit taxi driver agad."
"Dito ka na dumaan, wag ka ng lumabas kung ayaw mong mabasa." tukoy nito sa pagitan ng unahan ng kotse nito sa backseat. Okay lang naman na dun s'ya dumaan kaya naman n'ya at beside naka tokong short naman s'ya kaya hindi naman masagwa kung dun s'ya dadaan.
"Ano pang iniintay mo pasko?" tanong pa nito kaya inis na ibinaba n'ya sa upuan ang paperbag na buhat-buhat sa kandungan n'ya saka inis na bumuwelo pasampa patungo sa unahan. Sinadya naman n'yang hampasin ng balakang n'ya ang mukha ni Dwight dahil halatang ayaw nitong umatras nanadya kaya sinadya na s'yang hampasin ng balakang n'ya ang mukha nito.
"Sarry." wika pa ni Hanna ng maka-upo na sa passsenger seat.
"You can seat on my face if you want." ngisi pa nito.
"Bastos ka."
"Ako pa ang bastos pagkatapos mong ipaamoy sa akin ang puwet mo." natawa naman si Hanna.
"Napaka OA mo, bakit na amoy mo ba?"
"Oo and it's weird bakit amoy toothpaste ang puwet mo." awang naman ang bibig ni Hanna ang lakas naman ng pang-amoy nito na amoy talaga nito ang gamit n'yang pang hugas. Hindi kasi s'ya nagamit ng Feminine wash mas gusto n'ya ang toothpaste eversince ng magdalaga s'ya.
"Oh my God!?" malakas naman tumawa si Dwight ng makitang namula ng husto ang psingi ng dalaga.
"You used to clean your ass is toothpaste." bulaslas pa nito na tawang-tawa. Hiyang hiya naman si Hanna at parang gusto na naman n'yang mag commit ng suicide dahil sa kahihiyan.