Episode 2

2615 Words
"What is your full name?" "Dwight Aragon Chua." "Profession?" "Attorney." "Oh! hinay-hinay girls wag mag tulakan baka ma demanda kayo ng harassment." biro pa ng MC na nag tawanan. "Single o taken." "100 % single." lalo ng lumakas ang tilian ng girls population mapa single man o may asawa. "Can I be yours." biro pa ng MC na nag singit pa ng buhok kunwari sa likod ng tenga kaya nag tawanan ang lahat. "Gusto ko pa rin yung tahong na sariwa sorry." ganting biro naman ni Dwight. "Ay! sayang naman o girls sariwa ang hanap ni Atty. please be sitted yung mga 'di na sariwa." "Last question bago natin ituloy ang kaguluhan na ito. Kung mag-aasawa ka sa future. Ano bang hanap mo sa isang babae?" "Nothing particular basta yung ako lang ang mahal madamot kasi ako. "Well, lahat naman yun ang gusto. So, girls kailangan ko ng 5 babaeng single at sariwa kahit sino nasa loob ng event hall na ito dahil nothing particular lang naman ang gusto ng ating atty napakaguwapo at batang-batang abogado. So, anyone puwedeng sumali basta single at sariwa. "Ang mabuti pa ang bride na natin ang papipiliin natin ng Single and fresh na girls natin habang pipiringan natin si Atty. the games name is Oh! My Babe. The mechanic is pipili sa 5 babae si atty ng makaka date at makakasama n'ya ngayon gabi syempre courtesy ng newlywed ang date ng ating couple of the night so ready na ba ang mga girls. Ayan na naka piring na ang ating Attorney puwede ka ng pumili madaam bride." inalalayan naman ni Railey ang asawa sa pag pili ng mga single and fresh. 1 na lang ang kulang ng sa pag hahanap muntik ng mabangga ni Megan ang isang waitress na nag a-assist at biglang napangiti si Megan ng makitang ang ganda ng mata nito naka facemask ang babae pero sure s'yang maganda din ito sa likod ng facemask dahil sa nostril nito na halatang matangos ang ilong. "Ikaw na lang." wika ni Megan na hinawakan ang braso ng waitress na ayaw pang sumama at sinasabi pa na may 5 na daw itong anak at buntis pa daw ito ngayon sa pang 6. Halata naman nag sisinungaling lang kaya wala na itong nagawa ng madala na n'ya ito sa gitna. "Okay kumpleto na tayo sa 5 fresh single ladies. Ready ka na Mr. Attorney na pumili ng Oh my babe mo for tonight." "Kinakabahan ako sa pinili ni Meganda, mga edible ba yan?" tawa pa ni Dwight na tinawanan naman ng lahat. "Sige, bigyan muna natin si Mr. Attorney ng proof na edible kainin este---- edible na i date ang atin mga candidate." malakas na nagtawanan naman ang lahat sa biro ng MC. "Candidate number 1 your height please?" "5'5 enough para maabot ko ang labi mo." "Ay! ang harot naman ni Candidate 1." tawa ng mc ganun din ang mga guess. "Candidate number 2 your age please?" "28 handa ng maging mommy ng mga magiging anak natin." "Ay! Mas maharot ang talanding itey." malakas na nagtawanan ang lahat. "How about candidate number 3, you profession?" "Plain housewife basta pakasalan mo lang agad ako now na." sigaw pa ng babaeng parang kinikiliti ang ting** na talaga naman tinawanan ng malaks ng lahat. "Hay! Ano ba naman tong mga pinili mong girls madame bride parang mga hindi na sisikatan ng araw." "Ikaw naman Candidate number 4. Anong gusto mo sa isang lalaki?" "Yung responsable at ako lang ang mamahalin madamot din kasi ako. "Asus! feeling mo naman girl." biro ng MC sabay sundot sa tagiliran ng candidate number 4 na mukhang may pag-asa according sa crowd na bulungan. "Ay ito si Ate candidate number 5 mukhang napilitan lang si Ate girl. Vital statistic please?" matagal na hindi nakasagot ang candidate number 5 halatang nag-iisip ng isasagot. " Hindi mo ba alam ang vital statistic mo girl?" "Alam ko ahm! walang matigas na tinapay sa mainit na kape." sagot ng candidate number 5 malakas naman nag tawanan ang crowd na pa mura pa ang MC na inilayo ang MIC sabay bumulong sa babae na nag peace sign naman. "I like her." bulong ni Megan sa asawa. "She looks familiar nga 'di ko lang makilala gawa ng suot n'yang facemask pero parang nakita ko na s'ya somewhere. "Wala ba talagang girlfriend si Dwight?" bulong pa ni Megan. "Alam ko wala pero may babaeng binabantayan yan." "Alam n'yo ang mimysteryoso n'yong mag kakaibigan dami n'yong secret sa buhay. Si Sevy akalain mo tito ko pala ibang klase din." iling pa ni Megan. 'Okay pag pasensyahan n'yo na si candidate number 5 gutom lang daw s'ya mahina ang wifi sa bahay nila.' biro na lang ng MC. "Okay game mag bigay kayo ng pag kain na oorderin n'yo sa first date n'yo with attorney. And atty pipili ka ng dalawang ulam na magugustuhan mo yung magugustuhan mo hahakbang ng isa. 5 tanong lang hanggang sa makarating kayo sa tabi ni Atty. Okay game. "Anong ulam ang oorderin mo C-1 sa first date nyo?" "Beef Sisig para kasing anghang ko ang date natin tonight." "Landi talaga! C-2 anong ulam." "Chicken afritada para mapatilaok ka sa sarap ng pag mamahal ko." "Ay! havey... ikaw c-3." "Fried chicken para always lagi kaming happy." "Always na lagi pa, kain ka girl nalipasan ka ata ng gutom. Ikaw c-4." "Adobo para malaman mo na parang tayo sakto sa timpla." "Waley! ito naman si C-5 umayos ka naman C-5 ikaw ang manok ko." "Depende kung saan ba kami kakain?" "Wow mag pa ganun tanong si C-5 o Atty puwede mo bang sagutin ang tanong." "Anywhere sila ang babae sila ang masusunod." "Okay ba ang sagot ni Atty. so anong ulam ang oorderin mo kapag nag date kayo." "Beef bulalo." "Bakit beef bulalo?" "Hindi pa kasi ako nakakatikim nun kung mang lilibre s'ya saka pa lang ako makaktikim." malakas ang naging tawanan ng crowd maging ang bride at groom ihit na sa pag tawa. "Alam mo sarap mong pektusan, konti na lang maniniwala na akong shonga ka." tawa naman ng MC na di na rin kina-kaya ang mga sagot ni candidate number 5. "So, atty may nagustuhan ka bang putahe." "Si sisig at si Beef bulalo." sagot naman ni Dwight. "Aba, akalain mo ikaw na aning ka napili ka ni Atty." palo pa ng MC sa balikat ng candidate number 5. "Okay let's proceed. Saan naman n'yong lugar gustong dalahin si Atty kung mag karoon ng chance mag karoon kayo ng second date after tonight?" "Ikaw na mauna c-3." "Sa Bagiou para kapag gininaw ka ako na yayakap sa'yo para uminit ang ___ "Hoy! wag kang maharot may mga baggets." wika naman ng MC puro tawanan na lang ang maririnig sa crowd sa kwelang palarong ito. "Ang harot harot, ikaw C-4." "Sa laguna maraming hot spring don at magagandang scenery na puwede kaming mag relax together. "C-2 ikaw." "Sa Pangasinan para maipakilala ko na s'ya sa parents ko." "Hahahaha! advance mag-isip oo nga naman. Landi." "Ikaw C-5." "S'ya ba ang gagastos o ako sa second date namin?" tanong pa ni number 5 na tinawanan nanaman ng lahat. "O atty may tanong nanaman si Candidate number 5." "Sila." ngisi naman ni Dwight. "o kayo daw ano saan mo dadalhin si Atty." "Sa ilog pasig." masakit na ang tiyan ng mga guess sa katatawa. 'Juicko naman bakit naman sa ilog pasig." "Wala akong budget para makipag date kaya lakad-lakad na lang kami dun malapit yun sa bahay namin." "Kaya siguro single ka pa rin KJ mo e." "Ikaw C-1." "Sa simbahan sa ermita yayain ko na s'yang mag pakasal." "Hay! lalakas ng trip ng mga nakuha mong girls madam bride." iling pa ng MC pero na tatawa. "O Mr. Atty sino bet mong sagot." "Ilog pasig at Pangasinan." "Aba! aba mukhang bet ni Mr. Atty ang mga loka-lokang tulad mo." "Okay next ilang anak ang gusto n'yo kung papalarin kayo mag katuluyan ni Mr. Atty." "ikaw 1." "3." "Oh! wag ng dugtungan kota na kayo. Ikaw 2?" "2." "C-3?" "3." "C-4?" "5." "C-5, umayos ka baka 1 dosena hingiin mo?" biro pa ng Mc. "Hindi naman mga 10 lang okay na ako dun." "Naku delikado ka dito Mr. Atty baka malosyang ka ng maaga." tawanan nanaman ang lahat. "C-2 and C-4. Hindi ko kaya ang 10 mahirap mag palaki ng bata tapos kasing loka-loka n'ya." birong sagot ni Dwight. "okay move forward girls. "Mag bigay ng pick-up line na pang malakasan." "C-1 sunod-sunod ulit tayo ha tapos si mr. atty ang mag tatanong ng bakit? Okay game. "Sana ako ang araw ng sabado at ikaw ang araw ng linggo." "bakit?" sabay-sabay na tano "Para ikaw ang kinabukasan ko." "C-2." "Sana I.D ka na lang." "Bakit?" "Para kapag nawala ka alam nilang akin ka." "C-3." "Hindi na ako gagamit ng google." 'Bakit?" "Dahil ng makilala kita the search is over." "C-4." "Drugs ka ba? "Bakit?" "Na adik kasi ako sa'yo." "C-5." "May pera ka ba? "Bakit?" "pautang naman wala kasi ako nun." halos masamid ang lahat sa katatawa sa pick-up line ni Candidate number 5. "Yung totoo pick-up line ba yun?" "Hindi, baka makakalusot lang." lalo ng nagtawanan ang lahat sa sinagot pa ni candidate number 5. Ang iba ay na papahid na ng luha. Maging si Dwight ay hawak na ang tiyan sa pag tawa maging ang bride at groom. "Alam mo kung sakali man hindi ka mapili mag papakalalaki ako ma idate lang kitang loka-loka ka." biro pa ng MC "Sino mag sstep forward. "C-3 and C-5." "Naku mukhang alam ko na kung sino mananalo, dala na lang ata ng awa." biro pa ng MC na tinawanan nanaman ng lahat. "Okay last question. Isa-isa kayong lalapit kay Mr. Attorney at aamuyin yung pabango na gamit n'ya kung sino maka hula s'ya na ang panalo." 'Paano kung walang maka hula." tanong ni Megan. "Si Mr. Atty na ang mag dedesisyon pero bago yun Mr. Atty puwede po bang makikisabi sa groom at bride ng pabulong kung anong perfume na gamit n'yo para sila ang mag sisilbing judges." inalalayan naman ni Railey ang asawa at inilapit kay Dwight na ibinulong ang pangalan ng perfume. "Parang imposible naman mahulaan nila. Hindi ba puwedeng ibahin ang tanong." suggesstion ni Megan. "Hindi po kasi dito malalaman kung sila ba ang itinadhana ngayon gabing ito o talagang sinuwerte lang sila." "Okay let's see." sang-ayon naman ng mag-asawa. Isa-isa naman lumapit ang mga babae at inamoy si Dwight. "Hoy! Amoy lang kulang na lang pumasok na sa ilong mo si Mr. Atty. ito talagang si C-2 harot-harot." "Ano game na ba? ikaw c-1?" "Axe." "C-2" "Jovanni." "C-3." "Oud wood." "C-4." "Bentley." "C-5." "Alcampor." "Anak ka naman ng tokwa." wala naman sa loob na napa-amoy si Dwight sa sarili. "Ano Mr. Atty may nanalo na ba?" "Walang tumama pero may gusto na akong i date." "Sino?" "Si Hanna Mendoza." "Oh! Sino si Hanna Mendoza at mukhang isa sa inyo kilala pala ni Mr. Atty." "Sir, sino po sa kanilang sila si Hanna Mendoza? at paano n'yo s'ya na kilala." "My lola use to used alcampor when we're young at may isang batang babae nun na may crush sa akin na nag papansin kaya tinutukso n'ya akong amoy alcampor." "OMG!" lalo ng nag kaingay ang crowd na parang tuwang-tuwa pa lalo na ng umikot si Dwight at alisin ang blind fold kasabay ng pag hila nito ng suot na facemask ni Candidate number 5. "Hello there my babe." natuptop naman ng iba ang bibig ng makita ang mukha ni Hanna sa likod ng facemask. "Diba s'ya si Hanna Huston." ani Megan ng maalala ang sikat na singer biglang nawala sa limelight na 'di umanoy nag tangkang mag pakamatay dahil sa frustation. "Oo s'ya yun pero Hanna Marie Mendoza ang tunay n'yang pangalan ang babaeng binabantayan ni Dwight mula pa noon." "Bakit?" "Dahil isa rin s'yang Chua noon?" "Ex-wife ni Dwight si Hanna?" natawa naman si Railey na nilingon ang asawa. "Hindi, ibig kong sabihin. Inakala ni Dwight na kapatid n'ya noon si Hanna. Nag karoon kasi ng affair ang papa n'ya sa Mama ni Hanna pero he learns na mali pa ang nakarating na impormasyon nilang nakuha but sad to say na sira na nila ang pamilya ni Hanna at gusto ni Dwight na makatulong sa kanila pero ayaw tumanggap ni Hanna ng tulong." "Ay! Ang sad naman nakaka-awa pala naging buhay ni Ate girl." "Kaya s'ya ang binabantayan ni Dwight noon pa man." "Wala ba s'yang gusto kay Hanna?" "Sus, yang si Skyler at Dwight mga lalaking parang mga bakla. Hindi kayang aminin sa sarili nila na in love na sila mga indenial pa." "Nakilala n'ya ang boses ni Hanna ibig sabihin his thought thinks a lot about her." tumango naman si Railey. "Hayaan na natin ang taong yan matanda na s'ya pati si Skyler kung saan na pumunta ang lalaking yun." "Ang lalakas ng tama ng mga kaibigan mo, pare-parehas na kayo e." "Yang si Sevy." nguso ni Railey sa isang kaibigan na panay ang ngiti habang nakatingin sa phone naparang may sariling mundo. "Mukhang malapit ng lumagay din sa tahimik, na babaliw na din e." "Si Skyler tingin mo pakakawalan n'ya si Cleo?" "Naku tatanda s'yang binata kapag inintay n'ya si Cleo mag-asawa na s'ya ng iba kung wala din naman s'yang gagawin para mailabas sa camp site ang kapatid ko." ani Railey. 'Okay na po may nag wagi na po sa ating Games, ang babaeng bukod tanging pinag pala sa lahat none other than Hanna Huston." sigaw pa ng Mc sa mic. "So kakain ba muna tayo o i totour mo ako sa ilog pasig?" ngising tanong ni Dwight. "Puwede bang perahin ko na lang." yung kaninang bulong-bulungan dahil may ilang naka kilala sa dalaga muli na ulit nag tawanan. "Gurl hikahos ka ba sa buhay?" tanong pa ng Mc. "Oo e, nag hahanap nga ako ng mapapangasawa na mayaman." "eksakto! Ikaw ba Mr. Atty nag hahanap ka rin ba ng mapapangasawang loka-loka?" tawanan nanaman. "Puwede naman kung willing s'yang mag pakulong sa puso ko." napatakip naman ng tenga sila Megan sa lakas na ng tili ng mga crowd sa banat ni Dwight sabay tingin ni Megan sa asawa. "Ako nag turo n'yan." proud pang wika ni Railey. "Kaya naman pala bigla akong kinilabutan." tumawa naman si Railey na hinalikan sa sintido ang asawa. "Susko, na sosobrahan na ata ako sa kape kailangan ko ng ipahinga ang puso ko." wika pa ng MC. "May isasagot ka ba sa banat ni Mr. Atty." itinapat naman ng MC ang mic kay Hanna. "Gusto mo bang ligawan ako?" tanong pa ni Hanna na inulan na sila ng tuksohan. "Bakit sasagutin mo ba ako if ever na ligawan kita." ganti ni Dwight. "Oo naman." "Talaga." "Oo madali lang naman isagot na Ayoko sa'yo i capital letter pa natin para mas malinaw." malakas nanaman na nagtawanan ang lahat. "Halikan mo na para tapos na." sigaw naman ni Dennis. "puwede bang halikan na daw kita?" "Sagot agad gurl wag kang choosy sabunutan kita d'yan." wika ng MC. "Halik lang pala wag mo lang masyadong katagalan kasi baka masungkit mo ang pustiso ko." napangiwi naman si Dwight pero bago pa makahirit si Hanna mabilis ng hinalikan ni Dwight ang dalaga na ikinatameme muna nito sandali ganun din ang lahat dahil sa labi n'ya hinalikan si Hanna na dapat sa pisngi lang. "OMG! uwian na talaga may nag wagi na mga girl, teka baka na tatapakan n'yo ang buhok ng babaitang to." "Kapal talaga ng mukha mo." bulong naman ni Hanna. "Pero mas makapal ang puso ko na nag mamahal sa'yo baka gusto mong subukan." bulong din ni Dwight. Tumarak naman ang mata nito saka umirap na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD