Ako si Hanna Mendoza sa tunay na buhay pero mas nakilala s’yang Hanna Huston na dating sikat na child actress. Halos yata karamihan sa mga teleserye noon bata pa s’ya. S’ya ang kinukuhang bidang kawawang anak, ang galing-galing daw kasi n’yang umarte. Mapa mabait at kontrabida. Sikat na sikat s’ya noon karamihan din ng TV commericial halos pakyawin na ng Mommy n’ya na s’yang talent manager n’ya.
Kaya kahit pagod na s’ya hindi n’ya magawang tumigil dahil ang dami n’yang commitment. From food, drinks, clothes, shoes, perfume even mga travel spot pinatos ng mommy n’ya nung nag dalaga na s’ya. Wala naman masama sa kanya ang mag bikini habang nag pipictorial kasi hindi naman malaswa ang pinasusuot sa kanya pero nagulat na lang s’ya ng makita ang isang magazine na s’ya ang cover hindi malaswa pero masyado ng sexy ang pag kaka edit ng mga ito sa picture n’ya. Na naging mitsa ng matinding pag-aaway nilang mag-ina na na hospital pa at inakala n’yang mamatay na kaya mula noon itinatak na n’ya sa isip n’ya na hindi na s’ya mag sasalita bahala na ang mommy n’ya.
Mommy na lang ang meron s’ya kung mawawala pa ito ano pang saysay ng success n’ya. 10 years old na s’ya ng basta na lang nawala ang Daddy n’ya kasama ang kapatid n’yang retarded na may konting pag ka mongoloid. Ayon sa Mommy n’ya kusang loob daw umalis ang Daddy n’ya at lumayo dahl ayaw nitong makasira sa career n’ya noon. Nasaktan s’ya wala s’yang pakialam sa career mommy lang naman n’ya ang may gustong mag artista s’ya. May pag kakataon na sasabihin ng ina na patay na ang Papa n'ya at kapatid kaya wag na n'yang hanapin dahil hindi daw naman si Christian Mendoza ang papa n'ya.
Sinubukan n’yang ipahanap ang Daddy n’ya at muntik nanaman ma stroke ang ina, hanggang sinabi nito na wag na s’yang hanapin ang Daddy n’ya dahil hindi daw naman ang Daddy na kilala n’ya ang Daddy n’ya kundi si Aleck Chua. Mayaman daw si Aleck Chua at mahirap lang ang Mommy n’ya kaya pinag hiwalay ang mga ito at buntis na ito sa kanya. Kaya pala nung mag 18th s’ya dumating ito sa bahay nila nagulat pa s’ya ng makitang lumabas ito sa kuwarto ng Mommy n’ya. Akala n’ya ng una fling lang ng Mommy n’ya.
Tinanggap n’ya itong ama at naging masaya naman sila sa loob ng 2 years kaya ng mag debut ang album n’ya at mag karoon s’ya ng malaking concert. Pinasalamatan n’ya ang ama dahil sa pag balik nito sa buhay nila pero yun pala ang magiging dahilan ng pag bagsak ng career n’ya ng tuloy-tuloy sa isang iglap lang. Dahil may pamilya palang totoo si Aleck Chua at kabit ang Mommy n’ya. Iniskandalo ng tunay na asawa ni Aleck ang Mommy n’ya.
Nag viral ang awayan ng mga ito sa social media na halos nahubadan na ito. Isa palang judge ang tunay na asawa ni Aleck Chua. Nagulat na lang s’ya ng isa-isang mawala ang lahat ng endorsement n’ya maging ang mga upcoming movie and teleserye na gagawin sana n’ya. Hindi pa nag tapos ang lahat dun maging ang lahat ng ari-arian nila na akala n’ya na s’ya ang nag pundar. Lahat iyon ay nawala at kinuha ng banko kahit ang bahay na kauna-unahan n’yang na pundar sa kinita n’ya.
Lahat sumampal sa kanya ang totoo na na lulung pala sa sugal ang Mommy n’ya, million daw kung mag patalo ito dun nito nakilala si Aleck Chua at nakaroon ng relasyon ang dalawa. Tinubos di umano ni Aleck Chua ang lahat ng ari-arian nila kaya dito na nakapangalan ang lahat ng properties n’ya. In short sa 18 years n’ya sa showbiz walang naipon ang mommy n’ya. Kaya pakiramdam n’ya binagsakan s’ya ng langit at lupa. Maging ang personal saving n’ya na ubos dahil sa pag babayad sa lahat ng multa dahil sa pag labag n’ya sa kontrata.
Maraming na awa sa kanyang netizen at fans ang iba nag sesend pa sa kanya ng financial help na tulad n’yang mga artista dahil wala daw naman s’yang kasalanan pero dahil nasa bansa s’yang puro judgemental wala s’yang choice.
Hindi pa doon na tapos ang lahat dahil sa kasalanan ng ina may pumutok na din mga tsismis na like mother like daughter na din, meron kasing nag link na picture habang mag kayakapan s’yang director na may asawa na din personal n’yang kilala ang asawa nito kaya salamat na lang s’ya hindi s’ya hinusgahan ng asawang babae ng director pero lahat nga yata ng tao na sasagad at napapagod. Tinangka n’yang mag suicide she cut her wrist sa mismong gasoline station kung saan na trap na s’ya sa loob ng bathroom dahil sa daming tao sa labas na gusto s’yang saktan.
Nang magising s’ya nasa hospital na s’ya at kasama na n’ya ang Mommy n’ya na sinampal pa s’ya. Bakit daw ang bilis n’yang sumuko kapag nadapa daw matuto s’yang bumangon. Hindi porket hinusgahan daw s’ya ng buong mundo yuyuko na s’ya kasalanan daw naman n’ya lahat kung bakit nag ka lestse-letse ang buhay nila. Kaya tumatak sa isip n’ya ang sinabi ng ina bakit nga ba s’ya sumuko agad. Mula noon sinubukan n’yang bumangon. Nahirapan s’yang mag hanap ng trabaho dahil High school graduate lang naman s’ya hindi s’ya naka pag college sa sobrang hectic ng sched n’ya. Gusto sana n’ya mag-aral ayaw naman ng Mommy n’ya para dito hindi daw n’ya kailangan ang diploma umiyak lang daw s’yang may pera na sila.
Humiwalay s’ya sa ina at na muhay na mag-isa gaya ng utos nito kailangan daw muna nilang mag hiwalay habang aayusin daw nito muli ang career n’ya. Nakinig na lang s’ya pero lumabas din iyon sa kabilang tenga n’ya. Hindi na n’ya gustong bumalik sa limelight, maayos naman s’yang nabuhay sa loob ng 6 na taon sa dalawang trabahong nakuha n’ya. Waitress sa gabi at waitress din sa umaga sa isang malaking resto bar na may hawak din catering business.
Pero sa tuwing darating ang ina n’ya para s’ya kamustahin daig pa nito ang magnanakaw. Ubos lahat ng saving n’yang na ipon sa banko hindi n’ya magawang tumangi dahil hinihiya s’ya ng ina sa resto kung saan s’ya nag tatrabaho. Nagagalit ang manager nila sa kanya dahil bakit daw hinahayaan n’ya na ganun s’ya ng nany n’ya. Ang tapang-tapang daw n’ya sa ibang tao pero pag dating daw sa ina n’ya para s’yang pusa na napakabait. Matuto daw naman s’yang tumahol pero hindi n’ya magawa nakokonsensya pa rin s’ya kahit papano.
Kaya para walang mariming usap bibigyan na lang n’ya ito pero minsan pinag tataguan na n’ya pero araw-araw naman itong babalik kaya ang ending bibigyan na lang n’ya. Matagal naman ito bago mag pakita, minsan 2 hanggang 4 na buwan. Kaya okay na din inisip na lang n ‘ya obligasyon n’ya iyon sa ina. Hindi naman masisira ang buhay nila kung hindi n’ya pinangalandakan sa lahat na ama n’ya si Aleck Chua na hindi naman pala.
“Ano ready na ba kayo?” tanong pa ng manager nila habang nasa isang wedding event sila dahil sila ang mag cacater ng isang magarbong wedding.
“Ano naman yan bakit naka facemask ka.” tanong pa ni Nora ang Manager nila.
“May ubo po kasi ako.” pag sisinungaling n’ya pero ang totoo, nakita n’ya na nasa event na iyon ang taong ayaw n’yang makikita hanggang maari. Si Dwight Chua, ang panganay na anak ni Aleck Chua. Matagal na n'ya itong kilala hindi pa man n'ya kilala si Aleck Chua madalas nakikita n'ya ito sa mga taping n'ya at nung concert na roon din ito. Akala n'ya fan n'ya si Dwight yun pala marahil alam na nito ang tungkol sa pagiging kabit ng Mommy n'ya sa Papa nito kaya binabantayan nito ang kilos n'ya. Ilang beses na nag cruz ang landas nila. Nag ooffer ito ng tulong kaya daw nitong ibalik sa kanyang ang maginhawang buhay basta pumayag lang daw s'ya. Hindi daw n'ya deserve na mag hirap. Magandang pakinggan pero simula ng masira ang buhay n'ya, nawalan na s'ya ng tiwala sa lahat ng tao. Kaya na titiyak n'yang may hidden agenda ang pag aalok nito ng tulong sa kanya na titiyak n'yang pakawala ito ng ina nito. Okay na s'ya naka bangon na s'ya sa pag kakadapa n'ya maayos na ang buhay n'ya ayaw na n'ya ng gulo kaya hanggang kaya n'ya iniiwasan n'ya si Dwight pero daig pa nito ang fungi mawawala tapos babalik din. Sarap lang nitong kamutin, akala yata ng lalaking ito kahit saksakan ito ng guwapo mapapa Oo na lang s'ya basta-basta no way. Walang dating sa kanya ang abs at puwet nitong matambok.
"Ngayon ka pa taaga nag ka sakit kaya mo ba?"
"Opo." maiksing sagot n 'ya.
*******
Napangiti si Dwight habang panay ang sunod n'ya ng tingin sa isang babaeng waitress na naka suot ng facemask akala ata nito porket naka takip ang mukha nito hindi n'ya ito makikilala. She's wrong isa s'ya sa mga diehard fans nito, noong makita n'ya ang billboard nito sa isang travel and tour na agency na naka bikini agad na s'yang na akit hindi dahil manyak s'ya pero gandang-ganda talaga s'ya sa mukha nito. Akala pa n'ya mga 20's na ito yung pala 18th pa lang ito noong gawin ang billboard. Mula noon lagi na s'yang nag sesearch lahat ng tungkol rito. Lahat alam n'ya tungkol kay Hanna pero ganun na lang ang gulat n'ya ng sabihin nito kung sino ang Papa nito. Para s'yang hinampas ng martilyo sa ulo balak pa naman n'yang lapitan na sana ito after ng concert at formal na mag sabi kung puwedeng mangligaw pero pakiramdam n'ya gumuho ang mundo n'ya bigla ng malaman na kapatid n'ya ito. Tahimik s'yang naging saksi sa pag bagsak ng career nito, na awa s'ya rito wala naman itong kasalanan sa nangyari pero galit ang mama n'ya at ayaw n'yang maki-alam. Isang ideal Father ang tingin nila sa ama kaya ganun na lang kasakit para sa kanila na malamang na 4 na taon na pala noong nag loloko ang Papa nila.
Malas lang ni Hanna naging ina nito si Helen kaya na damay ito sa galit ng ina pero ng lumabas ang DNA test na hindi naman pala nila kapatid si Hanna saka pa lang s'ya naka hinga ganun din ang Mama n'ya na muli ng nanahimik pero ilang taon pa ang lumipas bago pa muling naging maayos ang buhay ng pamilya nila. Judge ang Mama n'ya, prosecutor naman ang ama habang s'ya ay attorney. Ang kapatid naman n'yang babae ay law student din na nasa USA nag-aaral. Sinubukan n'yang lapitan si Hanna pero agad itong umiwas at tumanggi sa offer n'ya. Wala naman s'yang masamang intensyon pero matigas si Hanna ayaw nitong tumanggap ng tulong sa kanya. Kahit anong kulit n'ya ayaw nito salamat na lang daw kontento na daw ito sa buhay nito.
Alam n'ya ang ginagawa ng ina nito pang huhuthot ng pera pinag hihirapan ni Hanna, gusto sana n'yang awayin ang ina ng dalaga nag titimpi lang s'ya dahil tiyak gulo nanaman kapag naki-alam pa s'ya. Hindi rin naman n'ya gustong malaman ng mama n'ya na nilalapitan n'ya ang anak ng babaeng muntik ng sumira sa pamilya nila pero parang ang unfair lang kasi ng dinanas nito. Hindi nito deserve na mag hirap ng ganun pero sa mundo silang mapang husga. Kaya desidido talaga s'yang tulungan ito sa kahit anong paraan kahit ikagalit man ng Mama n'ya, natitiyak naman s'ya na maiintindihan s'ya ng ina dahil patas naman itong humusga sadyang na kinain lang ito ng labis na galit noon kaya pinakita lang nito sa papa n'ya kung ano kakayanan nito kapag galit.
"Hoy! Sinong tinitingnan mo?" tanong ni Sky na siniko pa s'ya.
"Wala."
"Wala e kanina ka pa nakatitig at sunod ng sunod ng tingin sa waitress na yan kilala mo ba?" nilingon ni Dwight di Skyler bago napatingin muli kay Hanna.
"S'ya ang babaeng ipapakilala kong asawa someday." ngumibit naman si Skyler.
"Mag-aasawa ka na din?"
"Depende kung papayag ang bride na gusto ko." Mag sasalita pa sana si Skyler ng biglang makita sa malaking screen si Cleo. Parang nahabang ang puso n'ya ng makita ang dalaga. Ang laki ng pinayat nito bagamat maganda pa rin naman ito kita na nahihirpan naman sa loob ng camp site. Sobrang iksi ng buhok ng dalaga na dati ay napakaganda at makintab. Kinakain s'ya ng husto ng konsensya n'ya. Natitiyak n'yang bahagi s'ya ng dahilan kung bakit pumasok ito ng camp site kung puwede lang sana n'ya itong bawiin at bawiin din lahat ng sinabi n'ya ginawa na n'ya pero mas natatakot s'ya kapag nag padala s'ya sa bugso ng damdamin n'ya ngayon. Paano kung hindi n'ya magawang mag tino masasaktan lang n'ya ito ng paulit-ulit hanggang sa baka 'di na nito kayanin at pag sisihan na minahal s'ya ng dalaga. Mas mabuting habang maaga s'ya na ang pumutol para sa kapakanan din naman nito ang ginawa n'ya, Sa daming babaeng nasaktan at iniwan n'ya kay Cleo lang s'ya pinaka apektado pakiramdam n'ya pati pag kakaibigan nila ni Railey na nganganib na mawala. Nang lingunin s'ya ni Railey agad s'yang nag yuko dahil alam n'yang nasasaktan din ito para sa kapatid.
"Saan ka pupunta."
"Sa labas lang mag yoyosi."
"Kelan ka pa na tutong mag yosi?" tanong ni Dwight. Sa barkada nila walang marunong mag yosi kaya nagulat s'ya sa sinabi ni Sky. Ang laki talaga ng pinag bago nito ng umalis si Cleo.
"Iwasan mo yan, tomador ka na sunog baga kapa baka ang ending burol mo na ang puntahan namin." napabuga naman ng hangin si Sky na tinapik na lang s'ya sa balikat saka umalis na.
Napangiwi pa si Dwight ng biglang tawagin ang pangalan n'ya para sa palaro ayaw sana n'ya wala na s'yang nagawa ng sapilitan na dinala na s'ya sa unahan. Agad na hinanap ng mata n'ya si Hanna bigla itong nawala saan kaya ito nag punta, mamaya haharangin na n'ya ito at muling kukumbinsihin na tanggapin ang tulong na inooffer n'ya. HIndi s'ya susuko hanggat tumatanggi ito,