Episode 02

1480 Words
Episode 2 Dominic `Dona‘ Nambria’s POV “Mukhang kailangan mo ng panyo para pamunas sa leeg mo,” aniya. “O-ok lang, salamat,” sambit ko at binigyan siya ng pilit na ngiti. Ngayon lang ako nakakita ng tao na may pake pa pala sa akin. Ngayon lang rin may nag-alok sa akin ng panyo. Para kong maiiyak sa sobrang saya dahil sa wakas may nakaka-alala pa rin pala sa akin na nag e-exist ako sa mundong ‘to. “Alis na ako," paalam ko. Naglakad na ako palabas ng café at mabilis na naglakad pabalik sa building namin. Siguradong patay ako nito kay Abie dahil natapon ang pinabibili nila sa akin. Pero hindi ko naman talaga ‘yun kasalanan dahil kasalanan ‘yun ng boyfriend niyang sobrang sama ng ugali. Pwede na nga niyang mapalitan si satanas sa impyerno dahil sa kasamaan ng ugali niya. Marami ang napapatingin sa itsura ko at napapahalakhak pero wala na akong pake doon. Sanay na rin naman ako sa ganyan nila. Wala ng bago do’n. May dumi man o wala ang suot ko, pinagtatawanan pa rin naman nila ako dahil sa katayuan ko sa buhay. Mas binilisan ko na lang ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa classroom namin. Napahinto sa pagtatawanan si Abie at ang mga kaibigan niya. Napalingon sila sa akin. “Abie,” sambit ko. “Nasaan na ang inutos ko sayo? Bakit wala kang dala at mukha ka na namang basurera diyan,” nandidiring sambit niya. Napatawa naman ang mga kaibigan niya sa sinabi niya. Hindi na rin bago sa akin ‘to. Sanay na akong pinapahiya ako ni Abie sa mga kaibigan niya o sa harap man ng maraming tao. Wala rin naman akong karapatan na magreklamo dahil mahirap lang ako. “Natapon ni David ang pinabili niyo sa akin,” sagot ko. Bigla naman napatayo si Abie sa kinauupuan niya at nanlalaki ang mga mata na tinignan ako. Hindi lang ang mata niya ang malaki dahil pati na rin ang ilong niya. Para akong sisinghutin ng ilong niya sa sobrang laki. “Niloloko mo ba ko dito? Ang dami mong pagbibintangan tapos boyfriend ko pa ang napili mo,” sambit niya at dinuro-duro ang noo ko. “Ang sabihin mo, tanga-tanga ka kasi! Sinadya mo talaga ‘yun, bobita!” Hindi ako umalma at nanatiling nakatayo lang ng tuwid habang sinisigawan niya ako. Wala naman ng epekto ang mga salita na binibitawan niya dahil walang katotohanan. Kung may tanga man sa amin dito, siya ‘yun at hindi ako. Kung mayaman lang ako tulad nila, hindi ako magpapa-api sa kanina ng ganito. Gusto ko man lumaban pero hindi ko magawa dahil hindi ako mayaman. Kung sakaling lalaban ako, tiyak na ako lang ang talo dito. Ako na ang agrabyado pero ako pa rin ang lalabas na may kasalanan at ang matatalo. Ganyan talaga pag mahirap ka lang. Isang alikabok lang ang tingin nila sayo. “Tara na nga at baka maubos pa ang oras ko sa babaeng ‘to!” Tinalikuran ako ni Abie at kinuha ang bag niya sa silya. “Hinihintay na ako ng boyfriend ko kaya iwan na natin dito ang iskwater na ‘to.” Nagtatawanan silang lumabas ng classroom. Naiwan naman ako sa loob ng mag-isa at napaupo na lamang sa silya sa loob ng classroom namin. Sinubsob ko ang mukha ko sa lamesa at napatingin sa labas ng bintana kung saan nakikita ko ang papalubog na araw. Minsan na papatanong na lang ako sa Diyos kung bakit kailangan na mangyari sa akin ‘to? Bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo sa akin pa napunta ang ganitong kalagayan? Mahirap, walang maayos na tirahan, malayo sa magulang at palaging nag-iisa. “Hindi ka pa ba uuwi?” Mabilis kong inangat ang ulo ko at nagulat sa lalaking bagong dating. Siya ang lalaki kanina sa café na nag-aalok sa akin ng panyo. Ang lalaking mukhang anghel! “M-maaga pa naman,” sagot ko sa kanya. Naupo siya sa upuan na nasa harapan ko at sa akin humarap. Nangalumbaba siya sa desk ng upuan ko kaya agad akong napasandal sa upuan ko dahil sobrang lapit na ng mukha niya sa akin. “U-umusog ka n-naman,” naiilang na sambit ko at nag-iwas ng tingin. Nakakaintimida ang gwapo niyang mukha. Hindi lang siya gwapo dahil matangkad rin siya. Matangos ang ilong at mukhang may lahi. Umusog naman siya pero ang ginawa niyang usog ay palapit sa akin. Napatayo ako sa upuan ko at lumipat sa katabing upuan na kaninang inuupuan ko. “A-anong ginagawa mo dito? Hindi ka naman studyante ng Makati University,” sambit ko at napatingin sa suot niyang white t-shirt na pinatungan niya ng black leather jacket. Wala siyang suot na I.D na nagpapatunay na isa siya sa mga studyante ng Makati University. Ang pinaka-unang rule pa naman ng Makati University ay yung 'always wear you I.D.' Mayaman ka man o mahirap, kailangan mo pa rin sundin ang rule ng paaralan dahil mahigpit ang may-ari nito. “Architect ako dito. Kailangan kasi ako sa ginagawang bagong building dito kaya nandito ako,” sagot niya. Nakatingin lang ako sa labi niya habang nagsasalita siya. Hala! Ano ba naman ‘tong ginagawa ko! Tumaas ang tingin ko sa mga mata niya at ngayon ko lang napansin ang kulay ng mga mata niya. Bughaw na bughaw ito. Mukhang may lahi nga siya. “Ah o-ok,” sagot ko at inayos ang suot kong salamin at tumayo na sa silya ko. “Maupo ka na muna. Mag-usap na muna tayo,” nakangiting sambit niya. Napabalik naman ako sa upuan ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang matanggihan ang sinabi niya. Siguro dahil sa maamo niyang mukha. Siya rin ang unang tao na nagkaroon ng pake sa akin kaya siguro hindi ko siya matanggihan. Siguro wala na siyang ibang maka-usap dito sa Makati University kaya pinag tsa-tsagaan niya na lang ako o baka sadyang mabait siya tulad ng mala anghel niyang mukha. “Ang totoo niyan sinundan talaga kita dito,” aniya. “A-ako? B-bakit mo naman ako sinundan dito?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Talaga bang may pakielam siya sa tulad ko kaya sinundan niya pa ako dito? Sa tulad ko na matalino nga pero mahirap naman. Sa tulad ko na sa iskwater nakatira? Wala naman siyang mahihita sa akin kaya bakit niya pa ko sinundan dito? “Naawa kasi ako sa ginawa sayo ng lalaking ‘yun,” iritadong sambit niya at napatingin sa damit ko na madumi. “Naaawa pala,” tumatangong sambit ko. Atleast may tao pa palang may awa sa tulad ko. Mukha siyang mayaman tulad nila David pero wala akong nakitang panghuhusga sa mga mata niya. Hindi siya ma-attitude, hindi tulad ng mga mayayaman na studyante dito sa Makati University na sobrang arte. “Bakit ka pumapayag na ginagawa nila ‘yun sayo? Dapat lumaban ka,” aniya. Lumaban? May karapatan ba ako? “Ayoko,” natatawang sagot ko. “Baka mag mukha lang akong walang pinag-aralan kung papatulan ko pa ang tulad nila.” Dinaan ko na lang sa biro kahit na ang totoo niyan, gusto ko rin lumaban. Ipaglaban ang karapatan ko bilang tao. Mahirap man ako pero alam kong may karapatan pa rin ako. ‘Yun nga lang, hindi ko kayang ipaglaban ang sarili ko lalo na kung matataas ang makakalaban ko. “Sabagay, tama ka,” nakangiting sambit niya. Hinubad niya ang suot niyang leather jacket at inabot niyo ‘yun sa akin. Nagtataka ako sa kanya habang nakatingin sa kamay niyang may hawak na black leather jacket. “Para saan ‘yan?” tanong ko sa kanya. “Suotin mo na muna ‘to para matakpan ‘yung dumi sa damit mo,” aniya. Agad naman akong napailing sa kanya at hinawakan ang kamay niya at binaba ‘yun. Sobrang lambot ng kamay niya ng mahawakan ko. Saglit lang ‘yun pero pakiramdam ko dumikit na sa palad ko ang kamay niya. “Sanay na ako sa ganito kaya ok lang kahit hindi ko na takpan,” natatawang sambit ko. Nakita na rin naman ng mga tao ang itsura ko noon kung gaano ako kadungis at kahit naman anong takip ko sa damit ko, pagtatawanan pa rin naman ako ng mga studyante dito. “Sigurado ka?” kunot noong tanong niya sa akin. “Oo, salamat talaga sa kabaitan mo,” nakangiting sambit ko. Akala ko mukha niya lang ang anghel pero pati pala ang kalooban niya. Para siyang hulog ng Diyos sa akin. Sana nga lang at totoo ang pinapakita niya sa akin. “Walang anuman…” Bumaba ang tingin niya sa suot kong I.D “Nambria,” sambit niya sa pangalan ko. “Naku! Dona na lang. Pinagsamang Dominic at Nambria,” sambit ko. Parang sobrang sosyal kasi kung tatawagin ako sa Nambria kong pangalan. Hindi naman ako sosyal kaya ayoko. “No, Nambria na lang. Mas gusto ko ang Nambria,” nakangiting sambit niya. Simula nang mag-usap kami, kanina pa siya ngiti nang ngiti. Siguro nga mabait ang lalaking ‘to dahil sa kanya lang gumaan ang loob ko ng ganito. Sa dinami-dami kong nakasalamuha na tao, sa kanya lang ako mabilis na nakampante. Mukha kasi siyang anghel dahil sa maamo niyang mukha at palangiti rin siya. Siguro napalaki ‘to ng maayos ng mga magulang niya at mukha rin siyang matulungin sa kapwa niya. “S-sige, bahala ka,” sambit ko at muling inayos ang salamin ko na tumatabingi. Sobrang tagal na kasi nitong salamin ko kaya minsan bumabaliko na lang. Hindi naman ako pwedeng hindi magsalamin dahil sobrang labo talaga ng mata ko. “Ano nga pala ang pangalan mo?” tanong ko. “I am Paul. John Paul Da Silva.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD