Episode 9 Dominic `Dona’ Nambria’s POV “Luto na ang roasted chicken!” sigaw ko at nilapag sa lamesa kung saan inilalagay ang mga order para i-serve sa mga customer. Pinindot ko ng tatlong beses ang bell at bumalik na sa pwesto ko. Salamat naman at natapos ko na ang panglabing limang order ngayong araw. Inayos ko ang salamin ko at pati na rin ang apron ko na tumatabingi. “Ang galing mo hah.” Puri sa akin ng isa sa mga kasamahan ko dito sa trabaho. Si chef June. Matanda siya sa akin at kalbo ang buhok. “Salamat,” nakangiting sambit ko. “Hindi nagkamali si boss nang pinasok dito kasi kita ko naman na ang galing mo talagang magluto,” aniya. Napangiti na lang ako sa kanya. Dalawa na lang kami ni chef June dito dahil umuwi na ang iba. Mag-aalas nuwebe na rin kasi ng gabi kaya umalis na an