Episode 10 Dominic `Dona’ Nambria’s POV Kinuha ko ang nakasampay na tuwalya dito sa loob ng banyo at pinunasan ang sarili ko. Alas-otcho pa lang ng umaga pero naligo na agad ako. Mas magadang maligo ng maaga para tuloy-tuloy ako sa gagawin ko mamaya. Pakiramdam ko naging kasing amoy ko na si Paul dahil ginagamit ko rin ang mga gamit niya na nasa loob ng banyo. Kinuha ko ang salamin ko na nakapatong sa kabinet dito sa loob ng banyo at sinuot. Tinapis ko ang tuwalya sa katawan ko at lumabas na ng banyo. “Diyos ko!” sigaw ko. Nagulat ako ng madatnan ko si Paul na kapapasok lang ng kwarto ko na may hawak na tatlong paper bag na malalaki. “Sorry! Sorry! Sorry!” sunod-sunod niyang sambit at napaiwas ng tingin sa akin. Agad akong napatakbo pabalik ng banyo at binuksan lamang ‘to na may mal