Episode 30? Dominic `Dona’ Nambria’s POV “Dona!” Napahinto ako sa paglalakad sa gitna ng Makati University ng marinig ko ang pamilyar na boses ni Cyrine. Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy na ulit sa paglalakad. Mas mabilis ang paglalakad ko kumpara sa normal na paglalakad ko talaga. Ayokong maabutan ako ni Cyrine dahil tiyak na aasarin niya lang naman ako kay Paul. “Dona!” she shouted. Hindi ko siya nililingon kahit na nagkanda paos-paos na siya sa pagsigaw kaya lang napahinto ako sa paglalakad ng may humawak sa braso ko. Nilingon ko ang humawak sa braso ko at laking gulat ko ng makita ko si Katty na kunot ang noo sa akin. “Bakit ka tumatakbo, Dom? Kanina ka pa tinatawag ni Cyrine,” kunot noong tanong niya sa akin. Hindi ko alam ang isasagot ko at napatingin na lang kay Cyrine