" Anak saan ba ang lakad mo? Aba'y halos kadarating mo lang ah." Maang na tanong ni Mark Joseph sa anak o kay Jamellah.
" May pupuntahan kami ni bff mommy. Dadaanan ko siya kina lola Rene." Sagot naman ng dalaga saka lumapit sa mga magulang na nasa sala at humalik sa noo ng mga ito.
" Huwag na naman kayong maging ang mommy ninyo na kaskasera. I know your bff iha parang ang tiyuhin ni'yo lang." Bilin pa ni MJ na nakatawa dahil pinanlalakihan siya nito ng mata.
" Opo daddy don't worry po my twin sister will be the only heir of mommy in being reckless." Nakatawa na ring tugon ng dalaga saka mabilis na lumabas dahil siya naman ang binalingan ng ina.
Speaking of their beloved mother, she's one of a kind, she has a soft heart. According to their both grandparents, marami ng natulungan ang mga magulang nila. Minsan pa nga at hinding - hindi niya makakalimutan ang kaikuwento ng grandpa B nila.
" Your dad love you mom so much. Dumating sila sa puntong isinakripisyo ng daddy ninyo ang sarili para sa mommy ninyo. Pero God has a better plan for them dahil nawala man ang mommy ninyo sa piling niya for almost eight years dahil sa aksidente ay hindi nagawa ng daddy ni'yo ng ibang tao o babae. He remained faithful to your mom." Madalas ngang ikuwento ng kanilang mapagmahal na abuelo sa kanila.
" Sana may kagaya pa si daddy sa mundo na magmamahal sa akin ng totoo." Bulong ng dalaga while driving patungo sa tahanan ng lola Rene at lolo Art nila.
Ang hindi niya alam pagkaalis niya ay naligo sa kurot ang daddy nila. Dahil sa pangangantiyaw nito ay nauwi ito sa harutan which they really appreciated. Mahigit tatlong dekada na ang mga magulang niya bilang mag-asawa pero kahit tumatanda na ang mga ito ay parang nasa younger years pa rin.
Samantala, pagkatapos pa lamang ng assembly meeting nila ng hapon na iyun ay bumalik na agad si Johnson sa Mcdo stand kung saan niya iniwan ang tatlong bata. Nang umagang nakita niya ang mga ito ay halos hindi niya makilala ang mga bata, pero ng oras na iyun ay kay ganda ng pagmasdan ang hitsura nila.
" Kuya Johnson!" Salubong ng mga ito na mabilis ding yumakap sa kanya.
" Heto na po kuya ang sukli ng perang iniwan mo kaninang umaga. Dinala ko po kasi sila sa boarding at doon sila naligo kaya nakatipid ako sa pera." Agad ding sabi ng babaing pinagkatiwalaan niya na asikasuin ang mga batang palaboy.
" Maraming salamat miss Cariaga. Anyway kumain na ba kayo? Kung hindi mag-order na ulit tayo dito. May pupuntahan tayo after meal." Sagot ng binatang doctor.
Para namang naalarma ang mga bata sa narinig na hindi nalingid kay Johnson kaya muli siyang nagsalita.
" Huwag kayong mag-aalala dahil dadalhin ko kayo sa orphanage. Doon muna kayo habang wala pa tayong ibang pagpipilian kung ano ang dapat nating gawin. Puwera na lamang kung may mga magulang kayong tatlo na maghahanap sa inyo. Pero sa ngayon kain na muna tayo para pagdating natin doon ay mamahinga na kayo." Pampapalubag loob ng binata sa mga ito.
Para namang nabunutan ng tinik sa lalamunan ang mga ito.
" Ang totoo po niyan kuya ay hindi naman kami magkakapatid, hindi rin kami magkakadugo, at higit sa lahat hindi namin alam kung nasaan ang mga magulang namin. Nagkikita-kita lamang po kami sa bayan. Mga kagaya ko silang nakatakas sa ampunan mula sa sunog. Ako pala si Mayo at ako ang panganay sa aming tatlo, sampung taon na po ako, siya si Zaldy walong taong-gulang, at siya si Edel anim na po siya. Himala po na nabuhay siya dahil sabi niya hindi niya alam kung paano siya nakalabas basta ang alam niya ay nasa kalsada na siya. Kaya ako na po ang nakikiusap sa inyo kuya kung sa ampunan na pinanggalingan namin mo kami dadalhin ay huwag na po." Mahabang pahayag ni Mayo na agad sinigundahan ng bunso sa kanila.
" Kuya sabi po ni papa Jesus bad ang malupit pero tingnan mo po itong katawan ko puro pasa. Malupit po sila doon kaya kahit bad po natuwa ako ng nasunog ang ampunanang iyun. Ewan nga namin ni kuya Zaldy kung buhay pa po sila." Inosenting-inosente na aniya ni Edel.
Tuloy hindi alam ni Johnson kung ano ang sasabihin ng oras na iyun. Napaisip siya kung bakit pati ang ampunan na dapat ay kakalinga sa mga taong walang mapuntahan lalo ang mga bata. Ramdam niyang totoo ang sinasabi ng mga ito.
" Totoo po ang sinabi ni Edel kuya. Malupit ang mga namumuno doon." Sang-ayun ni Zaldy.
Sa narinig ay nakabuntunghininga ang binatang doctor at maaring narinig din ito ng mga nasa paligid nila lalo at nasa public place sila gano'n pa man mas minabuti niyang nagsalita.
" Huwag kayong mag-alala dahil dadalhin ko kayo sa ampunan kung saan magiging komportable kayong tatlo. Hindi kasi ako taga dito at kung saan-saan ako napupunta para sa meeting kaya hindi ko rin kayo maalagaan ng maayos kung isasama ko kayo sa bahay namin sa Ilocos Sur. Pero huwag kayong mag-alala dahil hindi kayo pababayaan ng mga tao doon." Paninigurado ng binata dahilan para muling nagliwanag ang mukha nga mga bata.
Wala silang sinayang na oras pagkatapos nilang kumain ay nagtungo ang binatang doktor sa opisina ng manager at kinausap ito tungkol sa mga bata pero ipinaaigurado naman nito na tutulungan siya nito.
" No problem doctor Dr Ramirez co understand you. Go ahead sa iyong planu at susuportahan kita." Tugon nito.
" Thank you very much sir. Well we're going ahead now and you can visit them there everytime you want too." He then sincerely answered.
After the general manager of the food chain ordered his staff to make in rush a take out food for the orphanage, the four of them went out of the said place and track their way to THE ANGELS ORPHANAGES.
Sa kabilang banda matapos ang ilang minutong pakikipagkuwentuhan ng magkaibigang Julliane at CJ sa abuela ng una ay naisipan nilang magpaalam para ituloy ang nauna nilang plano. Ang nagtungo sa bahay ampunan na iyun naman talaga ang kanilang plano.
" Mukhang nalate tayo ngayong besty." Out of the blue ay aniya ni Julliane sa pinsan niya for the third generation.
" Heh! Ano pa nga ba ang bago sa ating dalawa saka may meeting tayo kanina eh kaya alangan namang unahin natin ang gumala aba'y mamaya mawalan pa tayo ng lisensiya." Kunway irap ni CJ dito.
" Naku hinding-hindi iyan mangyayari besty dahil kapag tayo ang matanggalan ng lisensiya ay mawawalan sila ng surgeons aba'y baka maging surgeons pa tayo ng mga palaka sa bukid ni insan Alwyn." Nakatawang sagot ni Julliane.
Upon remembering their past lives way back to their college days during their subject anatomy, napangiti si CJ pero agad ding napahiyaw dahil sa biglaang pagpreno ng tagamaneho nito este dahil sa kaskaserang si Jullianne.
" Insan naman eh aba'y akala ko kay kambal ko lang iyan mararanasan aba'y dinaig mo na yata sila ni mommy sa pagiging kaskasera ah." Nakangiwing aniya ni CJ habang hawak ang noo na kamuntikang mauntog.
Pero hindi sumagot ang dalagang si Jullianne bagkos ay tuluyan na nitong itinigil ang sasakyan at bago pa makapagsalita si CJ ay nakalabas na ang una. Kung nagulat ito sa kamuntikang pagkauntog ay mas nagulat ito sa sumunod na ginawa ng dalaga.
" Hoy mamang driver na kulang yata ang apat na mata para makita ang daan na tinatahak. Kung gusto mong magpakamatay kasama ang mga batang kasama mo'y huwag mo kaming idamay! Aba sa lawak ng kalsada'y impossible namang hindi mo pa nakikita ang distansiya ng bawat sasakyan. Pasalamat ka at walang masamang nangyari sa aming dalawa ng pinsan ko." Malakas nitong sigaw kasabay ng pagkalampag sa pintuan ng sasakyan na kulang na lamang ay mabasag ito.
Napanganga naman ang taong nasa loob ng sasakyan dahil sa lakas ng pagkalampag ng hindi nakikilalang dalaga sa salamin ng sasakyan niya pero bago pa man siya makapagsalita ay muli itong nakalayo o nakabalik sa sasakyan nito.
" Aksidente lang naman iyun ah. Saka kasalanan ko pa ba kung kamuntikan kaming magkabanggaan eh siya nga itong napakabilis magpatakbo ng sasakyan ah." Nakailing na bulong ni Johnson habang nakasunod ang paningin sa babae.
Nang muling pinasibad ng babae ang sasakyan nito ay pinausad na rin niya ang kanyang sasakyan.
" Grabe ka naman besty aba'y giyera agad?" Animo'y batang aniya ni CJ habang humahagikhik na nagsasalita ng nasa daan na sila.
" Aba'y akala mo lang sa kanya ang mundo! Kahit mabilis ang pagpapatakbo ko pero alam ko ang distansiya ng kalsada. Ang sira ulong iyun kamuntikan na tayo eh!" Umuusok ang ilong sa galit na aniya ni Jullianne pero ang mga mata'y nakatutok sa kalsada.
" Insan kong besty ko rin huminahon ka nga baka akalain ni mother superior na inaaway kita kapag makita ka niyang ganyan. Saka huwag ka ng magalit ikaw naman hindi naman tayo nadali eh." Pampapalubag-loob pa ni CJ.
" Siyempre hindi tayo nadali besty dahil kamuntikan nga lang eh. Naku huwag lang magsanggang muli ang landas namin baka muling uusok ang bunbunan ko." Nakasimangot na tugon ni Jullianne pero malumanay na iyun nga lang ay nakasimangot.
" Ikaw talaga oo bagay na bagay kayo ni kambal napakamainitin ang ulo ninyong dalawa. Relax ka na diyan insan na besty ko malapit na tayo sa ampunan oh." Muli ay saad ni CJ.
Hindi na sumagot ang dalaga sa pinsan niya bagkus ay nagpakawala na lamang ito ng malalim na hininga. Kabaliktaran naman kasi niya ang matalik niyang kaibigan mahinhin ito ay may malambot na puso iyakin pa nga kung tawagin niya. Samantalang siya at ang mga pinsan niyang babae ay mainitin ang ulo. Madalas silang sitahin ng mga pinsan nilang lalaki pero wala eh mas nanalaytay sa dugo nila ang kanilang abuelo na kahit pure pinoy ito'y may laban kung sa paguwapuwan at dignidad ang pag-uusapan. Kaya madalas din siyang ikumpara sa init ng ulo kay Janellah Pearl dahil totoo naman kasing mabilis uminit ang kanilang ulo.
Pero ang mundo nga naman ay mapagbiro!
Dahil sa pagparada nila sa harapan ng malaking gate ng ampunan ay may tumigil din na sasakyan. At gano'n na lamang ang pagguhit ng mga linya sa noo ni Jullianne ng makilala ito o ang sasakyan.
" Relax insan hindi naman natin alam na dito ang tungo ng tao. Nandito na tayo kaya huwag mo ng isipin ang magwalk out dahil I'm sure magtatampo si mother superior kapag malaman niya na nandito na nga tayo tapos aalis pa." Nakatawang puna ni CJ dahil hindi nakaligtas dito ang pag-iba ng mode ng pinsan.
Sa narinig ay sumilay ang ngiti sa labi ni Jullianne na kanina'y nakasimangot pagkakita pa ng sa sasakyan.
" Well let's go inside besty. I miss the kids. Tara na doon baka sakaling hindi pa sila tulog. " Nakangiting sambit nito.
" Correct insan sang-ayun ako diyan aba'y matagal-tagal na rin tayong hindi napadpad dito kahit halos every Sunday ang gatherings." Tugon na rin mo CJ bago pa magbago ang isip ng pinsan.
Pumasok nga ang dalawa sa loob. ( kilala na daw sila ng mga guwardiya kaya madali na lang silang nakapasok. XD!) At gaya ng inaasahan nila ay hinihintay na sila ng superior ng bahay ampunan na walang iba kundi si sister Judith.
" We miss you ladies. Maraming salamat at napadalaw kayong dalawa." Salubong na sambit ng may edad na ring madre.
" Mano po mother. Pasensiya na po at napasugod kami sa ganitong oras." Aniya ni Jullianne sabay kuha sa palad ng madre saka nagmano.
" Kaawaan ka ng Diyos anak. Walang problema diyan anak alam ko namang busy kayong dalawa." Tugon nito.
" Mano po mother. Bless ni'yo po ang kaskasera sa pagmamaneho diyan at huwag ng umusok ang ilong." Masaya ding aniya ni CJ.
Gano'n naman kasi silang lahat pagdating sa ampunan . Walang kinikilingan. Madalas din silang magharutan kasama ang mga batang nandoon. Kahit mga madre ay nakikipagkulitan pa sa kanila kaya naman hindi na nakapagtatakang kahit kadarating nila ay nagbirong-totoo ang doctora.
" Kaawaan ka ng Panginoon anak. Naku baka magkapikunan kayo diyan ha. Basta laging tandaan mag-ingat sa lahat ng panahon dahil hindi natin alam ang susunod na pangyayari." Masayang sagot ni sister Judith.
Magsasalita pa lang sa ang dalawang dalaga pero hindi na nila nagawa iyun dahil may nauna ng pumiyok dahilan para maging isa ang dereksyon ng kanilang panginin.