As the days goes on......
" Anak nandiyan ang manliligaw mo baka naman gusto mong bumaba at harapin siya?" Pukaw ni Kaskasera sa anak.
" Nandiyan na po mommy." Tugon Crystalline Jamellah pero nanatiling nakaupo sa harap ng tokador.
" Anak kung ayaw mong harapin aba'y deretsuhin mo na ang tao kaysa naman umasa siyang may pag-asa siya sa iyo." Muli ay aniya ni Kaskasera ng makitang hindi umimik si Jamellah.
" Si mommy talaga oo. Nandiyan na po." Sagot ng dalaga saka tumayo at muling pinasadahan ang sarili sa salamin bago tuluyang lumabas ng kuwarto.
Ilang buwan na rin simula ng nakilala nila ito. Although, dati na rin nila itong nakilala at nakasama sa general assembly ay muli niya itong nakita sa Burnham Park. Doon niya ito nakadaupang palad ng husto ang binatang doktor na kagaya din niyang general surgeon.
Nasa hagdan pa lamang ang dalaga ay hindi na matanggal-tanggal ni Johnson ang paningin sa dalaga. Ewan ba niya kung bakit gano'n na lamang ang epekto nito sa kanya. Bihira niya itong makita lalo at sa St. James sa Ilocos Sur siya nakabase samantalang may sariling clinic ang dalaga. Pero ang mundo ay nasa kanyang panig dahil sa tuwing may dinadaluhan siyang meetings sa Baguio ay nandoon ito.
" Hello Johnson magandang gabi." Aniya ng dalaga na naging dahilan para magulat ang binata dahil hindi niya namalayang napalalim pala ang pag-iisip niya kaya naman namalayang nasa tabi na pala niya ito. Gano'n pa man nagawa pa rin niyang ibalik ang sarili sa tamang huwisyo.
" Same to you Jamellah good evening. You look so beautiful tonight." May paghangang puri ng binata.
Totoo naman kasi bukod sa napakapino ng kilos nito ay bumagay pa dito ang angkin nitong kagandahan na kahit sinumang kalahi ni Adan ay mapapaibig nito.
Sa narinig ay napangiti ang dalaga na naging dahilan para lumabas ang magkabilaang biloy nito na mas nagpalitaw sa ganda nito.
" Thank you Johnson." Sagot ng dalaga.
Dahil naipaalam na rin naman niya ng maayos ang dalaga ay tiwala na rin siyang makakasama niya ito ng matagal-tagal. He really love her kaya kahit malayo ang Ilocos Sur at Baguio ay nagagawa pa rin niyang bumiyahe sa tuwing wala siyang pasok o duty sa St. James.
" Shall we go?" Tanong ni Johnson dito.
" Yes we can Johnson." Sagot naman nito saka tinanggap ang palad ng binata na nakalahad upang alalayan siya.
Masayang- masaya siya dahil umaasa siya na sa gabing iyun ay makakamit niya ang matamis na oo ng babaing minamahal niya lalo at special ang araw na iyun para sa kanya. Then after few minutes ay tahimik na nilang tinahak ang daan patungo sa lugar kung saan inihanda na ng binata para sa gabing iyun.
Samantala, pagkaalis ng dalawa. Hindi man siguro kaaya-aya pero nagawa pa rin nilang obserbahan ang dalawa.
" Asawa ko ano sa tingin mo kay Johnson?" Out of the blue ay tanong ni G. Mark Joseph.
Dahil sa tanong na iyun ay lumabas ang pagkapilosopo ng ginang na halos ikasamid ng asawa ang sagot.
" Ang tingin ko sa kanya ay isang normal na tao hindi hayop, hindi rin naman siya bagay dahil tao siya." Humahagikhik na sagot nito na labis namang ikinapagtaka ng ginoo pero ng nakuha na ang ibig sabihin nito ay napatawa na rin siya.
Naman!
" Ikaw asawa ko ha wala ka ng ipinagbago eh. May mga anak na tayo at kung papalarin magkakamanugang na rin tayo pero hanggang ngayon piloposo ka pa rin eh." Nakangiwing aniya ni MJ dahil sa sagot ng asawa.
" Totoo naman kasi asawa ko tao siya eh. By the way seriously speaking alam ko naman ang ibig mong sabihin. Mahal niya ang anak natin iyan ang nakikita ko dahil ayun na rin sa kanya taga Ilocos Sur siya aba'y nasa Baguio tayo at may kalayuan din iyan kaya isa na rin iyan sa rason kung bakit ko nasabi na mahal niya talaga si Jamellah." Sa wakas ay naging maayos ang sagot nito.
" Tama ka diyan asawa ko dahil nakausap ko na rin siya ng ilang beses and his life too is not easy way back then. But look at him now he's a general surgeon as well as he's a residence doctor already." May paghanga sambit ni MJ.
" That's true asawa ko. How about Janellah? I think that major Espinosa's inlove with her too. Sa malatigresang anak natin hindi siya sumusuko dito. Anong masasabi mo sa kanya?" Nakatawang sagot at tanong ni AG lalo at naaalala ang kalokohan sa asawa ilang minuto ang nakakalipas.
Dahil dito ay napangiti din si MJ, although wala naman siyang balak tularan ang kalokohan nito ay napangiti na lamang siya bago nagsalita.
" I'm not saying na pabayaan na natin sila pero they are old enough to decide for themselves so let's just support them in what they want to do as long as they are going to hurt each other." Aniya nito.
" That's true asawa ko let's just support them. Let's go to sleep----"
" Hey Janellah where the bell you're going iha?" Naputol ang sinasabi si Madam AG ng biglang napadaan ang taong pinag-uusapan nila pero naka-complete attire naman ito.
Gaya nga ng kasabihan, mana-mana lamang iyan. Dahil kung gaano kapilisopo ang ginang ay gano'n din si JP.
" Sa basketball daddy may laro kami ngayon. See you later in the middle of the night baka makatakas pa ang kalaban namin sa basketball este ang mga salot ng lipunan." Nagawa pa nitong gawing biro ang lahat. Pero ano pa nga ba ang magagawa nila eh kahit nakafull attire na ito for battle field eh mabilis pa rin itong tumakbo palabas ng kabahayan.
Kaya wala ng nagawa ang mag-asawang MJ at AG kundi nagkatinginan saka napailing bago sila umakyat ng tuluyan sa kanilang kuwartong mag-asawa.
Sa kabilang banda, sa tahanan g mga Aguillar o sa tahanan ng mag-asawang Chester at Jorelyn.
" Ate sama ka sa bahay total maaga pa naman." Pangungulit ni Novelyn sa pinsang si Jullianne.
" Ano na namang pakulo iyan Novel aba'y mamaya kung ano na naman iyan ha?" Simangot na sagot ng dalaga dahil hindi iilang beses na gano'n ang banat nito sa kanya.
Sa kanilang magpipinsan sa side ng ina niya ay ito lamang yata ang pinakamakulit na hindi man lang natatakot sa kanya. Ito din yata ang super-dikit sa kanilang tahanan although close naman ang pamilya nila. Anak ito ng bunsong anak ng mommy Jorelyn niya. Limang taon din ang agwat nilang dalawa pero hindi ito naging sagabal para maging close sa kanila. Sabi nga ng iba ay ito ang bunso nila dahil ang dalawang nakakatandang kapatid nito ay ate at kuya nilang pareho. Kaedad ng kuya JC niya ang panganay at ahead naman sa kanya ng tatlong taon ang sumunod dito.
" Sa lagay na iyan ate hindi na ako magtataka kung tatanda kang dalaga. Aba'y malaki na si Jilliane pero ikaw eh parang wala pa sa bukabularyo mo ang salitang love eh." Sagot nito.
" Ayan ka na naman Novel aba'y ang bata-bata mo pa ah baka--"
" Naku ate huwag mong sabihing bata pa ako dahil twenty-two na ako at twenty-seven ka na. Saka mga teenagers nga eh marunong na sa love ako pa kaya. Dali na tara na sa bahay. " Hindi ito tinablan ng kasungitan niya.
Pero ang hindi alam ng dalawa ay kanina pa nakikinig ang mga magulang ni Jullianne kaya naman nagulat silang parehas ng nagsalita ang ama ng dalaga.
" Tama naman ang pinsan mo anak aba'y hindi naman nagkakalayo ang mga edad ninyo kaya why not to go ahead go and explore the love that your saying. Wala namang masama diyan dahil bukod sa nasa tamang edad na kayong parehas ay may mga trabaho na kayo. Tama gabi na pero it's just eight in the evening ang mahalaga ay hindi kung saan-saan kayo pupunta." Nakatawang aniya ng Ginoo.
Kaya naman tuwang-tuwa si Novelyn dahil hindi pa man sila lumalabas ay may blessings na sila sa ama ng pinsan. Pero bago pa may makapagsalita sa dalawang dalaga ay sumabad na rin ang tiyahin nito o ang ina ni Jullianne na si Gng. Jorelyn.
" Just be here bago mag-twelve at tandaan ninyo mga dalaga kayo at hindi magandang tingnan kung nakikita kayo sa lansangan kahit gabi na." Saad nito.
" Ang labo mo tita sa bahay lang naman kami eh hindi kami magliliwaliw pero sige po either samahan ko siya pabalik dito or ipapahatid ko siya kay kuya." Nakangiwing sambit ni Novel saka tumingin kay Jullianne.
" Sige na nga basta huwag mo na namang ipagsabi sa buwisit mong kapitbahay baka masapak ko by tuluyan. Ang lakas ng apog eh." Simangot na aniya ni Jullianne. Maski tumutol pa naman kasi siya ay wala siyang magagawa dahil pumayag na ang mga magulang niya.
Napangiti naman si Novel dahil nagwagi na naman siyang ilabas ang ate Jullianne niya.
" Take your time are go ahead and change your clothes . Hihintayin kita dito sa sala." She said while smile is covering her whole face.
Hindi na sumagot ang dalaga dahil alam niyang nagwagi na naman siyang ilabas ang pinsan niya.
Samantala, masayang-masaya si Johnson dahil sa wakas ay nakamit na rin niya matamis na oo ng babaing sinisinta.
" Thank you so much Jamellah at hindi mo ako binigo sa araw na ito. I love you." Masayang-masaya ang tinig na nababanaag sa boses ng binata sa oras na iyun.
" I love you too Johnson. But don't get me wrong pero anong mayroon sa araw na ito bukod sa pagsagot ko sa iyo?" Takang sagot ng dalaga.
Hindi sumagot ang binata dahil surpresa naman talaga niya iyun sa dalaga at umaasa siyang sa araw ng kaarawan niya ay sasagutin siya nito at heto nga siya na hindi nabigo. Nakamit niya ang matamis nitong oo.
" It's my thirty-two birthday honey." Masayang tugon ng binata habang hawak-hawak ang palad nito.
" Oh happy happy birthday honey. Let's celebrate." Masaya na ring tugon ng dalaga kahit hindi niya inaasahang napasaya niya ito bukod sa pagsagot niya sa pag-ibig na iniaalay nito sa kanya.
" Thank you so much honey. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayong kaarawan ko. Let's go inside na para makaorder tayo ng makakain natin. Siya nga pala bukas ng maaga pabalik na ulit ako sa Ilocos may ihahabilin sana ako sa iyo kung okey lang." Sagot ng binata.
" Take care honey. Anu iyun aba'y kung kaya ko lang naman eh sure I'll do it. Come on tell me kung ano iyun?" Tugon at tanong ng dalaga.
" May mga batang lansangan akong ihahabilin sa THE ANGELS ORPHANAGE at kung maari hon pakidalaw-dalawin sila. Kilala ako ni sister Judith doon, just tell them Johnson Riviera Ramirez." Banaag ang hindi matatawarang saya sa tinig nito dahilan para mapangiti si Jamellah.
" Don't worry honey doon ka nga sinupalpal ni insan na besty ko eh. Maybe hindi mo lang maalala pero lagi din kami doon dahil isa sa may-ari ng ampunan ang grandparents ko both side." Tugon naman ni Jamellah.
" This way honey and I'm sorry if nagpareserved ako ng walang paalam. But I know and God knows how I love you kaya nagawa kung nagpareserved saka as a treat to you na rin lalo at pumayag kang sumama dito and as a celebration sa kaarawan ko." Wala namang masama sa ginawa pero nais matawa ng dalaga dahil humihingi pa ito ng tawad.
" No worries honey." Nakangiting sagot ng dalaga.
Ilang sandali pa ay masaya na nilang pinagsaluhan ang dinner na pinareserved ng binata.
But......
As the days goes on, may napapansin si Johnson sa kasintahan. Ramdam niyang mahal siya nito pero may iba talaga siyang nararamdaman pero ang problema ay hindi niya ito matukoy kaya hindi niya ito makausap ng maayos at deretsahan.
Until one day....
" Hon may sasabihin sana ako sa iyo kung okey lang." Aniya niya dito.
" Sure honey what's that?" Tugon ng dalaga.
" Nais sana kitang imbitahin sa town fiesta sa amin hon para maipakilala na rin kita sa nanay ko. " Kabadong sagot at pahayag ng binata.
Dahil dito ay napangiti ang dalaga dahil kahit kailan ay laging may permission siya sa mga nais nito na labis din niyang hinahangaan dito. Magkasintahan sila pero tinatanong pa siya nito minsan kung maari siya nitong mahagkan at mayakap.
" Akala ko naman kung ano iyun hon. Sure honey kailan ba para makapagpaalam ako kina mommy at daddy." Nakatawang sagot ni Jamellah.
Laking pasasalamat ng binata dahil pumayag ang kasintahan sa paanyaya niya. Dahil sa pagmamahal niya dito ay muli niyang isinantabi ang agam-agam na ilang buwan na rin niyang nais itanong dito.