CHAPTER FOUR

2966 Words
Sa  paglipas ng panahon ay mas napapansin ni Johnson ang pagbabago  ng nobya niya. Nandiyan  iyong  time na lagi itong inaantok,  minsan parang wala sa sarili, minsan nahuhuli  niya itong umiiyak pero hindi naman umaamin  kung ano ang dahilan. Pero binalewala niya ang lahat dahil hindi naman sa lahat  ng oras ay nasa tabi niya ito at hindi niya nababantayan o wala  siyang  nalalaman sa mga where abouts nito. Hindi  naman kasi siya  iyong  uri  ng kasintahan  na maraming  bawal saka isa  pa ay  may tiwala naman  siya sa kanyang nobya  kaya labis siyang nagtataka kung bakit bigla na lamang itong nagbago. " Diyos ko ano po ba ang pagkukulang ko sa kanya at bigla na lamang siyang  nagbago?" Bulong  ng binata isang gabing  nasa balkonahe siya ng kanyang kuwarto. Sa lalim ng kanyang pag-iisip ay  hindi  na niya  namalayan ang  pagpasok ng butihin niyang ina maski ang  paglapit nito sa kinatatayuan niya  na nakatanaw sa kawalan ay  hindi na rin niya naramdaman. Laking gulat na lamang  niya ng nagsalita  ito. " Alam kung nahihirapan ka  sa  ngayon  anak. Tahimik kang tao pero  hindi  ibig  sabihin niyan na hindi ko nararamdaman ang paghihirap mo. Ina mo ako anak kaya ramdam ko iyan kahit amininin mo man ito o hindi. " Makahulugang aniya  nito dahilan para napalingon ang binatang doktor. " Inay?" Ang  tanging nasambit ni Johnson. " Simula't sapul ramdam  ko na anak na hindi kayo ang magkakatuluyan. Patawarin  mo  ang nanay  anak pero  nitong huling  pagdalaw niya dito ay alam kung may mali pero  ayaw kung  makialam dahil alam kung kayang-kaya  mo  iyan  pero  parang  ibang Johnson ang  nakikita ko ngayon. Sumusuko ka na ba anak? Hindi  mo ba gagawin ang dapat mong gawin?" Patuloy na aniya ni Aling  Anita. Ika-nga nila mother knows the best. Alam ng mga magulang ang nararapat para sa  mga anak nila. Kagaya ni Aling Anita hindi dahil nanahimik  siya  ay wala na siyang pakialam sa anak. Hinayaan lang niya ito para matuto itong  tumayo sa  sariling  mga paa  na gaya ng ipinamulat  niya dito na kahit siya lamang ang nagtaguyod dito ay naging mabait at makatao ito. " Iyan ang plano ko inay ang puntahan siya sa  Baguio para kausapin dahil hindi ko alam kung ano nga ba ang pagkakamali ko dahil bigla na lamang siyang  umiwas sa akin. Kahit  text o  tawag ko'y hindi na niya sinasagot." Animo'y bata na nakahanap  ng kakampi  na aniya ni Johnson sa  ina habang  nakayakap  dito. " Iyan na iyong sinasabi ko anak na alam kung hindi kayo ang para sa isa't-isa. Maganda  ang npakikitungo niya sa akin sa tuwing niyaya mo siya dito pero  papunta pa lamang kayo samantalang  ako'y pabalik na. Tandaan mo anak kapag para sa  iyo  ang isang tao kahit ano pa ang mangyari kung kayo  ang nakatadhana kayo pa rin hanggang sa huli. Sa  ngayon  ihanda mo ang iyong sarili dahil maaring maayos ang relasyon ninyo at  maari ding tuluyan  na kayong  maghiwalay.  You're  old enough anak at masasabi kung matatag kang  tao  dahil sa dami  ng pinagdaanan  nating mag-ina ay heto  pa rin tayo. At pinagmamalaki kung naitaguyod kita kahit ako  lang ang bumuhay sa  iyo na kahit isang kusing nila sa pera  ng ama  mong hudas ay  wala kang nakuha. Kaya ngayon anak gawin mo ang tama, kung ano man ang magiging  resulta  ng lakad mo'y isipin mong pagsubok iyan ng Panginoon sa iyo." Mahiwagang  aniya ni Aling Anita. Kailanman  ay hindi nagsalita  ang ina niya tungkol sa  kanyang ama. Nais  niyang malaman ang tungkol dito pero nandoon pa rin ang takot at respeto niya sa  kanyang ina. Tama naman kasi ito na wala siyang mapapala  kung hindi niya ito kausapin ng maayos. " Bukas  na bukas inay magfile ako ng leave  ko para kahit ilang araw ako  sa Baguio  ay walang maapektuhan.  Sama po kayo inay?" Nakangiti man pero banaag naman sa  mukha nito ang kalungkutan. " Sa  ibang araw na lang anak. Moment mo iyan kaya ikaw na lang muna. Hayaan mo sasama din ako sa ibang pagkakataon  para makilala  ko ang mga bata. Kung papayag sila puwedi mo naman silang  ilipat dito. Taga  San Vicente iyong  sekretarya  nila doon baka maari natin silang  kausapin para mailipat ang mga bata sa  Paratong. Pero sa ngayon ang problemang puso mo muna ang asikasuhin mo." Saad  nito. Kung alam ni'yo  lang magiging  hipag iyan ng nobya ng mo Johnson. " Good night po inay. Hayaan mo at pagtutuunan ko  ng pansin ang bagay na iyan pero kayo na rin po ang nagsabi na unahin ko ang puso ko." Tuloy  ay nakatawang aniya ng binata. Hindi na lamang din sumagot ang  matanda  pero nakatawa namang tinapik ang balikat ng anak saka tuluyang iniwan ito. One week later.... Ilang araw  din bago  naaprobahan ang ipinasa niyang  leave kaya lumipas ang  isang linggo bago siya nakabiyahe patungong Baguio. Maaga siyang bumiyahe kaya umaga pa lang ay nandoon na siya pero dahil  hindi  niya alam kung saan niya matatagpuan ang kasintahan ay  mas minabuti  niyang nagmasid-masid muna sa paligid. May mga oras na nais niyang lumapit sa  mga guwardiya at magtanong pero sa  tuwing binabalak niya ito'y para siyang sira ulo  na binabahag ang buntot este naduduwag siya lagi kaya ang paghihintay na walang kain ay  buong maghapon. " Sila tita at totoo iyun ah." Parang nabuhayan ng loob na sambit  nito  ng makita ang mag-asawa. Bubuksan  na sana niya ang sasakyan niya pero hindi pa man siya nagagawa  ang bagay na iyun ay nakasakay  na rin ang mga ito ng sasakyan  nila. Kaya sinundan na lamang niya ang mga ito ng palihim dahil  ayaw din naman niyang mag-isip ng masama ang mga ito sa kanya. Hindi nga siya nagkamali  dahil nagtungo  ang mag-asawa sa sariling  clinic  ng kasintahan niya. Samantala dahil gabi na at hindi pa dumarating ang surgeon ng pamilya ay naisipan ng mag asawang Grace at MJ na puntahan na lamang ito sa clinic/hospital  na pag-aari ng pamilya nila. " Magandang gabi ma'am sir. Ginabi yata kayo ah." salubong ng night guard sa kanila. " Maandang gabi din sa iyo. Nandiyan ba ang ma'am ninyo?" Tanong ni Grace. " Nandiyan po siya ma'am nasa parking area pa kasi ang sasakyan niya. Pasok po kayo ma'am, sir." Tugon ng guard. " Salamat." Tipid na sagot ni MJ. " Walang anuman sir." Tugon nito saka binuksan ang gate pero bago pa sila makapasok ay may nagsalita sa kanilang likuran. Na lingid sa  kaalaman nilang mag-asawa ay nakasunod na ito as kanila simula pa sa  tahanan  nila. " Puwedi po bang sumama sa inyo ma'am Grace , sir MJ? Ilang araw na po akong iniiwasan ni Jamellah pero wala naman akong alam na kasalanan sa kanya para iwasan niya ako. Please? " Pakiusap ni Johnson na hindi  na niya namalayang ma'am  at sir na ang naitawag sa mga ito instead na tita at tito. " Gabi na iho napasugod ka yata? Halika ka sama ka na sa amin sa  loob."  Sagot ni MJ sa nobyo ng anak nila na kapwa doctor. " Nag-aalala kasi ako tito dahil sa hindi malamang dahilan ay bigla niya akong iniiwasan. Tawag at text ko hindi niya sinasagot kaya naisipan kung puntahan siya." Sagot ni Johnson at sumabay sa mga ito patungo sa opisina ng dalaga. After few minutes... " The doctor's out daw pero hindi naman nakalock ang pinto?" Kunot-noong sambit ni Grace. " Nandiyan po siya sa loob ma'am busy yata dahil hindi pa namin nakitang lumabas mula kaninang umaga pero nandiyan siya." Aniya ng dumaang nurse. " Salamat miss." Sagot ni Grace dito. " Walang anuman ma'am sige po." sagot nito at naglakad palayo sa kanila. Samantalang tahimik lang ang binatang si Johnson na sumasabay  sa mag-asawa. Lihim  na ring nakikiramdam kung ano ang nangyayari. Pagdating nila sa tapat ng opisina ni Jamellah ay hindi na kumatok ang mag-asawa sa kahilanang the doctor's out pero nasa loob naman daw ang doctora. Binuksan ni MJ ang pintuan at pumasok silang tatlo para lang madatnan ang sadya nila. Mahimbing itong natutulog sa hospital bed kung saan nahihiga ang mga pasyenting magpapacheck up dito. Kaya't hindi nila alam kung gigisingin ba nila ito o hindi dahil katabi pa nitong natulog ang pagkain na parang may aagaw. " Anak? Gising  na diyan aba'y  kailan ka  pa naging makalat?  Saka  ano ka  ba naman anak wala namang aagaw sa iyo mga pagkain na iyan ah." Hindi malaman kung nagagalit ba o hindi na aniya ni MJ. " Tama ba ang iniisip ko Jamella anak? Iyan ba ang dahilan kung bakit lagi kang wala sa bahay? Sumagot ka  dahil hindi kami manghuhula sa lahat ng oras." Wala naman sa plano ng ginang  ang magalit  dito pero nais lamang niyang sumagot agad ang  dalaga.  Pero  bago pa man ito makasagot ay  muling  sumabad ang kasama nilang binata o si Johnson. Dahil wala siyang maintindihan at hindi makarelate sa usapan si Johnson ay napilitan siyang sumabad. " Wait sir, ma'am, naguguluhan po ako at wala akong maunawaan sa mga sinasabi ninyo." singit niya sa mga ito. " Johnson!" Tanging sambit ng dalaga. Mga magulang niya ang kasama nila ng boyfriend niya sa loob ng opisina niya pero hindi pa rin niya maiwasang mahiya. Dahil matagal-tagal na rin ang kanilang relasyun at ilang ulit na rin siyang  sumama sa lugar ng mga ito pero kahit kailanman ay hindi ito nagsamantala sa kanya. " Yes honey ano ba ang problema pakipaliwanag naman sa akin. Napansin ko na lang nitong mga nakaraang linggo ay parang nanlamig ka. Sa tuwing tumatawag ako parang may problema ka na hindi mo masabi sabi. Minsan parang napipilitan ka lang na sumagot. Ngayon alam kung tama sila tita at tito hindi mo ugali ang nagpapagabi dito sa opisina mo unless kung may emergency. Would you care to tell me what's the matter with it?" Pahayag ng binata. Na kahit ilang buwan na niyang napapansin ang tungkol sa  panlalamig nito ay linggo lang ang sinabi dahil ayaw din naman niyang  bigyan iyo ng maraming  isipin. Pero kagaya ng dati ay nanatiling tahimik  lang ito. Kaya't  mas minabuti ng Ginoo  na pumagitna.  Lalaki siya at ramdam niya ang saloobin ng binata. " Anak tama naman ang nobyo mo and besides he has the right to know what's the matter with you or should I say what's the problem. Ayaw din naman naming sa amin manggaling kung ano nga ba ang problema. Since nandito tayong lahat kaya't sabihin mo na sa kanya habang mas maaga pa." Pangungumbinsi ni MJ sa anak. Ayaw man sanang magsalita ni CJ sa nobyo pero napag-isip-isip niyang tama ang mga magulang niya na may karapatan ang nobyo niya na malaman ang tungkol sa kalagayan niya. Dahil kahit maging dalagang-ina man siya ay wala siyang balak ipaako dito ang kalagayan niya. Bumutiw niya sa kanyang ina at pinunasan ang luha sa pisngi gamit ang palad bago tuluyang humarap sa kasintahan. " Una sa lahat Johnson gusto ko munang humingi ng kapatawaran sa iyo as lahat ng pagkukulang at kasalanan ko sa iyo--- " You don't have nothing worry hon dahil wala ka namang ginawang mali para humingi ng tawad sa akin." Putol ng binata at akmang yayakapin ang nobya pero pinigilan siya nito. " Huwag! I don't deserves you anymore. Hanggang diyan ka lang at makinig ka sa sasabihin ko Johnson minsan ko lang ito sasabihin at ayokong ulit-ulitin kahit kanino at kailan man. Una sa lahat kagaya ng sinabi ko patawarin mo ako dahil sa mga pagkukulang ko sa iyo. Oo maituturing akong manloloko dahil sinagot kita kahit alam kung hindi ikaw ang nasa puso ko kumbaga ginawa kitang panakip-butas para maiwasan ko ang taong mahal ko na may mahal ng iba. Pangalawa ay ang panlalamig ko na sabi mo dahil tama iyan sinadya kung huwag magparamdam sa iyo dahil habang tumatagal na tayo mas sinisingil ako ng kunsensiya ko dahil sa isang tulad mo na tapat magmahal ay hindi bagay ang tulad ko instead you deserves someone better than me. Pangatlo gusto kung formal ng makipaghiwalay sa iyo dahil kahit kailanman ay hindi na tayo puweding magpatuloy bilang magkasintahan at mas lalong hindi na tayo puweding magpakasal kahit kailanman man. And lastly, gusto kung magpasalamat sa iyong tapat na pagmamahal sa akin. Dahil sa isang tulad mo ay nagawa kung iniwasan ang taong mahal ko naman ay mahal ng iba pero ang mundo ay wala sa aking panig dahil kung naaalala mo noong bigla akong nawala sa sa restaurant ay doon nangyari ang last. Napagkamalan akong ako ang kambal ko at bunga siguro ng selos niya ng nakita tayong masayang nag-uusap habang papasok sa loob ng kainan ay nagawa niya akong inilayo sa naturang lugar without a doubts. Kalimutan mo na ako Johnson dahil hindi na ako malinis pa alam kung alam mo ang ibig kung sabihin . Hindi na ako birhen dahil ng araw na iyun ay paulit-ulit niya akong ginalaw dahil sa pag-aakalang ako si kambal at akala niya'y niloloko ko siya at para mapatunayan kung hindi ako si kambal ay hinayaan ko na lamang siya. I'm sorry Johnson." mahabang pahayag ng dalaga sa nobyo. Na ito pa ang yumuko para sa paghingi ng tawad. Though, alam na ng mag-asawa ang tungkol dito pero hindi pa rin sila makahuma sa pahayag ng kanilang anak. Wala naman silang kaalam-alam tungkol dito sa tunay  na nararamdaman  nito para pakialaman. " No Jamellah don't worry matatang---- " No Johnson!  Tama na ang panahong niloloko kita. Gusto ko ng mamuhay ng tahimik iyong kahit wala akong kasintahan o panakip-butas ay mas gugustuhin ko pang ako na lang ang magdurusa kaysa ang kambal ko. Makakahanap ka rin ng mas higit pa sa akin Johnson." Putol dito ng dalaga " Ayaw man sana naming makialam diyan iho dahil nasa tamang edad na kayong pareho at gusto ka namin para sa kanya. Bukod sa disenting tao ka ay tapat ka pang magmahal. Pero tama naman ang anak namin hindi rin kayo magiging masaya kung one sided love affair lang ang namamagitan sa inyong dalawa. At para na rin sa ikabubuti ninyong dalawa ay tama lang na maghiwalay na kayo at tanggapin ng maluwag sa inyong damdamin na hindi kayo para da isa't isa." Segunda ni MJ sa tinuran ng anak. " Hindi ko po alam tito kung ano ang sasabihin ko dahil isa lang nag maipapasigurado ko po sa inyo. You witnessed our relationship too at alam ni'yo naman po na mahal na mahal ko siya." Gagot ng binata na hindi mo mawawari ang expression ng mukha. Maghapon na walang  kain at pagod sa  biyahe, idagdag pa ang  kasalukuyang problemang kinakaharap. " Tama ka iho sa totoo lang gusto ka namin para sa anak namin. Ang effort mong pabalik-balik dito sa Baguio ay katunayan na iyan na mahal mo nga ang anak namin pero tama din naman siya na hindi na magandang tingnan kung ipagpatuloy ni'yo pa ang  inyong relasyon  kung ikaw lang ang nagmamahal. Makakahanap ka rin ng taong makakatugon sa wagas mong pagmamahal. Just humble yourself iho and  God will do the best for you." Sabad naman ni Grace. Dahil ramdam niyang wala  ng pag-asa  na maisalba ang relasyon  nila ay mas  minabuti ni Johnson  na magpretend na tanggap niya ang lahat. He wants to end up their relationship  with a good closure. Since that it's  dinner time ay  nagkusa na siyang yayain ito para doon. Pero mas bumagsak ang balikat niya sa isinagot  nito sa kanya. " We can go out to eat Jamellah. A good closures to all of us if it's just okey with you." Walang nagawa kundi ang sumang-ayon na aniya ni Johnson pero mas  masakit din pala ang kahit huling  pagkakataon  sanang kadate  niya ang nobya  ay  hindi rin mangyari. " Little by little Johnson makaklimutan mo din ako. We can still be friends pero for now ayokong lumabas gusto ko dito sa opisina ko kaya't I'm sorry ha." Magalang na tanggi ni Jamellah sa kanya. " Okey as you wish Jamellah. Kung gano'n magpapaalam na rin ako at baka hindi na ako makadaan dito or mabisita ka bukas. Alam mo iyan may meeting ako sa SLU after that deretso na ako ng uwi sa Ilocos Sir. Maraming salamat sa pagiging totoo mo atleast hindi man tayo hanggang sa huli ay nagawa mo pa rin na ipagtapat ito ng mas maaga. I'll not say good bye to all dahil alam ko namang magkikita pa tayo who knows di ba?" Rason nito na may meeting siya sa  SLU  kahit on vacation siya. Hindi madali ang lahat lalo at ito ang una  niyang pag-ibig pero ito  rin pala ang una niyang kabiguan. Bumaling din siya sa  mag-asawa  para magpaalam ng maayos. Naging  mabait  naman ang mga ito sa kanya kaya ayaw din naman niyang maging bastos. " Tita, tito, mauna na po ako sa inyo at maraming salamat sa inyong pagtanggap sa akin bilang nobyo noon ni Jamellah. Hanggang sa muli po." Malungkot na aniya ni Johnson sa mga ito. " Walang anuman iho. You can come here or to our home anytime you want. You're still a family friend so nothing to worry iho. Mag ingat ka sa at sana don't think of killing yourself okey?" Prangkang sagot ni Grace. " Salamat po tita at huwag po kayong mag alala dahil hindi ko po gagawin iyan sayang naman ang lahi naming mga Rivera kung walang magpapatuloy." Biro naman ni Johnson pero deep inside of him ay umiiyak. Ayaw lang din niyang ipakita dahil ayaw niyang makita ng mga ito na umiiyak siya. Mahal niya ang dalaga pero hindi niya kayang ipagkait ang kalayaan nito. Hindi na niya hinintay na sumagot ang mga ito. Deretso na lamang siyang lumabas sa opisina  ng dating kasintahan na hindi man lang tinitingnan ang dinaranan. Kaya't hindi na niya napansin ang papasok tao. . . . . ITUTULOY!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD