CHAPTER FIVE

2136 Words
Ilang araw  din ang lumipas na hindi nagkita ang magkaibigang CJ at JC o Jullianne Christine kaya  naman kahit gabi na ay  naisipan  niyang puntahan  ang pinsan na best friend  niya. Late  na siyang lumuwas  galing sa Nueva Ecija kaya  naman gabi na ng nakarating siya sa Baguio.  May meeting silang dadaluhan kinabukasan kaya naman kinailangan  niyang  lumuwas. " I'm  sure matutuwa  ang bruhildang iyun lalo  at may dala  akong Arabian  foods  gawa ni mommy. It's  our favourite food at all. Never mind  the diet aba'y mahirap din ang magutom noh." Parang bubuyog na bulong ng bulong ang dalaga habang naglalakad. Dahil sa pinaghalong pakiramdam, kahit pa sabihin  nilang  mababaw ang kaligayahan nila ay wala  siyang pakialam basta isabay  pa niya ang pagsayaw-sayaw habang tinahak ang daan tungo sa office ng pinsan ay hindi na niya napansin ang paparating na lalaki o mas tamang sabihin na hindi niya ito napansin  na galing ito sa opisina ng pinsan  niyang  besty rin  niya, na kung tutuusin kilalang-kilala  na niya dahil nakikita din  pero dahil  hindi naman  talaga siya nakatingin sa dinaraanan. Kaya naman ay..... " Hoy lalaki kung wala ka sa sarili mo huwag kang paharang harang diyan. Peste na ito kung gusto mong magpakamatay doon ka sa kalsada magpasagasa ng matuluyan ka na." Tungayaw ni Jullianne sa lalaking hindi niya nakilala. " Miss I'm sorry hindi ko sinasadya." Hinging paumanhin ni Johnson. " Sorihin mo ang mukha mong lalaki ka! Diyan ka na nga!" Angil ng dalaga at iniwanan ang nag-eemote na binata. Ni hindi nito pinansin ang palad nitong nakalahad upang tulungan siya sa pagtayo. Walang nagawa ang binata kundi ang ipinagpatuloy ang pagtungo sa kinapaparadahan ng kanyang sasakyan at tahimik na nilisan ang lugar. " She didn't recognize me but  I know her she's  the best friend  and cousin  of Jamellah. Maganda pa naman siya pero laging  galit." Kibit-balikat na aniya ng binata  ng ito'y nakasakay na sasakyan niya. The hardest thing in life is to watch the one you love, love someone else. As he drove away from the clinic  of  his ex-girlfriend  who just admitted  the reasons  why she avoided  him for how  many  months, his eyes started  to cry. He's  just a human who can cry too, who can feel the pain of loving his girlfriend  but never love him back because  she used to love someone else. " A million words wouldn't bring you back in my life  Jamellah, I know because I tried. Neither would a million tears, I know because I've cried. It hurts to love someone and not be loved in return, but what hurts more is to love someone, and never find the courage to let them know how you feel. I'm lonely there is no one close, no one sees the pain I feel, I cry because hope to be with you is gone , I am alone. And no one knows my eyes are hurting because I can't see you, my arms are empty because I can't hold you, my lips are cold because I can't kiss you anymore, my heart is broken because I'm not with you that I don't  have any idea until when  I'll  be able to move  it on from you. Only I know  is I love you so much Jamella. You're  my first love  but you're  the first heartache of mine too." As he said those  words he burst into crying that causes of he can't  see the road or his way. Kaloob na rin  siguro sa kanya ng Panginoong Diyos na umiiyak siya ng oras na iyun at may dahilan siyang tumigil. Dahil sa kabila ng paghihinagpis niya ng oras na iyun ay nabulabog siya dahil sa  road accident. Mabait pa rin sa  kanya ang langit  dahil pinatigil siya sa  isang tabi pero sa  crossing  ng mismong daan  na tinatahak  ng sasakyan niya'y  may nagbanggaan na pampasaherong bus at truck ng LPG gus na animo'y lumilipad na ibon sa  bilis. " Diyos naraming salamat  kahit nasasaktan ako ng labis dahil sa  pagkawala ni Jamellah sa  akin, hindi mo pa rin ipinahintulot Ama  na mamatay ako." He said silently prayed as he wiped the tears flowing on his cheeks saka niya mabilis  na nilisan ang lugar dahil  unti - unti  ng lumiliyab ang apoy dulot ng salpukang naganap. He made his way home in Ilocos Sur! Even it's  already late! Love hurts when we break up with someone. It hurts more when someone breaks up with us. It hurts the most when someone has no idea how we feel. Samantala bubulong-bulong namang nagtungo si Jullianne sa opisina ng pinsan niya kaya't halos hindi pa ito nakaupo ay naimbistigahan na ni CJ. " Oist insan ang nguso mo aabot na sa sahig ah. Anong problema mo?" Patay-malisyang tanong nito. " May poncious pilate lang naman diyan na nag-eemote yata eh binangga ba naman ako.  Kamuntikan na ngang matapon ang dala kung foods." Busangot na sagot ng dalaga saka inilapag ang dalang pagkain. Nagkatinginan ang mag asawa dahil ang binatang si Johnson lang naman ang galing doon puwera na lang kung may pasyenteng nag-discharge pero wala pa namang nagpa-approve sa anak nila. " Ay sorry po nandiyan po pala kayo tita , tito magandang gabi po sa inyo." Hinging paumanhin ng dalaga ng mapansin ang pinsan ng papa Chester niya na si kaskasera at at ang asawa nitong si Iyakin. " Nothing to worry iha. Baka naman si Johnson ang tinutukoy mo?" Sagot ni Grace. " Whoever he is tita galit ako sa kanya muntik matapon ang pagkaing dala ko lalo at paborito namin ng bruhang iyan." Sagot ng dalaga saka muling hinarap ang pinsan  pero gano'n  na  lamang ang pagguhit ng mga linya  sa  noo  niya dahil dinaig pa nito ang mga gutom  at pagod na mga sundalo  na  nalilipasan ng gutom  lalo na kapag  may giyera. Dahil  dito ay napatingin  si Jullianne sa mga magulang ng dalaga saka muling ibinalik dito  ang paningin. In other words, pinaglipat-lipat niya ang kanyang paningin sa  mga ito kaso  patay malisya lamang ito kay Jamellah lalo  at abala sa  pagkain. " Ahem miss Mckevin kahit  paborito ko iyang beryani ni mommy  hindi kita aagawan kaya kung maari lamang ay dahan-dahan lang. Aba'y daig mo pa ang mga sundalo  na nalipasan  ng gutom sa battlefield  eh." Hindi nakatiis ay  sita  ng dalaga  sa matalik niyang kaibigan. " Heh! Manahimik ka  nga  diyan Aguillar ka. Anong  magagawa  ko kung nagugutom ako. Ikaw kaya ang magbuntis ewan ko  lang  kung hindi mo kainin lahat iyan. Baka mas malala ka pa sa  mga pasyente nating antukin na masungit. " Sagot nito na sa  isang iglap ay naamin nito ang  kalagayan na walang  kahirap-hirap. Sa narinig ay agad napalingon ang dalaga sa mga magulang ng kaibigan  pero tango lamang  ang  nakuha nitong  sagot. Kaya naman wala itong babalang  lumapit saka walang  pasintabing niyugyog na akala mo'y  walang  butiki sa tiyan. " Totoo  besty?  Aba'y  sinong  malas ang gumawa  niya---sorry naman pinsan  eh." Hindi  magkandatuto na aniya ni Jullianne na talagang namimilog pa ang mga mata. " Oo pinsan may ipis  na dumapo sa akin kaya ako may ipis sa  tiyan." Biro pa ng dalaga  na nakalimutan na yatang nasa paligid ang mga magulang. Kaya naman natakpan  nilang parehas  ang kanilang mga labi  ng napaubo  ang mag-asawang MJ at AG. " Don't  say that again iha. It's  not a good joke , lalo at buntis ka." Aniya  ni MJ sa dalaga. " Sorry po daddy." Hinging paumanhin  ng dalaga  pero patuloy ito sa pagkain. " By the way insan congratulations magiging  mommy  ka na rin. Ako  kaya  kailan  kaya  ako  magiging mommy?" Aniya ni Jullianne na nakatingala  sa kisame na kulang na ay  may mahulog  na butiki at dederetso  sa  bunganga  nito. Para makabawi  sa  kalokohan  ng pinsan, pasimpleng ginulat  ng buntis  ang dalaga. Kaya naman sa  kabila  ng pag-eemote  nito sa nakaraang oras ay napuno ng tawanan opisinang  iyun  ni Jamellah. 2 YEARS LATER...... " Maligayang pagbabalik anak. Akala  ko'y  tuluyan  mo ng  kinalimutang  may nanay ka pa na dapat balikan dito sa  bansa." Kunwa'y  tampo  na aniya ng mapagmahal  na ina ni Johnson. " Magagawa  ko ba  iyun inay? Aba'y  hindi  naman iyun maaari  dahil kung   wala po kayo wala din po ako dito sa  mundo." Nakatawang sagot  ni Johnson. Napangiti  naman ang ginang dahil sa tinuran ng anak. Alam  naman niya iyun dahil sa  katunayan ay  siya din ang nagtulak  dito  na  subukan ang mangibang bansa para mapadali  ang paglimot  nito. " Biro lang iyun anak, alam ko namang hinding-hindi mo ako matitiis.  Kumusta ka  na ?" Masayang sagot ng ginang. Magkaakbay silang  mag-ina  na  nagtungo  sa  parking area ng mga metered taxi sa  paliparan. Doon  sila  nagtawag ng maghahatid sa kanila  sa  bus  station pauwi sa Ilocos Sur. Kung  sa iba ay  ikinakahiya nila ang kanilang mga magulang lalo kapag matatanda na, si  Johnson ay hindi. Kailanman at hindi niya ikakahiya ang nanay niya dahil kung wala ang nanay niya wala din siya sa mundo. Hindi man masasabi na perpekto ang buhay nila lalo at kailanman ay  hindi  niya nakita o nasilayan ang kanyang ama pero hindi iyun dahilan para ikahiya niya ang nanay niya. He's  so proud of her, despite all the hindrances  and hardship that they have been through, nakapagtapos siya ng pag-aaral with flying colours, naging  doctor sa isa sa pinakasikat na pagamutan sa  buong Luzon. " Alam ko naman iyun inay kaya huwag po kayong mag-alala dahil nandito na po akong  muli at hindi na po ako aalis. Dito  na po akong muli sa ating bansa. Tama po kayo inay ang problema ay  hindi  matatakasan, kaya it's  time for me to face the reality. Malay  mo nandiyan lang sa  tabi - tabi  ang magiging manugang mo." Nakatawang sambit ng ng binata saka hinarap ang taxi driver na nakatapat sa kanila. " Kuya pakihatid po kami sa  terminal ng Partas. " Aniya  niya dito. " Sige po sir, ma'am sakay na po kayo." Magalang  namang sagot ng driver saka inilagay sa likod ng sasakyan ang mga bagahe  ng mag-inang  pasahero. " Tama iyan anak. Kumpara noon, halos tatlong taon na rin ang nakalipas ibang-iba ka  na  sa  ngayon. Masaya ako  para sa  iyo  anak at sana nga matutunan mong patawrin ang taong pinagmulan mo." Tipid na sagot ng matanda. Alam na alam niya na ayaw pag-usapan ni Johnson ang  tungkol sa  pinagmulan nito pero hindi rin naman puweding baliwalain dahil iyun ang katutuhanan. Kitang -kita at masasabi din niya ng naka  move on  na ang binata  dahil sa tuwang nakikita niya sa pagkatao nito. " In God's will  inay mangyayari  po ang lahat ayun sa  kagustuhan ng Diyos." He answered  positively. Ilang sandali pa ay tahimik na nilang tinahak ang daan patungo sa terminal ng bus  kung saan sila sasakay pauwi ng Ilocos Sur. Samantala, dahil sa pakiusap  ng lolo Artemeo at  Lola Rene nila ay napilitang  sumama si Jullianne sa  mga pinsan niya sa Harvard kahit na ayaw sana niya dahil mas gusto niyang mag stay sa  Pilipinas kaysa  ibang bansa. Kaya naman laking  tuwa niya  ng pinayagan na silang umuwi. " Ikaw insan grasya  na nga ang pinuntahan  natin ang sungit mo pa." Kantiyaw nga sa kanya ng pinsan niyang si Eula na sumundo sa kanya sa paliparan at naghatid na rin sa kanya sa terminal pauwi  ng Baguio. " Alam mo naman insan na ayaw na ayaw kung buminiyahe ng kung saan-saan lalo kung outside the country  eh. Grasya nga pero namatay naman ang mga magulang  ni Lola." Nakapikit na sagot ng dalaga. She's  so tired kaya inaantok siya. Tama naman kasi ang pinsan niya na masuwerte silang lahat dahil  bukod  sa  generousity ng Lola at Lolo  nila ay may mga mana  pa  silang lahat galing sa mga ito. Lahat silang walong  magpipinsan ay may mga sasakyan na regalo  galing sa lolo't lola nila. Hindi lamang iyun kaya naman sila pinatawag ng mga lawyers  ng great grandparents  nila in Harvard ay binasa  ang last will and testament ng pamilya  Boromeo. Doon nila napagtanto kung  gaano kabait  ang pamilyang  pinagmulan nila. All the wealth was divided equally for all of them. " Well talaga namang ganyan  ang buhay insan. Sige na regards  na lang sa  lahat  in Baguio  pati  na  rin kina  tita at tito. We'll  travelling also to Bahrain kasama ni Khalid. Take care insan, sige  na at  siguradong naghihintay na rin si Mohammad." Aniya  ni Gwen na tinutukoy ang mag-ama. " Thank you cousin. Mag-ingat  din kayong lahat. " Tugon  ni Jullianne saka hinintay na nawala sa  kanyang paningin ang pinsan niya saka pumasok sa  terminal at pumila  para makabili ng ticket niya pauwi ng Baguio. Mabait din ang langit sa kanya dahil hindi nagtagal ay bumiyahe ang bus  na sasakyan niya. Dahil sa pagod sa biyahe ay nakatulog agad-agad siya  matapos umusal  ng panalangin  para sa biyahe nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD