"Diyos ko bakit kaya hindi ako mapakali?" Pabiling-biling mula sa kanyang higaan na sabi ni Julianne. Ilang beses na rin siyang nakabangun-higa pero gano'n pa rin na hindi siya dalawin ng antok dahil sa hindi siya mapakali. "Kumusta na kaya siya? Sinu kaya ang nakabantay sa kanya ngayon?" Out of the blue ay tanong niya sa kawalan. "Bakit 'di mo siya puntahan para malaman mo kung kumusta na ba siya?" Balik tanong at sutil ng kabilang panig ng isipan niya. Sa kaisipang iyun ay agad siyang napabalikwas na para bang hindi buntis pero sa ginawa niyang iyun ay napangiwi lang siya dahil ramdam niya ang kirot. "Ilang linggo na lang anak makakasama na kita, pero pasensiya ka na dahil si mommy lang ang makakasama mo ha hindi kami bati ng daddy mo," wika niya habang hinahap