CHAPTER TWELVE "He's out of danger already, any moment from now he'll be transfer to the RR (recovery room )." Pahayag ni Jullianne sa mga kasamahan. Iisa lang ang naging reaksyun ng lahat matapos ideklara ng dalagang buntis na ligtas na ang pasyente. "Thanks God he's safe." Halos isahang sambit nila. Pero ang dalaga ay wala silang mabasang expression sa mukha nito kaya naman hindi nakatiis si Maricel, sinundan niya ito sa opisina ng una. "Doc huwag mo sanang masamain kung may itatanong ako sa iyo. Kilala mo ba siya?" Tanong nito sa dalaga. "Sinu?" Balik tanong ni Jullianne. "Sorry Doc Aguillar pero alam kong alam mo kung sino ang tinutukoy ko. Kilala mo ba siya?" Muli ay tanong ni Maricel. "Sa dami ng pasyente natin ngayon Macel sinu ba sa kanila ang tinutukoy mo