Sa kagustuhang maisalba ang buhay nilang mag-ina ay hindi pumayag si Jullianne na basta na lang nanahimik. In her mind, kung mawawala man siya bakit hindi na lang niya ipagtanggol ang sarili. "Bitawan mo ang manibela hayop ka!" Dinig niyang tungayaw ng akala niya'y mabait na lalaki pero may lihim pa lang agenda. Hindi niya ito pinakinggan bagkus ipinagpatuloy niya ang pakikipag-agawan dito sa manibela. "Sabi ko hu---" Sa pag-aagawan nila ng manibela na walang gustong magpa-awat ay hindi na nila napansin ang pilit umiiwas na ten wheelers truck. "Diyos ko ikaw na po ang bahala sa akin." Piping sambit niya bago tuluyang nawalan ng malay. Pero mabait pa rin sa kanya ang langit dahil ang driver ng truck na kanina pa lumilihis ay agad bumaba at humingi ng saklolo m