Chapter Four

3175 Words
PINARADA ni Jared ang topdown Midnight blue BMW niya sa harap ng Rio's Finest. Kagagaling lang niya sa art gallery. Binista niya iyon, at tiningnan kung ilang painting na ang nabebenta. Tapos ay pumunta siya sa mall at bumili ng bagong paintbrush at ilang pang-kulay para sa latest niyang painting na ginagawa. Iyon na yata ang pinaka-importanteng painting na ginawa niya buong buhay niya. Hindi niya dinrawing iyon para i-bid o ibenta. He did it especially for the most important woman in his life. Wala halos nakakaalam niyon. Tanging siya lang. At kapag dumating na ang hinihintay niyang pagkakataon para magtapat dito. Saka niya ibibigay ang larawan. It is an ambitious painting. Hindi gaya ng ibang regular na laki ng painting na kadalasan niyang ginagawa. It was a lifesize painting. Mukha lang nito ang pinili niyang ipinta pati na ang hardin nito. Noong una niyang makita ang magandang babae doon, agad na tumibok ang puso niya para dito. Pilit pa nga niyang pinakuhanan ang babaeng iyon kay Humphrey. Simula noon, tanging ang magandang mukha lang nito sa gitna na magagandang bulaklak ang tumino na isipan niya. Pero matagal na niyang nakikita ang babaeng iyon. Highschool pa lang siya ay may crush na siya sa kanya. Ngunit hanggang crush at tingin lang ginagawa niya. Hindi siya nagtangkang manligaw man lang. May pagkasuplada kasi siya at tanging pag-aaral lang ang inaatupag nito. Jared... Take it easy... Baka masira ang lahat... paalala sa kanya ng isip. Huminga muna siya ng malalim bago bumaba ng sasakyan. Nakita niya sa loob ng Rio's ang mga barkada niya. Halos kumpleto ang mga ito. Siya na lang yata ang wala. Pagpasok niya ay inulan siya ng kantiyaw. "Sa wakas, dumating ka rin." Ani Humphrey. "Kailan ka ba magbabago, Pare? Lagi ka na lang late." Sabad naman ni Vanni. "Hindi ko naman alam na magkikita ngayon eh. Naisipan ko lang dumaan dito. Besides, I never came late. You're just too early." Katwiran pa niya. "Ano bang meron?" tanong niya. Walang sumagot agad kahit isa sa mga ito. Nakatitig lang ang mga ito sa kanya. Parang may hinihintay na anunsiyo mula sa kanya. "Hoy, ano ba? Bakit ba kayo nakatitig lang diyan? Alam ko, mas pogi ako sa inyong lahat." Sabi pa niya. "Ang kapal," ani Justin. "Eh ano nga? Anong meron?" tanong ulit niya. "Hindi ba dapat kami ang magtatanong sa'yo n'yan, Pare?" ani Roy. "Yeah, anong ginagawa ni Adelle sa bahay mo?" seryosong tanong ni Leo. "Kayo na ba?" tanong naman ni Darrel. "No Darrel, the right question is. Are you two living in together?" pagtatama ni Victor. Nagkibit-balikat si Darrel. "Right," sang-ayon nito. "Teka nga, Ang dami n'yong tanong eh." Reklamo niya. "Isa-isa, puwede?" aniya. "O eh, ano nga? Nakakapagtaka kasing parit-parito si Adelle sa bahay mo. Parang kayo na." sabi ni Ken. "Eto na nga. Hindi kami, okay? Hindi rin kami nagli-live in. We're not together romantically. It's just purely business." May narinig siyang suminghap. "Really? You mean?" singit ni Madi sa usapan. "Honey, huwag ka na munang sumingit sa usapan. Usapan 'to ng mga pogi." Ani Vanni. "Okay. Sorry." Usal naman nito saka bumalik sa ginagawa nito. "Kung hindi kayo. Ano?" si Humphrey. "Kaya siya nasa bahay, kasi bilang bayad sa painting ko na nasira niya noong isang gabi sa exhibit." Paliwanag niya. "That's good for two months without salary." "Hell no?" hindi makapaniwalang sambit ni Darrel. "Pambihira! Bilib din naman ako sa diskarte mo ah?" ani Dingdong. "Kahit ako hindi ko naisip 'yan noong niligawan ko ulit si Chacha ko." "Diskrate? Bakit? May gusto ka ba kay Adelle?" tanong agad ni Darrel. Napapikit siya. Subukan kaya niyang tapalan ng sandok ang bunganga nitong si Dingdong. Anak ng patis! Sana nanahimik na lang ito. "Uy teka, I heard that!" singit ni Panyang sa usapan. Isa pa 'tong bubwit na babaeng 'to... Joint forces pa ang mag-pinsan na praning... "Yihiii!!! Gusto niya si Adelle! Siguro kaya iyon ang naisip mo, no? Para makasama mo siya." Panunukso pa ni Panyang. "Hindi! Hoy, tumahimik nga kayo diyan. Baka may makarinig sa inyo eh." Saway niya sa mga ito. "Hindi nga, pare. May hidden motive ka ba kaya iyon ang sinabi mong kundisyon?" pang-uusisa pa ni Dingdong. Makahulugang tiningnan niya ang dalawang babaeng nakihalo sa grupo nila. Sina Panyang at Madi na kulang na lang ay maging kasinglaki ng kawali ang tenga. Nakuha naman ni Vanni at Roy ang ibig niyang sabihin. Kaya kinausap ng mga ito ang dalawa. Sumunod naman ito, pero patingin-tingin pa rin sa kanila. Nagkumpulan silang sampu para hindi marinig ng dalawa ang rebelsyon niya. "Okay, ganito kasi iyon." Pagsisimula niya. "Hindi ko naman talaga sinasadya na ganoon ang hingin ko sa kanyang bayad. Actually, kahit hindi siya magbayad. Okay lang. Alam naman ninyo na dummy lang ang mga naka-display doon. But it came to me in an instant on that moment na gawin ko siyang housemaid." Paliwanag niya. "Para magkaroon ka ng chance na makasama siya," dugtong ni Dingdong. "So, talagang may gusto ka sa kanya?" paninigurado pa ni Justin sa kanya. "Wala, gusto ko lang siyang asarin" sagot niya. "Ayaw mo pang umamin. Eh dumidiskarte ka na nga diyan." Sabi pa ni Leo. "Wala akong aaminin." Tanggi pa rin niya. "Bahala ka, ikaw rin. Baka makarma ka n'yan sa ginagawa mo." Paalala pa ni Ken. "Right. At kapag dumating na 'yun panahon na sigurado ka na sa nararamdaman mo para sa kanya, tapos malaman niya lahat ng kalokohan mo. Masasaktan siya, Pare. Baka hindi ka pa niya mapatawad." Dagdag pa ni Vanni. "Relax lang nga kayo. Masyado naman kayo natatakot eh. Hindi ko naman tototohanin na dalawang buwan. Sasabihin ko din agad sa kanya." Sabi pa niya. "Do it as soon as possible. I'm telling you, malaking gulo 'yan pinasok mong kalokohan." Seryoso pa ring wika ni Leo. "Oo na nga. Sige mga pare, I have to go." Aniya. "O, hindi ka ba kakain dito?" tanong sa kanya ni Vanni. "Nope. Thanks anyway!" sagot niya sabay talikod. Nang maisip niya ang lahat ng iyon. Pinangako niya sa sarili na hindi niya patatagalin ang drama niyang iyon. He just wants to have fun. Pero nang marinig niya ang mga payo ng barkada niya, parang gusto na rin niyang bawiin ang lahat. Kaso, magtataka naman si Adelle. Maurirat pa naman ang babaeng 'yun. Sumakay ulit siya ng kotse niya saka pinaandar patungo sa Bahay niya. He is somehow, excited. Isipin pa lamang niya na naghihintay sa kanya si Adelle. It makes him want to kiss her. HINDI MAIWASAN ni Adelle na sumulyap sa wallclock. Ang sabi kasi ni Jared kanina, alas-otso daw ito uuwi. Halos pasado alas-otso na ngunit wala pa rin ito. Huwag naman sanang masayang ang effort niya sa pagluluto. Mayamaya ay nangamoy na ang niluluto niyang beef caldereta. Iyon ang naisipan niyang iluto, base na rin sa mga ingredients na available sa loob ng refrigerator nito. Hinalo niya iyon. Habang abala sa ginagawa, abala rin ang tenga niya sa pakikinig sa radio sa bagong cellphone na binigay sa kanya ni Jared. Sumasayaw pa siya habang sumasabay sa kanta. Ganoon na lang ang gulat niya nang biglang may humawak sa beywang niya sabay halik sa isang pisngi niya. Nabitiwan niya ang hawak na sandok ng wala sa oras. Agad niyang tinanggal ang headset ng cellphone sa tenga niya. Sabay tulak kay Jared na siyang pangahas na humalik sa kanya. "Ano ka ba?!" singhal niya dito. "Bakit ka nanghahalik?!" galit na tanong niya. "Ah... I... I'm sorry... I..." nagkadautal na sagot nito. Tila ba hindi alam kung saan ito magsisimulang magpaliwanag. "m******s!" sigaw niya dito. "Teka lang, Sorry na! Hindi ko naman sinasadya eh. I thought you're somebody else." Paliwanag nito. "Somebody else ka diyan!? Alam mo naman ako lang madadatnan mo dito. Ang sabihin mo m******s ka talaga!" patuloy niya sa pagtungayaw. "Look. I said I'm sorry, okay? Hindi ko sinasadya. I was thinking of somebody else when I came in. Nakita kitang nakatalikod kaya akala ko ikaw siya." Tinitigan niya ito ng maigi. Mukha namang nagsasabi ito ng totoo. Pero inirapan pa rin niya ito. "Huwag na huwag mo nang uulitin 'yun, Bandonillo. Dahil kung hindi masasampal na talaga kita." Nanggigigil na banta niya. "Okay. Sorry ulit." Hinging-paumanhin ulit nito. Tumalikod na lang siya. Lihim niyang kinalma ang sarili. Dahil sa totoo lang, nang lumapat ang labi nito sa pisngi. Parang libo-libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa balat niya. At para ding nagpi-piyesta ang puso niya sa nangyari. Tila ba, gusto nito ang paghalik sa kanya ni Jared. Hindi naman niya maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman niya. Parang hindi na rin siya basta makatingin ng diretso sa mga mata ng binata. Ano bang nangyayari sa kanya? Isa pang basehan niya ay ang bilis ng t***k ng kanyang puso ng mga sandaling iyon. Parang triple ang kabog niyon kumpara sa normal heart beat niya. Magkakasakit na yata siya sa puso eh. "Adelle, okay ka lang ba? Hoy!" untag sa kanya ng lalaking laman ng kanyang isip at puso. Ha? Puso? Weh? Tumango lang siya. "Ito naman oh, kung makatulala parang sa lips kita hinalikan ah." Sabi pa nito. "Tse! Magsalita ka pa. Talagang ipapaligo ko sa'yo 'tong kalderetang niluto ko!" singhal niya dito. "Wow! Kaldereta? Favorite ko kaya 'yan." Sa halip ay sabi nito. Para siyang kurtinang hinawi nito para mabuksan ang takip ng kaldero. "Hmmm... Ang bango naman!" "Kumain ka na diyan at nang mahugasan ko na rin 'yung pagkakainan mo. Nang makapunta pa ako sa laundry shop. Hindi ko na naasikaso 'yun. Baka nami-miss na ako nila lolo't lola." Mahabang paliwanag niya. "Lolo't lola? Hindi ba patay na grandparents mo?" nagtatakang tanong nito. Gusto niyang matawa bigla sa hitsura ng mukha nito. Paano kasi kunot na kunot ang noo nito. "Ang ibig kong sabihin, 'yung washing machines. Luma na kasi kaya lolo't lola ang tawag ko." Sagot niya. Pati ito ay napangiti. "Ah okay... akala ko kasi kung sino nang lolo't lola ang sinasabi mo." Anito. "O siya, kumain ka na diyan." "Join me." Alok nito. "No. Thanks. Sa bahay na ako kakain." Sagot niya. "I insist. Kapag hindi mo ako sinabayan. Hindi kita pauuwiin." Sabi nito. Nasapo niya ang noo saka napailing. Talagang makukunsumi siya sa isang ito. "Ugali mo na ba talagang manggipit ng tao?" naiinis na tanong niya. Hindi ito sumagot. Basta na lang itong ngumisi. Saka minuwestra ang kaagapay na upuan sa dining table. Mabuti na lang at nai-prepare na niya ang table kanina kaya naghain na lang siya ng kanin at ulam. Habang kumakain ay wala itong ginawa kung hindi ang purihin ang luto niya. May mumunti siyang saya na nadama habang pinagmamasdan ang guwapong lalaki na nasa harap niya. May saya siyang naramdaman dahil nagustuhan nito ang niluto niya. A big question mark came in her mind. Bakit ba siya nagkakaganito? Ginulo na yata ni Jared talaga ang buhay niya. Hindi maaaring mangyari 'yun. Naroon siya para magbayad ng utang dito. Wala ng iba. BILANG BAHAGI ng kasunduan nila ni Jared. Tungkulin niyang pumasok dito ng maaga. Kaya alas-siyete pa lamang ng umaga ay naroon na siya. Pagdating doon ay naglinis agad siya ng bahay nito. Pati na rin ang hardin nito. Maliban na lang sa kuwartong sinabi nitong hindi niya puwedeng puntahan. Hindi niya naiwasan na mapangiti. Ano kayang magiging reaksiyon nito kapag nalaman na bago pa siya nasabihan ay nakapasok na siya doon? Sisimangot na naman siguro 'yun... Nang matapos ang ibang gawain. Nagluto naman siya ng breakfast nito. Para kung sakaling magising ito ng maaga, kakain na lang ito. Kailangan pa niyang labhan ang mga maruming damit ng amo niya na nakita niya sa laundry area sa bandang likod. Mukhang magmamano-mano siya ng laba. Wala pala itong washing machine. Naalala niya, isa pala ito sa mga regular customers ng Laundry Shop niya. "Sabagay, konti lang naman 'to. Kakamayin ko na nga lang." aniya sa sarili. Habang naglalaba ay nakikinig naman siya ng musika sa radio ng cellphone niya. Kumakanta pa siya habang nagkukusot ng mga damit nito. Hindi niya namalayan na papatapos na pala siyang magsabon ng mga damit. Kinapa niya ang ilalim ng tubig na may sabon at puro bula. Napangiti siya. Buti na lang chineck niya. May naiwan pa palang isa. Nawala ang ngiti niya nang itaas niya ang nakapang damit. Mabilis niyang ibinalik iyon sa ilalim ng tubig. Saka mabilis na lumingon sa paligid. Baka kasi may nakakita sa kanya. Napalunok siya nang maisip ang nasa ilalim ng tubig. Brief kasi ng amo niya iyon. Ano bang iniisip ng lalaking iyon? Hindi man lang naisip na babae siya. Tama bang ipalaba sa kanya nito ang underwear nito. Diyos ko... Adelaida... Kumalma ka lang... Nagsusuot din ng brief ang tatay mo... Tumikhim pa siya. Saka pikit-matang dinampot ulit iyon. Kukusutin na lang niya iyon nang mapatitig ulit siya doon. Ganoon na lang ang gulat niya nang biglang mawala ang brief sa mga kamay niya. "Bakit mo tinititigan ang brief ko? Siguro pinagnanasahan mo ako, no?" singhal sa kanya ni Jared. "Hoy! Hoy! Hoy! Teka lang! Ang kapal ng mukha mong sabihan ako ng ganyan!" sigaw naman niya dito. "At bakit naman kita pagnanasahan? Sino ka ba?!" "Kung makatingin ka sa brief ko akala mo may ini-imagine ka ah!" Automatic na nag-init ang mga pisngi niya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa harapan ng labahan, nakapameywang pa siya. "W-Wala akong iniisip na iba. Natural lang na tingnan ko 'yan para alam ko kung nasaan ang dumi!" katwiran pa niya. "Ayaw mo pa lang may ibang nakakakita sa brief mo eh! Bakit mo hinayaan humalo sa pinapalaba mo sa akin?" "Wala akong sinabing labhan mo ang mga damit ko!" depensa nito. Napipilan siya. Oo nga naman. Siya nga pala ang nag-desisyon na labhan ang mga iyon. "O-Oo nga, pero parte lang ito ng trabaho ko sa'yo. At kasama ang paglalaba doon. Kaya huwag kang umarte na akala ko kalalabas mo lang sa seminaryo!" tungayaw pa niya. Naupo na lang siya ulit saka ipinagpatuloy ang naudlot na ginagawa. Naramdaman niya nang maglakad ito papasok sa loob ng bahay. Ilang sandali pa ang pinalipas niya bago siya lumingon dito. Siniguro muna niyang nasa loob na nga ito. Nang makasigurong siya na lang ang tao doon. Saka lang siya nakahinga ng maluwag. Kung bakit ba naman kasi kung anu-ano ang naiisip niya. Mabuti na lang at magaling siyang mangatwiran. Bakit ba hindi na lang siya naging abugado? Ewan, matapos na nga itong ginagawa ko at nang negosyo ko naman ang maasikaso ko. Aniya sa isip. Hindi pa man din siya nagtatagal sa pagbabanlaw nang may marinig siyang tumatawag sa pangalan niya. Kinakalampag pa nito ang gate. "Sino ba 'yun? Si Lorna yata." "Adelle!!!" sigaw ulit nito. "Oo. Nandiyan na! Sandali lang!" Sagot niya. Mabilis siyang lumabas sa may gate. "Ano ba 'yun? Parang gigibain mo na ang buong bahay sa lakas ng boses mo." Aniya kay Lorna. "Eh kasi, may napo-protesta eh." Anito. "Protesta? Kailan pa napunta ang Edsa dito sa Tanangco?" "Hindi. Puwera biro. Nagpo-protesta na 'yung iba nating customers. Hindi pa kasi nadi-deliver yung mga laundry nila." Paliwanag ni Lorna. "Ano? Bakit? Lagi naman tayong on time ah? Ilang araw pa lang akong nawawala diyan, nagkaganyan na kayo." "Eh bumigay na kaya sina Lolo't Lola. Ayaw na talagang gumana, kahapon pa nga iyon eh." "Kahapon? Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" asik niya dito. Nagsisimula na siyang mainis dito. May problema na pala sa laundry shop, hindi man lang sinabi sa kanya. "Pumunta ko sa inyo kagabi. Ang Mama mo lang ang naabutan ko doon. Sinabi niya sa akin na tumawag na daw ako ng mekaniko. Iyon nga ang ginawa ko kanina. Eh ang kaso kahit sila, sumuko. Hindi na daw nila kayang gawin ang mga washing machines. Ang kailangan na daw sa mga iyon, i-dispose na at bumili na lang daw tayo ng bago." Mahabang paliwanag nito. Napasandal siya sa gate. Hindi puwedeng mangyari 'yon. Hindi sila puwedeng masira sa mga customers. Hindi niya maaaring pabayaan ang laundry shop na tanging nesgosyong naipundar ng Papa niya bago ito sumakabilang-buhay. "Halika na," yaya niya kay Lorna sabay labas ng gate. "Eh teka, paano 'yung trabaho mo dito kay Jared?" "Mamaya na 'yan. Kapag hindi ko nagawan ng paraan ang laundry shop. Patay ako! baka biglang bumangon sa hukay ang Papa ko. Tsaka wala kaming makakain sa mga susunod na araw." Litanya niya. "Kausapin mo na lang sila." Suhestiyon ni Lorna. "Ganoon na nga. Bahala na."  "ADELLE, ANO BA YAN? Noong isang araw ko pa dinala yung mga damit ko dito. Dapat nai-deliver na ngayon ang mga 'yun. Bakit sabi ng mga tao mo dito hindi pa daw nalalabhan?" reklamo ng isang babaeng regular customer niya. "Oo nga. Iyong mga bedsheets namin. Kailangan na ngayon 'yun." "Girl, pati na 'yung mga tablecloths namin sa restaurant. Kailangan na sana 'yun ngayon." Dagdag pa ni Madi. Parang gustong sumakit ng ulo niya sa sunod-sunod na reklamo na natanggap niya. At sa totoo lang, hindi niya alam kung saan siya magsisimulang magpaliwanag. "Pasensiya na kayo kung nagakaroon po ng delay sa paglo-laundry ng mga damit ninyo. Kasi po, ang nangyari. Bumigay na po ang limang washing machines dito sa shop. Kaya hindi po namin nalabhan ang mga damit ninyo." Nagkatinginan ang mga ito. Saka sabay-sabay na nagsalita at nag-reklamo. Natakpan niya ang tenga. Naririndi na rin siya sa mga ito. Sino ba ang may gusto nito? "Paano na 'yan?" bulong sa kanya ni Lorna. Hindi na rin alam ang gagawin. Hindi naman niya puwedeng labhan ng mano-mano ang mga iyon. Malamang na ibalik na lang muna niya ang mga damit nito. Pero kapag ginawa niya iyon, baka lumipat ang mga ito sa kalaban niyang laundry shop sa kabilang street. Napabuntong-hininga siya. "Lord, himala. Kailangan ko po ngayon ng himala." Mahinang usal niya. "Excuse me, Ma'am." Anang isang boses ng lalaki sa may pintuan. "Kuya, huwag ka munang dumagdag ngayon. Please, wala munang laundry." Sabi niya agad dito. Naiiyak na siya. Hindi na niya alam ang dapat gawin. Adelle was raised by her parents as one tough lady. Lumalaban kung kinakailangan. Humihingi ng tawad kapag alam niyang siya ang may pagkakamali. She always sees to it that she's in control in every situation she's into. Ginagawan niya ng paraan ang lahat hangga't kaya niya. Ayaw niyang maging helpless sa mata ng ibang tao. She's Adelaida Luisa Mercado. Ayaw niyang maging mahina. Gusto niya, parati siyang malakas. Pero sa pagkakataong ito. Paano niya magagawan ng paraan ang limang sirang washing machines plus ang mga taong nasa harapan niya ngayon at sabay-sabay na nagrereklamo? Himala na nga lang ang kailangan niya. "Ma'am, hindi po ako magpapa-laundry. Delivery po ang sadya ko dito." Anang lalaki. May hawak itong mga papel. "Hindi ako nagpa-deliver ng pizza." Sagot naman niya. Napakamot na ito sa batok. "Ma'am, hindi rin po ako delivery boy ng pizza. May nagpadeliver po ng limang high-powered brand new washing machines para kay Miss Adelle Mercado. Ito po ang Adelaida's Kuskos-Piga Laundry Shop, 'di po ba?" Paliwanag nito. Natulala siya sa narinig. Lord, ito na po ba ang himala n'yo? Hallelujah!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD