Jonas Sana ay nananaginip lang ako ngayon. Sana ay malaking ilusyon ko lang itong nasa harapan ko ngayon. Paano? Anong nangyari? Paano humantong sa ganito ang lahat. Akala ko... Akala ko... Akala ko lang pala ang lahat. Masyadong naging maliit ang tingin ko sa kanya. Kailanman ay hindi pumasok sa isipan ko ang senaryong sasalubong sa akin ngayon pagkalipas ng anim na taon. Anim na taon akong naghirap at nagdusa, habang siya ay unti-unting binubuo ang kanyang buhay sa piling ng ibang lalaki. Habang ako ay pinagmamalupitan ng tadhana, siya naman ay heto at naging kakampi pa niya ito para sa muli niyang pagbangon. Kung maibabalik ko lang ang mga panahon, sana ay ako ang kasama niya ngayon. Sana ay ako lang sa buhay niya. Sana ay ako ang kapiling niya habang binubuo ang pangarap na sabay na