"Enzo where are you?!" Mariing tanong ng ama nang sagutin ang tawag nito sa cellphone.
Ilang beses na siyang tinatawagan ng ama, hindi lang niya muna sinasagot. Nagluluksa pa siya sa pagkawala ng Mama niya. Nagkalayo man silang mag ina noon, hindi naman nawala ang communication nilang dalawa. Alam niyang ang kapakanan niya at ang malaking future niya bilang isang De Silva ang inisip ng Mama niya, kung kaya't nagawa siyang iwan nito sa ama. Kaya hindi siya nagtanim ng ano mang galit sa ina ng iwan siya nito sa poder ng kanyang ama sa edad na limang taong gulang.
"Pa, nasa San Miguel pa ho ako," sagot niya sa ama. Naupo sa kama at minasahe ang sentido.
"Hanggang kailanman mo naman balak manatali sa probinsyang iyan ah, Enzo? Baka nakakalimutan mo ang resposibilidad mo sa kompanya!" Malakas na tinig ng ama.
"Alam kong nagluluksa kapa sa pagkawala ng Mama mo, pero isipin mo sana ang iniwan mong trabaho. Hindi uusad ang mga naiwan mo sa kompanya. Tanggapin na lang natin ang nangayari sa Mama mo. Walang may gusto sa nangyari, pero andiyan na iyan, tanggapin na lang natin," patuloy ng ama.
Alam niyang mula nang magkaroon ng bagong pamilya ang ama ay hindi na ito interesado pa sa Mama niya. Mula nang maghiwalay ang mga magulang, ni hindi na kinumusta ng Papa niya ang Mama niya. Hanggang ngayong wala na ang Mama niya, ay hindi man nito dinalaw ang Mama niya sa burol o ihatid man lang sa huling antungan.
Parang ang dali lang sa Papa niya na kalimutan ang babaing unang minahal nito. Kaya nga kahit nagkasama sila ng ama ay matigas pa rin ang puso niya para rito. Nirerespeto niya ito bilang ama at hanggang doon lang iyon. Dahil na rin sa hindi magandang pag-uugali nito. Ang nais ng ama ito lagi ang nasusunod. Kung ano ang gusto nito, iyon dapat ang masunod. Tulad na lang sa pagtatapos niya sa pag-aaral. Nais sana niyang maging isang abogado, pero hindi siya pinayagan ng ama. Ang nais nito sumunod siya sa yapak nito. Kaya kahit napilitan lang siya ay nagtapos pa rin siya bilang isang Engineer, katulad ng ama.
"Tatlong araw na lang ho ako dito Papa. Tutungo ako ng Europe para ako mismo ang makikiharap sa mga investor natin. At pagkatapos ako na rin mismo ang susundo kay Dale sa New York," malamig na litanya niya sa ama.
"Mabuti kung ganoon. I'm sorry sa nangyari sa Mama mo, Enzo. Nalulungkot din ako. Pero isipin mo sana, na hindi diyan nagtatapos ang lahat. Isipin mo ang mga resposibilidad mo bilang uupong C.E.O ng De Silva Company,"
"Opo, Papa," tanging sagot niya sa ama.
"Magpahinga ka na hijo. Pagsundo mo kay Dale, magkita tayo sa San Ignacio. Isusunod na natin ang planong ipagkasundo kayo ni Shopie,"
"Sige ho," sagot niya. Ayaw na niyang humaba pa ang usapan nila ng ama, dahil baka mauwi lang sa bangayan lalo na't nabanggit ng ama si Shopie.
Inihagis niya sa kama ang cellphone matapos ang pag-uusap nila ng ama. Binagsak pahiga ang pagod na katawan sa malambot na kama. Mariing pinikit ang mga mata.
Shopie Ledesma ay anak ng isa kilalang negosyante sa bansa. Kaibigan ng Papa niya ang ama ni Shopie na si Mr. Joselito Ledesma. Kamakailan lang ay pinagkakasundo siya ng ama kay Shopie. Isa si Shopie sa mga babaing nakakalaro niya ng apoy. Shopie is one of his s*x mate, bed mate, s*x buddy, f*ck buddy, whatever ang tawag sa bagay na pagpaparaos. Game na game naman ang dalaga sa pakikipaglaro sa kanya. Wala silang relasyon, nagtatawagan at nagkikita sila when they both horny at kailangan maglabas ng init sa katawan.
Isang News Archor si Shopie sa kilalang TV station. She is not smart, nakapasok lang naman ito dahil sa connection ng ama nito. Isama na rin na maganda ito at pwedeng ipang front sa harap ng telebisyon.
Nabanggit ng ama na nais nitong pakasalan niya si Shopie, dahil sa iisang dahilan Power. Nais pa ng ama na mas maging makapangyarihang negosyante pa ito, kaya pinagkakasundo sila ni Shopie. Kung pakakasalan nga naman niya ang isang Shopie Ledesma, mas lalakas ang kompanya nila. Mas makikilala at lalong lalago ito.
Ngunit ang pakasalan si Shopie ay kailanman hindi mangyayari. Buong buhay niya sumusunod siya sa lahat ng gusto ng Papa niya, dahil nais niyang makuha ang pinaka mataas na posisyon sa kompanya. Para sana balang araw ay makita ng kanyang Mama na hindi nasayang ang pagsasakripisyo nito para sa kanya. Alam niyang masakit sa isang ina ang mawalay sa anak. Alam niyang kinaya at nagpakatatag ang Mama niya para makamit niya ang tagumpay sa buhay.
Ngayong wala na ang Mama niya, wala na rin namang rason pa para piliting makuha ang mataas na posisyon. Ang tanging nais na lang niya ngayon ay mabuhay at maging masaya. At siya ang pipili sa babaing pakakasalan niya. At dahil na rin sa mga nangyari, mas nanaisin na niyang pakasalan ang isang 18th year old at estudyante, kesa kay Shopie na alam niyang gagamitin lang ng ama niya sa sarili nitong ambisyon. Isama pang siya naman yata dapat ang pipili sa babaing nais niyang makasama habang buhay. At pinapangakong hindi siya tutulad sa ama. Alam naman niyang iniwan ng Papa niya ang Mama niya noon para pakasalan ang pangalawang asawa nitong si Janet Hizon, isang mayamang biyuda at walang anak ng makilala ang Papa niya.
Sa pagkakataon ito siya ang pipili sa babaing pakakasalan niya. At si Bella Ramos na ang babaing napili niya. Bukas ay pakakasalan na niya ang dalaga at isasama sa bahay niya sa San Ignacio. Walang makakapigil sa kanya, legal niyang pakakasalan si Bella. Kung sakali mang hindi mag iwan ng kasulatan ang Tito Franco niya ay marahil pakakasalan pa rin niya si Bella para matulungan ito, at para maiharap sa Papa niya at hindi matuloy ang pagnanais ng ama na pakasalan si Shopie.
Naligo siya para ma relax ang pagod na katawan at isipan. Nagtagal siya sa ilalim ng shower hinayaang patuloy na dumaloy ang tubig sa katawa niya.
Aaminin niyang hindi maalis-alis sa isip niya ang magandang mukha ni Bella, isama pa ang batang katawan nito na kaya siyang painitin at gisingin ang alagang cobra. Naisip niyang baka nararamdaman lang niya ang init sa katawan ay dahil mula nang magtungo siya ng San Miguel ay hindi pa siya nakakapaglabas ng init sa katawan. Kailangan siguro mailabas na muna niya ito, bago siya ikasal kay Bella. Kahit kasal na sila ni Bella, ay hindi niya sasamantalahin ang dalaga. Eighteen lang ito masyado pa itong bata. Hayaan na muna niyang mahinog, bago pitasin. Makakapaghintay naman siguro siya. Well, sana.
Matapos maligo nagbihis siya. Itim na plain t-shirt at maong pants. Lilibangin muna ang sarili sa ibaba, para mamaya pag akyat niya ay makatulog siya agad. Ilang araw na rin kasi siyang hindi nakakatulog ng maayos sa kakaisip kay Bella. Hindi nga niya maipaliwanag kung bakit hindi maalis-alis sa isip niya ang dalaga.
Noong nabubuhay pa ang mga magulang nila ay nakikita na niya si Bella sa tuwing dadalawin ang Mama niya. Sadyang napakaarte lang nito noon, marahil dahil bata pa at spoiled sa ama. Ganoon pa man, kahit bata pa si Bella noon ay masasabi niyang may angkin ng kagandahan ito, na lalong humusbong sa paglipas ng mga taon. Para sa kanya lalong gumanda ngayon ang batang maarteng Bella noon.
Nagtungo siya sa Vince Bar. Luxury bar sa loob ng hotel na nasa ground floor. Pagpasok niya marami na rin ang mga naroon para pumarty at uminom.
Agad na siyang pumuwesto sa may bar at sumenyas ng alak sa bartender. Pag upo palang niya ay nilingon na siya ng babaing nakaupo sa di kalayuan niya. Ngumiti ito sa kanya. Tumango lang siya. Sanay na siya sa mga signal ng mga babaing game makipaglaro. Pare-pareho lang naman ang signal ng mga babaing horny saan mang bansa o saan mang probinsya.
Hinayaan lang niyang magpa cute ang babaing kakapiranggot lang ang suot. Kung hindi lang siguro niya iniisip si Bella, at baka nalapitan na niya ang babae, at maya-maya lang ay nasa hotel room na sila.
Pagkaubos sa alak muli siyang humingi sa bartender. Wala siyang balak magpakalasing, lalo na't ikakasal siya bukas ng umaga. Nais lang niyang mag relax, isa pa sanay siya sa alak.
Habang nilalagok ang laman ng baso, napalingon siya sa paligid. Tinitignan ang mga kabataang naroon para magpakasaya. Malakas din ang tugtugin sa loob at kumikislap-kislap ang mga magagandag ilaw.
Nabitin sa ere ang balak niyang muling pag inom sa baso. Napakunot ang noo niya ng mamataan ang isang grupo ng apat na babae sa isang mesa. May mga alak sa ibabaw ng mesa ng mga ito. Nakasuot din ang mga babae ng revealing na damit. Mariin siyang napapikit ng mga mata ng makilala ang isa sa mga babae. Si Bella. Hindi siya maaaring magkamali. Si Bella ang nakaupo at pinipilit na painumin ng mga kasama nito. Bella is wearing a tube na hindi man umabot sa pusod nito, at maong pants. Hindi niya nagustuhan ang kapirasong tela nakatakip sa katawan nito, lalo na'ta nasa public ito at maraming lalake, at may alak pa.
"Bella,"