"Bella dali na, isa lang naman," pamimilit sa kanya ni Lyca habang hawak naman ni Patty ang isang baso na may lamang alak. Nagyaya ang barkada ni Lyca na gumimik sa Vince Bar. Sinama naman siya ni Lyca. Hindi na siya tumanggi pa. Nais naman kasi niyang maranasan ang makapasok sa bar, kahit isang beses lang. Alam niyang pwede siyang mapunahan kung may makakita sa kanya sa bar. Kamamatay lang ng mga magulang niya, at heto na siya nagpapakasaya sa bar at may alak pa. Sumama siya kay Lyca, kahit hindi naman niya ka close talaga sina Patty at Maxine. Si Lyca ang may barkada sa dalawa. Nais lang niyang libangin ang sarili. Lalo na't bukas ay magsisimula na ang bagong buhay niya. "Huwag na hindi naman ako umiinom," tanggi pa rin niya. Kanina pa siya kinukulit ng mga ito na uminom. Panay tangg