Chapter-6

1848 Words
Matapos ang pag-uusap nila ni Enzo sa library, agad na siyang nagpaalam na magpapahinga na muna. Pakiramdam kasi niya biglang bumigat ang pakiramdam niya. Hindi niya inaasahan na kailangan pa niyang sumama kay Enzo sa San Ignacio, lalo na ang paglipat niya ng eskwelaan. Alam niyang sa gagawing pagpapakasal kay Enzo ay maraming magbabago sa buhay niya. Iyun nga lang sadyang hindi niya inaasahan na kailanga niyang iwan pansamantala ang bayan ng San Miguel. Ganoon pa man wala siyang karapatang tumanggi kay Enzo. She needs him now, kailangan niyang tanggapin na kung wala si Enzo ay baka nasa kalsada na siya ngayon. Naupo siya sa malaking kama, tinaas ang mga tuhod at niyakap ang mga iyon. Iba-iba ang nararamdaman niyang emosyon. Nalulungkot siya, natatakot sa bagong buhay na kakaharapin. Pero may kaunting parte din sa kanya ang na e-excite na makasama si Enzo, bagay na hindi niya maipaliwanag. Kanina sa loob ng library habang nag-uusap sila ng binata, hindi niya maiwasang pagmasdan ang gwapong mukha nito. Pati pananalita nito, ang boses nito, ang galaw ng matipunong katawan nito. Lahat pasimple niyang pinagmamasdan. Kaya naman, wala rin siyang naisagot nang maayos, dahil distracted siya sa kagwapuahan ni Enzo. Habang namamahinga may kumatok sa pintuan. Mabilis siyang bumangon at umayos ng upo. "Bakit?" Tanong niya sa taong nasa labas ng pintuan. "Bella, halika na at maghapunan na kayo ni Sir Enzo," si Manang Lucing ng sumungaw sa pintuan. Bahagya pa siyang na disappoint. Nag expect kasi siyang si Enzo ang kumakatok. "Sige po Manang, magbibihis lang po ako," sagot niya at tumayo na mula sa kama. "Ah. Bella," tawag nito sa kanya nang makapasok ito sa loob ng kwarto. Napahinto siya at sinulyapan si Manang Lucing. Bata pa siya kasambahay na nila si Manang Lucing. Kaya naman hindi na iba sa kanya ito, para na niya itong pamilya. Lalo na nang mawala ang Mommy niya. Namatay ang Mommy Theresita niya noong tatlong taong gulang pa lamang siya. Cancer ang naging sakit ng ina, kaya maaga itong nawala sa kanila. Pitong taon naman siya nang muling makapag asawa ang Daddy niya. Iyun nga ang Tita Imelda niya na naging mabuting madrasta sa kanya. "Nasabi sa akin ni Enzo ang mga plano niyo," simula nito. "Magpapakasal daw kayo?" Tumango siya rito. Ngumiti naman ito at humakbang palapit sa kanya. "Tama ang naging desisyon mo, hija na pumayag kang pakasalan si Sir Enzo. Mabuting bata si Sir Enzo. Panay kwento ng Mama niya sa akin noon kung gaano kabuting bata iyan," litanyan nito. Ngumiti lang siya rito. "Sa gagawin niyong pagpapakasal ni Sir Enzo, alam kong magiging masaya ang mga magulang niyo. Natupad ang hiling nila na sana kayo nga ni Sir Enzo ang magkatuluyan," patuloy nito. Kumunot ang noo niya. "Ano po ang ibig niyong sabihin?" "Madalas kasi marinig ko ang Tita Imelda mo at ang Daddy mo na nag-uusap tungkol sa inyo ni Sir Enzo. Pinag-uusapan nila ang future niyong dalawa. Nais ng mga magulang niyo na maging kayo ni Sir Enzo. Naniniwala ang Daddy mo na aalagaan ka ni Sir Enzo. At ganoon rin ang Mama ni Sir Enzo, na aalagaan mo ang anak niya. Sadyang busy lang marahil si Sir Enzo noon kaya sa tuwing pinapapunta siya ng Mama niya rito ay hindi nakakapunta," mahabang litanya nito. Alanganing ngiti lang ang nasagot niya rito. "Sabi pa nga nila noon sa akin, pagka graduate mo raw ay pormal na ipapakilala sa iyo si Sir Enzo para ligawan ka," dagdag pa nito na may ngiti sa mga labi na tila kinikilig. Ngiti lang ang naging tugon niya sa mga kwento ni Manang Lucing sa kanya. "Sige po Manang Lucing magbibihis lang po ako at bababa na po ko," sabi niya rito. Para maputol na ang pag kukwento nito. Naiilang kasi siyang pag-usapan ang ganoong bagay rito. Habang namimili nang ipapalit na damit, naisip niyang kaya marahil ginawa ng Daddy niya ang kasulatan na iyon ay para matuloy ang kagustuhan ng mag asawa na sila ni Enzo ang magkatuluyan. Alam ng Daddy niya na hindi tatanggi si Enzo rito. Kung ganoon plano na talaga ng mga magulang nila na gumawa ng paraan para sa kanila ni Enzo. At kung sakali ba na hindi nawala ang mga magulang ay susunod kaya si Enzo sa gusto ng Mama nito? Maybe no. Puting crop top at short, short ang napili niyang isuot. Ganoon naman lagi ang suot niya tuwing nasa bahay, kumportable kasi siya. Pababa siya ng hagdan ng makita si Enzo na nasa sala nakaupo ito at tinitignan ang mga larawang nasa photo album. Sadya siyang lumikha ng ingay sa pagbaba ng hagdan para malipat sa kanya ang atensyon ni Enzo. Hindi naman siya nabigo nang mapalingon ang binata sa kanya. Unang tumama ang mga mata nito sa binti niya. Maiksi lang kasi ang suot niyang short, kaya litaw na litaw ang mahahaba at mapuputi niyang mga hita. Nag iba pa ang pakiramdam niya sa uri ng tingin sa kanya ni Enzo. Naramdaman din ang bahagyang panginginig ng mga binti. Nagpatuloy ang pagtingin sa kanya ni Enzo, mula sa binti niya pataas sa short niya, sa pusod niya na bahagyang nakalitaw. Nagpatuloy pa hanggang sa dibdib niya na alam niyang hindi kalakihan, tama lang para sa petite niyang pangangatawan. Napalunok siya nang mapansin nagtagal ang mga mga nito sa dibdib niya. Umakyat pa sa may mga labi niya ang mga mata nito, sa mukha niya at nagtama ang kanilang mga mata. Saktong nakababa na siya sa hagdan. Hindi naman niya maintindihan kung para saan ang pagsuri nito sa kanya. Alam niyang siya man ay sinusuri niya ang binata, pero patago naman at iniiwasang maging obvious. Napansin ang pagtaas ng dibdib nito, at binalik ang atensyon sa photo album na hawak nito. Sinara nito ang album at ibinalik sa ilalim ng mesa. Saka muling binalik sa kanya ang tingin nito. "Ka... Kaka... in na daw," kabado niyang sabi. "Yeah," sagot nito at tumayo na mula sa kinauupuan. Sabay na silang lumakad nito patungo sa komedor kung saan nakahain ang hapunan para sa kanila. Nakangiti naman silang sinalubong ni Manang Lucing na ganadong-ganado sa pag aasikaso sa kanila. Marami ring naihanda si Manang Lucing para sa kanilang dalawa ni Enzo. May chopsuey na paborito niya. Meron ding sinigang na baboy at piniritong manok. "Sumabay na po kayo Manang Lucing," anyaya ni Enzo kay Manang. Medyo nagulat pa siya. Hindi inaasahan ang pag anyaya ng binata sa kasambahay nila para sumabay sa pagkain. "Huwag na po Sir. Mamaya na po ako. Kakakain ko lang din po kasi," nahihiya pang sagot ni Manang Lucing kay Enzo. "Ang dami po kasi nitong nailuto niyo, baka hindi namin kayang ubusin ito ni Bella," sabi pa ni Enzo. "Naku Sir. Nakikita niyo lang manipis ang balat niyang si Bella, pero malakas ho kumain iyan," nakangiting tugon ni Manang Lucing. "Manang," pasimpleng saway niya. Agad namang ngumiti si Manang Lucing at mabilis nang nagpaalam muna sa kanila para daw makakain sila nang maayos. Tahimik naman sila ni Enzo habang kumakain. Medyo maingat din siya at maliit lang ang subo. Na co-conscious kasi siya, baka sabihin ng binata malakas siyang kumain. Pansin naman niya kay Enzo na magana itong kumakain. Mukhang nagustuhan nito ang luto ni Manang Lucing, lalo na sa sinigang na baboy. Patapos na silang kumakain ng muling bumalik si Manang Lucing sa komedor. "Ang sarap po pala ng luto niyo," puri pa ni Enzo kay Manang Lucing na abot tenga ang ngiti, at agad na nagpasalamat kay Enzo. "Eh, Sir, si Bella din po masarap magluto iyan. Namana niya ang galing ng Mommy niya sa pagluluto," pagbibida ni Manang Lucing sa kanya na kinagulat pa niya. Nasamid pa siya habang umiinom. Umubo-ubo tuloy siya. "Ayos ka lang Bella?" Si Manang. "O...O...po..," "Thank you po Manang Lucing sa napakasarap na dinner. Nabusog po ako," pasalamat ni Enzo kay Manang Lucing "And na feel ko na nasa bahay talaga ako. Medyo sawa na rin siguro ang tiyan ko sa mga pagkain sa hotel," dagdag pa nito. "Hayaan niyo ho Sir, sa tuwing andito kayo, ipaghahanda ko kayo lagi," pagmamalaking sagot ni Manang Lucing. "Isa pa Sir, pag mag asawa na kayo ni Bella, may magluluto na para sa inyo," dagdag pa ni Manang Lucing. Napasulyap sa kanya si Enzo. "Matitikman ko din kung masarap nga ang luto ni Bella," tugon ni Enzo na sa kanya nakatingin. Nanlaki pa ang mga mata niya. Ewan niya pero iba ang pagkakaintindi niya sa sinabi nito. Luto nga ba niya ang nais nitong matikman o siya? Iba kasi ang uri ng tingin nito sa kanya. At may kakaiba siyang nararamdaman na hindi niya maipaliwanag, dahil ngayon palang niya naramdaman ang ganito sa buong buhay niya. "Gusto mo ng kape?" Tanong niya kay Enzo ng magtungo sila sa sala ng bahay. "Huwag na. Uuwi na rin naman ako," "Uuwi?" Gulat pang tanong niya. "Sa VincElla Hotel pa rin naman ako mag i-stay hanggat hindi pa tayo kasal, Bella," sagot nito habang malalim na nakatingin sa mga mata niya. Kumakabog ang dibdib niya. May tila paru-paro sa tiyan niya. "Ah... I see," tanging sagot niya. "Anyway, sunduin kita bukas dito, for our wedding." Tumango naman siya. Humakbang ito palapit sa kinatatayuan niya. Napatingala pa siya at lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. "Bella," sambit nito sa pangalan niya. May kakaiba sa tinig nito. Nananatili silang nakamata sa isat-isa. Tila nag-uusap ang kanilang mga mata. Isang hakbang na lang ang layo nila sa isat-isa. Ngayon lang siya naging ganito kalapit kay Enzo. Naamoy pa niya ang mamahaling pabango nito. Napansin ang unti-unti nitong pagyuko. Nais man umiwas hindi naman niya magalaw ang kanyang mga paa para umatras. Nasasamyo na niya ang mainit na paghinga nitong dumadampi sa mukha niya. Hahalikan ba siya ni Enzo? Pero bakit? "Ipagtitimpla ko ba kayo ng-" Tinig ni Manang Lucing ang gumising sa kung anong ilusyong sumakop sa kanya at kay Enzo. Mabilis niyang naitulak palayo ang binata. Tila pa siya nakuryente ng dumampi ang mga kamay sa dibdib ng binata. "Mamaya na lang," nahihiyang sabi pa ni Manang Lucing. Marahil nakita sila nito sa balak nilang gawin. Humugot siya ng malalim na paghinga at umatras mula kay Enzo. Ganoon rin si Enzo na napahugot ng malalim paghinga, napahawak pa sa gilid ng mga labi nito habang nakasunod ng tingin kay Manang Lucing. Nasa gwapong mukha nito ang pagkadismaya. Dahil ba hindi natuloy ang balak nitong halikan siya? "Mauna na ko," paalam nito. "Sige," "See you tomorrow morning." Tango lang ang sinagot niya. Hindi magawang tignan ang binata sa mga mata. "Goodnight, Bella," "Goodnight, Enzo," Inihatid niya si Enzo sa labas ng bahay Sinundan pa niya ng tingin ang papalabas na sports car nito sa bakuran nila. Napakibit balikat siya. Nanghihinayang kasi siya sa naudlot na halik sa kanya ni Enzo. "Sayang, first kiss ko na sana," bulong niya. Narinig ang pagtunog ng cellphone mula sa bulsa. Agad niyang kinuha iyon. Si Lyca ang tumatawag. Panigurado magtatanong ang kaibigan tungkol kay Enzo. "Lyca," "Bella, tara gimik tayo," "Ah?" "Nagyaya sina Patty sa Vince Bar," "Ngayon?" "Oo," "Sige sunduin mo ko," "Sure,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD