Chapter-2

1084 Words
"Ano?" Gulat na tanong niya. Matapos marinig ang lahat nang sinabi ng abogado ng kanyang ama. "Paki ulit nga po Mr. Ynez? Parang imposible po kasi ang mga nakasulat diyan!" Sambit niya sa malakas na tinig. Sinulyapan si Enzo na kampanteng nakaupo sa kabilang sofa katapat niya. Hapon na nang dumating si Enzo sa bahay nila. Hinintay pa nila ito. Nais kasi ng abogado na nakaharap din si Enzo kapag binasa ang will and testament ng kanyang ama. Nagtaka pa siya, kung bakit kailangan pang nakaharap si Enzo. Hindi naman sila ganoon kayaman para may maipamana pa ang ama kay Enzo. Isa pa isang mayamang negosyante na si Enzo, mas mayaman kesa sa Daddy niya, hindi na nito pag i-interesan ang ano mang kakapuranggot na manang maibibigay ng ama rito. Nagtataka man ay sinangayunan ang gusto ng abogado. "Ms. Bella, I am sorry pero iyan talaga ang nakasulat sa documento ng Daddy mo. Naisalang nang iyong ama sa H. Dela Serna Bank ang bahay at lupa na ito. Nalugi ang negosyo niyo. Hindi na ang Daddy mo ang nagmamay-ari sa buong Bella's building, naibenta na iyon ng Daddy mo nang maloko ang ama mo sa bagong negosyo sanang itatayo. Kaya kahit itong bahay at lupa niyo naisangla na niya, para sana mamuhunan ulit at makabawi. Ngunit huli na ang lahat. Maliban diyan may monthly pang binabayaran ang ama mo sa kaparehong banko. Kailangan mong bayaran Bella ang utang na iyon buwan, buwan," muling paliwanag ng abogado ng ama sa kanya. Nanlumo siya sa kaparehong statement na narinig mula rito. Hindi siya makasagot. Hindi niya alam ang isasagot. "Kung may tanong ka pa si Enzo na ang sasagot sa iyo ng mga iyan. Hanggang dito na lang ang trabaho ko bilang abogado ng nasira mong ama. Naibigay ko na rin ang sulat na iniwan ng Daddy mo para kay Enzo noong isang araw, kaya alam na niya ang sasabihin sa iyo," litanyan nito habang nagliligpit na ng mga gamit at mabilis na nagpaalam na sa kanila ni Enzo. "What?" Naguguluhang tanong niya Sinundan nang tingin ang abogadong papalabas ng pintuan ng library. "Anong nangyayari?" Bulong na tanong niya. Sinulyapan si Enzo na tahimik lang nakaupo. "Enzo, anong sulat ang iniwan sa iyo ni Daddy?" Tanong niya. Humugot ito nang malalim na paghinga at sumandal sa upuan habang nakamata sa kanya. "Bago natin pag-usapan iyon. Nais ko munang marinig sa iyo kung ano ang plano mo?" Tanong nito habang nakatingin sa kanya. Ano nga bang plano niya ngayong wala na sa kanya ang lahat? Wala na ang Daddy niya. Wala na rin ang bahay at lupa nila. And worst may utang pa siyang dapat bayaran sa banko buwan, buwan. Saan siya kukuha ng pera? Wala s'yang trabaho, estudyante palang siya nasa second year college palang siya sa kursong Accountancy. Pati yata pag-aaral niya nanganganib na rin ngayon. "I don't know," amin niya at nagyuko ng ulo. "Wala ka bang maisip na solusyon?" "Nothing," Mabilis na sagot niya. Walang mga kapatid ang Daddy niya. Mag-isa lang itong anak. Wala na rin ang mga magulang ng ama. Mga pinsan meron ito, pero wala rin naman pwedeng tumulong sa kanila, dahil ang ama na nga ang may pinaka magandang buhay sa mga kamag-anakan nito. Kaya imposibleng may malapitan siya para tumulong sa kalagayan niya ngayon. "I can't believe this is happening to me. Kamamatay lang ni Daddy. Ngayon naman panibagong problema na naman ang kakahaharapin ko mag-isa," naiiyak na sambit niya. Kahit naman siguro sino maiiyak sa sitwasyon niya ngayon. Mawawalan siya ng tahanan at may utang pang kailangan bayaran buwan, buwan. "I am only eighteen years old, nagsisimula palang ako sa kabataan ko," dagdag nya. At lalong napaiyak. "Ang bagay na iyan pa ang iniisip mo ngayon?" May talim na tanong sa kanya ng binata. Masamang tingin ang pinukol niya rito. Hindi nagustuhan ang sinabi nito. "Ano ba ang iniwan sa iyo Daddy?" Inis na tanong niya rito. Bumuntong hininga ito saka hinila ang puting sobra. Tinulak nito sa kamay iyon palapit sa kanya. "Ano ba to?" Mabilis na hinila sa mesa ang puting sobre. Wala siyang narinig na sagot mula kay Enzo. Sinimulan niyang buksan iyon na hindi man sumusulyap kay Enzo. Kinapa ang papel at hinila palabas. Kumunot ang noo niya nang makita ang nakatuping liham. "Binasa mo na to?" Tanong niya at sinulyapan ito. "Once," tipid na sagot nito. Bumuntong hininga siya at sinimulan basahin ang liham. Hindi pa man niya nakakalahati ang binabasa nang mapahinto siya. At binalikan ang binabasa Siniguradong tama ang nabasa niya. Paulit-ulit niyang binasa ang parte na iyon. Saka sinulyapan si Enzo. Kampanteng nakaupo ito sa sofa at nakatingin sa kanya. "Binasa mo na to?" Paninigurado niya rito. "Yes," malamig na tugon nito. "Paanong... I mean...." Hindi niya alam ang tamang salitang dapat sabihin, matapos ang nabasa niya. Iniling ang ulo at muling binasa ang liham. Mula sa simula hanggang sa dulo. "What?" Kunot noong bulong niya sa hangin. "Nabasa mo na ba nang maayos ang sulat ng Daddy mo?" Pormal na tanong ni Enzo sa kanya. Tumango siya. Saka binitiwan ang sulat sa mesa. "Hindi pwede. Imposible ang nais mangyari ni Daddy," sabi niya at sinulyapan si Enzo. Napaka pormal nito. Masasabi niyang naiilang siya rito. Napaka intimidating. "I agreed," sagot nito. "But," bitin nito sa ere at sinulyapan s'ya. Nakaabang naman siya sa susunod pa nitong sasabihin. "May idea ka ba kung paano mo mababayaran ang mga naiwang utang ng Daddy mo? Pati na itong bahay at lupa niyo? Paano mo ito matutubos sa banko? May alam ka bang paraan?" Sunud-sunod na tanong nito sa kanya. Nanatili lang siyang nakatingin sa gwapong mukha ni Enzo. Napalunok siya, dahil na di-distract siya sa kagwapuhan ng stepbrother niya. Noon pa naman gwapo na talaga si Enzo at pormal na. Kaya marahil naiilang siya rito. Masyado siyang na iintimidate sa kaharap. "Bella Ramos," Tawag nito sa buong pangalan niya. Hindi pa rin kasi siya nakakasagot sa maraming tanong nito. Dahil hindi naman niya alam ang isasagot sa mga iyon. Hindi niya alam kung paano niya mababayaran lahat ng naiwang utang ng ama. At kung paano niya mababawi ang bahay at lupa sa pagkakasangla. Buhayin nga ang sarili ngayon ay hindi niya alam kung paano. Ang mga naiwang bayarin pa kaya. "I don't know," malungkot na sagot niya saka nagyuko ng ulo. "Ano ba ang nakalagay sa sulat ni Tito Franco?" Enzo asked. Nag-angat s'ya ng ulo. At tumingin sa mga mata nito. "Ikaw ang magiging guardian ko at kailangan nating magpakasal,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD