Kanina pa siya nakatitig sa puntod ng kanyang ama at madrasta. Hindi pa rin siya makapaniwala na sa isang iglap lang ay mawawala ang mga mahal sa buhay. Parang hindi pa rin niya lubos na nauunawaan ang mga nangyayari. Wala na ang Daddy niya at ang Tita Imelda niya. Wala na ang mga magulang niya. Masakit na realidad na pilit niyang tinatanggap. Pilit din siyang nagpapakatatag sa dagok na kinahaharap niya ngayon mag-isa.
Humugot siya ng malalim na paghinga. Pakiramdam niya babagsak na ang nanghihinang katawan. Nanghihina siya sa kawalan ng tulog nang ilang araw, dahil sa sakit at lungkot na nararamdaman. Isama pa sa kaiisip kung ano na ang mangyayari sa kanya ngayong mag-isa na lang siya. Paano na siya ngayong wala na ang ama?
"Dad, Tita," umiiyak na tawag niya sa mga magulang. Walang hinto ang pagpatak ng kanyang mga luha sa harapan ng puntod ng mga ito.
Biglang tila siya nahilo. Naramdaman niyang babagsak siya sa lupa. Nang isang malaking kamay ang humawak sa magkabilang braso niya. Napasandal siya sa matigas na dibdib nang taong nasa likuran niya, sa takot na baka bumagsak na lang siya bigla.
"Bella, umuwi na muna tayo para makapag pahinga ka," bulong ng lalaking kinasasandalan niya.
"Hindi," nanghihinang sagot niya. Iniling niya ang ulo. Nagpumilit na makatayo mag-isa. Inalis ang kamay ng lalaking umaagapay sa kanya.
"Kaya ko!" Matigas na sabi niya sa lalake. Sinubukan pa itong itulak palayo mula sa kanya, na siyang muntikan pa niyang ikabagsak sa lupa. Kung hindi lang mabilis ang kilos ng lalake na agad siyang nahawakan sa braso ay baka bumagsak na siya sa lupa.
"Bella, hija. Hindi mo na kaya. Tayo na at umuwi muna, para makapag pahinga ka," tinig ng yaya Lucing niya.
"Kaya ko pa po," nanghihinang sagot niya. Sinubukang muling tumayo nang tuwid. Nang tila umikot ang buong paligid. Dumilim ang paningin niya at naramdaman ang pagbagsak niya sa kamay ng lalaking nanatili sa likuran niya, bago pa man siya tuluyang mawalan nang malay.
Nang magmulat ng mga mata nasa sariling silid na siya. Dahan-dahang bumangon at ginala ang mga mata sa buong silid. Nakita niya ang lalaking kampanteng nakaupo sa malaking sofa na pang isahan. Nakaharap sa kama niya. Kumunot ang noo niya.
"Enzo," sambit niya sa pangalan ng lalaking nakaupo.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong nito sa kanya nang mag angat ng ulo at sulyapan siya. Nanatili naman itong nakaupo at nakatingin sa kanya.
Marahil si Enzo ang nag-uwi sa kanya kanina mula sa sementeryo kung saan siya nawalan ng malay. Kay Enzo siya bumagsak kanina. Nawalan siya nang malay sa sobrang pagod, stress at lungkot na nararamdaman sa biglaang pagkawala ng Daddy niya at Tita Imelda.
"Ok lang," tipid na agot niya. Sumandal sa headboard ng kama. Muling sinulyapan ito. Blanko ang mukha nito. Wala siyang mabasang ano mang ekspresyon sa gwapong mukha nito. Pero alam niyang katulad din niya ito na nagluluksa. Baka tinatago lang nito ang sakit at ayaw magpakita ng kahinaan sa kanya. Hindi nga naman pwedeng pareho silang mahina ngayon.
Si Enzo ang stepbrother niya. Anak ito ng Tita Imelda niya sa una nitong asawa. Mas may edad sa kanya si Enzo. Binata na ito nang ipakilala ng Tita Imelda niya sa kanila. Nasa elementarya pa siya noon. Sa pagkakaalam niya nasa bente singko na ang edad nito ngayon.
Dalawang beses lang nagtungo si Enzo sa bahay nila nang nabubuhay pa ang Mommy nito. Sa ibang bansa kasi ito nag-aaral dahil naroon ang ama nito. Ang huling uwi nito para dalawin ang ina ay nang maka graduate ito ng kolehiyo. Iyon ang pangalawa at huling beses na nagtungo si Enzo sa bahay nila. Sa pagkakaalam niya ayaw sa kanya ni Enzo. Simula pa noong una silang magkita nito ay nagparamdam na ito nang pagka disgusto sa kanya. Naaartehan daw ito sa kanya at nakakairita ang ugali niya. Kaya naman hindi sila naging close nito ng mga panahong pumapasyal ito sa bahay nila.
Andito ngayon si Enzo dahil sa pagkawala rin ng Mommy nito. Isang aksidente ang kumitil sa buhay ng mga magulang nila. Nagtungo ang Daddy niya at Tita Imelda sa karatig bayan para dumalo sa isang party ng kaibigan ng mga ito. At isang malagim na aksidente ang nangyari na kumitil sa buhay ng mag-asawa.
"Magpahinga ka na muna. Ako na ang bahala sa mga nakikiramay," saad nito. Tumayo ito mula sa kinauupuan. Lumakad palapit sa kamang kinaroroonan niya.
Gwapo si Enzo. Kahit noon pa mang kabataan nito ay may angking kagwapuhan nito. Sadyang mukha lang itong masungit. Masyadong seryoso at supladong tignan. Well, ganoon naman yata talaga ang ugali nito.
"Maya-maya lang ok na ko," sagot niya.
Katatapos lang nang libing ng mga magulang nila. Marami pa rin ang dumadating sa bahay nila para makiramay. Kaya kailangan niyang magpakas para maharap ang mga nakikiramay na mga kamag anak at mga malapit na kaibigan.
"Magpalakas ka muna. Marami tayong dapat pag-usapan at ayusin," sabi nito sa kanya nang huminto ito sa paanan ng kamang kinahihigaan niya.
"Ano iyon?" Kunot noong tanong niya. Sa pagkakaalam niya wala namang dapat pang ayusin o pag-usapan pa tungkol sa mga magulang nila.
"Magpahinga kana muna, Bella," tugon lang nito na tila nag-aalala sa kalagayan niya.
Tatlong araw na mula ng dumating ito sa bayan ng San Miguel galing siyudad. Ito kasi ang nag-aasikaso sa mga negosyo ng ama nito. Dumating ito para tumulong sa pag-aasikaso sa mga kailangan sa pagburol at paglibing sa mga magulang nila, pero hindi ito namamalagi sa bahay nila, sa VincElla Hotel ito nanunuluyan nitong nakaraang mga araw. Ang VincElla Hotel ang kilalang luxury hotel sa bayan ng San Miguel.
"Ipagpapaakyat na lang kita ng pagkain," sabi pa nito sa kanya. Bago ito tumalikod at nagtuloy na sa paglabas ng silid. Bago pa man siya makasagot para tumanggi. Hindi kasi siya nagugutom. Wala siyang gana kumain sa ngayon.
Bumuntong hininga siya nang maiwan mag-isa sa loob ng silid. Hindi na naman niya magawang pigilan ang pag iyak sa kalungkutang nararamdaman. Umiyak na naman siya ng umiyak. Gulung-gulo ang isip niya. Paano na siya ngayong wala na ang Daddy niya? Anong mangyayari sa kanya? Eighteen years old lang s'ya at kasalukuyang nag-aaral pa. Paano na ang pag-aaral niya ngayon wala na ang ama? Anong magiging buhay niya ngayong mag-isa na lang siya? Ang daming tanong na hindi niya mahanapan nang kasagutan sa ngayon. Biglaan ang mga pangyayari. Bilang isang eighteen years old na nasa tamang edad na rin ay masasabi niyang hindi pa niya kayang mabuhay na wala ang ama. Nasanay siyang andiyan lagi ang ama para gabayan siya. Hindi niyang kayang mabuhay na wala ang ama.
"Daddy," umiiyak na sambit niya. Kasabay ang paghagulgol niya ng iyak. Mag-isa na lang talaga siya ngayon.