Chapter-3

1148 Words
"Exactly! At iyan ang gagawin natin, Bella," walang ekspresyong sagot ni Enzo sa kanya. Napanganga siya habang nakatitig kay Enzo. Hindi makapaniwala na iyon ang isasagot nito sa kanya. "Puma... I... mean... " Hindi niya matuloy-tulou ang sasabihin. Kinakabahan siya na hindi makapaniwala. "What?" Taas kilay na tanong nito. "Pumapayag kang pakasalan ako?" Nakuha niyang itanong sa kaba. "Yes," mabilis na sagot nito. Hindi siya agad nakakibo. Nakamata lang siya rito. Wala siyang ano mang nababasa sa mga mata nito. "'Iyan ang gusto ni Tito Franco, ang magpapakasal tayo Bella. Ako ang magiging guardian mo. Ako ang tutulong sa iyo para patuloy kang mabuhay, at ako din ang tutulong sa iyo para mabayaran mo ang mga utang ninyo," sagot nito. Medyo nainis siya sa isang binanggit nito na ito ang tutulong sa kanya para mabuhay. Kaya naman niyang mabuhay mag-isa, malayo nga lang sa dati niyang buhay. "Pero. Enzo kasal ang nakalagay diyan. You know what is marriage right?" Alanganin niyang tanong rito. "I know. Alam ko ang pinapasok ko. Pakakasalan kita Bella. Ikaw ang magigng kabayaran ng Daddy mo sa lahat ng gagastusin ko sa pagbabayad nang kanyang mga iniwang utang. Kung hindi ako sasangayon diyan. Konsensya ko naman kung matutulog ka sa kalsada," mahabang litanya nito. Hindi siya nakakibo. Nagyuko siya ng ulo. Siya man ay hindi pwedeng tumanggi. Kailangan niyang pumayag sa pagpapakasal kay Enzo. Dahil kung hindi sa kalsada siya pupulutin. At wala siyang magagawa kung pinambayad na siya ng ama kay Enzo. Hindi biro ang alagang kailangan bayaran ng stepbrother niya para sa kanya. Sa bagay na iyon magiging tikom ang bibig niya, dahil wala siyang kakayahang bayaran ang mga iniwang utang ng ama. "Ako na ang bahala sa lahat ng naiwang utang ng Daddy mo pati na ang pagbabayad sa nakasanglang bahay at lupa ninyo," patuloy ni Enzo habang tahimik lang siya. "Ang tanging gagawin mo lang ay pakasalan ako at ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo," dagdag nito. Wala siyang alam sabihin. Hindi siya makapag isip ng tama. Nais man niyang tumanggi dahil napaka bata pa niya para magpakasal ay hindi naman niya magawa. Dahil walang ibang makakatulong sa kanya ngayon kundi si Enzo. Alam niyang ginawa ng Daddy niya ang kasulatang iyon, dahil alam ng ama na si Enzo lang ang tanging makakatulong sa kanya pag dumating ang oras na mag-isa na lang siya. Isang mayamang negosyante kasi si Enzo De Silva alam ng kanyang ama kung gaano kayaman ang binata. Hindi isang birong negosyante si Enzo De Silva. Nakaramdam siya nang hiya para sa binata. Dahil tila naperwisyo pa niya ito. Hindi biro ang perang ilalabas nito para lang mabayaran lahat nang naiwang utang ng Daddy niya. Isama pa ang bahay at lupa nila. Tapos aalagaan pa siya nito. Magiging pabigat pa siya sa malayang buhay ni Enzo. Napakagat labi siya. Lalong niyuko ang ulo. Hindi magawang mag angat ng ulo kay Enzo dahil hiyang-hiya siya rito. Ngunit wala siyang magagawa sa ngayon. Alam niyang hindi siya gusto ni Enzo. Noon pa mang pumupunta ito sa bahay nila ay hindi na siya nito pinapansin pa. Pero ganoon pa man tinupad nito ang hiling ng Daddy niya at handa itong tulungan siya. Wala siyang narinig na pagtutol mula rito, agad itong sumangayon. Bagay na kinagulat din niya.. "Maghanda ka na. Ilang araw mula ngayon ikakasal na tayo. Lilipad ako pa ibang bansa, dahil sa may mahalagang business trip ako, at baka matagalan ako roon. Kaya gusto ko bago ako umalis magpapakasal na tayo. Para maiayos na rin ng abogado ko ang mga dapat bayaran," sabi nito at tumayo mula sa kinauupuan. Nag angat siya ng mukha at napatingin sa gwapong mukha ng binata. Ang lalaking nasa harapan niya ngayon ay magiging asawa niya. Ang napakagwapong si Enzo De Silva ay magiging asawa niya ilang araw lang mula ngayon. "Enzo," mahinang tinig na tawag niya sa binata. "Why?" Kalmadong tanong nito. Nakatingin sila sa isat-isa Ang mga mata nila ang tanging nag-uusap. "Wala bang magagalit sa gagawin mo? I.... mean... your.... girlfriend?" Lakas loob na tanong niya. Ngumisi ito sa kanya bago sumagot. "Hindi ako pumapasok sa relasyon, Bella. Kaya kong kumuha ng babae na hindi nakikipag relasyon," deretsong sagot nito sa kanya. Napalunok siya. Kung sa bagay sa gwapo at yaman nga naman ni Enzo walang babaing tatanggi rito. Panigurado sasama agad ang mga babae sa isang sulyap lang nito. "How about you, Bella Ramos. Do you have a boyfriend?" Balik tanong nito sa kanya. Agad niyang iniling ang ulo. "No, I never had a boyfriend before," amin niya. "As in never?" Paninigurado pa nito. Nagyuko siya ng ulo. Hindi naman siguro nakakahiyang aminin na no boyfriend since birth pa siya kay Enzo. "Never. It just... Well..." Hindi na alam kung paano sasabihin ang bagay na iyon na hindi siya mapapahiya o magmumukhang pangit sa binata. "May mga nanliligaw sa akin. It just hindi ko lang sila type," nanginginig na tinig na paliwanag niya. Sumilay ang tabinging ngiti sa mga labi ni Enzo. Hindi siya sigurado kung pinagtatawanan siya nito sa hindi pa niya pagkakaroon ng nobyo sa edad niyang eighteen o ano. "That's good. Both side walang maghahabol," sagot nito sa kanya. Tumango-tango siya rito. "Anyway, thank you. Thank you for doing this to me," seryosong pasalamat niya rito. Humakbang si Enzo palapit sa kinauupuan niya. Nakatingala naman siya sa gwapong mukha nito. "Bella," tawag nito sa pangalan niya sa malalim na tinig. Ewan niya pero nagtaasan ang mga balahibo niya sa batok at may kakaibang naramdaman sa simpleng pagtawag lang nito sa pangalan niya. Hinawakan nito ang baba niya gamit ang dalawang daliri. Lalo niyang naramdaman ang pagtaas ng mga balahibo sa pagdampi lang ng mga daliri nto sa baba niya. "I am a businessman Bella. Hindi ako naglalabas ng pera kung wala din akong makukuha," sabi nito. Kumunot ang noo niya. "What do you mean?" Naguguluhang tanong niya. "Malalaman mo rin after the wedding," sagot nito. At binitawan ang baba niya. "Aalis na muna ako, may aasikasuhin lang ako. And don't worry sa VincElla Hotel pa rin ako mag stay hangga't hindi pa tayo kasal," paliwanag nito. Saka tumalikod na sa kanya. Nakasunod lang siya ng tingin rito. Hindi siya makakibo. Hindi niya alam ang sasabihin. Nanatili lang siyang nakamata rito. Tama ba ang nangyayari sa kanya ngayon? Magiging asawa niya si Enzo De Silva ang masungit niyang Stepbrother? Ang maging asawa ba ni Enzo De Silva ang magiging bagong buhay niya ngayon wala na ang Daddy niya? Napakagat labi siya. Parang hindi pa rin kasi siya makapaniwala sa mga nangyayari. Kakamatay lang ng Daddy niya at ng Mommy ni Enzo. Si Enzo may ama pa at mga kapatid. At siya wala na. Ang Daddy na lang niya ang natitira sa kanya at iniwan pa siya. At heto nga magiging asawa na siya ni Enzo De Silva. Magiging Mrs. Enzo De Silva siya ilang araw lang mula ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD