"Para saan mo naman gagamitin ang puting bestida na iyan?" Nagtatakang tanong ni Lyca sa kanya nang hapong magpasama siya sa kaibigan sa Tragora Mall. Katatapos lang ng klase nila sa San Miguel University at agad na niya itong hinila patungo sa Mall.
Si Lyca Tallada ang masasabi niyang bestfriend niya. Mula elementarya kasi ay magkaklase na sila. Anak ng respetadong pulis si Lyca sa bayan nila, kaya panigurado safe siya tuwing ito ang kasama niya.
Sadyang hindi sinagot ang tanong ng kaibigan. Pinakatitigan ang magandang puting bestidang hawak niya. Lace 'yon na marahil abot lagpas ng tuhod niya. Unang kita palang niya kanina sa bestida ay nabighani na siya.
"Ito na lang," bulong niya. At lumakad na patungo sa cashier.
"Hindi mo man lang ba isusukat?"
"Hindi na, alam ko naman ang size ko," sagot niya at pinatong na sa harapan ng cashier ang bestida.
Hindi na niya sinukat, dahil hindi ba't may kasabihan na, bawal isukat ang damit pang kasal, baka hindi matuloy ang kasal. Ano man ang dahilan nang pagpapakasal nila ni Enzo, ikakasal pa rin sila nito.
Matapos makapamili, nagyaya muna siyang magkape sa kilalang coffee shop.
"Kumusta ka naman pala ngayong mag-isa ka nalang?" May lungkot sa tinig ni Lyca.
"Ayos lang," tipid na sagot niya. Isang linggo na rin mula nang mailibing ang Daddy niya at Tita Imelda. Pumasok na siya sa eskwela para naman kahit papano mabawasan ang lungkot na nararamdaman tuwing nasa bahay siya, at tanging si Manang Lucing na lang ang kasama.
"Kaya mo iyan, Bella," pagpapalakas pa nito sa loob niya.
"Yah, kakayanin ko," sagot niya. At sumimsim sa kape. Wala naman na siyang choice kaya kakayanin niya ano man ang dumating sa buhay niya ngayon.
Habang nagkukwentuhan sila ni Lyca namataan niya ang dalawang lalaking papasok sa loob ng coffee shop. Umagaw sa atensyon ng mga naroong customer ang presensya ng isa sa dalawang lalaking bagong dating.
Muntik pa siyang masamid nang makilala ang lalake. Si Enzo.
"Uy!" Sita sa kanya ni Lyca.
"Ah?" Gulat pa niya at sinundan ng kaibigan ang tinitignan niya.
"Your handsome stepbrother," excited na bulalas ni Lyca nang makita nito ni si Enzo.
Hinawakan pa nito ang kamay niya.
"Ang gwapo talaga ng stepbrother mo," kinikilig pang sabi ni Lyca sa kanya. Pareho sila ng kaibigan na nakasunod ng tingin kay Enzo na nasa counter para umorder ng drinks. Nauna naman nang naupo sa bakanteng upuan ang kasama ni Enzo.
Enzo is wearing a white polo long sleeve, gray trouser and a white leather loafer shoes. Hindi niya namalayan na nakanganga na pala siya habang sinusuri ang kabuuan ni Enzo. Mabilis siyang umayos at napalingon kay Lyca na mas nakanganga naman sa kanya, habang titig na titig kay Enzo.
Sasawayin sana niya ang kaibigan nang mapansin ang karamihang mga babaing naroon ay kay Enzo rin nakatingin.
Muli niyang binalik ang tingin kay Enzo. Hindi naman sinasadyang napalingon ito at nadako ang mga mata sa kanya. Napalunok siya. Hindi malaman ang gagawin, hindi malaman kung saan idadako ang mga mata, para makaiwas.
"Shit.... Nakatingin siya sa iyo," parang hihimatayin na sabi ni Lyca sa kanya. At mahigpit pa siyang hinawakan sa kamay.
Pakiramdam niya hindi siya humihinga, habang naglalakad palapit sa mesa nila si Enzo. Lalo namang humihigpit ang hawak ni Lyca sa kamay niya, habang palapit nang palapit si Enzo sa kanila.
"Bella,' banggit ni Enzo sa pangalan niya nang makalapit sa kinauupuan nila. Pati ang boses ni Enzo napakagwapo, na para bang bagong gising, ang sarap sa pandinig.
"Ah..... Hi," alanganing bati niya. Habang nakatingala sa gwapong binata.
"Aah....," hiyaw niya nang masaktan sa pag kurot ni Lyca sa kamay niya.
"Aray ko." Napalingon sa kaibigan na pinandidilatan siya ng mga mata. Sinipa pa siya nito aa paa. Muli siyang napadaing sa sakit.
Napasulyap siya kay Enzo na sa kanya pa rin nakatingin. Mabilis na inayos ang sarili. Alam niyang ang pananakit ng kaibigan sa kanya, ay para ipakilala niya ito kay Enzo.
Nakita na ni Lyca si Enzo noon sa burol at libing ng mga magulang nila. Sadyang hindi lang nagkaroon nang pagkakataon, para maipakilala niya ang kaibigan kay Enzo.
"Tapos na ba ang klase niyo?" Pormal na tanong ni Enzo sa kanya. Wala man lang itong kangiti-ngiti sa mga labi. Tumango naman siya at mabilis na pinakilala si Lyca kay Enzo.
"Enzo, si Lyca pala. Kaibigan ko. Lyca si Enzo," kabado pero nagawa naman niya.
"Hi, I'm Lyca," maarteng pakilala ni Lyca sabay tayo pa nito para i abot ang kamay kay Enzo. Nalipat ang tingin ni Enzo kay Lyca. Tumango si Enzo at nakipagkamay sa kaibigan niya.
"Enzo," pakilala pa ni Enzo kay Lyca.
Nanlaki ang mga mata niya, habang nakatingin sa kamay ng dalawa na magkahawak. Ewan niya pero kumabog ang dibdib niya, at bahagyang kumirot iyon ang dibdib. Kaya naman nag iwas na lang siya nang tingin. Binaling ang atensyon sa iniinom na kape.
"Mr. Enzo, orders ready" anunsyo ng barista sa may counter ng coffee shop. Ang umagaw sa atensyon ni Enzo.
"See you around," paalam sa kanila ni Enzo, at sinulyapan siya. Tumango naman siya.
"Grabe ang gwapo niya sa malapitan," kinikilig na sambit ni Lyca, nang makalayo na si Enzo sa kanila.
Hinalik-halikan pa ang kamay nitong hinawakan ni Enzo.
"Ang bango niya grabe," dagdag pa nito.
Nakaramdam tuloy siya ng selos, dahil nahawakan na ng kaibigan ang kamay ni Enzo, samantalang siya hindi pa.
Pasimple niyang sinulyapan si Enzo na naglalakad patungo sa mesa kung saan nakaupo ang kasama nitong lalake. Baka ka meeting nito o kaibigan.
Nang maubos na ang kape nila, nag order pa nang ibang drinks si Lyca. Ayaw pa kasi nitong umalis, nais pa nitong titigan si Enzo. Nais man tumanggi hindi na lang niya ginawa. Isa pa nais din niyang masilayan pa si Enzo ng mas matagal.
"Anong feeling na may stepbrother ka na ganyan kagwapo?" Tanong sa kanya ni Lyca na hindi mapakali sa pagkakaupo. Nakailang beses na rin ito sa pag-aayos sa buhok. At panay sulyap pa kay Enzo.
"Wala," tanging sagot niya. At sinimulang inumin ang nilibri ng kaibigan sa kanya. Mukhang balak nitong mag stay sa coffee shop hangga't andito si Enzo.
"Type mo ba si Enzo?" Tanong niya, kahit alam naman na niya ang sagot.
"Yes, grabe ang gwapo kase. Napakabango pa. Ang linis. Parang modelo," sagot ng kaibigan.
Katulad din niyang wala pang naging boyfriend si Lyca. Maganda rin ito, mas sexy sa kanya, dahil mahilig sa reaveling na damit. Maganda kasi ang katawan nito. Marami ring nagkakagusto rito, pero tulad din niyang pihikan ito.
"Ikaw ba? Don't tell me hindi mo type ang ganyan ka gwapo?"
"Ah?" Gulat pa siya at napasulyap kay Enzo. Tama namang napalingon ito sa kanya. Nagtama ang kanilang mga mata. Mabilis siyang nagbaba ng paningin. Nakakahiya dahil nahuli siya nitong nakatingin.
"Bella, kung type mo. Gapangin mo na girl," sulsol sa kanya ni Lyca.
"Ano?"
"Kung ako lang makasama niya sa bahay, ginapang ko na iyan. Sulit na sulit kung isang tulad ni Enzo ang makakuha sa virginity ko," maarteng litanya pa nito.
"Lyca!" Saway niya sa kaibigan. Pasimpleng nilingon ang paligid. Baka kasi may makarinig sa kaibigan.
"Halika na nga, umalis na tayo," anyaya niya rito. At hinila na ang mga gamit. Baka kasi kung ano pa ang magawa ng kaibigan roon. Nakakahiya kay Enzo.
"Teka, teka," tili pa nito nang mabilis na siyang lumakad palabas ng coffee shop. Hindi na niya nilingon pa si Enzo. Hindi kasi niya maintindihan kung bakit naiilang siya nang ganoon sa binata.
"Bakit ka ba nagmamadali?" Habol sa kanya ni Lyca.
"May gagawin pa kasi ako sa bahay," pagsisinungaling niya sa kaibigan. Nais lang niyang maiwasan si Enzo.
"Ah... Sige, bahala ka mauna ka na umuwi, mag iikot-ikot muna ako," sabi ng kaibigan.
"Sige. Ingat ka pag uwi,' paalam niya rito. Nag beso pa silang magkaibigan, bago naghiwalay.
Bago lumabas ng mall, dumaan muna siya sa isang book store. Matapos makabili ng libro ay agad na siyang lumakad palabas ng mall.
Habang naglalakad palabas, naisip niya si Enzo. Alam naman niyang nasa San Miguel pa rin ang binata at sa VincElla Hotel ito tumutuloy. Ang huling pagkikita nila ni Enzo ay noong basahin ng abogado ng Daddy niya ang iniwang will ang testament. Sa pagkakatanda niya sinabi ni Enzo na ikakasal sila nito, bago ito aalis ng San Miguel. Kaya naman bumili na siya ng white dress na isusuot.
Kibit balikat siyang lumabas ng mall, nag abang ng taxi. Nang isang itim na sports car ang lumapit sa kinatatayuan niya. Kumunot ang noo niya, pamilyar kase ang sasakyan. Huminto ang kotse at maya-maya pa bumaba ang driver. Nagulat pa siya ng makita si Enzo.
"Enzo," banggit niya sa pangalan ng binata.
"Uuwi ka na ba?" Tanong nito nang lapitan siya.
"Ah... Oo,"
"Tara sumabay ka na sa akin. Sa inyo din naman ang punta ko,' sabi pa nito.
"Ah," tanging nasabi niya. Naramdaman ang kamay ng binata sa siko niya. Tila may kuryente siyang naramdaman sa pagdampi ng kamay nito sa balat niya.
Inalalayan pa siya nito palapit sa passenger seat at pinagbuksan siya ng pintuan.
Walang salitang lumabas sa bibig niya, hindi siya naka tanggi, hindi rin naman siya naka oo. Basta naka upo na siya sa passenser seat ng sports car ni Enzo.
Pagsara ng pintuan, umikot si Enzo palapit sa driver seat. Nakasunod naman siya ng tingin rito. Lahat ng sinabi ni Lyca tungkol kay Enzo ay totoo. Napaka gwapo talaga ni Enzo De Silva.
Walang kumikibo sa kanila habang nasa biyahe. Iba naman ang pakiramdam niya. Naiilang siya at hindi makahinga, lalo na't magkatabi sila ni Enzo, at silang dalawa lang sa loob ng kotse. Makailang beses din niyang sinusulyapan ang binata. Hindi mapigilang pagmasdan ito. Makinis ang mukha ni Enzo, mukhang alaga ng derma. Makapal ang itim na kilay nito, mahaba ang pilik mata, na bumagay sa magagandang mata nito. Matangos ang ilong. Maganda ang hugis ng mga labi, medyo mamula-mula pa. May kaunting hawig lang si Enzo sa Mommy nito. Duda niya mas hawig nito ang ama.
Napabuntong hininga pa siya matapos ang patagong pagsuri sa gwapong mukha nito. Papasang modelo o di kaya ay artista si Enzo kung sakali. Kayang-kaya nitong makipagsabayan sa mga sikat na modelo at artista. Isama pang matangkad ito at may magandang pangangatawan. Halatang alaga ng binata ang katawan sa gym. Maganda din ang balat nito, tamang kaputihan.
Pinagpapasalamat niyang hindi siya nito nahuhuli sa pagtitig niya rito. Sa dulo ng isip niya ay may bumubulong na ang lalaking ito ay magiging asawa niya soon.
Pagdating sa bahay nila sabay na silang bumaba ng kotse.
"Thank you, Enzo,"pasalamat niya. Tumango naman ito sa kanya.
"Pumasok ka muna sa loob," anyaya naman niya.
"Yeah, we need to talk," sagot nito.
"Ah? About what?"
"About our wedding."
Lumakad na ito papasok sa loob ng bahay. Sinalubong naman sila ni Manang Lucing.
"Sir, Enzo andiriyan po pala kayo. Ipaghahanda ko po ba kayo ng hapunan?" Tanong pa ni Manang Lucing kay Enzo.
"Sige po, Manang, dito na po ako mag di-dinner," sagot naman ni Enzo at nagtuloy na sa paglalakad. Nanatili s'yang nakasunod ng tingin sa lalake, na patungo sa library ng bahay.
"Bella,"
"Ah?" Mabilis na inalis ang mga mata kay Enzo at sinulyapan si Manang Lucing.
"Anong gusto mong iluto ko?'
"Kayo na po ang bahala, Manang," sagot niya at mabilis nang lumakad palapit sa hagdan. Iaakyat na muna niya ang mga gamit sa silid at magpapahinga saglit.
Saktong pagpasok sa silid tumunog ang cellphone na nasa bag. Pinatong ang paper bag na may lamang white dress sa malaking kama, saka sinagot ang cellphone. Si Lyca ang tumatawag.
"Lyca, bakit?"
"Bella!" Tili nito na halos magpabingi pa sa kanya. Mabilis na linayo ang cellphone sa tenga.
"I saw you and your stepbrother, Enzo," tili muli nito. Kaya naman nilayo muli ang cellphone.
"Lyca,"
"Nakita kitang sumakay sa sports car niya," kinikilig na sabi nito.
"Anong pakiramdam na nakasakay sa sports car? Anong pakiramdam na katabi mo si Enzo? Nag-usap ka kayo?" Sunud-sunod na tanong ng kaibigan. Inikot niya ang mga mata at naupo sa paanan ng kama.
"Sayang, kung hindi lang ako nagpaiwan saglit, di sana nakasakay din ako sa sports car niya," patuloy ng kaibigan.
"Lyca, bukas na lang tayo mag kwentuhan about kay Enzo ok. May ginagawa pa kasi ako," sabi niya sa kaibigan at nagpaalam na rito.
Dinampot ang paper bag at inilabas ang white dress. Alanganing napangiti. Kawawala lang ng Daddy niya at ng Tita Imelda. Pero heto siya naghahanda na sa kasal niya kay Enzo. Hindi tuloy niya malaman kung ano ang mararamdaman. Dapat ba siyang maging masaya?
Nasa ganoong pag iisip siya ng isang katok mula sa pintuan ang narinig niya.
"Pasok po Manang," sabi niya habang nanatiling nakaupo sa kama at hawak ang white dress.
Isang tikhim mula sa may pintuan ang nagpaangat sa ulo niya. Nagulat siya ng makita si Enzo sa may pintuan. Nakamata ito sa white dress na hawak niya. Mabilis niyang binalik sa paper bag ang damit, saka tumayo binitbit iyon, at naglakad sa may cabinet para itago ang paper bag rito.
Nakakahiyang makita ni Enzo ang damit, baka isipin nito pinaghahandan niya ang kasal nila. Humugot muna siya ng malalim na paghinga, bago muling hinarap ang binata.
"May kailangan ka Enzo?" Pormal na tanong niya.
"We need to talk about our wedding," tugon nito.
"Gusto mo bang pag usapan natin dito sa silid mo?" Tanong pa nito. Mabilis niyang iniling ang ulo.
"Sa Library na lang," sagot niya.