MAGGY smiled inwardly. Naramdaman niya ang paghinto ng kotse ni Austin. Ilang sandali pa ay narinig niya ang tunog na na para bang mula sa binuksang gate. Mayamaya pa ay muling umandar ang sasakyan at muli ring huminto kasabay ng pagpatay ng binata sa makina niyon. Binuksan nito ang pinto sa gawi nito. Narinig niya ang pagbati ng katulong dito na sumalubong sa kanila.
“Pakihanda ang guest room, Esmeralda. Someone will be sleeping there tonight,” puno ng authority na sinabi ni Austin bago narinig ni Maggy ang pagbukas naman ng pinto sa gawi niya.
Nagkunwari pa rin siyang tulog. Bukod sa kanyang anyo, ang husay sa pag-arte ay isa sa mga bagay na namana niya sa kanyang ina. Miyembro siya ng drama club noong kolehiyo. Her mother used to be a theatrical actress. Doon ito nakilala ng kanyang ama, nang magpunta ang grupo ng kanyang ina sa Manila sa kauna-unahang pagkakataon para magtanghal sa isang theater doon ay nagkataong isa ang ama sa mga nanood. Napilit ito ng Tito Roman niya, ang ama ni Clarice, na manood noong kasalukuyan pang nililigawan ng huli si Carla, ang unang pag-ibig ni Benedict.
Dahil alam ni Roman na mababagot lang sa mga ganoong uri ng palabas ay isinama nito roon ang kanyang ama na matalik na kaibigan nito. Simula noon ay hindi na raw tinantanan ng kanyang ama ang kanyang ina. Kumirot ang puso niya sa naalala.
Napakaraming bagay na ipinagkait ng matandang McClennan sa kanila ng kapatid sa nakalipas na halos labing-anim na taon. Kay tagal nilang nagdusa ni Yalena nang dahil lang sa pagiging sakim ni Benedict. Mabuti pa si Clarice, kahit pa bumigay ang katinuan ng ina nito dahil sa mga nangyari noon ay buhay pa rin naman iyon at nakikita nito hindi tulad nila ng kakambal. Sabay na namatay ang mga magulang nila.
Nahinto sa pag-iisip si Maggy nang maramdaman ang maingat na pag-alis ni Austin sa kanyang seat belt. Ilang sandali pa ay binuhat siya papasok sa nahulaan niyang tinutuluyan nito. She tried hard to keep her breathing steady. Pero hirap na hirap siyang gawin iyon dahil langhap na langhap niya ang swabeng amoy ng binata. Damang-dama niya rin ang malalapad at matitigas na dibdib nito, palatandaang alaga sa ehersisyo ang katawan nito. Napatunayan niyang naiiba ito sa mga nerd na lalaking nakilala niya na noon.
Una sa lahat ay elegante pa ring manamit ang binata, mahusay ito kung magdala ng sarili. Kahit banayad ay puno rin ng authority ang boses nito kung magsalita. And he showed pure strength by the way he carried her. Ramdam ni Maggy ang muscles ng binata sa magkabilang braso na para bang kay gaan lang niya kung buhatin nito.
Ang nagpapatunay lang sa mga balitang geek ang binata ay ang salamin nito sa mga mata na lalong nagpamukhang intelihente sa anyo nito. Pati na ang lifestyle nito, malayo sa outgoing pareho na mga kapatid nito. Isa sa mga naibigay sa kanyang bahagi ng research ni Radha ay ang mismong sikat na babasahing pambabae kung saan na-feature ang mga anak ni Benedict halos kalahating taon na ang nakararaan.
According to Alano’s words there, Austin despised loud places, dahilan para bihira umanong sumipot ang huli sa mga mahahalagang pagtitipon na isinasagawa ng kompanya ng mga ito. Bukod din daw sa opisina nito ay ang library ang pinakapaboritong lugar sa mundo ng bunsong kapatid nito.
Ilang sandali pa ay umakyat ang binata sa hagdan at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa pumasok ito sa isang kwarto. Marahang inihiga siya nito sa isang malambot na kutson. Strategy is indeed, the key, naisaloob ni Maggy. Dahil nakapasok na siya sa mansiyon ng mga McClennan nang walang kahirap-hirap. Alam niyang sa bahay na iyon din tumutuloy sina Ansel at Austin. Dati ay naroroon din si Alano pero bumukod ito nang makapag-asawa.
Nagkunwari siyang naalimpungatan nang tangkang bibitiwan na siya ni Austin. Dahan-dahang ibinukas ni Maggy ang kanyang mga mata. Sinikap niyang huwag maapektuhan sa mga matang iyon na para bang mga mata mismo ni Benedict na nakatitig sa kanya.
Focus, Maggy. Focus. Ipinaikot niya ang mga braso sa batok ng nasorpresang binata na kay lapit lang ng mukha sa kanya dahil nananatili pa rin ang isang braso nito sa kanyang likod. Nalanghap niya ang mabangong hininga nito.
“Hello,” aniya sa namamaos pang boses.
“Ah, hi. I’m glad you’re finally…” Para bang tulirong tumikhim ang binata. “Awake.” Inalis ng binata ang braso nito sa kanya. Napatitig ito sa mga labi niya at sunod-sunod na napalunok. “How are you… feeling now?”
A knowing smile appeared on Maggy’s lips. Bahagya niyang iniangat ang katawan, mayamaya ay inabot ang mga natural na mapupulang labi ni Austin at hinalikan. Sandali siyang sinorpresa ng mga labi nito. Ilang beses na rin siyang nahalikan noon ni Levi pero hindi kasinlakas ng epekto ng halik ni Austin. The effect of his lips against hers was… mind-blowing. Naramdaman niya ang pagtugon ng malalambot na labi ng binata nang mukhang nakabawi na ito sa pagkabigla.
Para bang mas nakalalasing pa ang halik ni Austin kaysa sa natikmang alak bago niya ituloy ang plano kanina sa parking area. Nakadadarang ang pagtugon nito pero pinilit niyang panaigin ang lohikal na bahagi ng isip. This was just all part of the plan.
Nang maramdaman niya ang kagustuhan ni Austin na palalimin ang halik ay tumigil na si Maggy. Humiwalay siya rito at ibinagsak ang sarili sa kama at nagpanggap na muling nakatulog. She almost smiled when she heard him grunt.
You like me. You can never deny the fire in your eyes, Austin. Easy prey, aren’t you? Pakiramdam ni Maggy ay ginagabayan siya ng mga namayapang magulang sa kanyang ginagawa dahil walang kahirap-hirap na magtutuloy na siya sa ikalawang antas ng plano.
Whatever you are doing up there, Mom and Dad, thank you. I made it… with flying colors, I think.
“TEASE,” napu-frustrate na bulong ni Austin pagkatapos niyang makitang tulog na bumagsak ang estranghera sa kama. Sunod-sunod na napahugot siya ng malalim na hininga. Ikinuyom niya ang mga kamay para pigilang abutin ang dalaga. The kiss that just happened was probably the sweetest kiss he had ever tasted in his life.
Taglay ng estranghera ang pinakamalalambot at pinakamatatamis na labing natikman niya. Ang alak sa bibig nito ay lalo lang nakadagdag sa kakaibang dating ng halik nito. Pakiramdam niya ay siya ang mas nalasing nang mga sandaling iyon. Kanina lang ay higit pa sa halik sa mga labi ang isinalubong sa kanya ng isa sa mga babaeng sorpresa ng kapatid sa bar pero hindi siya nakaramdam nang ganoon katindi. Hindi tulad ng kasalukuyang nadarama niya para sa tulog na tulog na estranghera.
Hanggang ngayon, pakiramdam ni Austin ay nararamdaman niya pa rin ang mga labi ng dalaga sa kanyang mga labi pati na ang mga braso nitong yumakap sa kanyang leeg. Ilang sandali pa ay bahagyang gumalaw ang dalaga sa kama, patalikod sa gawi niya. Sa ginawa nito ay muling nalantad sa mga mata niya ang malaking bahagi ng mga hita nito. Napalunok siya.
Bago pa kung saan mapunta ang biglang naging malikot na imahinasyon ni Austin ay nagmamadaling lumabas na siya ng kwarto. Nang masalubong ang isa sa mga kasambahay na si Esmeralda ay inutusan niya itong palitan ang amoy-alak na damit ng dalagang bisita. Pero mayamaya ay napakunot-noo siya nang may maalala.
Wala nga palang damit na pambabae sa kanilang mansiyon dahil hindi naman sila nagpapatulog ng babae roon maliban sa Kuya Alano niya noon. Pero walang naiiwang bakas ng mga dinadala nitong bisita. Ang kanyang ina naman ay isang beses pa lang nagpunta roon nang dumating sila mula sa Boston pagkatapos ay sa iba’t ibang safe houses na ito nanatili kasama ang kanyang ama para matutukan ang kalusugan ng huli. Sa kasalukuyan ay nasa Olongapo ang mga ito.
“Kumuha ka na lang ng kahit na anong damit ko sa kwarto na sa tingin mo ay magkakasya sa bisita.” Hindi na pinansin ni Austin ang pagbakas ng curiosity sa mga mata ng kasambahay. Hindi niya maatim na matulog sa hindi komportableng amoy at kasuotan ang dalaga.
Ilang sandali pa ay dumeretso siya sa library at kinuha sa shelf ang hindi niya pa natatapos na basahing libro noong nagdaang gabi. He needed a distraction. And any topographical books were his solution. Ang pagbabasa ang pampalipas oras niya. Pero kahit na ano ang gawin niya ay hindi siya makapag-concentrate.
Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isip ang dalagang bisita sa guest room. Pagkalipas ng ilang minuto ay nadidismayang isinara niya na ang libro at lumabas na roon. It seemed like the library wasn’t his source of solace anymore.
Muling bumalik sa guest room si Austin nang masalubong si Esmeralda, palatandaan na tapos na ito sa ipinagawa niya. Binuksan niya ang pinto ng kwarto. Agad na napangiti siya nang makita ang dalagang suot ang malaking puting T-shirt niya at maluwang dito na pajama niya na ilang beses pang itiniklop ni Esmeralda maipagkasya lang sa dalaga. She looked marvelous in his clothes. Naaaliw na lumapit siya sa kama at dinukot ang cell phone sa bulsa ng kanyang slacks. Kinuhanan niya ng ilang close-up na larawan ang dalaga. Sisiguruhin niyang makukuha ang pangalan at ang ilang impormasyon tungkol dito sa oras na magising na ito.
Despite the slap and the hassles you gave me tonight, woman, I still think that this is one of the best birthdays I ever had. All thanks to your kiss.
“WHAT? Anong oras siya umalis?” sumasakit ang ulong tanong ni Austin kinabukasan. Sa kauna-unahang pagkakataon ay ginusto niyang sigawan ang mga kasambahay. “Bakit hindi n’yo man lang siya pinigilan?”
Mag-aalas-siyete na siya nagising nang umagang iyon dahil madaling-araw na ng dalawin siya ng antok na epekto ng estrangherang nasa ikalawang palapag ng mansiyon. Hindi na ito nawala pa sa kanyang isipan kaya binantayan niya ng ilang oras bago siya nagpunta sa kanyang kwarto. Sa paggising ay umaasa siyang malalaman man lang niya ang pangalan ng dalaga pati na ang contact number nito. Gusto niya itong kilalanin. Gusto niyang makita at makausap ito uli.
But he just lost his chance. Parang bulang naglaho na lang ang estranghera.
“Mag-aalas-singko po ng umaga, Sir,” nakayukong sinabi ni Esmeralda. “Ako lang po ang nakakita sa kanya dahil nasa kusina po ang iba at naghahanda ng almusal. Sinubukan ko naman po siyang pigilan pero nagmamadali po siyang makaalis. Nakahiyaan ko naman na po kayong gisingin dahil nang sumilip ako sa kuwarto n’yo ay tulog na tulog kayo. Hinayaan na po siya ng guard na makalabas. S-sorry po talaga, Sir.”
“Wala man lang ba siyang sinabi o ibinilin sa `yo?”
“Salamat daw po, Sir. Iyon lang po.”
“Wala na?” pagpupumilit pa rin ni Austin. “Iyon na ‘yon? Sigurado ka ba? Baka may sinabi pa siya pero nakalimutan mo lang. Alalahanin mong mabuti, Esmeralda.”
“Iyon lang po talaga, Sir.”
“Heck.” Napahawak si Austin sa kanyang noo mayamaya ay iritadong tinalikuran ang kasambahay. Bumalik siya sa guest room sa pagbabaka-sakaling may naiwan ang estranghera roon na kahit na ano. Pero maliban sa maayos na nakatuping mga damit niya na suot ng dalaga noong nagdaang gabi ay wala na.
Napahugot siya ng marahas na hininga at nagmamadaling nagpunta sa sariling kwarto. Mabilis siyang naligo at nagbihis.
Dumeretso siya sa garahe at mabilis ding iminaniobra ang kanyang sasakyan. Naalerto namang binuksan ng guard ang gate. Pinaharurot niya na ang kotse.
Bumalik si Austin sa bar at dahil maaga pa ay sarado pa iyon kaya nagpunta siya sa parking lot at inikot iyon sa pagbabaka-sakaling bumalik doon ang dalaga dahil alam niyang may kotse ito, palatandaan ang susi na isa sa mga nakita niya sa purse nito pero wala siyang nakita ni anino ng dalaga roon.
What was he thinking? Siyempre kung bumalik man doon ang dalaga ay talagang hindi niya na maaabutan dahil madaling-araw pa ito nang umalis. Bakit niya ba kasi iniwan ang purse ng dalaga sa bedside table sa kwarto nito? Dapat ay itinago niya na muna iyon pansamantala para makasiguro siyang hindi ito tatakas kaagad kinabukasan.
On second thought, malay niya ba namang aalis ang dalaga nang ganoon na lang? Frustrated na nahampas ni Austin ang manibela pagkatapos ay dismayadong nagmaneho na siya papunta sa kanyang opisina. Alas-nuwebe y medya na ng umaga nang makarating siya roon. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na na-late siya sa pagpasok. All because of a woman who did not even bother to leave a single trace about her. Damn it.
Kauupo pa lang ni Austin sa kanyang swivel chair nang walang pasintabing magkasunod na pumasok doon ang dalawang kapatid. Parehong nakangisi ang mga ito. Nag-init ang ulo niya.
“What?” kaagad na singhal niya.
Tumawa si Alano. “Si bunso, nagsusungit na. Late ka na nga, eh. Ikaw pa ang maangas. Ano ba’ng nangyari?” nanunukso ang boses nito, binalewala ang hindi magandang pagsalubong niya. “Natuwa si Nana Cora.” Tukoy nito sa mayordoma sa kanilang mansiyon. “She called me last night. Sa kauna-unahang pagkakataon, may iniuwi ka raw na babae sa bahay.”
“And here I thought you’re gay. Kaya nag-aalala na ako sa `yo, Austin,” panggagatong pa ng nakangisi pa ring si Ansel. “You don’t party. You don’t go to any bar. You don’t drink. You’ve been the epitome of a saint for the past years. Kaya naman proud na proud sa `yo si Mama. Pero lasing daw ang iniuwi mo kagabi sabi ni Nana. At nag-sleepover pa sa bahay. May kalokohan ka rin palang itinatago, bunso. Mag-celebrate tayo. I should have met your girl but I got hooked up at the bar last night. Doon na ko nakatulog.” Napakamot ito sa batok. “Sayang kasi ang sorpresa ni Alano sa `yo kagabi. He paid for them already.” Pilyong ngumiti ito. “Kaya ako na lang ang sumalo. Sinorpresa ko na lang ang sarili ko sa kanila—”
“Shut up!” madilim na ang anyong sinabi ni Austin. “I don’t know that woman, all right? I didn’t even get her name, damn it! Bigla na lang siyang naglaho na parang bula kaninang madaling-araw.”
“And so the nerd can curse,” amused na sinabi ni Alano. “Gusto mo ba siya?”
Marahas na napabuntong-hininga si Austin. “Gusto ko siya. Gustong-gusto. Being with her last night seemed a lot better than staying here. Watching her sleep was so much better than watching Nat-Geo.” Problemado pa ring naihilamos niya ang palad sa mukha. “I like her… wild, drunk, tease, and all that.”