Rechel POV.
Matigas ang aura ng lalaking nakahawak ng mahigpit sa pulsuhan ko na tila ba ayaw ako nitong mawala sa paningin.
Walang imik na nakasunod akong naglalakad kasama nito hanggang sa makalabas ako bahay na pinagdalhan sa akin. Hindi ko masasabing bahay nga ito dahil sa laki at sukat nito ay malayong-malayo sa sukat ng bahay na kinalakhan ko.
Hindi ko pa rin na-absorb sa utak ko ang lahat. Magulo pa ang bawat detalyeng natanggap ko at lalong nag-aalala ako sa mama at mga kapatid ko. Hindi ko kasi alam kung anong nangyari sa mga ito matapos kong makita na nabaril si mama at bumagsak sa sahig.
Kahit nanlalabo ang paningin ko kagabi sigurado ako sa nakita ko. Panay ang dasal ko na sana sa mga oras na ito ay ligtas ang pamilya ko. Saka ko na aalamin ang katotohanan sa likod ng bawat impormasyon na narinig ko, kapag alam ko na ligtas sila.
"Get in," sabi ng lalaking kasama ko matapos buksan ang pintuan ng sasakyan.
Hindi agad ako nakasagot at makakilos, kinakabahan kasi ako. Isa rin kasi siyang estranghero sa akin at kahit na pakiramdam ko ligtas akong kasama ito ay may pag-aalinlangan pa rin akong nadarama.
Lalaki ito at mukhang may sinabi din sa buhay ayon na rin kung paano ito kumilos at magsalita. Nagsusumigaw ang malakas na awra ng kapangyarihan dito. He talk like his have a full control and authority sa mga bagay-bagay na kahit sina Tita Laura ay walang kakayahang pigilan ito ng walang pasabing pumasok ito sa tila opisinang pinagdalhan sa akin.
"I said, get in o baka naman gusto mong buhatin pa kita?" mukhang walang pasensya na tanong nito.
Mabilis akong pumasok sa takot na gawin nga nito ang banta. Akala ko ay uupo ito sa harap pero nagulat ako ng tumabi ito ng upo sa akin sa backset matapos pumasok sa loob ng magarang sasakyan.
May driver pala kasi itong kasama na naghihintay sa loob at hinihintay lamang kaming makasakay bago nito pinaandar ang sasakyan.
Malinaw na nakita ng mga mata ko kung gaano kalawak ang lugar at maging ang driveway bago kami tuluyang nakalabas sa lugar na 'yon.
"Don't worry, sa pagbalik mo sa lugar na 'yon wala ng hadlang para makuha mo ang nararapat na para sa'yo," sabi nito habang ang mga mata ay nakatutok sa labas.
"Sino ka at anong kaugnayan mo sa akin?" derechong tanong ko. Marami kasing tanong sa isip ko at alam ko na tanging siya lang sa ngayon ang makakapag bigay ng kasagutan.
Sa tingin ko kasi base sa nangyari kanina marami siyang alam na hindi ko alam. Nabuhay ako sa poder ni mama na walang kahit anong ideya ng pagkatao ko dahil wala naman akong nakitang kahit ano na nagsasabing iba ako sa mga ito.
Oo nga at napapansin ang pagkakaiba ng mga kulay namin ng kapatid ko maging ng physical na itsura namin. Akala ko normal lang 'yon kaya hindi ko binigyan ng pansin pero ngayon na nangyari ito ay malinaw sa akin ang lahat.
Kaya pala iba ako sa kanila, kaya pala…
Pumasok ang magarang sasakyan na sinasakyan ko sa isa na namang malaki at magarang bahay. Kung hindi ako nagkakamali ay bahay ito ng lalaking kasama ko dahil lahat ng taong nakita at nakasalubong namin at bumati dito na hindi man lamang nito binigyan ng pansin na sagutin.
Bukod pala sa malakas na aura ng kapangyarihan at arogante din ang isang ito. Hindi ko tuloy maiwasang hindi maawa sa mga kasama nito dito sa bahay dahil kung ganito ang trato nito sa mga kasama ay mukhang wala din itong pinagkaiba sa mapagmataas ng nakilala kong si Tita Laura.
"Magandang gabi po Master," bati ng may edad na babaeng naka-uniform ng puti.
"Magandang gabi po Miss," bati rin sa akin ng bumaling ito na ginantihan ko ng ngiti.
"She's Rechel, my fiance. Ayaw kong may malalaman akong hindi ninyo siya trinato ng tama. Simula ngayon dito na siya titira," malakas na sabi nito na sinagot naman ng yes master ng lahat ng taong nakapaligid sa amin.
"Nakahanda na po ang pagkain master," sabi ulit ng babaeng ngayon ay alam ko ng mayordoma pala ng bahay na ito.
"Follow me," sabi nito na naglalakad papunta sa kung saan.
Dahil gutom ako ay sumabay akong kumain dito kahit pa nag-aalangan ako dahil panay ang sulyap ng lalaking hindi ko alam ang pangalan pero sinasabing fiance ako nito.
Kahit nahihiya ay binilisan kong kumain dahil mas lalo akong kinakabahan na malapit ito sa akin at nasa akin ang atensyon nito habang kumakain.
"Simula ngayon masanay ka ng kasabay mo akong kumain," sabi nito matapos kong maubos ang laman ng plato ko at makainom ng tubig.
"Dito ka na rin titira kasama ko. Nasa tamang edad ka na kaya pwede na tayong magpakasal ano mang oras. Kung tapos ka na sumama ka sa opisina ko at mag-uusap tayo. Doon sasagutin ko ang lahat ng tanong mo," sabi nito saka tumayo na halos hindi pala nagalaw ang pagkaing nasa harap nito.
Isang magarang opisina din ang napasukan ko, indikasyon na mayaman talaga ito. Naupo ako katabi nito ng ituro nito ang bakanteng pwesto sa tabi nito.
"First, let me introduce myself. I'm Daniel Monteverde. Gaya ng sabi ko kanina ako ang fiance mo at magpapakasal tayo soon. Isa itong kasunduan ng mga magulang natin bago namatay ang mga magulang mo sa isang aksidente labing walong taon na ang nakakaraan. Nasaksihan ni Aling Marta kung paano pinatay ang mga magulang mo kaya itinakas ka niya para iligtas sa mga taong gustong kunin ang kayamanan ng pamilya mo. Mga taong pinagtangkaan ang buhay mo.
Huli na ng makarating sa amin ang balitang 'yon. Wala ka na ng makarating si daddy at patay na rin ang mga magulang mo. Alam namin na si Laura ang may kagagawan pero wala kaming matibay na ebidensya dahil malinis ang ginawa nitong pagpatay sa pamilya mo. Hinanap ka namin ni daddy, pero ilang taon na rin ang nakalipas at iba na ang itinuturing mong pamilya ng matagpuan kita. Bago namatay si daddy ay hiniling n'ya sa akin na tuparin ko ang kasunduan sa oras na dumating ang ika dalawampu't isa mong kaarawan.
Nahuli ako ng dating sa bahay n'yo at naunahan ako ni Laura at ni Rodrigo kaya nakuha ka nila para mapapirma sa mga dokumento na nagsasabing ibinigay mo sa kanila ang lahat ng karapatan sa ari-arian at kayamanan ng pamilya Hernandez."
Awang ang labi ko sa mga narinig ko. Hindi ako makapaniwala na may ganitong mga bagay na nakatago sa pagkatao ko.
"Si mama, nakita ko na binaril nila si mama bago ako nawalan ng ulirat kagabi," halos pabulong na sabi ko.
"I'm sorry, she died. Wala na siyang buhay ng datnan ko para sana magpakilala sa'yo at samahan ka sa birthday celebration mo. Sana dumating ako ng mas maaga, sana mailigtas ko pa siya. Sana buhay pa siya ngayon," malungkot sa sabi nito.
Napaiyak ako sa narinig ko. Alam ko na nagsasabi siya ng totoo dahil kita ko ang katotohanan sa mga mata nito. Malinaw din kasi sa alaala ko ang huling tagpo bago ako nawalan ng malay kagabi.