Rechel POV
Nagising akong masakit ang ulo at nakahiga sa ibabaw ng malambot na kama. Pupungas-pungas akong bumangon para tingnan ang paligid para lamang magulat na nasa loob ako ng silid na puro karangyaan ang nakikita.
Kahit nahihilo at masakit ang ulo ay pinilit kong tumayo papunta sa pintuan. Kailangan kong makalabas at makaalis dito. Malinaw pa sa ala-ala ko kung paanong bumagsak ang aking ina sa sahig matapos ang malakas na putok ng baril na hindi ko malaman kung saan nanggaling.
"I'm glad you're awake now," sabi ng isang mukhang aristokratang babaeng nabungaran ko ng mabuksan ko ang pintuan.
Hindi ko inaakalang may tao dito lalo pa at tahimik naman kanina. Mataman itong nakatingin sa akin habang nakataas ang isang perpektong kilay.
"Sino po kayo?" naguguluhan na tanong ko.
Hindi ko kasi alam kung bakit narito ako at sino ang isang ito sa harap ko. Lumaki akong walang ibang kilalang kapamilya maliban kina mama at sa mga nakababatang kapatid ko.
Ulila na umano si mama habang hindi na namin nakilala ang mga kapamilya ni papa. Nasa probinsya umano ang mga ito at hindi na nagawang i-uwi ni papa si mama para ipakilala sa pamilya dahil sa kahirapan.
"Ako ang kapatid ng daddy mo. Call me tita Laura," seryoso na sabi nito na tila ba napakamahal ng ngiti sa mga labi.
Maang akong napatingin dito. Kung ganon ay mayaman pala ang father side ko. Napakunot noo ako sa naisip. Bakit ako lang ang isinama ng mga kumuha sa akin bakit hindi kasama ang mga kapatid ko?
"Pasok po kayo," ang tanging nasabi ko dahil pareho kaming nakatayo sa pintuan.
Tumaas lang lalo ang kilay nito saka ako inirapan.
"Hindi ko kailangan na makipag-plastikan sa'yo. Mag-ayos ka at sumunod ka dito kay Patring pababa. May bisita tayo at kailangan kita soon," mataray na sabi nito saka tumalikod.
Maang na pinanood ko ang bawat hakbang nito palayo hanggang mawala sa paningin ko.
"Sige na anak mag-ayos ka na at nariyan na si atty. Sebastian sa baba," malumanay na sabi nito.
Lutang ang isip na sumunod ako dito. Hindi pa rin kasi mag-function ng maayos ang utak ko at hindi pa rin tuluyang nag-reflect sa akin kung ano nga ba ang napasukan ko o ano ba ang ibig sabihin ng lahat ng ito.
Maraming taong sa isip ko, gusto ko na magtanong ngunit kanino?
Dahil wala rin naman akong makuhang kasagutan sa apat na sulok ng silid na kinalalagyan ko ay minabuti ko na maghilamos at nag-toothbrush.
Hindi na ako nagpalit ng damit dahil hindi ko rin naman alam kung may damit nga ba akong magagamit. Tanging ang damit na ipinang-tulog ko ang siya paring suot ko.
Maluwang at malaki ang bahay, halatang bahay ng mga taong may sinabi sa buhay.
Napasukan ko ang isang matandang lalaki kaharap ang babaeng nagpakilalang Laura at ang lalaking kumuha sa akin sa bahay namin kagabi.
Seryoso at tahimik ang lahat kaya naman nakatayo lamang ako ng parang tood sa harap ng mga ito at hindi malaman ang gagawin.
"Maupo ka hija," sabi ng matandang lalaking kaharap nina tita Laura.
Tumango ako at mabilis na na-upo habang malakas ang tahip ng kaba sa dibdib.
"I'm Atty. Sebastian ang abogado ng pamilya n'yo," pakilala nito.
"Siguro nagtataka ka hija kung bakit narito ka sa harap namin ngayon. Pinahanap talaga kita dahil ito na ang tamang panahon para hawakan mo ang lahat ng ari-arian at kayamanan ng iyong pamilya. Bilang nag-iisang tagapagmana ni Don Reynulfo Hernandez ay tanging ikaw lamang ang may karapatan sa naiwan nitong ari-arian. Ayon sa testamento na iniwan ng mga magulang mo, sa edad na twenty-one ay ililipat sa'yo ang lahat ng karapatan," mahabang paliwanag nito.
Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa mga tao sa harap ko. Hindi ako makapaniwala na may ganitong kayamanang iniwan sa akin matapos i-abot sa akin ang isang puting folder kung saan nakalagay ang lahat ng legal na dokumento.
"Atty. baka nagkakamali lang po kayo. Hindi ko po kilala ang sinasabi mong pangalan at hindi po Hernandez ang family name ko kun'di Custan."
Isang pagak na tawa ang narinig ko mula sa nagpakilalang si Tita Laura.
"Of course hindi mo nagamit ang family name namin dahil itinago ka ng kabit na katulong ni kuya. Itinago ka niya sa amin sa pag-aakalang kapag sumapit ka na sa tamang edad ay makukuha niya ang kayamanang matagal na niyang inaasam na ibibigay ni kuya. Malas n'ya na hindi nangyari ang plano n'ya dahil hindi ko hahayaang may ibang makinabang sa pera na pinaghirapan ng mga magulang namin. Para sa tunay at totoong Hernandez lamang ang yaman ng pamilya."
Hindi ako makapagsalita sa narinig. Hindi kasi ako makapaniwala na gano'n si mama. Pinalaki ako nito ng pagmamahal at binusog ng maraming pangaral kahit pa salat kami sa buhay.
"Hindi totoo 'yan! Hindi magagawa ni mama ang mga sinasabi mo!" mariing sabi ko.
Hindi ko papayagan na dungisan nila ang pagkatao ng aking ina sa harap ko.
"Bakit hindi ba sinabi ng kinikilala mong ina ang totoo? Bakit hindi mo ba alam na hindi ka niya anak at inari ka lamang anak matapos kang itakas dito sa mansyon sa pag-aakalang makukuha niya ang kayamanan ng pamilya ko kapag nasa tamang edad ka na?" mataray na sagot ni Tita Laura.
Napailing ako.
"Hindi, hindi totoo 'yan!" tanggi ko. Hanggang sa mga oras na ito kasi hindi ko pa rin matanggap ang sinasabi at bintang ng mga ito laban sa aking ina. Ina na kinalakihan ko na nag-alaga at nagpalaki sa akin. Hindi matanggap ng isip ko ang masasakit na salitang ibinato nila kay mama.
"Hija, totoo ang sinasabi ng Tita Laura mo. Hindi mo siya tunay na ina, siya lamang ang nagpalaki sa iyo pero nasa dugo mo ang pagiging Hernandez. Isa kang Hernandez at hindi natin maaaring baguhin 'yon," mahinahong paliwanag ng attorney na nasa harap ko.
"Tama na ang usapan, tapusin na natin ito attorney at marami pa kaming gagawin. Sign the documents Rechel," sabi ng lalaking kumuha sa akin sa bahay na ni hindi ko alam ang pangalan.
Babasahin ko pa sana ang mga papel na hawak ko ng mabilis na inilagay ni Tita Laura sa kamay ko ang ballpen na nasa center table.
"Sign! Don't waste more of our time," tila inis na sabi nito.
Akmang piperma ako ng biglang bumukas ang pinto.
Lahat kami napalingon sa marahas na pagbukas nito at tumambad sa harap namin ang seryosong mukha ng lalaking matalim na nakatingin sa amin, particular sa mga taong kasama ko sa silid.
"Anong ibig sabihin ng lahat ng ito?" galit na tanong nito.
Napatingin ako sa ginawang paghakbang nito palapit sa amin. Nagtataka ako kung sino na naman ang isang ito at ano ang kaugnayan sa akin. Bakit tila takot ang mga taong kanina lang akala mo ay sila ang batas sa paraan ng pagkausap sa akin na dapat kong sundin ang lahat ng kanilang sasabihin.
"Rechel won't sign that without my knowledge and both of you knows that very well, but still you try to do it behind my back. It won't happened!" malakas na sabi nito habang matalim na nakatingin sa mga kaharap ko.
"Alam ko ang plano mo Mr. Monteverde. Hindi mo makukuha ang pera at kayaman ng pamilya ko!" ganting sigaw ni Tita Laura.
May pumasok na mga lalaki sa kwarto at agad na tinutukan ng baril ang lalaking pumasok kani-kanina lang.
Ni hindi ko ito nakitaan ng takot at ngumisi lang sa harap namin saka umiling.
"She's mine, mine alone. Kung anong meron s'ya ay akin din. Now kung hindi ito malinaw sa inyo wala na akong magagawa. Bata pa lang si Rechel ipinagkasundo na kami at anuman ang mangyari wala kayong magagawa para baguhin ang kasunduan. Wala kang kayamanang dapat asamin dahil walang kayaman na para sa'yo Laura. Wala kang pagmamay-ari dahil ikaw, alam mo sa sarili mo na hindi ka totoong Hernandez," matigas na sabi nito saka hinawakan ang pulsuhan ko at hinatak akong palabas ng silid.
Walang lingon-likod na sumama ako dito na hindi ko alam kung anong pangalan nito.
Sa puso ko alam ko na safe ako. Safe sa mga taong pera at kayaman lang ang habol sa akin. Sana hindi ako magkamali ng sumama at magtiwala dito.